Share

Chaper 22

Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak hanggang sa makalabas na kami sa basement. Hila-hila ako ni Rod hanggang sa makarating kami sa ikalawang palapag ng mansyon. Sa loob ng silid niya na pinagadalhan niya sa akin noon.

“Mula ngayon ay dito ka na titira, Jane. HIndi ka lalabas sa kwartong ito. Na iintindihan mo ba?” ani Rod. Binitawan niya ako at hinarap.

Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa labis na emosyon. Pero kahit ano’ng pigil ko sa luha ko ay para iyong talon na patuloy na sa pag-agos. “I-Ikukulong mo ako rito? Rod. May buhay rin ako. Hindi mo ako pwedeng ikulong dito,” nanghihinang sabi ko. Tinitigan niya ako.

“Akala ko ba susundin mo lahat ng gusto ko?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Napakagat ako ng labi at agad na nag-iwas ng tingin. “P-Pero hindi mo ako pwedeng ikulong dito habang-buhay. Rod, may buhay ako. Nag-aaral ako!”

“You don’t need to study, Jane. Sinabi ko na ‘yo. Be mine, and I will giv
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status