Share

Got Married to my Cousin's Ex-fiancee
Got Married to my Cousin's Ex-fiancee
Author: Yurikendo

The Scandal

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng sunod-sunod na pagkatok ang bumulabog sa mahimbing kong pagtulog. Napuyat ako sa dami ng paperworks sa school kaya madaling araw na rin ako nakatulog. Ang balak ko’y alas otso na ng umaga bumangon tutal ay alas dyes naman ang pasok ko. Ngunit hindi pa man nag-aalarm ang cellphone ko’y nagising na ako sa tila bomba na dumadagundong mula sa labas ng aking silid.

“Sandali lang,” inantok ko pang sagot habang hinahanap ang isang sapin ko sa paa na mukhang nakasilong pa sa ilalim ng higaan.

“Ano ba ‘yan, ang aga-aga pa,” reklamo ko sa sarili.

Subalit lahat ng katamlayan ko’t pagkaantok ay tinangay  ng hangin ng isang malutong na sampal ang bumungad sa ‘kin.

“Walanghiya ka! Mang-aagaw!” 

Sapo ang aking pisnge’t nanlalaki sa pagkagulat ang aking mga mata sa nangyari. Hawak ng ate ko at ni mama ang pinsan kong si Claire na siyang walang sabi-sabi na sumampal sa mukha ko. Napangiwi pa ‘ko sa sobrang lakas ng kaniyang palad na para bang biglang humiwalay sa katawan ko ang aking kaluluwa.

“Claire, maghunos dili ka.” Halos maghilahan na sila mama sa pag-awat sa pinsan kong sumugod ng ganito ka aga sa bahay namin, pagkatapos ay mananakit lang pala.

“Hindi tita, ‘wag niyo na pong kampihan pa ang anak niyo.” puno ng otoridad ang boses niya na hindi ko nagustuhan. Mas matanda sa akin si Claire ng tatlong taon pero kahit na gano’n ay  malapit pa rin kami sa isa’t isa. Madalas kaming lumabas magkasama, mamasyal at kumain sa labas. Masasabi kong isa siyang kaibigan.

“Claire, ano bang problema mo?” hindi ko na nagugustuhan ang ilang beses na pagsigaw at pagtataas niya ng boses kila ate kaya naman tinanong ko na sya kung ano ba ang problema niya.

“Hindi mo alam? O, nagmamaang-maangan ka na ngayon?” anito. Kitang kita sa panglalaki ng kaniyanng mga mata’t pagtatagisan ng kaniyang mga ngipin na umuusok na siya sa sobrang galit. “Ano, painosente ka pa, gano’n?”

“Alam mo, deretsahin mo ‘ko kung ano’ng problema hindi ‘yong nageeskandalo ka riyan,” tugon ko, ngunit sa loob ko’y may namumuo nang kaba. Natatakot ako na baka umabot na sa kaniya ang nangyari. Nakita na kaya niya ang Video? tanong niya sa sarili.

Nakailang pag-iling si Claire, pagkatapos ay bumaling kay mama at ate, pinipigilan niya pa ang pagsasalita. Hanggang sa tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha. 

“Claire…” paghagod ni mama sa likod ng pinsan ko.

“Tita, si S-Selena k-kasi…” uutal-utal na sambit nito sa pagitan ng kaniyang mga paghikbi. 

“Claire, let’s talk,” ani ko. Alam ko na kung ano ang nangyayari kaya naman nilapitan ko siya’t hinawakan ang kaniyang kamay. Hindi na kailangang malaman pa ng pamilya ko ang nangyari, ayokong magkagulo at kaawaan pa nila ako. 

“No!’ bigwas niya sa kamay ko na siyang naging dahilan upang mabitiwan ko siyang masampal niya pa ‘ko ng isa pang beses. “Ngayon aaluhin mo lang ako? So, naisip mo na kung ano ang problema ko ha, Selena? Ikaw ang problema ko! ‘Yang kalandian mo, paano mo nagawa sa ‘kin ‘to? Akala ko ba magkapatid tayo, magkaibigan? Pero bakit ang fiance ko pa?” 

Boom!

Para akong sinabuyan ng kumukulong tubig sa mga naging pahayag ni Claire, nangatal ang aking mga kamay sa takot. Ang kanilang mga mata’y nakatungo sa akin, naghihintay ng magiging sagot ko.

“Ano’ng ibig mong sabihin, Claire? Ano’ng tungkol sa fiancee mo?” ang ate ko naman ngayon ang nagtanong.

Gusto ko silang pigilan, subalit hindi makakilos ang mga paa ko. Napuno ng takot ang dibdib ko, bumabalik ang senaryo na nangyari ng gabi na ‘yon. Hindi ko kaya.

