Share

Chapter Twenty Nine

"I think we lost them. Just keep on driving, we can get out of this cornfield. There's a plain at the back of this field, when we get there we can escape through the narrow road and get to my house."

Ngunit iba ang kinahinatnan sa inaasahan ni Eugene. Pagkalabas na pagkalabas nila sa maisan ay agad na sumalubong ang siyam na mga kalalakihan at nakatutok ang baril sa kanilang sasakyan. 

Mahilo-hilo si Vodka nang tumama ang kanyang ulo sa steering wheel nang bigla niyang apakan ang preno. Pareho silang walang suot na seatbelt ni Eugene, mabuti na lang at nakahawak ito sa gilid ng sasakyan kung 'di ay nasubsob na sa dashboard.

"Are you okay?" Eugene checked on Vodka. There's a concussion on her forehead but it wasn't that serious though it made Vodka dizzy. 

She groaned and touched that throbbing part of her head. Vodka started to panic when she saw the men surrounding them, there's no escape for them. "What do we do?"

"Stay here!" mariing utos ni Eugene sa dalaga. 

"No!" Sinubukang pigilan ni Vodka sa braso ang binata ngunit nakalabas na ito mula sa sasakyan. Pinanood niya si Eugene na humakbang palapit sa mga lalaki, ibinagsak ang baril sa lupa at itinaas ang dalawang kamay. 

Hindi siya nakinig sa bilin nito at lumabas pa rin. Kasabay ng pag-apak ng kanyang mga paa sa lupa ay ang dalawang putok ng baril na sinabayan din ng kanyang sigaw. "No! Stop! Please stop!" 

Napatakbo si Vodka sa kinaroroonan ni Eugene na nakaluhod na ngayon sa madamong lupa at nakahawak sa tinamaang hita at dibdib. 

"You're really stubborn!" nagawa pang sabihin ni Eugene sa kanya habang nagtatagis ang mga bagang dahil sa pagsalakay ng sakit sa katawan. 

"My god, oh my god!" Lumuhod din si Vodka upang daluhan ito ngunit hindi niya alam kung ano ang hahawakan. She started to cry in fear, not for her life, but for him. 

Napasinghap si Vodka nang biglang may humablot sa kanyang buhok at hilahin siya patayo. Nagpumiglas siya ngunit hindi siya nito binitawan at lalo lang humigpit ang pagkakadaklot sa kanyang buhok na halos mabunot na mula sa kanyang anit. 

"L-let go of her..." ang walang lakas na sigaw ni Eugene. Lumapit ang isa pang lalaki sa kanya at kinapkapan siya. Nang hindi makita ang hinahanap ay inapakan nito ang sugat niya sa hita at diniinan. Eugene screamed in pain. 

"Stop it! Stop!" 

"Tumahimik ka!" sigaw ng lalaking may hawak kay Vodka at buong lakas na sinampal ito.

Nabaling ang mukha ni Vodka pakaliwa kasabay niyon ay nalasahan niya ang dugo sa kanyang bibig. Marahas na kinapkapan siya ng lalaki na tila ba may hinahanap ngunit nang walang mahanap ay pasalampak na binitawan dahilan upang mapasubsob siya sa mga damo. Kahit nanghihina ay gumapang si Vodka patungo sa kinaroroonan ni Eugene. 

"Halughugin niyo ang sasakyan!" utos ni Russo sa mga tauhan nang walang mahanap ang mga ito sa dalawa. Humakbang ito patungo sa dalawang nakalugmok sa lupa ngunit biglang natigilan nang mula sa nagtataasang maisan ay sumulpot ang isang motorsiklo at agad na nagpaulan ng mga putok ang sakay niyon. 

Kaagad na nahigit ni Eugene si Vodka padapa nang gumanti ng putok ang kabilang panig. Nawala ang atensiyon ng mga lalaki sa kanila kaya nagawa nilang makagapang palayo sa mga ito kahit papaano. 

"Ahh!" Napaigik si Eugene nang subukan niyang tumayo dahil sa sakit ng kanyang hita. Halos hindi na niya maramdaman ang kanyang kaliwang paa. Inilalayan ito ni Vodka at sabay silang tumakbo palayo sa mga nagpapalitan ng putok. 

Napasigaw si Vodka nang maramdaman ang paghagip ng bala malapit sa kanyang tainga. Humapdi ang dulo niyon ngunit hindi niya pinansin at patuloy sa pagtakbo habang nakaalalay kay Eugene. Pinapapaputukan na rin sila ng mga kalaban. 

"Get out of here!" sigaw ni Felix sa dalawa at patuloy sa pagbaril sa mga kalaban. Maging si Scarlet na nasa manibela ay may hawak na baril ang isang kamay. 

There's no way Vodka and Eugene can get out of there. They were outnumbered and Eugene was injured but a red two-seater Chevrolet Corvette appeared out of nowhere. Patungo ang sports car sa kanilang direksiyon at nang makalapit ay humarang sa kanilang katawan upang hindi sila matamaan ng bala. Bumukas ang pinto sa may passenger's seat at agad na pumailanlang ang sigaw ni Jasper na nakayuko upang hindi mataan ng balang tumatama sa sasakyan. "Hurry!"

Sandali lang ang pagkagulat ni Vodka at tinulungan si Eugene na makasakay sa loob. Agad namang pinatakbo ni Jasper ang sasakyan paalis nang makasakay silang pareho. Mula sa rearview mirror ay nakita ni Vodka ang ginawang pagtakas nila Felix at Scarlet at tinalunton ang kakahuyan. 

