"Grace aalis ako ngayon! Teka, ikaw!muntik ko na makalimutan ano itong sinasabi sa akin ni Ian na wag ka na mag-asikaso dito sa bahay! Ang kapal naman ng mukha mo at nagsumbong ka pa sa anak ko. Kung ayaw mo naman pala magpautos dito! hala sige kunin muna mga gamit mo at umalis ka na dito."-Galit na sabi sa akin ni tita celine
Naghuhugas ako ng mga kaldero at tahimik na nakikinig sa mga masakit na salita ni tita sa akin."Wag ko lang malaman na sinisiraan mo ako sa anak ko malilintikan ka talaga sa akin. Bw*sit makaalis na nga!"-Iritang sabi ni tita at umalis na siya.Ako na naman maiiwan dito sa bahay tinapos ko na ang paghuhugas.Tiis na lang muna ako ngayon kapag umalis ako hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko talaga umalis.Siguro magbabago rin sila balang araw at irato nila akong isang tao.Kailan naman mangyayari yun? baka tumanda na ako hindi mangyayari ang iniisip ko.Umakyat na ako dahil pagod na pagod na talaga ako. Palagi ako ginigising ni tita ng madaling araw para gawin ang gawaing bahay.Nang may narinig akong umuungol na babae hinanap ko kung saan galing at pinakinggan."Rex! Oh..Rex..babe faster.!"-Sabi nung girlfriend ni kuya Rex.Lumayo ako sa pintuan dahil kinikilibutan ako sa narinig ko.Nagmadali ako lumakad at hindi sinasadya natumba ko yung pinakamahal na vase ni tita.Lagot ako kay tita nito!Narinig ko lumabas si kuya Rex at tiningnan ako."Babe..!"-Sabi nung girlfriend ni kuya Rex at lumabas rin sa kwarto.Kumuha ako ng dust pan at walis sa kusinaUmakyat agad ako nang makita ko malinis na yung sahig."Kailan kaya kita maririnig na tinatawag ang pangalan ko."-Sabi niya sa akin at kumindat.Alam ko ang ibig niya sabihin at kinabahan ako bigla.Pumunta na ako sa kwarto ko at sinara ang pintuan.Kahit na gwapo si kuya Rex bawal dahil magpinsan kami.Lumapit ako sa cabinet at kinuha ko ang family picture namin ng namayapa kong magulang.Bumagsak ang mga luha ko at masakit na tiningnan ang litrato."Bakit iniwan niyo ako ng maaga mama at papa? Miss ko na kayo yung panahon na masaya tayo sa hapagkainan at walang problema. Hindi niyo po ako pinaglinis ng gawaing bahay nang paulit-ulit. Namimiss ko na maging masaya kasama kayo! Bakit maaga niyo ako iniwan sana hindi na ako nahihirapan dito kila tita at binababoy ng anak niya."-Iyak kong sabi sa litrato.Humiga ako sa kama at niyakap ang picture na iniingatan ko.Nagbalik ang alaala sa akin na sobrang sakit tanggapin.Flashback"Mama! Papa!"-Sigaw ko at umiiyakHawak ni tita celine ang braso ko at pinipigilan ako pumasok sa nasusunog na bahay namin."Grace alam ko mahirap tanggapin na wala na si kuya at ate pero hayaan mo nandito naman ako para alagaan ka."-Nakangiting sabi sa akin ni tita celine.Umiiyak pa rin ako nilabas na ang mga bangkay nila mama at papa.Pinatuloy ako ni tita sa bahay niya at pinakilala ang mga anak niyaSi kuya Ian ang close ko dahil sobrang bait niya sa akin at nirerespeto ako.Kabaliktaran kay kuya Rex na pinagtitripan ako at pinagsamantalahan.End of FlashbackMay kumakatok sa pintuan bigla ako natakot baka si kuya Rex.Napayakap ako sa sarili nang bumukas ang pintuan."Ano ka ba Grace! buti may duplicate ako ng susi. Yung kanin sunog na bakit mo ba iniwan at nagkulong ka dito sa kwarto."-Mataray na sabi sa akin ni tita celine.Nakahinga ako ng maluwag at bumangon sa kama."Sorry tita magluluto na lang ulit ako."-Magalang na sabi ko sa kanya.Nagpaypay siya sa sarili niya at lumapit sa akin bigla niya ako sinampal ng malakas.Hinawakan ko lang ang pisngi ko at tumingin sa kanya.Lumakad si tita sa bandang kama at naghagis ng asin sa sahig."Lumuhod ka!"