Share

CHAPTER 6: FURY

Gaya ng inaasahan, inulan ng sermon ng tiyahin at tiyuhin niya si Yelena.

Kahit masasakit ang mga naririnig ay hindi siya umiimik. Sobra ang guilt na nararamdaman niya. Ang alam lang ng mga ito na kasalanan niya ay ang pagsisinungaling niya tungkol sa party ni Theya. Hindi alam ng mga ito na pumunta siyang bar, uminom, at nakipag-usap sa isang estranghero.

Wait, hindi lang pala siya nakipag-usap. Ayaw na niyang banggitin. Lalo lang siyang magi-guilty sa harap ng tiya at tiyo niya.

"Papauwiin ko rito si Erlinda. Para alam niya kung gaano katigas ang ulo mo." Ang Erlindang tinukoy nito ay ang kaniyang mama.

She bit her lower lip. Naidamay niya ang ina.

"Opo," nakayuko niyang sagot. Sa lahat ng litanya ng mga ito, 'opo' lang lahat ang itinugon niya. Wala siyang karapatang sumagot sa dami ng kasalanan niya sa mga ito.

---

Sa sumunod na mga araw ay lalong humigpit ang tiyahin at tiyuhin ni Yelena.

Hindi siya pinapalabas ng mga ito ng bahay, at hindi na pinapa-contact sa kaniyang mga kaibigan. Ayos lang naman dahil para sa kaniya, deserved niya 'yon.

Isang linggo pagkaraan ay umuwi ang kanyang ina matapos pilitin ng kanyang tiya na magfile ng emergency leave para sa kanya.

Masaya siya na makita itong muli, ngunit nalulungkot siya na hindi maganda ang dahilan ng pag-uwi nito— iyon ay upang ayusin umano ang nanlalabo niyang isip, ayon sa tiyo Jimmy niya.

Sa pagdating ng ina ay nabawasan ang lungkot ni Yelena. Parang bata ang mama niya na masayahin, makuwento at palabiro kaya walang dull moment kapag kasama niya ito. Para lang silang magkapatid. Hindi lang sa turingan kundi maging sa itsura dahil maganda ang kaniyang mama at mahilig sumabay sa mga uso.

Isang araw ay umuwi ito galing palengke na mayroong dalang balita.

"Anak! Nakita ko ang kaibigan mong si Ezekiel Nagma! Kaibigan mo 'yon, 'di ba?"

Mula sa pagbabanlaw ng damit ay tumayo siya at lumapit rito. "Si Kiel? Opo."

"Pamilya niya pala ang may-ari ng malaking mall dito sa San Ignacio?"

"Opo, Mama." Matagal niya ng alam 'yon. Mayayaman talaga ang mga kaibigan niya. Iilan lang silang kinapos sa buhay. Well, ang kaniyang pamilya ay hindi naman naghihikahos— maganda ang trabaho at sahod ng kaniyang mama sa Qatar, malaki ang minamandong bukirin ng kaniyang tiyuhin at ang kaniyang tiya Ediza ay may puwesto sa palengke na sa isang malayong kamag-anak pinapabantay. Maayos ang kanilang pamumuhay ngunit sapat lang upang mabuhay sila ng maayos sa araw-araw. Unlike her friends who were born with silver spoon on their mouths, katulad nina Eureka, Kyira, Yniez, Kiel, Nimfa, Reika, at Anatheya na negosyante ang mga magulang. Ang kuya Tyler niya naman ay lumaking mahirap, pero nang maswerteng nakapag-asawa ang biyudang ina nito ng isang milyonaryo, biglang nagbago ang buhay ng mga ito.

Lumapit siya sa ref at kinuha ang towel na nakasabit sa handle at nagpunas ng basang kamay roon. "Ano po napag-usapan niyo?"

"Magbubukas daw siya ng gallery, Nagma Galleria ang pangalan at naghahanap siya ng mga artist. Sa araw ng pagbubukas raw ay darating ang mga negosyante at kaibigang pamilya ng mga Nagma na mahilig sa mga painting. Pinapatanong niya kung gusto mo ibenta ang mga gawa mo. Hindi ka daw niya makontak."

She gave a sad smile. "Sinadya ko pong iwasan sila para kina tiya."

"Pabayaan mo ang tiya mo. Masungit 'yon dahil kulang sa lambing. Wala kasing jowa."

She burst out laughing sa biro ng ina. Makulit talaga ito.

"Sa lunes na daw ang opening. Be ready."