Mabilis ang pagpapatakbo ni Jasper sa patag at ginamit ang makitid na daan sa gilid ng taniman ng mais at muling sumampa sa highway. Humahabol na sa kanila ang mga lalaking gusto silang patayin ngunit malayo layo ang distansiya ng mga ito dahil sa mahusay na pagpapatakbo ni Jasper. Tinawid nito ang median strip upang magmaneho sa tamang lane papasok sa lungsod. Doon lang naalala ni Vodka si Eugene, agad siyang umalis mula sa pagkakaupo sa hita nito. 

Hindi niya alintana na nauuntog na siya sa bubong at tumatama ang kanyang katawan sa dashboard at pinto. Hinarap niya ang binata at napasinghap ng makitang wala itong malay. "Faster, Jasper. Oh god! Don't die on me, Eugene! Don't you dare!" 

Vodka cried while putting pressure on his wound, particularly on the gunshot wound on his chest. 

KUNG PAANO nalang ipinarada ni Jasper ang sasakyan sa labas ng Lorenzano Medical Center at magkatulong na inilabas nila ni Vodka si Eugene mula sa sasakyan.

"Kuya Gin! Oh god, what happened?" agad na salubong ni Tammy nang makita ang duguang kapatid na dinala ng dalawa sa ER. Agad siyang nanghingi ng stretcher at tiningnan ang kapatid, dinama niya ang pulso nito, hindi siya makahinga ng maluwag kahit na nararamdaman pa niya ang pintig niyon. "Page Kuya Matthew and the doctors in cardio, hurry!" utos ng doktor sa staff nurse na agad na tumalima.

Kumuha ng gunting si Tammy at pinunit ang damit ng kapatid upang matingnan ang mga sugat nito. Luckily, the bullet on his chest didn't hit his heart, she wasn't sure though if it didn't hit a nerve. Agad ding dumating si Matthew, isang cardiologist at isa pang general surgeon at sinuri si Eugene.

Nanonood lang si Vodka sa mga pangyayaring iyon habang nagkukumahog ang mga doktor. Walang tigil sa pag-ampat ang mga luha mula sa kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang katawan. Bago pa siya bumagsak ay agad siyang nahawakan ni Jasper na kagaya niya ay nag-aalala rin.

"Eugene," Vodka whispered before losing consciousness.

PAGMULAT NI Vodka ng mga mata ay agad na sumalubong sa kanya si Tammy na bahagyang ngumiti nang makita siyang gising na. "W-where's he?" she asked in a hoarse voice. She was about to cry again when Tammy's smile became wider.

"He made it, he's safe now."

"I want to see him." Akma siyang tatayo nang pigilan siya ng doktor.

"He'll be here any minute. Just wait for him here, he's fine. Knowing Kuya Eugene, he won't die just like that and Kuya Matthew won't let him, we won't let him."

Nakahinga lang ng maluwag si Vodka nang marinig ang kasiguraduhan sa boses nito. Eugene came from a family of doctors and she was certain they will move heaven and earth to save him. And Tammy said her brother was safe, she believed her.

Umupo siya sa kama kasabay ng pagdama sa tainga nang maramdaman ang hapdi doon at nakabenda. Naalala niyang nahagip iyon ng bala ng baril. Maging ang kanyang pisngi at anit ay nananakit ngunit tinalo ng sakit ng katawan ang pag-aalalang nararamdaman niya.

"How long have I been asleep?"

"Ten hours."

Tumango si Vodka kahit na hindi siya makapaniwala na matagal siyang nakatulog. Sabay silang napatingin sa direksiyon ng pinto nang pumasok doon ang kanyang kapatid at si Jasper. Tahimik na umusal siya ng dasal dahil ligtas ang nakakatandang kapatid, bagaman ay may cast ito sa balikat at bahagyang umiika ang kanang paa. Lumapit ito sa kanya at hinalikan ang kanyang noo, kapagkuwan ay sandaling idinikit ang noo sa kanya.

"Thank God you're alive," Vodka muttered. He was the only family she left and she couldn't afford to lose him.

"This will never happen if you stayed in Bogota."

Napabuntung-hininga lang si Vodka at hinalikan ang pisngi ng kapatid bago ito umayos ng upo sa ibabaw ng kanyang kama.

"I'll go check on Kuya Gin."

"Thank you." Pinanood ni Vodka ang paglabas ng doktora bago binalingan si Jasper na nakaupo at nakasandal sa ibabaw ng sofa. "How did you get there?"

"I was hiking in the mountain when I saw Eugene's car on the road from there. I hurried back to my house and when I heard the gunshots, I know where you are."

"Thank you," Vodka said sincerely.

"I don't know what's happening but you and Eugene are my friends. I'll help when I can."

"But your car." She remembered his expensive car. She was sure that it was grazed with bullets. She had Martini before it exploded and she loved her car like a lover, she knew that was also the case for Jasper, and he's a former racer.

"I have spares," he answered and smiled reassuringly. "Don't mind it."

Muling nagpasalamat si Vodka rito at muling binalingan ang kapatid nang may maalala. "Where's Scarlet? What happened?"

"She's fine, that mysterious woman can handle herself. She's checking on Isabella." A faint smile formed on Felix's lips when she remembered Scarlet. When his car turned upside down, she hurried to him and get him out of the car. She also drives like the wind and shoots like a maven.

"I'm glad."

Halos isang oras ang hinintay ni Vodka kasama ang dalawang lalaki nang ipasok ni Matthew kasama ng isang staff nurse ang stretcher na kinahihigaan ni Eugene, kapagkuwan ay inilipat ang walang malay na binata sa isa pang kama na katabi ng sa kanya.

Nanubig ang mga mata ni Vodka habang nakatingin sa mukha ni Eugene na nakabaling sa kanyang direksiyon. Inabot niya ang kamay nito at pinaghumpong ang kanilang mga palad.

She felt his grip on her tightened and the next moment, his eyes snapped open.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status