-Galit na sigaw ni tita sa akin.Napaluhod ako bigla at naramdaman ko agad ang sakit sa tuhod ko."Parusa mo yan Grace! Dahil nabasag mo ang iniingatan kong vase. Alam mo bang mahal yun! Paano mo mapapalitan ang vase ko magdamag kang lumuhod dyan nang madala ka. Subukan mo tumayo hindi pa yan ang parusang ibibigay ko."-Mahabang sabi ni tita sa akin at umalis na sa kwarto.Naiiyak na ako sa hapdi pero tinitiis ko lang.Pumasok nang kwarto si tita at may dalang mga libro na makapal."Tita hindi ko naman po sinasadya!Patawarin mo na ako."-Naiiyak kong sabi kay tita.Lumapit siya sa akin at kinuha ang dalawa kong kamay at nilagay ang mabibigat na libro."Dagdag yan dahil wala kami makain ngayon kasi ikaw bakit hindi ka nagluto ng ulam at sunog pa ang kanin."-Iritang sabi ni tita at pinitik ang noo ko.Sobrang sakit na ng katawan ko at nangangalay na ako sa librong nakalagay sa kamay ko."Tita.."-Nanghihina kong sabi.May biglang pumasok at tinulungan ako tumayo."Ma ano ginagawa mo kay Grace?"-Tanong ni kuya Ian kay tita.Tumingin si tita sa amin at nagsalita."Pinaparusahan dahil binasag niya ang vase ko."-Sabi ni tita.Pinaupo niya ako sa kama at siya ang lumuhod sa asin.Kinuha niya ang mga makakapal na libro.Nagulat kami ni tita dahil sa ginawa ni kuya Ian."Ako na lang ang parusahan mo Ma!"-Sabi ni kuya Ian.Lumapit si tita kay kuya Ian at pinapatayo niya ito pero nagmatigas si kuya Ian."Anak tumayo ka na dyan!"-Pakiusap ni tita.Ayaw pa rin ni kuya hindi niya pinapakinggan si tita."Sige na anak tumayo ka na! hindi ko na paparusahan si Grace! Basta tumayo ka na mananakit ang mga tuhod mo."-Pag-alala na sabi ni tita kay kuya Ian.Tumayo na si kuya Ian at lumapit sa akin."Anak bibili lang ako ng pagkain mo, alam kong pagod ka sa byahe mo."-Sabi ni tita kay kuya at lumabas na ng kwarto.Tumabi si kuya Ian sa akin at hinalikan ako sa noo ko."You are safe now."-Sabi sa akin ni kuya IanNiyakap ko siya at umiyak sa balikat niya.[The Wedding] Naglakad na ako ng dahan dahan papunta sa harapan nang may kumakanta pero pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad.Bigla ako napaiyak ng makita ko na kung sino yung nasa harapan.Ang lalaking mahal ko!Nakasuot nang tuxedong itim at nakangiting nakatingin sa akin.Naglalakad ako papunta sa kanya habang umiiyak sa saya na nararamdaman. Pero ang katabi niya ay si Denver na nakangiti rin sa akin.Nakalapit na ako sa unahan nang tumayo si Kuya Rex sa upuan niya at nagsalita."Wag ka umiyak Grace may make-up ka sa mukha. Congrats sa wakas magiging masaya kana sa kanya at Calvin ingatan mo si Grace, Ikaw talaga ang dami mong alam nakikita mo ito meron tuloy akong bukol dahil sa tauhan mo sinapak ako ng malakas."-Sabi ni Kuya Rex at tinuro yung bukol sa noo niya.Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Kuya at lumapit na kami kay Calvin. Nang magsalita si Denver sa akin."Congrats Grace, Alam ko magiging masaya ka na sa piling ni Calvin. Sorry sa mga nagawa ko sayo noon sana mapat
Nagising ako dahil may gumigising sa akin at pagdilat ng mga mata ko si Tita Kate ang nakita ko."Kamusta ang pakiramdam mo?"-Tanong sa akin ni Tita Kate.Bumangon ako at inisip ko yung mga nangyari. Bigla akong tumingin kay Tita Kate."Tita bakit po nandito ako?"-Tanong ko kay Tita Kate dahil nakatayo yung mga dumukot sa akin kanina sa tabi ni Tita.Grabe hindi ko lubusan akala si Tita Kate ang magpapadukot sa akin. Ano naman ang dahilan? Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari!"Sumunod ka sa akin!"-Sabi ni Tita Kate sa akin at tumayo sa kama na hinigaan ko.Natatakot man ako sa kanya ay sumunod na lang ako."Ano po nangyayari?"-Tanong ko kay Tita Kate kahit natatakot.Tumingin siya sa akin ng seryoso at naglabas ng baril sa bulsa niya na kinagulat ko."Wag kang maraming tanong!"-Galit na sabi ni Tita Kate sa akin.May humawak sa magkabilang kong braso at hinila ako papunta sa isang silid."Tita Kate ano po kasalanan ko? Maawa ka sa akin ayoko pa mamatay gusto ko pa makita si Calvi
