Share

Kabanata 1

Naiiyak akong lumabas ng administrator’s office habang hawak hawak ang puting folder kung saan nakalagay ang aking requirements para sa entrance examination sa dream school ko. Huminga ako ng malalim at pigil na pigil ang sarili na huwag nang maiyak pero hindi ko pa rin talaga mapigilan. Umupo ako sa hagdan at tinabunan ang aking mukha, tahimik na umiiyak.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng nasa admin office kanina.

“Sorry, Miss, but we really need your PSA. Hindi pwede ang ganitong certificate lang.”

“M-ma’am, baka naman po pwede niyong i-consider itong application ko? Ma’am, galing pa po akong Leyte, Ma’am,” pagmamakaawa ko sa dalawang babae na siyang nag-aasikaso ng applications naming mga estudyante.

Umiling iyong babaeng mahaba ang buhok. “I’m really sorry but we can’t accept your application unless you have the right requirements. Next, please.”

Mas lalo akong naiyak dahil doon. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Inis dahil sa letching PSA na sobrang tagal dumating at kailangan ko nang lumipad papunta rito sa Manila, sakit dahil nareject ako, panghihinayang dahil hindi ako nakapasok sa dream school ko, hiya dahil nagpumilit pa ‘ko sa Mama ko na sa Maynila ako mag-aaral, at disappointment sa sarili ko.

I failed.

And my mind screams that I am a failure.

Ano na lang ang sasabihin ko kay Mama? Magagalit kaya siya? Si Papa? Would they consider me as a disappointment? A failure? Mas lalo akong natakot. Ayaw ko pa naman sa lahat na nadidisappoint ko sila. Pakiramdam ko napakawala kong kwentang anak kapag nakita ko sa kanilang mukha ang pagkabigo.

I gently wiped my tears away when my phone rang. Napapikit ako at agad na ginapangan ng kaba dahil tumatawag ngayon si Mama. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nanginginig pa ang mga kamay. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba. Natatakot ako at kinakabahan. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.

Nang mamatay ang tawag ay huminga ako ng malalim. Tumingala ko at nilibot ang paningin sa school building. Malaki ang school na ito. Nakakalula sa laki.

I was so excited to apply here and took up BS Psychology because that is my dream course. My dream is to be a registered Psychologist, but because of the unfortunate thing that happened, my dream is shattered. I got rejected and rejections hit differently. It’s hard to deal with it most especially if the expectations of the people that surround you is high. . . or is it just me? I don’t know.

Napayuko at muling tumulo ang isang butil ng luha sa aking folder. Ang sakit. Sobra. Pero ano pa bang magagawa ko? Alangan naman na maglupasay ako sa sahig at umiyak nang umiyak o kaya’y sumigaw nang sumigaw. May mangyayari ba? Wala. Baka mabalita pa ‘ko sa TV ng wala sa oras kapag ginawa ko iyon.

Suminghot ako, pinahiran ang pisngi at tumayo. “Siguro hindi talaga para sa akin ito,” bulong ko atsaka naglakad papalabas ng university.

Nang tuloyan akong makalabas ay bumungad sa akin si Kuya Gin, ang pinsan ko. Pinilit kong ngumiti at ilang beses na kumurap para pigilan ang pagtulo ulit ng aking luha. Lumapit sa akin si Kuya at tinapik ang aking balikat.

“Think positive, Anna. A new door of opportunity will open for you. Tara sa Jollibee, libre kita para hindi ka na malungkot,” ani Kuya atsaka inakbayan ako.

Ngumiti ako at tumango. “May rason siguro kaya hindi ako nakapasok sa dream school ko.”

“Everything happens for a reason, Anna.” saad niya bago binuksan ang kotse ng kanyang sasakyan para sa akin. Pumasok ako sa loob at umikot naman siya para makaupo sa driver’s seat.

I sighed and glanced at my dream school one last time. Rejections hurt so much, but all I can do at that exact moment is to accept the reality that it’s not meant for me. Not all things that we want would fall into place.

Pinark niya ang sasakyan at sabay kaming lumabas ng sasakyan. Nauuna siya sa aking maglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Pumasok siya sa Jollibee kaya sumunod na rin ako. Siya na ang pumila at tinanong lang ako kung ano ang gusto ko.

“Spaghetti na lang po, fries, at isang drink.”

Tumango siya. Naghanap naman ako ng upuan at naupo roon. Binaba ko sa gilid ng lamesa ang folder at tinitigan ito. Naagaw ang aking atensyon nang tumunog ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim nang makita kung sino na naman ang tumatawag.

Mama.

Ayaw kong sagutin. Natatakot ako sa kung ano ang sasabihin ko at kung ano ang sasabihin niya. Nang mamatay ang tawag ay nakatanggap ako ng mensahe galing ulit sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa iyon.

Mama:

Nak, sinabi na sa akin ng Auntie mo ang nangyari. Umuwi ka na lang dito. Nakapasa ka sa VSU, ‘nak.

Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa ng mensahe sa kanya. Nakapasa ako?! Hala, totoo ba ‘to?!

Ako:

Talaga, Ma? Nakapasa ako? Akala ko magagalit ka sa ‘kin.

Mama:

Oo, may schedule na kayo ng interview. Tsaka bakit naman ako magagalit sa ‘yo? May dahilan kaya ka hindi tinaggap diyan, ‘nak. Uwi ka na, ha? Marami pa tayong aasikasuhin.

Napahinga ako ng maluwag. Akala ko magagalit siya sa ‘kin. Akala ko pagagalitan ako kasi nagsayang lang ako ng pera.

I used to overthink things, and that would lead me to negativities. Sometimes, I lost my concentration because of my inner demons. They are poisoning my mind. I tried to control them, but I can’t. They are part of my being. My inner demons would suddenly awaken, no matter how hard I tried to hide them underneath.

Dumating si Kuya Gin dala dala ang pagkain kaya pansamantala kong nakalimutan ang bigat na nararamdaman. Nag-usap kami saglit pagkatapos ay umuwi na kami sa kanila. Alam nina Auntie at Uncle na malungkot ako kaya hinayaan na muna nila ako sa loob ng kwarto kung saan ako tumutuloy. Pumasok naman ang pinsan ko na si Gelly, kinukulit ako na manood daw kami ng 13 Reason’s Why.

Nagulat ako nang yumakap siya sa akin bigla. “Ano ba ‘yan. Ayokong umuwi ka,” natatawag sabi niya.

“Paano ba ‘yan ang tadhana na mismo ang nagdesisyon na umuwi ako roon? Nakapasa ako sa VSU, eh. Kailangan kong umuwi at asikasuhin ang mga dapat na asikasuhin.”

Huminga siya ng malalim at tumahimik. Sa susunod na linggo ay uuwi na ‘ko sa amin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ‘ko sa kurso ko. Noong nakaraang buwan kasi kung saan nagpa-exam ang VSU ay nag-exam na rin ako dahil iyon ang gusto ni Mama. Gusto niyang education din ang kunin ko katulad ng nakakatanda kong kapatid na babae.

Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Aniya’y parang back-up plan ko na rin kung sakali mang hindi ako palarin dito sa Maynila. Ngayon na hindi nga ay magagamit ko ang back-up plan na sinabi ng Mama ko.

“Mag-ingat ka sa byahe, ha?” wika ni Auntie.

Tumango naman ako atsaka niyakap ang dalawa kong pinsan. Ngumiti ako sa kanila bago pumasok sa grab. Kumaway muna ako sa kanila hanggang sa unti-unti akong makalayo sa kanila. Nang makarating sa airport ay agad akong nagtipa ng mensahe kay Mama na nasa airport na ‘ko. Wala akong reply na natanggap kaya nilagay ko na lang sa loob ng bulsa ang cellphone ko.

I spent almost two hours on the plane because it was delayed. As soon as I arrived at Tacloban Airport, I rode on the bus to Javier, Leyte, my hometown. I fell asleep during the trip. Nagising na ako noong nasa Javier Bus Station na. Bumaba ang mga pasahero kaya bumaba na rin ako. May dala akong isang bagahe at isang hand carry.

Sumakay ako ng tricycle atsaka nagpahatid papunta sa baranggay Calzada kung saan doon kami nakatira. Pagkarating sa bahay ay agad akong nagbayad sa drayber at nagpasalamat. Pumasok ako sa gate at kahit nandoon pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang bangayan ng mga magulang ko. Isa rin sa dahilan kaya ayaw kong manatilli rito ay dahil sa kanilang dalawa. Nagsasawa na ‘ko sa paulit ulit nilang away. Hindi ko alam kung bakit pa sila nagsasama kung palaging ganito ang eksena nilang dalawa.

Nang tumahimik ay tsaka lang ako tuloyang pumasok. Nakahiga si Papa at nanonood ng balita sa TV habang si Mama naman ay nasa kusina at may niluluto. Huminga ako ng malalim at nilagay sa tabi ang ang mga bagahe.

“Oh, andito ka na pala,” wika ni Papa atsaka lumapit sa kanya. He kissed my forehead and asked some questions.

Nang pinuntahan ko si Mama sa kusina ay nakita kong mamulamula ang kanyang mga mata. Bumigat ang aking pakiramdam pero tinago ko ‘yon at nagmano sa kanya.

“Kumusta ang byahe?”

“Okay naman po.”

“Bukas na bukas ay pupunta tayo sa VSU para sa interview mo, okay?”

Umiling ako. “Ako na lang, Ma. Kaya ko naman—“

Umiling siya. “Hindi, sasamahan kita.”

I sighed and nod. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Muli kong narinig ang bangayan ng dalawa at hindi ko na naman napigilan ang maiyak.

My dreams have broken, and it was painful. But the most painful is when the family that I thought was perfect had already shattered into pieces a long time ago.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status