Rhianelle Angeles is engaged at such a young age to someone she's never even met and only known him by his name Jared Yael Simonne, when she reached the age of eighteen they got married, they were doing good as a married couple but Rhia felt like everything in her life had been controlled and planned ever since she was young; she felt suffocated and realized that she wanted something more for herself without the help of anyone; she needs a fresh start, and for her to do so, she had to leave everything behind, including Jay. Five years passed and they met again. Will there be room for a second chance in their love story?
view moreRhia
PUMASOK ako sa pintuan ng kwarto, kahit pa kinakabahan ako at parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng dagundung nito. Kailangan ko siyang harapin, kailangan kong sabihin ang mga bagay na gusto ko dahil baka hindi na ako magkaroon pa ulit ng pagkakataon na sabihin ito sa kanya.
"Jay please mag-usap tayo." tumingin siya sa akin ng matalim, magulo ang kanyang suot at buhok, kanina pa niya ako itinataboy pero nandito pa rin ako.
Yumuko siya at ginulo rin ang buhok niya, umupo sa siya sa ibabaw ng lamesa na naroroon, "Ano pa bang gusto mong pagusapan Rhia?"
"Pakinggan mo lang ako please, Jay." bumuntong hininga siya sabay hinilot ang sintido niya.
"Putangina Rhia!" nagulat ako ng ihagis niya ang isang baso na may lamang alak sa pader. "Ilang taon ba Rhia? Halos 5 years di ba?"
Ang taas na ng boses niya, parang gustong gusto niya akong saktan pero pinipigilan lang niya ang sarili. "Fucking five long years!”
Tumalikod siya saglit at sinuntok ang lamesa na para bang ako yun, alam kong para sa akin yun, nasasaktan ako na nakikita siyang ganito ngayon pero ako rin naman ang may kasalanan ng lahat, hindi madali na patawarin ang isang kagaya ko pero ginugusto ko pa ring humingi ng tawad sa kanya.
"Five long years Rhia pero ni minsan ba tinext mo ako? Kinumusta man lang ba? Ni tumawag ka ba kahit isang beses sa loob ng limang taon na yun? Hindi di ba? Sa limang taon na yun naisip mo man lang ba ako?"
"Naisip kita Jay, lagi kitang iniisip kahit nung nandun ako sa Paris, maniwala ka naman sa a-"
"Fuck you and your lies Ria!" idinuro niya ang mukha ko, hindi ko na mapigilan ang mapaluha sa sakit ng mga salitang ibinabato niya sa akin pero alam ko walang mas sasakit sa nagawa ko sa kanya noon.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, umalis ka na dahil baka masaktan pa kita," nakita ko ang pagkagat niya sa labi niya na parang nagpipigil ng galit.
Muli niya akong tinalikuran pero yumakap ako. "Jay please forgive me, please, makinig ka naman sa akin Jay, minahal kita noon, mahal pa rin kita ngayon kaya nandito ako."
Pilit niyang tinatanggal yung mga kamay ko pero gusto ko pa ring yumakap sa kanya, wala akong pakialam kung saktan o ipagtabuyan niya ako, alam kong mahal pa rin niya ako pero galit siya, galit lang siya.
Tumawa siya ng mapakla. "Minahal Rhia? Sa tingin mo bakit ko paniniwalaan yan? Sino ba ang nang-iwan? Ako ba? Sino bang halos gumulong sa kalye sa pangungulila at pagkalungkot? Ikaw ba?"
Nanghihina na ako, siguro dahil sa pag-iyak kaya nagawa na niyang kalasin ang kamay ko na kanina lang ay nakayakap sa kanya, itinulak niya ako kaya tumama ang likod ko sa pinto, nasaktan ako pero hindi nun matutumbasan ang sakit na nararamdaman ko sa kaloooban ko.
Humarap siya at muli akong dinuro. "Ikaw ba Ria ha?"
Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya, hahayaan ko muna siyang ibuhos lahat ng galit niya sa akin dahil baka mamaya lang ay humupa na yun, baka maya-maya lang ay huminahon na siya.
Isinalya niya akong muli sa pinto at hinawakan sa magkabilang balikat, madiin ang pagkakahawak niya na parang pinipiga ang balikat ko sa sakit pero tinitiis ko lang ito.
I deserve this, I deserve to be treated this way.
"Jay..." mahinahong tawag ko sa pangalan niya, inabot ng kanang kamay ko ang mukha niyang nakayuko, doon ko narealized na umiiyak siya, tahimik siyang umiiyak.
"Bakit mo ginawa sakin yun Rhia? Sa'yo umikot ang mundo ko, minahal naman kita ng buong-buo, minahal kita higit pa sa kahit anong bagay na kayo kong ibigay, kulang pa rin ba yun sa'yo?" umiling-iling ako bilang pagsagot, parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko nang mga oras na ito at hindi ko magawang makapagsalita.
