Share

CHAPTER 7: SLAP OF TRUTH

Nagmamadaling pumasok ng bahay si Yelena sa sigawang naririnig. Nandilim ang paningin niya sa naabutang tagpo. Sinasabunutan ng tiya Ediza niya ang kaniyang mama!

"Mamaaa!" Her nose flared with anger. Lumapit siya at umiiyak na tinulak ang kaniyang tiya.

Nakaupo ang mama niya sa sahig habang hila-hila ito sa buhok ng tiyahin.

Nang maghiwalay ay pumagitna siya sa mga ito at hinarap ang tiyahin. "Sumusobra ka na! Lahat ginawa ko para maging masaya ka. Para maipagmalaki mo ako. Para maging mabait ka sa akin. Nitong huli lang kita sinuway, tiya. Bakit ka ba ganiyan? Sobra ka naman na para saktan pa ang mama ko."

Tumayo si Erlinda at hinawakan siya sa braso para pigilin pero hindi siya nagpaawat. Muli niyang hinarap ang tiyahin. "Wala kang karapatan na saktan ang mama ko! Pati ang panghihimasok mo sa buhay ko, wala kang karapatan!" Dinuro niya ito katulad ng lagi nitong ginagawa sa kanya. "Sino ka ba, ha? Sino ka ba? Isa ka lang matandang dalaga na nag-alaga ng hindi mo anak pero lagi mong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Mendoza
Hala toya nya tunay nyang ina
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status