Share

Dreyk Sebastian

Author: Yurikendo
last update Last Updated: 2023-12-11 19:06:09

“Gusto mo ‘kong tulungan for what reason again?” 

Kanina pa niya pinapaliwanag sa ‘kin ang dahilan niya kung bakit niya ko pinapunta sa Condo niya. Pero dahil sa hindi ako natutuwa sa presensiya niya’y pilit ko rin na isinasantabi ang mga good intention na lumalabas sa bibig nito.

“I want you to have a normal life, Selene. Iyon lang, pambawi na rin sa nagawa ko sa ‘yo,” anito. Malumanay ang boses niya, puno ng sinseridad at pagkakalma. Ang mga mata niya’y nagdadala ng kaunting kirot sa puso ko. Para siyang aso na nanghihingi ng pagtapik sa kaniyang ulo.

Hindi naman kami gano’n ka close ni Dreyk no’n, minsan ko na siyang nakasama, pero kasama rin si Claire. Sobrang showy niya sa nararamdaman kay Claire, kaya naman sobra-sobra ang tuwa ko ng malaman na magpapakasal na sila. She wanted him to be with her cousin forever, pero dahil din sa kaniya kung bakit hindi na ‘yon nangyari pa.

Isa si Dreyk sa mga Ideal men na nabuhay sa mundo, kaya marami ang nagkandarapa rito. Bukod sa mayaman ang pamilya ay sadyang magandang lalaki rin siya. Matangkad, matikas at maganda ang facial features na kung una mo siyang makikita’y masasabi mong may ibang lahi ito.

“Ba’t hindi ba normal ang buhay ko? Okay naman ako, huh,” sabi ko na puno ng pagkukunwari. Kailan ba naging normal ang buhay ko?

“Selene, please, let me atleast do it.”

“Hindi na Dreyk, hindi mo ‘ko kailangang kaawaan, okay ako. Buhay ako at mabubuhay ako. Kung ano man ang nangyari noon, kalimutan mo na ‘yon, tutal wala namang nawala sa ‘yo, ‘di ba?” Hindi talaga ‘ko okay dahil gustong gusto nang sumabog ng nasa dibdib ko. Muling bumalik ang kirot na pilit kong itinago sa loob ng limang taon, kirot na hindi ko tuluyang maalis sa isipan at puso ko. Halos nawala ang kalahati ng buhay ko, ang mga pangarap ko, magtatapos pa dapat ako sa pag-aaral noon. Pero dahil sa mga walang hiyang tao ay nadawit ako sa isang problema na hindi ko na natakasan pa.

“I can’t Selene, you are still Claire’s cousin, malaki ang pinagsamahan namin for me to just ignore you,” anito. Ngayon ay parang kine-claim na nito na kargo siya ng lalaki.

Nabanggit nito si Claire, ang pinsan niya na hindi rin nagawang maniwala o kahit makinig muna sa explanations niya. 

Umiling-iling ako bilang sagot sa kaniya. Nagagalit ako sa naging takbo ng buhay ko, kung paanong naging unfair ang mundo sa akin. Ilang saglit pa’y hindi ko na napigilan ang mga mata ko na maluha, wala na, tuluyan ng bumalik ang sakit ng mga panahon na nagtiis ako, nalungkot at natakot sa unang beses na sumalang ako bilang GRO.

Hinayaan ko ang sarili na malulong sa sarili kong emosyon, inalala ko lahat ng masasakit na nangyari sa ‘kin. Para akong bata na ngumangawa, iyong naagawan ng kendi ng kalaro sa kalsada.

“Sana hindi ako lumabas ng gabi na ‘yon, baka sakaling nasa piling pa rin ako ng pamilya ko ngayon,” ani ko sa pagitan ng mga hikbi.

“Hindi ko naman kasalanan ang lahat.”

“Alam ko, kaya nga hinanap kita, Selene. Gusto ko ring humingi ng tawad, dahil naging parte ako ng masakit na karanasan mong ‘yon,” pilit na pag-aalo sa ‘kin ni Dreyk. 

“Alam nating parehas na wala kang kasalanan din, ‘wag kang mag-alala, wala akong sama ng loob sa ‘yo. Actually dapat ay magpasalamat pa ‘ko, kung hindi ka dumating no’n baka iba ang nagpakasasa sa katawan ko.” Hindi ko na maputol pa ang pag-yak ko. Mabuti na lang at airconditioned ang Condo unit niya, hindi ako magmumukhang messy sa hitsura ko ngayon.

