Share

Grace Monteverde (Tagalog)
Grace Monteverde (Tagalog)
Author: MissDreamGirl

Simula

"Wag kang umasta na malinis dyan! Kung tutuusin wala kang hiya sa katawan mo!"-Sigaw sa akin ng tiyain ko.

Tiniis ko ang masasakit na salita niya sa haba ng panahon at ngayon hindi ko na kaya.

"Aalis na lang ako dito."-Tipid kong sabi sa kanya.

Tumaas ang isang kilay ng tiyain ko at sasampalin niya sana ako nang hawakan ko ang braso niya.

"Aba palaban ka na ngayon!"-Sabi niya sa akin.

Binitiwan ko ang kamay niya at pumunta sa silid kung saan ako natutulog.

Kukunin ko na sana ang mga gamit ko nang may nagsalita sa likuran ko.

"Saan mo balak pumunta?"-Sabi sa akin ni Rex anak nang tiyain ko.

Siya ang dahilan kung bakit gusto ko na umalis dito sa pamamahay nila.

Gabi gabi niya ako pinagsasamantalahan at ang magaling kong tiyain walang pakialam.

"Wala ka ng pake dun. Umalis ka nga dyan!"-Sabi ko kay Rex.

Pero nakatayo siya sa tapat ng pintuan at hindi ko magawa na makaalis.

"Umalis ka nga sabi!"-Sigaw ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin dahilan para kabahan ako.

Lumapit siya sa akin ng dahan dahan hindi na ako papayag na babuyin niya ako ulit.

Tinulak niya ako kaya napahiga ako sa sahig.

Pumatong siya sa akin at nagpupumiglas ako.

Hinalikan niya ang leeg ko sa araw araw nadidiri na ako sa sarili ko at hindi ko na alam kung karapat-dapat pa ba ako maging masaya?

"Wag! Maawa ka sa akin! Wag!"-Sabi ko at nagsisigaw.

Naramdaman ko may gumigising sa akin.

"Wake up"-Gising sa akin ni Calvin

Tumingin ako kay Calvin at bigla nagbagsakan ang mga luha ko.

"Ssshhh Wag ka na umiyak!"-Sabi sa akin ni Calvin at niyakap niya ako.

Karapat-dapat ba ako para sa kanya?

Ako si Grace Monteverde isang babae na hinahangad maging masaya.

Wag na ulitin ang isang pagkakamali ng nakaraan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Belinda Villasor
it's a beautiful story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status