Mag-log in"Okay class, today’s the day."Maaga akong nakapasok sa room, dala na yung laptop at flash drive namin ni Adrian. Halos lahat nakaprepare na rin, may kanya kanyang props, printed visuals, at powerpoint presentations.Kumakabog ang dibdib ko, ang daming audience, isa na doon sila thea at hiro, nakangiti si thea habang si hiro naman seryoso lang nakatingin, kitang-kita ko kung gaano siya ka-confident habang may hawak na folder."Relax lang, Cy." Mahinang bulong ni Adrian habang nakatayo kami sa gilid. "We practiced enough. Kaya natin 'to."Unang tumawag si prof ng group, sila Thea ang tinawag nito. Nung pumunta si Hiro at Thea sa harap, parang buong class nakatutok na, ang lakas kasi ng presence nila, parang hindi kinakabahan.Thea was all smiles, very lively mag explain, tapos si Hiro was so unexpected, I never thought ganyan sya kagaling mag explain, parang lahat captivated sa boses niya.Hindi ko man aminin, pero napahanga
Hiro’s POV.Minsan, hindi ko rin maintindihan yung babae na yon. Ang gulo, at ang ingay. Lalo na netong mga nakaraan, laging naka iwas sa'kin, tapos hindi ako masyado matingnan sa mata tulad ng dati, tsk complicated mo masyado, Cyrene.Kagabi pa siya parang lutang, parang tulala, may problema ba siya? parang may iniisip siya na malalim tsss, hindi ko naman siya concern pero na bo-bother ako sa pinapakita niyang action sa'kin. Bigla kong narinig ko yung tunog ng pintuan sa kusina, lumabas ako para silipin.Ayun, nagulat pa siya nung makita ako."Put—Hiro! Pwede ba magparamdam ka man lang?!" reklamo niya.Napailing na lang ako. Wow, parang ako pa may kasalanan. "Pwede bang maki ramdam ka? Kung mabundol ka sa daan, kasalanan ko pa?" Saka ko siya tiningnan ng diretso. Totoo naman sa nakikita ko, may dinadala siyang hindi sinasabi. Laging sarkastiko yung pinapakita niyang expression."Ano?" tanong niya, halatang defensive.
Pagdating ko sa school, agad akong nakipagkita kay Adrian sa library para tapusin yung draft ng project. Sobrang focused siya habang nagsusulat."Cyrene, ikaw na yung bahala sa analysis part ha? Mas magaling ka dun kaysa sakin" sabi niya habang naka-yuko sa notes.Tumango ako. "Sure, send mo na lang sakin yung data para maayos ko mamaya.""Good. swerte ko sa ka pair ko." Natawa siya ng mahina. Napangiti ako. Hindi niya alam kung gaano ako ka stress deep inside. --Pagkatapos ng klase, habang naglalakad ako palabas ng gate, may narinig akong pamilyar na boses."Cyrene?" Napalingon ako at nagulat nang makita si Calyx, nakasandal sa motor niya, naka-hoodie at may hawak ng iced coffee."Calyx?!"Halos mabitawan ko yung books ko. "Anong ginagawa mo dito?"Ngumiti siya, "Hinintay kita. Sabi ni Thea may class ka hanggang hapon. Thought you might need a ride." Si Thea? Set- up ba 'to? Tsk yung babaeng yun tala
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam muna si Thea para bumili, "Wait lang ha, I'll get us ice cream! Treat ko na 'to" ngita niya sabay sulyap kay Hiro. Napatingin agad ako sa reaction niya tapos nag nod lang siya.Naiwan kaming dalawa ni Hiro. Ang awkward, bakit naging ganito bigla tension naming dalawa?Kinuha ko yung tubig ko at uminom, pilit na hindi siya tinitingnan. Pero ramdam ko yung pag ubo niya ng mahina sa tabi. "So earlier.." biglang basag niya sa katahimikan halos pabulong lang.Napatingin ako, hindi inaasahan. "What?""Kanina, you kept looking." Nag cross-arms siya, tapos diretsong nakatitig sakin. Bigla akong napaubo. "W-what? In your dreams!" sagot ko agad, halos defensive.Umangat yung isang sulok ng labi niya. "Hmm. If you say so."Sana kainin nalang ako ng lupa ngayon, please.Mabuti nalang bumalik si Thea, sabay abot ng tatlong cups ng ice cream. "Here you go! Uy, anong chika n
Kinabukasan, pinatawag na agad kami ng prof para makapag-usap ang bawat pair tungkol sa finals project. Napuno ang maliit na function room ng ingay may kanya-kanyang group na nag-umpisa nang magplano. Umupo ako sa tabi ni Adrian. Nakangiti siya agad. "Hi, Cyrene. Mukhang magiging magaan lang ‘to" bati niya, sabay labas ng notebook. "Oo nga" sagot ko, pinilit maging normal ang tono. Mabait naman siya, madali kausap. "Ano plano mo?" "Ikaw, ladies first" sagot niya, medyo nakangisi. "Wag ka mag alala, sanay akong mag-effort. Ayoko ang partner ko yung napapagod." Napatawa ako ng mahina. Makulit din pala siya, major ata neto is IT, kaya pala lowkey at chill lang vibes niya. Pero habang nag-uusap kami, hindi ko maiwasang sulyapan ang kabilang side. Nakaharap sila sa isa’t isa, parehong seryoso habang may binabasa sa laptop. Si Thea, hindi mapigil ang kilig, laging nakangiti at ramdam ko kahit malayo. Tss
"Cyrene Mendoza!"Napatingin ako bigla nang marinig ko ang pangalan ko. Napansin ko na lang na hawak ko pa rin yung ballpen pero wala naman akong sinusulat sa notebook ko. Kanina pa pala ako nakatulala habang nagsasalita yung prof."Miss?" ulit ng professor, nakakunot na ang noo. "Pakibasa yung nasa board.""Ah—yes po, sir!" Agad akong napabalik sa wisyo at binasa nang mabilis yung nakasulat sa harap. Narinig ko ang konting tawa mula sa mga kaklase ko, halata na wala ako sa sarili.Pag upo ko ulit, napahawak ako sa ulo ko. Diyos ko, Cyrene. Focus ka naman kahit minsan.Pero paano ba ako makaka-focus kung siya naiisip ko? Bwisit. Bakit ba kasi siya pa?"Hoy, daydreamer." May kumalabit sa braso ko. Si Mica, seatmate ko. "Crush mo ba yung prof kaya ganyan ka? Kung oo, gets ko."Napairap ako agad. "Ulol. Wala akong crush."“Ows? E bakit may pa blush ka?” Umismid siya, halatang naiintriga. "Spill the tea, sis."