“Ate Angie, wala na kami ni Dreyk, wala ng kasal na magaganap dahil sinira na ang butihin niyong anak ang pangarap kong pamilya. Itatanong niyo kung paano ko nasabi ‘yon? Heto, tignan niyo.” Iniabot nii Claire ang kaniyang Cellphone na siyang naglalaman ng ebidensiya sa nagawa ko. Pero gusto kong hablutin ‘yon at sabihing hindi ko sinasadya, hindi ko gusto ang nangyari at mas lalong wala akong kasalanan.

Nanlambot ako ng marinig ang sarili kong boses sa video na pinakita niya kila mama, buong-buo ang mga ungol ko at maging ang kakaibanag tunog na galing sa aming katawan dahil sa mainit na eksenang iyon.

“Mama, makinig muna  kayo sa ‘kin, ganito kasi ‘yon,” nauutal kong sabi, ngunit hindi ko na naituloy pa ng ang mama ko naman ang nagpadapo ng sampal sa pisngi ko. ‘Yon ang pinakahindi ko makakaya.

“Ma…’

“Ano ‘to, Selene? Nakipags*x ka sa mapapangasawa ng pinsan mo? Ganito ba kita pinalaki ha? Para manira ng iba? Diyos ko naman, Selena.” Hindi na nakayanan pa ni mama’t hinimatay na siya sa sobrang sama ng loob. Iginiya ni ate si mama sa silid nito at inabisuhan kami na babalik siya para mas malinawan ang lahat. 

Kaya ng kami na lang ni Claire ang naiwan ay todo ang paghingi ko sa  kaniya ng tawad, sinubukan kong magpaliwanag peo hindi siya nakikinig sa ‘kin. Kaya kong isalaysay lahat ng nangyari ng gabi na ‘yon, kung papaanong nagkaroon kami ng video ng fiance niya at kung bakit ako nakipagsiping kay Kuya Dreyk. Lahat ‘yon ay nagsimula sa takot.

Hindi na ‘ko binigyan ng pagkakataon ni Claire upang linisin pa ang sarili ko. Matapos ng kaniyang mga pagbabanta sa pagkakaibigan namin ay walang pakundangan na niyang inilagay sa social media account niya ang video scandal na kinasangkutan ko. Nagsimula na itong kumalat three days ago pero dahil na nasa wall na ‘to ng famous account niya ay tuluyan ng makikita ng mga nakakakilala sa ‘kin ang Video. Sirang-sira na ang dignidag at pagkatao ko ng dahil do’n, na wala akong magawa kundi iyakan at awayin ang sarili ko.

Lumipas ang ilang linggo at napagdesisyunan ng School Council na i-drop out ako nang dahil sa nakakahiyang scandal na kinsangkutan ko. Nawala ang halos tatlong taon ko na pinagsikapan sa kolehiyo, actually lahat ng taon na ginugol ko sa pag-aaral ay naglahong parang bula. Tiyak na walang eskwelahan na basta na lang ako tatanggapin. 

Humuhikbi akong humarap kay mama at ate, tahimik lang din sila. Kami na lang na tatlo sa buhay kaya naman ayoko na magkaroon pa kami ng hindi pagkakaintindihan. Ngunit sadyang nasaktan ko sila, kailangan kong tanggapin. Ang ate ay nakatungo lang din sa ‘kin habang umiiyak, pero si mama ay seryoso ang mukha, walang bakas ng awa o luha sa mga mata niya. 

“Umalis ka na, hindi ka na namin kailangan dito. Tutal ay nasa hustong edad ka na, magagawa mo nang buhayin ang sarili mo. Katulad ng padedesisyon mong sum*ping sa lalaki.” 

Mas lalong tumulo ang luha ko sa sinabing iyon ni mama, pinagtatabuyan na niya ako bilang anak niya. “Ma.”

“‘Wag mo nang ipilit pa ‘to Selene, sinira mo ang lahat ng pangarap ko sa ‘yo. Dinumihan mo pa ang pangalan natin. Kung alam ko lang sana’y hindi na lang kita pinulot sa kalsada noon at inalagaan,” walang pag-aalinlangan na testamento ni Mama. Ano ang sinasabi niya na sana’y hindi na lang niya ko pinulot?

“Ma, tama na,” mariing pagsaway ni ate. Inalalayan nito si Mama sa makabilang balikat, ang mata mata niya’y sa akin naman nakadako. Nagkausap na kami ni Ate kagabi’t pinaliwanag niya sa ‘kin ang mga naging desisyon ni mama, ang hirap tumutol pero ano nga ba ang magagawa ko? Ayoko naman na muling ma-Ospital si mama dahil sa highblood.

“Ma-”

“Tumingin ka na, at ‘wag na ‘wag mo ‘kong tatawaging mama, dahil hindi naman kita anak! Wala akong anak na halip*arot. Lumayas ka!” 

Kumapit ako sa binti ni mama bilang pagsusumamo na bawiin niya ang mga sinabi niya, hindi ko na pinansin ang paggasgas ng tuhod ko sa malamig na sementadong sahig namin. Ang goal ko ay ang kausapin ako ni mama at sabihin nitong hindi na niya ako ipagtatabuyan.

