Share

Mrs. Sebastian versus Selene

Magarbong rumampa si Selene sa Red Carpet kasama si Dreyk, ito’y para sa invitation na natanggap ni Dreyk, galing sa isang bussiness tycoon. At dahil sa nasa gano’ng industriya si Dreyk ay kasama ito . Laking tuwa naman ni Selene sa event, napakaganda niyang tignan sa nagkikinang dyamante mula ulo hanggang paa. Bagay na bagay sa kaniyang white slit maxi dress na pinaresan ng black heels. Ang unat niyang buhok ay bahagyang pinakulot ang dulo kaya mas lalo siyang lumabas na elegante sa harapan ng maraming tao. 

Mayro’n lang konting pag-aalinlangan sa kaniya, hindi siya ganoon kasanay sa maganda at pangsosyal na get-up. 

“Are you okay?” mahinang tanong sa kaniya ni Dreyk sa kaniyang tabi.

Tumango-tango siya na may nakakailang na pagngiti rin.

Napakagawapo rin ni Dreyk sa kaniyang postura, simpleng black tie ang suot nito, na halos lahat naman ata ng guest na lalaki ay gano’n ang postura. Kumikinang sa linis ang kaniyang black shoes na mukhang puwede na akong magsalamin doon. His pricey watch and a well done hair  is very much good for him. Mas lalong lumakas ang appeal nito bilang lalaki.

“Okay lang ako, nakakastarstruck lang. First time ko pumunta sa ganitong kabonggang party,’ seryosong sagot ni Selene kay Dreyk.

Iginiya ni Dreyk si Selene sa isa sa mga lamesang puno nang magandang design ng bulaklak at table napkins. Apatan ang puwesto na ‘yon pero sila pa lang na dalawa ang naroon, kaya mas kumportable pa si Selene sa sitwasyon. Pasimple silang nagpapalitan ng mensahe sa isa’t-isa, hindi rin naman kasi mapakali si Dreyk na baka bigla na lang na umalis ang babae at iwan siya ro’n mag-isa. 

Though nagkausap na sila, nagkapirmahan ng kontrata sa magiging daloy ng gusto ni Dreyk na maging asawa si Selene ay hindi pa rin gano’n kadali na isiping hindi  pa siya buong pinagkakatiwalaan ng babae. At may tsansa pa umayaw ito, o di kaya’y pataguan siiya. Kaya naman kahit napaka-unpredictable ay magiging mas mabuti siya kay Selene.

“Narito lang naman ako, hindi mo kailanagang mangamba Selene, kapag may hindi ka naiintindihan o di kaya ay hindi mo alam ang isasagot sa isang tanong ay puwede kang magpatulong sa ‘kin,” pilit na mino-motivate ni Dreyk si Selene. His plan should work para sa magandang outcome nito. 

Mula sa ilalim nang lamesa ay inabot ni Dreyk ang medyo nanlalamig na kamay ni Selene. Pinisil niya ‘yon nang nakangiti sa babae. “Relax, Selene. Guest lang naman tayo rito, at saka kailangan mo na ring masanay sa mga ganitong okasyon. Lalo pa’t mas malaki pa sa event na ‘to ang gusto ko kapag ikakasal na tayo.”

Hindi rin maintindihan ni Dreyk kung bakit niya nasasabi ang ganito kay Selene, dala ng guiltness pa rin, o  baka may ibang dahilan na siya.

“Okay, sige.” Nagbreath in, breath out si Selene gaya nang pinapasunod sa kaniya ni Dreyk. Hindi nagtagal ay humupa na rin ang kaba niya, nagsimula  ang okasyon sa pangangasiwa ng isang masiglang MC. Nagbigay ng mensahe ang may pasimuno ng party para sa lahat. Napakaraming dumalong bigatin na bussiness man and woman, at isa sa hindi inaasahan ni Selene makakaharap niya ay ang parents ni Dreyk. Hindi niya personal na kilala ang mga ito, pero una niyang nakilala ang mag-asawa kay Claire, sa mga kwento nito na medyo nakakatakot.

Masungit, mapangmataas at hindi madaling makapalagayan ng loob.

Nang ibigay na ang stage para sa mga bisita’t nagkaroon ng pagkakataon si Dreyk na ipakilalala si Selene ng personal sa kanila. Katulad nga nang inaasahan, hindi naging maganda ang interaksyon na ‘yon.

“So, is this the woman Liset was talking about?” panimula ng sopistikadang ginang.

“Mom-”

“No, son, it’s alright. I was just confirming the news. And you were planning to get ,arried without even telling us? How could you even do that, Dreyk?”