Matamlay ako dahil nalaman ko umalis na si Calvin. Parang nanghihina ako dahil wala na siya. Nakaupo lang ako dito sa terrace. Habang humahampas sa katawan ko yung malakas na hangin. Naalala ko si Kuya Ian sobrang namimiss ko na siya."Grace. Ayos ka lang?"-Tanong ni Kuya Rex sa akin.Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba magpakasal sa lalaking hindi ko mahal. Pero si Calvin umalis ng hindi man lang nagpaalam sa akin. Tumingin ako kay Kuya Rex at ngumiti sa kanya."Ayos lang ako kuya."-Sabi ko kay Kuya.Nang may dumating na mga tao dito sa terrace."Siya ba si Grace Monteverde?"-Biglang sabi nung may edad na babae pero bata pa siya tingnan.Sumenyas si kuya sa akin kaya nagsalita ako sa mga bisita namin."Ako po."-Magalang na sabi ko.Ngumiti sila sa akin at nagpakilala ng maayos."Magulang kami ni Ca..."-Hindi natuloy yung sinabi nung may edad na babae nang magsalita si kuya.Nagtataka na talaga ako kay kuya palagi na lang sumisingit."Si Denver!"-Sabi ni kuya nang makita niya si Denv
Nagrerehearse kami ngayon sa simbahan."Okay Guys pwede na po kayo umuwi!"-Sabi nung nag-aayos ng pwesto namin.Sa wakas natapos rin!Lumapit na sa akin si Kuya at binigyan niya ako ng tubig. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ko ito."Hindi ko alam kuya ikaw pala bestman sa kasal."-Sabi ko kay Kuya.Tumawa si Denver dahil sa sinabi ko at lumapit sa amin. Inirapan ko si Denver at nagsalita."Ano naman nakakatawa Denver?"-Masungit kong sabi kay Denver.Lumabas na ako sa simbahan at iniwan ko yung dalawa sa loob. Nang may lumapit sa akin na magandang babae at nagpakilala sa akin."Hi Ako nga pala si Janine Del Mundo. Ikaw ano pangalan mo?"-Sabi niya sa akin.Ngumiti ako sa babae at nagpakilala sa kanya ng maayos."Ako si Grace Monteverde."-Pakilala ko sa babae.Ngumiti sa akin yung babae at nagtataka ako na parang may hinahanap siya sa loob ng simbahan."Sino hinahanap mo?"-Tanong ko kay Janine.Tumingin din ako sa loob at nagsalita agad siya sa tanong ko."Si Denver kanina ko pa hinahan
Ilang araw kong hindi kinikibo si Kuya Rex at galit ako sa kanila. Gusto ko mag-isa at ayoko makipag-usap sa kanila."Sorry, Alam ko galit ka sa akin. Si Denver talaga nagsabi sa akin. Kaibigan ko kasi siya kaya pumayag na lang ako. Ilang araw mo kung hindi pinapansin. Sabihin mo lang kung magbaback-out ka sa kasal niyo ni Denver. Tatawagan ko siya ngayon para icancelled..."-Sabi sa akin ni Kuya Rex at akmang kukunin na yung cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya nang pigilan ko siya at nagsalita.Marami na silang inistorbo para sa kasal kaya nakakahiya naman sa mga tao na galing pa sa ibang bansa makaattend lang sa kasal."Hindi na kailangan."-Sabi ko sa kanya.Ito naman ang gusto ni Denver pagbibigyan ko siya sa gusto niya. Wala rin naman ako magagawa at hindi na ako magbabalak tumakas pa dito kasi ganun pa rin babalik pa rin ako dito kung magtatangka pa ako umalis."Okay. Hindi ka na galit sa akin? Bati na tayo! Sana dumating yung araw na tuluyan mo na ako mapatawad sa mga kasala
