Ilang araw muna ang pinalipas ni Brian bago umuwi ng Samar. Ginawa na rin niya iyon dahil hindi na siya tinigilan ng daddy niya sa tawag at text mula noong umalis si Jane pabalik sa Samar. Galit na galit ito dahil nga ay nagawa pang magpakita roon ng dalaga. Kaya minabuti ni Brian na h’wag munang sagutin ang mga tawag nito at manatili na lang muna sa Manila. Itinigil ni Brian ang sasakyang kaniyang minamaneho sa tapat ng isang malaking bahay. Bumaba siya roon at pinagmasdan ang kanilang tahanan. Sa isang taon ay isang beses lamang siya nauwi. Tuwing pasko lamang at agad din siyang umaalis pabalik ng Canada. Kung hindi nga lang dahil sa kaniyang ina ay hindi na siya babalik pa rito. Hindi niya kasi matagalan ang kaniyang ama. Palagi kasi siyang pinipilit ni Clarixto na manatili na lamang sa Pinas para tulungan sa mga negosyo nila. Negosyo na hindi naman sa kanila dahil pagmamay-ari iyon ng kaniyang pinsan. Idagdag pang hindi siya pabor sa mga masasamang gawain ng mga ito. Napailing n
“Ang pogi naman ng baby ko!” masayang sabi ni Jane habang hinahaplos ang pisngi ni Renz. Nakasuot ito ng tuxedo na pang bata. Nangingintab din ang buhok nito na pinahiran ng gel. “You too, mommy! You are maganda!”“Ahhw. Thank you, baby!” Pinisil ni Jane ang pisngi ni Renz. “Come on? Punta na tayo sa baba?” Inilahad ni Jane ang kamay sa anak at naglakad na sila palabas ng kwarto. Nagdaos ng party si Rodrigo para sa kanilang mag-ina. Ito na rin ang paraan nito para pormal nang ipaalam sa mga tao na siya ay nagbalik na. Ayaw sana ni Jane dahil wala naman siyang balak magtagal dito. Ngunit wala na siyang nagawa dahil inayos na pala lahat ni Rodrigo. Maging ang isusuot nilang mag-ina ay nakahanda na. Nakasuot siya ng pulang long gown na may mahabang slit sa laylayan kaya kita ang maputi niyang hita. Wala rin iyong manggas at ipit na ipit ang kaniyang dibdib. Hindi na siya nagpaayos pa at hinayaan na lang na nakalugay ang buhok. Tuwang-tuwa rin kasi si Renz para sa party na mangyayari. S
Kumalas si Jane kay Brian at salubong ang mga kilay na tinitigan ito. “Bakit ngayon ka lang? I was waiting for you! Akala ko umuwi ka na sa Canada!” may himig ng pagkainis na sabi ni Jane.Natawa nang kaunti si Brian. “I’m sorry. Hindi ako nakabalik agad because of dad. Alam mo naman ang gusto niyang mangyari, ‘di ba? Actually, he was furious when we met earlier.” Bumuntonghininga siya. “How are you? Sinaktan ka ba ni Rodrigo?” Umiling si Jane. “Na… Nasampal niya ako.” “What?! Why?!” “Nagtalo kami. Tama ang hinala ko, Brian. Nakita na niya kami. Narito na kami. Hindi na niya ako pakakawalan. He is using Renz.” “Napaka sama talaga niya! I don’t even know why we are related.” Hinawakan ni Brian ang magkabilang braso ni Jane at marahan iyong hinagod. “Don’t worry. Narito na ako. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa inyo. Gagawa tayo nang paraan para makaalis kayo rito.” Tumango si Jane. “Thank you, Brian. At least you are here now. Medyo panatag na ako.” Ngumiti si Brian. “Of cour
Nabalot nang matinding katahimikan ang paligid. Lahat ay nagtataka dahil sa nakagugulat na pag-akto ni Rodrigo. Siguro kung hindi alam ng isang tao ang mga kasamaang ginawa ng binata ay iisipin nito na isang mabuting tao ito. “Maigi pa ho ay pumasok na tayo sa loob. Malamok na rito,” ani Rodrigo. “Hindi! Hindi kamo papasok sa impyernong ‘yan, Navarro! Aalis na kami ng anak ko ngayon!” tanggi ni Tomas. “Pero, ‘Pa. Gabi na. Mahihirapan na kayong bumyahe ngayon.” “Wala akong pakealam. At pwede ba? H’wag mo akong tawaging papa.” “Eh, sige ho. Kung iyan ang gusto niyo. Ihahatid ko ngayon sa airport.” “Hindi na kailangan,” sabat ni Camia.Tumikhim si Brian. “Or kung ako na lang ang maghatid sa kanila?” Ngumisi si Rodrigo. “It’s fine, Brian. Masyado ka nang naging mabait sa asawa ko ngayong gabi,” makahulugang sabi nito. Napalunok si Jane at biglang nag-alala. Ano’ng ibig niyang sabihin? “Ayos lang naman sa akin kung ngayon kayo aalis. Ang problema ay baka masyadong mapagod si Renz.