Sinaway ni Mr. Sebastian ang kaniyang misis sa inaakto nito sa  kanilang harapan, ngunit ang ginang ay pinanganak na kalahi ng mga Leon, mas lalo lamang na umangil ang mga pangil niya.

“Why Robert? Mali ba ‘ko? Our son changed, kinalimutan na niyang may mga magulang pa siya.”

“Mom, I was about to tell it to you and dad, Liset just messed up with it. I’m sorry, okay?” Pinapakalma ni Dreyk ang histerikal na ina sa mga sinasabi nito, dahil baka mamaya ay mag-eskandalo pa ang ina ro’n, nakakahiya.

“Sorry po, Mrs. Sebastian, masiyado ho kasing nagmamadali ang anak niyo sa plano na ‘to-”

“Sinasabi mo ba na ang anak ko pa ang humahabol sa ‘yo? Wow! Ang kapal naman ng mukha mo , iha.”

“Mom, stop it!”

“Why would I? Iwanan mo ang babaeng ‘yan Dreyk, kung ayaw mog magkaroon tayong problemang dalawa. She was a whore! Napakaraumi!”

Nakailang pag-iling-iling si Dreyk sa mga pahayag ng kaniyang ina. Hindi niya gusto ang  mga sinasabi nito tungkol kay Selene, kung puwede lang niyang sabihin rito ang katotohanan ay gagawin niya. But then, him and Selene already have an agreement, hindi na nila maaaring ungkatin o buklatin pa ang pahina ng nakaraan. And he was respecting it.

“C’mon Selene, let’s just go home. We better talk some other time mom, kapag okay na ang mood mo. Gonna call you, okay. Dad,” tinapik niya ang ama sa balaikat nito senyales na nagpapaalam na sila. Good thing dahil mabait ang ama ni Dreyk, hindi nito ugali na makisawsaw pa sa asal ng kaniyang ina.

Ngunit ng akmang ilalayo na ni Dreyk si Selene, ay hindi ito kumilos, imbes ay hinarap niya si Dreyk tapos ay ang ina naman nito. Hinawakan niya ang braso ni Dreyk, at dumikit dito ng mas malapit pa.

“Mrs. Sebastian, alam kong mali ang pagkakataon na ito nang pagkikita natin, pero sana’y magkaroon tayo ng oras na maipapakita kong hindi ako gano’n kasamang tao. Lahat ng evil deeds ay may dahil.” Napakaprofessional ng reaksyon ni Selene sa harapan ng soon to be in-laws niya. Hindi siya kailangang magkamali kung ayaw niyang bigla na lang na mawala ang peacefullness na sinisimulan pa lang niyang lasapin. 

“And regarding naman po sa kung sino ang naghahabol sa min ng anak niyo eh…” Sinulayapan muna nito Dreyk na seryoso lang din na naghihintay sa sagot niya. Though may halong pag-aalinlangan sa mga mata nito ay naghintay pa rin ang binata.

“Masasabi kong hinabol talaga ako ng anak niyo, well, hindi ko naman siya masisisi kasi, sa ganda ko ba naman ‘to. Isa pa, ang sexy ko kaya Mrs. kung lilingon po kayo sa kalaiwa at sa kanan niyo mapapansin niyo ang ilang lalaki na halos maglaway na sa alindog ko. Look po.”

Naging naughty ang naging sagot na ‘yon ng dalaga na siya namang muntik nang pagpahimatay sa mayamang ginang sa kaniyang harapan. Napangisi na lang din si Selene sa reaksyon ng ina ni Dreyk sa kaniya. Sa loob niya’y may bad karma ang negative na ugaling ng sinoman.

“Selene.” 

Nginitian ng malawak ni Selene ang kaparehang lalaki sa party, mas lalo pa siyang naglambing sa mga braso ni Dreyk na para pang maliit na tuta na inaalagaan nito.

“But don’t worry po , ma’am, kay Dreyk lang ang mundo ko ngayon. Hindi lang po ‘yon, even my whole me, po. ‘Di ba, hon?” 

Mas lalo atang nagngitngit sa iniis si Mrs. Sebastian sa huling sinagot ni Selene sa kaniya, nais pa nitong humabol, ilampaso ang mukha ng bayarang babae upang magtino ngunit huli na. Nagawa nang ilayo ni Dreyk ang babaeng ipinakilala nito sa kanila kanaina. Ang mas lalo niyang ikinadismaya ay ang katotohanan na nanggaling mismo sa bibig ni Dreyk… na papakasalan niya nga si Selene.

“Robert, hindi maaaring maging parte ng pamilya natin ang babae na ‘yon, hindi ako makakapayag!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status