"Hindi madaling ibigay ang hinihingi mo, hindi ikaw ang iniwan, hindi ikaw ang naghintay, umasa at itinaboy, hindi ikaw Rhia, sa loob ng limang taon hindi ikaw ang nagdusa sa sakit." humihinga na siyang malalim habang sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Hindi ikaw Rhia, kaya huwag kang umasa na agad-agad mapapatawad kita, hindi ganun kadaling burahin yung limang taon na sakit na ibinigay mo sakin."
Tumango-tango ako sa kanya, lumalambot na rin ang pagkakahawak niya sa dalawang balikat ko kaya agad ko siyang niyakap.
"Sorry Jay, sorry," iyak lang ako ng iyak habang siya ay nakatayo lang at ang mukha ay nakasiksik sa kaliwang bahagi ng aking leeg. Tahimik pa rin siyang umiiyak.
"Alam ko kasalanan ko, alam ko nasaktan kita ng sobra, alam ko ayaw mo ng maniwala sa lahat ng sasabihin ko kasi tingin mo kasinungalingan lang lahat." Tuloy-tuloy lang ako sa pagluha, "Pero Jay sa maniwala ka man o sa hindi, totoong minahal kita at hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko."
"Umalis ka na Rhia," sabi niya habang kinakalas ang pagkakayakap ko sa kanya.
"No! Pakinggan mo muna ako Jay! Hindi lang ikaw ang nagdusa, namimiss kita pero ayokong tawagan ka dahil iniisip kong baka hindi mo lang tanggapin yun, baka babaan mo lang ako ng phone pag nalaman mong ako yun, Jay napakabata ko pa noon, hindi pa ako handang maging asawa mo, may mga pangarap pa ako nun, naguguluhan at nalilito ako sa buhay kaya nagawa ko yun but please Jay gagawin ko ang lahat tanggapin mo lang ako ulit."
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tumitig sa kanyang mga mata, ayaw niyang tumingin sa akin at pilit tinatanggal ang mga kamay ko.
"Go away Rhia, you are five years too late para magpaliwanag pa, I'm over you, hindi na kita mahal."
"No! Alam ko, nararamdaman ko mahal mo pa ako, Jay parang awa mo na, ayusin natin ito, please."
"No! Get out!" tinatapik niya ang kamay ko paalis sa mukha niya. "Rhia ano ba? hindi ka ba makaintindi? Ayoko na! Wala na tayong dapat pang pag-usapan."
"Hindi! Hindi pwede!" niyakap ko siyang muli. "Alam ko maaayos pa ito, alam kong magiging okay tayo basta kasama kita, basta ayusin natin ito."
"You're pathetic," humarap ako sa kanyang mukha at pilit na pinapaharap siya sa akin, I can lose everything but not him, hindi ko na kayang siya ang mawala ulit, siguro nga gaga ako dahil noon hindi siya ang pinili ko pero ngayon handa na ako. Nang sa wakas ay humarap na siya sa akin ay bigla kong siniil ng halik ang kanyang labi. "Jay, I love you."
"Stop this Rhia," bulong niya pero patuloy lang ako sa paghalik at maya-maya lang ay tumugon na siya. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko at ang pagbuhat niya sa akin kaya't ipinulupot ko ang aking mga paa sa kanyang beywang.
Jay Ican see Rhia crying right now. Tinititigan ko lang siya habang nakatitig sa malaking monitor sa kasal namin ngayon. Yung laman ng USB na tinago ko sa kanya ang nagpi-play ngayon. Lumapit ako sa kanya pero tinampal niya ang balikat ko, "Bakit ngayon lang?" Niyakap ko na siya. "Bakit ngayon pa sa kasal natin?" Umiiyak siya sa bisig ko, "Nakakainis ka naman eh, baka ang pangit ko na eh." Natawa ako sa sinabi niya, maging ang Mommy niya na karga-karga si Janelle at si Rain ay umiiyak din, may iilang bisita kaming galing ng Pilipinas ang naiiyak din. Yung kasal namin ay ginanap pa rin sa Alsace gaya ng naunang plano na namin at ang mga naimbitahan lang ay yung mga taong malalapit sa amin gaya ng mga pinsan ko at asawa nila. Sa mismong Vauclain castle ito ginanap at para kaming mga prinsesa at prinsepe sa mga suot namin dahil ito na rin ang napili naming theme na babagay para sa lugar na i
RhiaWELLI guess hindi ko na kailangang malaman pa ang sasabihin ni Jay dahil sa paraan pa lang ng pagkakahalik niya sa akin ngayon ay alam ko na, "I miss you wife." He said in between kisses.Hindi ko namalayan na nakalapat na pala ang likod ko sa wall art na kanina lang ay tinitignan namin, "Jay." Napatingin ako sa paligid, kokonti na lang ang tao pero ayoko naman na makaagaw ng pansin, "Huwag dito." Hinila niya ako papunta sa isang kwarto at tumigil sabay tingin sa akin."May tao nga pala sa loob." Nangunot ang noo ko."Tao?" Lumayo ako sa kanya,"Huwag mo sabihing may dinala kang iba?""What?" Napasigaw na siya, "Hindi! Si Caleb kasama niya si Tracy.""Tapos?""Alam mo na yun." Sabi niya na parang natatawa pa at doon ko lang na-gets ang ibig sabihin."Hindi ba?" Sabay na rin kaming tumawa.~~~~~Isinama niya na ako pauwi sa bahay niya, sandali lang, kung iisipin bahay na rin nami