Saglit siyang nag-isip. Gustuhin man niyang tanggihan ang oportunidad na 'yon, mas nananaig ang kaniyang kagustuhang abutin ang kaniyang pangarap.

With a tight smile, tumango siya sa ina. "Opo."

"Nakita na marahil ni Ezekiel ang mga gawa mo kaya kinukulit niya akong sabihan ka."

"Opo. Nabentahan ko na siya noon." Landscape 'yon noon na ipinapinta nito sa malaking canvass na nakadisplay ngayon sa bahay ng mga ito sa San Ignacio.

"Pagkakataon mo na ito, anak."

Napangiti siya sa suporta ng kanyang mama.

---

Matapos ilibot ang tingin sa kuwarto niyang punong-puno ng paintings, nagdesisyon si Yelena na hanapin ang kanyang tiya. Natagpuan niya itong nagtutupi sa kuwarto nito.

"Tiya..." Dahan-dahan siyang lumapit rito.

"Bakit?"

She went still.

'Bakit' palang ang tinatanong nito, kinabahan na siya agad.

She cleared her throat. "M-May ipapaalam po sana ako." Nakayukong naglalaro sa isa't isa ang mga daliri niya sa magkabilang kamay sa nerbiyos. "Kanina ay nakita po ni mama si Kiel sa bayan. 'Yong kaibigan ko po na—"

"Kilala ko siya. Siya ang kaibigan mong nakasuot ng salamin, hindi ngumingiti at matapobre palibhasa'y pinanganak na may gintong kutsara sa bibig."

She winced. Gusto niya sanang sabihing masungit lang ang kaibigan at hindi matapobre pero hindi na lamang siya umimik. "Siya nga po," napipilitan niyang sang-ayon. Pagkuwa'y ikinuwento niya rito ang ibinalita sa kanya ng ina.

Tiya Ediza looked at her calmly after, as if she already expected what she told her, then spoke words that were rimed with ice. "Hindi ka aalis."

"Ihahatid ko lang ang paintings, tiya. Hanggang reception lang po ako ng gallery. Ibibilin ko na lang ho ang kikitain kung sakali kay Kiel."

"Hindi ka sabi aalis. Hindi ka puwedeng pumunta doon."

"Uuwi po ako pagkabilin kay Kiel, tiya. Minuto ko lang po siyang—"

"Hindi nga puwede sabi eh!"

Yelena sucked in her breath in her aunt's outburst. Ediza looked like as if she want to strike her. Savage anger was written all over her face.

Yelena's eyes stung. Dahan-dahan siyang naglakad paatras rito, yumuko bilang paalam then walked away with a heavy heart.

Nakita niya ang inang nakamasid sa kaniya sa 'di kalayuan. Alam niyang narinig nito ang lahat. Ibinuka nito sa kanya ang dalawang braso, tanda na pinapalapit siya para sa isang yakap.

With tears swelling in her eyes, she strode toward her mother. Pumaloob sa mga bisig nito.

Hinagod nito ang kanyang mahabang buhok. "Pasensiya na, anak. Inilagay kita sa buhay na ganito."

"Huwag na kayong umalis, mama. Dito ka na lang po," parang batang ungot niya rito. "Ayoko na kina tiya."

Ang alam niya ay dalawang linggo lang itatagal ng ina sa bansa.

"Hindi mo pa kayang intindihin sa ngayon, anak. Gustuhin ko man ay hindi pwede."

She raised her face. "Maiintindihan ko po. Matanda na ako, 'Ma."

"Magtiwala ka lang muna sa akin, 'nak ha?" She held her both cheeks and stared at her lovingly. Napilitan siyang tumango. "Sa lunes, 'wag kang maingay. Pupunta ka sa Nagma Galleria. Sasamahan kita. Tatakas tayo."

Nawala ang lungkot niya. Hindi niya malaman kung ngingiti o iiling siya sa ina.

---

Monday

Opening of Gallery

"Mama," tawag niya sa atensiyon ng ina. Okay lang na hindi sila magbulungan dahil wala ang kaniyang tiya, pati ang uncle niya at asawa nito. Nakagawa ng paraan ang mama niya upang makaalis ang mga ito ng bahay. Kinuntsaba nito ang kaibigan ni tiya ilang kanto mula sa kanilang bahay at pinaimbitahan ang mga ito para sa isang salo-salo na si mama rin naman ang gumastos. Hindi umano sayang ang pera basta para sa pangarap niya.

Tumigil sa pagsipat ng sarili sa salamin ang ina at lumingon sa kaniya. Napangiwi ito ng makita siya.

"Ayos lang po ba ang suot ko, 'Ma?" she asked.