Ilang araw ako tulala at hindi kumakain palagi lang ako sa kwarto hindi ko pinapansin si Kuya Rex sa mga sinasabi niya sa akin."Grace pansinin mo naman ako, Ilang araw kang hindi kumakain baka kung mapaano ka!"-Sabi niya sa akin.Hindi ako kumibo bagkus nakatingin lang ako sa kanya."Sige iiwan ko lang yung panibago mong pagkain."-Sabi ni Kuya Rex sa akin.Lalabas na sana si Kuya Rex nang magsalita ako."Kailan ang kasal?"-Tanong ko kay Kuya Rex.Nang may pumasok sa kwarto ko at nagsalita."Bakit hindi kumakain yung magiging asawa ko?"-Biglang sabi ni Denver sa amin.Tumingin sa akin si Kuya Rex at napakamot sa ulo niya."Ano ibig sabihin nito kuya?"-Tanong ko kay Kuya Rex.Biglang nagsalita si Denver at doon ako nainis sa nalaman ko."Pumayag ka daw na magpakasal sa akin! Pumunta pa kasi ako sa New York dahil inasikaso ko yung wedding invitation nating dalawa. Nakahanda na lahat Grace para sa kasal natin."-Masayang sabi ni Denver.Naguguluhan ako sa mga nangyayari at tumingin ako ng
Naglalakad ako habang hinihila ang maleta sa kalsada. Narealize ko na hindi ko alam kung nasaan ang bahay nila Calvin. Nang may lumapit sa akin na limang lalaki."Saan ang punta mo Miss Beautiful?"-Tanong nila sa akin.Mahigpit kong hinawakan yung maleta ko at natatakot. Hahawakan sana ako sa braso nung mukhang unggoy na lalaki nang may sumapak sa kanya."Don't touch her!"-Galit na sabi ni CalvinLumapit ako kay Calvin at susugod na sana yung limang lalaki nang ipakita ni Calvin yung baril sa bandang pantalon niya. Biglang nagsalita yung may kulay ang buhok."Boss pasensya na."-Sabi nung lalaki kay Calvin.Tumakbo nang mabilis yung limang lalaki sa takot nang akmang kukunin na ni Calvin yung baril sa pantalon niya."Tsk."-Sabi ni Calvin.Tumingin siya sa akin ng seryoso at nagsalita."Bakit nandito ka dis-oras ng Gabi?"-Galit na sabi sa akin ni Calvin.Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit at nagsalita."Kasi hinahanap kita."-Sagot ko sa kanya.Humiwalay si Calvin sa yakap ko at nagsali
Ginising ako ni kuya Rex pero hindi ko siya pinansin."Grace! Gising na kumain na tayo!"-Sabi sa akin ni Kuya Rex.Magdamag akong umiyak kagabi at hindi ko madilat ang mga mata ko."Grace!"-Tawag niya sa akin.Nang maramdaman ko hinawakan ako ni kuya Rex sa braso ko. Napabangon ako sa kama at tumingin sa kanya ng masama."Wag na wag mo akong hahawakan! Di porket pumayag ako magpakasal sayo pwede muna ako hawakan. Oo na kakain na tayo!"-Galit na sabi ko sa kanya.Nagulat si kuya Rex dahil first time ko siyang sinigawan. Nauna ako lumabas sa kwarto at narealize ko wala si Tita Celine dito sa malaking bahay.Habang kumakain kami ni Kuya Rex hindi ko mapigilan na magtanong sa kanya."Kuya Rex, pansin ko wala yung magaling mong nanay. Nasaan siya? Ang yaman niyo na ah! Nagnakaw siguro kayo sa banko kaya ang ganda ng buhay niyo. Hindi katulad ko na miserable pa sa daga!"-Insulto kong sabi kay kuya Rex na napatigil sa pagkain niya at seryosong tumingin sa akin.Nagtaka naman ako sa kanya at
Hinabol ko si Calvin at tinawag pero hindi niya ako pinansin."Calvin!"-Sigaw ko sa kanya.Naglakad ako ng mabilis para maabutan ko siya at hinawakan ang braso niya.Biglang nagsalita si Calvin at nasaktan ako ng husto sa sinabi niya sa akin."I hate you grace I will never love you and dont you ever say my name."-Galit na sabi ni Calvin.Lumuhod ako sa harap niya at umiiyak."I love you so much wag mo gawin sa akin to! Ikaw lang ang buhay ko."-Pakiusap ko sa kanya.Aalis na sana siya nang pigilan ko siya at nagsalita."Kahit ikaw na lang Calvin ang tumanggap sa akin masaya na ako dahil ikaw ang lalaking nagmahal sa akin ng totoo."-Ngiti ko sa kanya.Iniwan niya na ako sa gitna ng malakas na ulan.Bakit nangyayari sa akin ito?"Ano ba kasalanan ko?"-Iyak na sabi ko sa kawalan.I hate my life!Gusto ko lang naman maging masaya sa buhay at mahalin ng lalaki tatanggap sa akin pero bakit ang hirap mangyari yun!"Excuse me Miss, malakas po ang ulan baka magkasakit ka!"-Sabi sa akin ni Manon