JayANGtagal na simula nung magkita kami at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya.I'm giving Rhia the time to heal. Hindi ko kasi alam kung makakabuti ba sa kanya na nandun ako pero sinisiguro ko naman na maayos siya, sila ng anak ko.Kinausap ako nung Daddy niya, nalaman ko nun na siya na ang magdo-donate para kay Rhia at nalaman ko rin nun na may malala siyang sakit.Ang hirap-hirap lang sa kalooban ko na wala akong makagawa para sa mga taong importante sa akin, una kay Caleb na naka-coma, pangalawa kay Rhia at sa kundisyon niya noon, pangatlo kay Daddy na tumayo ng pangalawang ama ko at unti-unting pinapatay ng cancer.Nung makita ko siya sa hospital bed awang-awa ako sa itsura niya na parang gusto ko na lang ipikit yung mga mata ko para hindi ko makita, malaki yung pinayat niya at alam kong pagod na rin siya sa pakikipaglaban sa sakit niya."Jay alam ko naman kaya mong gawin ito pero sasabihin ko
RhiaHINDIko mapigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko.Just when I thought I am in the worst situation now hindi pala."Dad, we can't let you go." Sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya.Isa din sa inilihim nila Rain at Mommy sa akin ay ang kundisyon ni Daddy. Sabi nila nasa business trip siya pero ang totoo matagal na siyang nandito sa ospital.Nung araw na umalis kami papuntang France, yun din daw yung araw na dinala ni Mommy si Daddy sa ospital, matagal na siyang nandito pero hindi nila sinabi sa akin dahil ayaw nilang mag-alala ako.Nung una si Mommy lang ang nakaalam pero dahil sa napansin na rin ni Rain na hindi na pumapasok si Daddy ay naghinala na siya. Ayaw pa sana nilang sabihin sa akin ang kalagayan ni Daddy dahil alam nila na mas lalo akong malulungkot at alam din nila na buntis ako.Kung pa siguro hiniling ni Daddy na makausap ako ay itatago nila talaga ito sa akin. Isa din
JayKAILANGANmalaman ng pamilya ni Rhia ang tungkol sa kalagayan niya dahil mas mahihirapan akong sabihin sa kanila yung kung mas patatagalin ko pa pero bago ko magawa yun kailangan ko munang sabihin na kay Rhia na matagal na rin niya akong kasama para maiuwi ko na siya sa Pilipinas.Tungkol naman sa resulta ng test sa akin, kung sakali man na magkamatch kami ng cornea ni Rhia ay mabuti ng kasama niya ang pamilya niya at sa Pilipinas gagawin ang surgery dahil may mga magagaling na doctor naman na kayang gawing successful yung magiging operasyon.Nakatayo lang siya ngayon sa terrace. Kung iisipin para siyang nakatingin sa kawalan pero alam ko na may malalim siyang iniisip. May dala siyang tasa, umupo siya at inilapag iyon sa tabi niya.Nakita ko ang pangungunot ng noo niya ng lumuhod ako sa tapat niya para pagmasdan siya. Natabig ng kaliwang kamay niya yung tasa kaya sa pagkagulat ay nasalo ko yun, nagulat ako ng hawakan niy
JaySOBRAna ang pag-aalala ko para kay Rhia. Alam kong may mga itinatago siya sa akin."Grig please tell me!" Ilang beses ko ng nasisigawan ang pinsan niya sa telepono dahil alam kong maging siya ay marami ding itinatago sa akin."I'm sorry Jay but I promised Rhia--""What the hell!" Ibinaba ko na ang tawag. Ilang araw ko na ulit siyang hindi nakakausap, alam kong may mali dahil maayos naman kami nung nasa Alsace kami at nung unang mga araw na umuwi ako dito sa Pilipinas.Bigla na lang siyang nanlamig sa akin at sa madalas na pagtawag ko ay isang beses lang niya sinagot yun.Hindi kaya nagtampo siya dahil ang gusto naman talaga niya ay sumama na sa akin pauwi o di kaya ay dahil hindi pa ako nakakabalik dun.Mababaliw na ako sa kaiisip. Ang dami kong tinapos na trabaho dito dahil natambak yun nung umalis kami, pati nga yung pagbubukas ng restaurant ko ay namove na rin ang araw.Masyado ding nag-al
Mga Comments