"Ayos, anak. Para kang pupunta ng kombento," birong komento nito at pareho silang natawa. "Pinilian kita kagabi ng dress, anak. Uso 'yon ngayon. 'Yon ang isuot mo."

"Ayoko po. Okay na po ako dito." She meekly looked herself at the mirror. Nakasuot siya ng puting bestida, closed-neck at long-sleeved 'yon na ang dulo ay bias-cut ruffles.

"Sige na nga. Ikaw na ang bahala. Maganda ka pa rin naman." She smiled at her fondly. Iyon ang isa sa gusto niya sa kaniyang ina. Hinahayaan siya nitong magdesisyon para sa sarili niya, at kapag nakapili siya, kahit hindi pabor rito ay sinusuportahan siya nito. Bagay na hindi niya mararanasan sa kaniyang tiya na ang gusto nito ang laging nasusunod ultimo sa gupit ng buhok niya. "Let's go, 'nak."

"Opo."

Nasa tarangkahan na sila ng kanilang bahay nang may maalala siya. "Ang cellphone ko po, 'Ma. Nalimutan ko sa damitan ko."

"Bakit mo naman kinalimutan, anak? Halika, balikan natin."

"Hindi na po." Hindi naman niya 'yon binubuksan kaya nakatago sa lagayan niya ng damit. Pinaputol ni Ediza ang koneksyon sa mga kaibigan na sinunod niya ng buong puso para mabawasan ang galit nito.

"Sigurado ka?"

"Opo. Dala ko ang wallet ko. Ito lang naman po ang mahalaga."

"Oh. Okay."

---

Maaga palang ay may nagpick-up na ng mga paintings ni Yelena kaya pagdating sa gallery ay naka-display na roon ang mga gawa niya.

Natutuwa siya tuwing may tumitingin sa mga obra niya. Kalikasan ang hilig niyang ipinta.

Naglakad-lakad siya sa hilera ng mga gawa niya habang ang mama niya ay nakipaghuntahan sa mga guwapong walang kapareha.

Napailing na lang siya. Tumigil sa harap ng sunset painting na ginawa niya. Sa ibaba noon ay nakasulat ang pangalan niya. Yelena. Bawat paintings ay iyon lamang ang nilalagay niya.

Naglakad na siyang muli nang tumabi sa kaniya si Kiel. "May bumili ng cherry blossom painting mo."

Tinapik niya ito sa balikat bilang pagbati. "Salamat. Salamat sa opportunity na ito."

"It's my pleasure to work with you." Sandali itong napalingon sa entrance nang may makitang pamilyar na tao. "Thanks for coming, Lena. Sorry, I have to leave you here."

"It's okay. Hindi rin naman kami magtatagal ni mama."

---

Gaya ng kaniyang plano, wala pang isang oras ay niyakag na niyang umuwi ang ina.

Pag-uwi ay nagpaiwan siya upang siyang magsara ng gate nila. Naunang naglakad papasok ng bahay ang kaniyang mama.

Si Erlinda na noo'y pagod at masakit ang paa sa suot na heels ay biglang natigilan nang makitang nakatayo sa gitna ng sala ang kaniyang ate Ediza.

Napaatras siya. Sumisingasing itong lumapit at sinampal siya. Pakiramdam niya'y bumakat ang palad nito sa pisngi niya.

"Kaya tumigas ang bungo ni Yelena nitong huli dahil kunsintidor ka! Hayaan mong ako ang magdisiplina sa batang 'yan!"

"Ate, ako ang nanay niya. At hindi na tama ang ginagawa mo sa kanya."

"Huwag kang nangingialam dahil puro palpak ang desisyon mo sa buhay!"

"Walang mali sa pinuntahan ni Lena."

"Mayroong mali! Lahat mali! Kaya 'wag kang nangingialam!"

Gusto niya itong yugyugin nang mga sandaling 'yon. "Hindi na kita naiintindihan, ate Ediza! Ano ba ang kinakaganito mo?"

"Pinauwi kita dito dahil ayokong mapariwara ang anak mo! Gusto kong tulungan mo ako na ayusin ang isip niya! Hindi ganito."

"Paano'ng ganito?"

"Sinisira mo ang buhay ng anak mo!"

Nagpanting ang tainga ni Erlinda sa narinig at sinampal rin ito.

Si Yelena ay nagmamadaling pumasok ng bahay sa sigawang naririnig. Nandilim ang paningin niya sa naabutang tagpo. Sinasabunutan ng tiya Ediza niya ang kaniyang mama!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status