“Dito na ho muna kayo,” ani Brian. Karga-karga nito si Renz at inihiga sa kama ng hotel room na kanilang pinasukan. Nag-check in sila sa isang mamahaling hotel. Dalawang kwarto ang kinuha nila para sa mga magulang ni Jane at sa kanila. Nasa kabilang kwarto na ang mga kapatid ni Jane at ang kasama na lamang nila ay ang mga magulang nito. “Maraming salamat, hijo,” ani Camia sa binata. Ngumiti lang si Brian at inihiga na si Renz na tulog pa rin. Para bang wala itong naririnig sa mga ingay na nangyayari. Matapos na muntik nang magkagulo sa mansyon nila Rodrigo ay agad na umalis sila Jane doon. Hindi na hinayaan ng magulang ni Jane na hindi sila kasama na umalis doon. “Jane, anak.” Marahang hinila ni Camia si Jane papunta sa pahabang sofa at tinabihan ito. Naluluhang tinitigan niya ang mukha ng anak. “Hindi pa rin ako makapaniwala, Jane. Akala ko nawala ka na sa amin.” “Ano ba ang nangyari, anak? Sinubukan ka naming hanapin pero wala.”Huminga nang malalim si Jane at tiningnan ang mga
Maagang dumating si Brians a hotel kung nasaan sila Jane. Ito na rin mismo ang naghatid sa kanila papunta sa airport. Gusto pa nga sanang sumama ng binata papunta sa Cavite ngunit pinigilan na ito ni Jane. Hindi pa rin kasi maganda ang pakiramdam ng kaniyang mga magulang sa binata. “Narito na ang ilang mga gamit niyo na nakuha ko sa mansyon,” iniabot ni Brian ang isang maliit na maleta kay Jane. “Nagtatanong si Rodrigo kung kailan ang balik niyo.” Natigilan si Jane sa sinabi ni Brian. Umiling siya at nagkibit ng balikat. “Hindi ako sigurado kung pababalikin ako nila Mama. Pero susubukan ko kahit ako lang para hindi siya magtaka. Wala pa rin akong tiwala kahit na pinapakita niyang mabait siya.” “Bakit kaya hindi mo papuntahin sa ibang bansa sila? At least doon ay magiging ligtas ang mga magulang mo kung talagang nag-aalala ka.” “Magagalit si Rico kapag hindi ako kasama.” “I’ll talk to him.” Tumango si Jane. “Sige na. Hinihintay na ako nila Mama.” “Mag-iingat kayo roon.” Nginiti
“What brings you here, Rodrigo?” tanong ni Clarixto noong biglang pumasok ang pamangkin sa loob ng kaniyang opisina. Wala pang tanghali pero mamula-mula na ang mga pisngi nito at ang mga mata. “Why? Last time I check, ako pa rin ang may-ari nito,” tugon ni Rodrigo. Napangisi si Clarixto. “Yes.” Umiling-iling siya. “I heard na hinayaan mo raw ang mag-ina mong umalis at pumunta sa Cavite.” Napabuga ng hangin si Rodrigo. Tumayo siya at lumapit sa mini-bar ng kaniyang tiyuhin at nagsalin ng alak. Ilang araw nang wala ang kaniyang mag-ina at wala siyang balita pa sa mga ito. Medyo na iinip na nga siya kaya inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagpunta sa bar nila. “Yep. I thought it is right. Magulang naman iyon ni Jane. They have a right to know that she is back.” Bahagyang umarko ang mga kilay ni Clarixto at hindi makapaniwalang tiningnan ang likod ng pamangkin. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at ibinaba ang hawak na papel. “At kailan pa naisip ng isang Rodrigo Navarro ang k
Habol ang hininga na biglang nagising si Jane. Madilim ang kaniyang paningin noong minulat niya ang kaniyang mga mata. Noong sinubukan niyang sumigaw ay tanging mahinang ungol lamang ang kumawalang tunong mula sa kaniya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Where am I?! Biglang napaiyak si Jane noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalakeng iyon ang bumaril sa kaniya noon! Pinilit ni Jane gumalaw ngunit siya talaga ay nakatali. Kahit ano ang pilit niyang paggalaw ay wala siyang magawa. Ang anak ko? Diyos ko! Renz! Lalong nagkumawala si Jane sa kaniyang pagkakagapos ngunit unti-unti lamang naubos ang kaniyang lakas ay hindi siya nakawala. Hinihingal na tumigil siya at nakiramdam sa paligid. Napakatahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis at malalim niyang mga paghinga. Diyos ko. Ano ang nangyayari? Sino ang gumawa nito? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong posisyon