“Ssshh, tahan na, gagawan ko ng paraan para maging maayos ang lahat. Papaimbestigahan ko kung sino-sino ang kumuha ng videos na ‘yon. At higit sa lahat ay kung sino ang may pakana ng lahat. Natatandaan mo ba no’ng may tumawag sa kanila, kinumpirma nila na natapos at nagawa nila ang trabaho na videohan tayo. Ibig sabihin no’n ay hindi aksidente ang lahat. May nagtangka na ipagahasa ka, gayundin sa posisyon ko, hindi lang nagkataon Selene na naroon ako sa crime scene. Dinala nila ako ro’n ng puwersahan.”

Napatda ako sa mga ibinunyag na iyon ni Dreyk, hindi ko rin kasi narinig ang side niya noon dahil pilit ko siyang iniwasan. Mukhang kathang-isip ang mga tinuran niya, pero possible rin na gano’n ang nangyari. Ngunit sino ang may gusto na magahasa ako ng mga panahon na ‘yon. Maayos ako makitungo sa mga tao, wala akong kagalit, kaaway.

“Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Wala tayong ebidensiya.”

Natauhan ako, pinunas ang mga luha at seryosong tumitig sa kaniya. Malaki na rin ang naging pagbabago sa hitsura ni Dreyk, mas lalo itong naging makisig. 

“Makakuha tayo ng ebidensiya, magtiwala ka lang. Pero kailangan ko pa rin ang kooperasyon mo Selene.”

“Wala akong pera, wala akong magagawa, dahil kung mayro’n man sana ay noon pa nalinis ko na ang pangalan ko Dreyk.” Iyon ang sabi ko sa kaniya, na totoo naman. Gusto kong malinis ang pangalan ko, pakakataon na lang ang wala. 

“Hindi mo kailangang problemahin ‘yon Selene, sabi ko nga’y ako ang bahala. Ngunit may isa lang akong gustong hilingin sa ‘yo,” malamlam ang mga mata ni Dreyk. At mas lalo kong kinabigla ay nang haplusin niya ng malamyos ang aking pisngi, na siyang ikinapikit ko. Kakaibang sensasyon ang dulot nito sa ‘kin, para akong nakahanap ng isang kanlungan na tinatanggap ako ng buong puso.

“Huh? Ano n-naman ‘yon?”

“Manatili ka sa tabi ko, Selene. What do you think of being my wife?”

Way back in 2018, the night of Selene’s tragic memories.

Hindi makapalag ang kawawang si Selene sa dalawang lalaking nakamaskara na kanina pa humuhila sa kaniya. Pilit ang pagsigaw niya ng tulong pero parang walang nakakarinig sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang kalamnan sa sobrang takot, labo-labo na rin ang pawis, luha at uhog sa kaniyang mukha. Kanina lang ay masaya siyang nagpaalam sa ina na lalabas lang upang makipagkita sa kaibigang si Liset, balak kasi ng dalawa na magpunta sa parke’t manood ng pagbubukas ng malaking Christmas tree na nakadisplay roon.

Naging maayos naman ang unang oras ng paglilibot ng magkaibigan hanggang sa isang Van ang tumigil sa may gawi ng kaniyang nilalakaran at hinablot siya papasok. Labis ang sigaw niya na sana’y  may mabilis magreport ng ginawang paghablot sa kaniya.

Maswerte si Liset dahil nasa kaliwa ito nakapuwesto, hindi prone para maisama siya ng biglaan ng mga masasamang tao.

“Pakawalan niyo ‘ko, ano’ng kailangan niyo sa ‘kin? Wala hong pera ang pamilya ko para tubusin ako sa inyo, kaya nagmamakaawa ako, pakawalan niyo na ‘ko. Promise, hindi ako magsusumbong sa mga pulis,” kinabig pa ni Selene ang kamay ng isa sa mga abductor niya sa pagbabakasali na magbago ang isip niyo’t pakawalan siya. Pero kabaliktaran pa ang nangyari dahil isang sampal ang pinadapo nito sa kaniyang pisngi.

Hinawakan pa nito ang kaniyang baba, nakatingala si Selene sa lalaking nakaitim na takip sa mukha at tanging mata lang ang lumilitaw. Nakaupo na siya sa isang monoblock, unti-unti siyang tinatalian kanina ng lalaki bago siya nangialam. “Manahimik ka kung ayaw mong masaktan ng malala. ‘Wag kang mag-alala, Miss, dahil pagkatapos naman ng ipapagawa namin sa ‘yo ay makakaalis ka rin. Sa ngayon, itikom mo ‘yang bibig mo.” 