“Ma, please…”

“Tulungan mo na lang siyang maglabas ng mga gamit niya, Sara.” Tumayo si mama’t aktong aakyat sa hagdan ng habulin ko siya’t yakapin mula sa likuran. 

“Wala naman akong kasalanan, mama. Please po.” Naghahalo ang uhog at luha ko, halos hindi ko na masambit ng maayos ang mga salita na lumalabas sa aking bibig dala ng sobrang takot sa sinabi ni mama. Hindi ko kayang malayo sa piling nila.

Pero hindi na nagbigay pa ng konting konsiderasyon si mama, iniwan niya na ako, hindi nilingon o binawi man lang ang mga sinabi niya.

Tuluyan akong umalis ng bahay na hindi alam ang pupuntahan.

“Liset, buti at pinuntahan mo ‘ko?” niyakap ko ang aking matalik na kaibigan matapos nitong sumipot sa parke kung saan ko siya hinihintay, balak kong magpatulong sa kaniya na makahanap ng matutuluyan.

“Break na kami ni Patrick, ayaw niyang makinig sa ‘kin. Liset, wala naman akong kasalanan do’n, ‘di ba? Alam mo ‘yon,” luhaan kong pagkukuwento sa aking kaibigan. Labis kong kinatuwa na kahit papaano’y may isang kaibigan na handag dumamay sa kabila ng mga pangmamata sa ‘kin ng ibang tao.

“Pabayaan mo na, sissy, pasasaan din at mahihimasmasan ‘yon si Patrick. Kung mahal ka talaga niya’y tiyak na hahabulin ka niya. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya para sa ‘yo.” Todo-todo ang pagbibigay ni Liset kaya naman isang ngiti ang ibinalik ko sa kaniya.

“‘Wag na siguro, tutal marumi na rin naman ko. Hahayaan ko na siyang mahanap niya ang babae na para sa kaniya talaga. Pero habang fresh pa ang nangyari, alalay mo sana muna siya ha, hanggang sa maging okay na ang lahat,” iyon ang huling pakiusap ko kay Liset, bukod pa sa paghingi ko ng kaniyang oras na tignan-tignan ang pamilya ko. Si mama at saka si Ate.

“Huwag mo na stress-in pa ang sarili mo, ako na ang bahala. Pero paano, ka na niyan? San ka pupunta?” inayos nito ang eyewear niya na bahagya ng bumababa sa may puno ng kaniyang ilong. Mallit na tao lang si Liset pero may tinatagong ganda, at matalino rin kaya nga at naging click kami bilang magkaibigan.

Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat, maging ang tungkol sa matutuluyan. Pero sad to say ay wala siyang alam na narito lang sa malapit, ang naisuggest niya sa ‘kin ay ang tita niya sa Maynila na naghahanap ng waitress sa kainan bussiness nito. Wala akong ibang option kaya ni-grab ko na ang oportunity na ‘yon. Sumakay ako ng bus na dadaan sa address na ibinigay ni Liset, naging emosyonal pa ako ng  mag-abot siya ng kaunting cash na makakatulong na rin upang makasurvive ako. Pandagdag sa pera na ibinigay ni Ate Sara bago ako umalis ng bahay.

Nalulungkot na kumaway ako sa kaibigan habang umaandar ang nasasakyan ko, mamimiss ko siya, actually, lahat sila na mahal ko.

Sa sandaling pagmumuni-muni ay isang tawag ang nagregister sa cellphone ko.

Calling Claire’s Fiance…

“Dreyk…” nausal ko.

Hindi ko sinagot ang tawag, imbes ay pinatay ko ang telepono, inalis ang simcard at saka itinapon ‘yon. Kailangan ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. Pinunasana ko ang luha na muli ay umagos mula sa aking mga ata.

“Lilinisin ko ang pangalan ko, hindi ko na mabubura ang video na ‘yon pero kaya ko pang ipakita sa kanila na wala akong kasalanan,” pagpapakalma ko pa sa aking sarili, buuga ng hangin at nag-ayos ng pagkakaupo.

Baka ang Maynila ang magpabago sa kapalaran ko.

… 

Sa kabilang dako, si Dreyk, ang bente singko anyos na starting CEO sa kanilang kumpaniya ay kanina pa pilit na dinadial ang numero ni Selene. Nalaman niya mula sa isang kaibigan na nasa kanilang lugar ang nangyari sa babae. Matapos kasi ng insidente ay hindi nila nagawang mag-usap pa. Ang tungkol naman sa kanila ng soon-to-be wife sana niyang si Claire ay natapos na rin, walang personal closure pero sinarado na ni Claire ang sa kanila through social media and via call. 

He tried to fixed it, pero ayaw na ni Claire. Masakit pero he respected her, dahil may mali rin talaga siya. Claire deserve a better man, at hindi siya ‘yon.

Pero si Selene, he needs to save her. She was naive and innocent.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status