Naisampal ni Selene ang mukha sa hangin, ang ilang hibla ng kaniyang buhok ay natabing sa kaniyang magandang mukha. Hindi nakakatuwa ang naging pananakot nito sa kaniya kaya naman sinarili niya ang takot karamay ang kaniyang luha, nananalangin na sana’y may makahanap kaagad sa kaniya.

Hindi naging madali ang ginawang pagpapakalma ni Selene sa sarili, nagawa na nilang takpan ang kaniyang bibig at naitali ang kamay sa likuran at ang paa sa upuan. Hindi rin hinayaan ng mga lalaki na walang takip ang bibig niya, kaya hindi niya magawang sumigaw ng sumigaw. Mas lalo lang nadagdagan ang takot ng dalaga ng sang camera ang ipinuwesto nito sa kaniyang harapan. Nagtatawanan ang limang kalalakihan na kumidnap sa kaniya. Ang dalawa’y pinag-uusapan kung paano gumagawa ang camera, ang isa’y nagyoyosi habang nakikinig sa pinag-uusapan nila at ang dalawa pa’y nakatutok sa Cellphone na para bang may comedy movie na pinapanood.

Gumalaw-galaw si Selene para kunin ang kanilang atensiyon. Hindi naman siya nabigo nang lumapit ang nagyoyosing lalaki, inalis ang takip niya sa bibig at nagtanong kung ano ang problema niya.

“Sir, sige na naman ho, p-pakawalan niyo na a-ko.”

“Hindi puwede ang gusto mo, bayad ka na.”

“Huh? A-ano pong b-bayad na ‘ko?”

Tinakpan nito ang kaniyang bibig gamit ang hintuturo nito. “Sshh… mabilis lang ‘to, hinatyin lang natin ang makakasama mo.”

Gulong-gulo si Selene sa mga sinasabi niya, pero hindi siya natinag sa pagmamakaawa rito, halos maubos na nga ang kaniyang luha sa kakaiyak sa sobrang takot. Napakalakas nang tibok ng kaniyang puso na para bang konting minuto na lang ay sasabog na ito.

“Pero habang wala pa siya, ba’t hindi kaya ako na muna ang mauna sa ‘yo?” Pagkasabi no’n ay idinikit ng lalaki ang kaniyang labi sa leeg ni Selene pababa sa kaniyang blusang suot, sa pagitan ng kaniyang mga dibdib.

Nagsusumigaw si Selene sa ginawa nito. “‘Wag please, ‘wag po, ‘waag…”

“Hmm… Ang bango mo pala,” puno nang kamanyakan na turan nito habang unti-unting tinatanggal ang butones sa suot.

“‘Waaag! T-tulong… ‘wag po, tama na…” 

Halos maglupasay si Selene sa ginagawang pagpupumiglas sa nakakairitang ginagawa sa kaniya ng holpader. Ngunit kahit anong sigaw at pakikipaglaban niya’y tuloy-tuloy lang pangbababoy nito sa kaniyang pagkatao.

“Please, nooo…”

“Hoy, gago ka ba! ‘Wag mong galawin ang isang ‘yan kung ayaw mong mayari. Ayusin mo ‘yan, nandiyan na sila Randolf, dala ‘yong lalaki,” sabi ng isa sa mga masked man.

“Ano ba ‘yan natutuwa na ‘ko, siya sige, dalhin niyo na dito para makapagsimula na tayo,” utos ng lalaki na nagsasamantala kay Selene. Isang mahinang pagtapik sa pisingi ang iniwan nito para kay Selene at saka umalis. Ni hindi na nito pinag-aksayahan pa ng panahon na ayusin ang kaniyang damit.

“T-tulong…” mahina pa ring pag-impit ni Selene, nakayukyok ang kaniyang ulo habang labis ang pag-iyak. 

Hanggang sa isa pang kidnapped victim ang ipinasok ng mga tulisan sa silid na kinaroroonan ni Selene.

“D-Dreyk?” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   The End

    “Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Parting Ways

    Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Birthday Present

    “Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   What happened in the Past?

    Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Accident

    Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng

  • Got Married to my Cousin's Ex-fiancee   Selene and Tiffany Reconciliation

    Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status