Share

Kabanata 04

Bumalik si kuya Ian para kunin ang mga gamit niya dito sa bahay.

"Kung pwede lang Grace na isama kita sa Japan gagawin ko, hindi ko matiis na ginaganyan ka ni mama! Ako na humihingi ng pasensya sa mga masasakit na ginagawa niya sayo."-Sabi ni kuya Ian sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya at nagsalita.

"Ayos lang kuya, Mag-ingat ka po sa Japan at maraming salamat dahil napakabuti mo at maalalahanin."-Nakangiti kong sabi sa akin.

Kung alam mo lang kuya muntik ko na tapusin ang sarili ko dahil sa ginagawa sa akin ni tita at kuya Rex.

Kinakaya ko lang lahat at nagbabaka sakali na magbago ang pakikitungo nila sa akin.

Tumayo na si kuya Ian at ngumiti sa akin.

Hinalikan niya ako sa noo ko at nagsalita.

"Magpapaalam na ako sayo Grace."-Sabi ni kuya Ian sa akin.

Niyakap ko si kuya Ian at bigla ako kinabahan.

Hindi ko alam kung para saan pero isinantabi ko lang siguro natatakot lang ako sa mag-ina.

Humiwalay na sa akin si kuya at ginulo ang buhok ko.

Nagpaalam na siya kila tita at sa kapatid niya.

Ngumiti si kuya sa akin at tuluyan na siyang umalis.

"Pasalamat ka at dumating ang anak ko at ngayon tuluyan na siyang umalis aba mahiya ka naman, Sige kilos! nagugutom na kami."-Masungit na sabi ni tita sa akin.

"Opo tita."-Sabi ko sa kanila at nag-asikaso.

Pinagluto ko sila ng menudo at nagsaing na rin ng kanin para sa kanila.

"Anak, bili mo ako ng candy sa labas."-Utos ni tita kay kuya Rex.

Lumabas na si kuya sa bahay at kami na lang ni tita ang naiwan.

Habang naghahanda ng pagkain biglang hinila ni tita yung buhok ko.

"Ano itong nalalaman ko na nilalandi mo ang anak ko! Ang landi mo talaga sana hindi na lang kita kinupkop dito sa bahay. Wag kang kakain ngayon!"-Galit na sabi sa akin ni tita.

Binitawan na ako ni tita at umupo na para kumain.

Sobrang sakit ng pagkakasabunot sa akin ni tita.

Tumatakbo pumunta dito si kuya Rex at hingal na hingal.

"Anak buti nandyan kana tara kumain na tayo."-Sabi ni tita sa anak niya.

Magsasandok na sana si tita para kumain ng matigilan siya sa sinabi ni kuya Rex.

"Si kuya naaksidente kanina kung hindi mo ako inutusan hindi ko malalaman, Mama si kuya patay na!"-Iyak na sabi ni kuya Rex.

Napatayo si tita at nagsalita agad.

"Wag kang magbiro ng ganyan Rex."-Sabi ni tita sa anak niya.

"Mama hindi ako nagbibiro nasa hospital na si kuya kinuha na yung bangkay niya sa kalsada."-Paliwanag ni kuya Rex.

Napahawak si tita sa dibdib niya at nagsalita.

"Ang anak ko! Hindi maari."-Sabi ni tita na parang mawawalan ng malay tao.

May luhang bumagsak sa mga mata ko at hindi makapaniwala sa binalita ni kuya Rex.

Pati ikaw kuya Ian iniwan na ako sino na magtatanggol sa akin?

"Tara na mama sa hospital at tingnan si kuya."-Sabi ni kuya kay tita celine.

Mabilis silang umalis mag-ina at naiwan ako mag-isa na nakatulala.

"Grace..."-Rinig ko sa sala ng matauhan ako.

Lumabas ako ng kusina at nakita ko si kuya Ian na tinatawag ako.

Nakaputi siya at nakangiti sa akin ng maaliwalas.

"Kuya..."-Tawag ko sa kanya at umiyak.

May tumawag bigla sa akin kaya napalingon ako.

"Grace ikuha mo nga ako ng damit sa itaas!"-Utos sa akin ni kuya Rex.

Tumingin ulit ako sa kung saan nakita ko si kuya Ian.

"Grace!"-Sigaw sa akin ni kuya Rex.

Kumilos agad ako at kumuha ng damit niya.

"Bilisan mo Grace!"-Tawag sa akin ni kuya Rex.

Bumaba ako at binigay kay kuya Rex yung damit niya.

"Ikaw muna dito sa bahay at inaasikaso pa si kuya sa hospital."-Sabi niya sa akin.

Lumapit ako kay kuya at nagsalita

"Pwede ko ba makita si kuya?"-Tanong ko sa kanya.

Nagbihis siya sa harapan ko at nagsalita.

"Sa isang kondisyon."-Sabi sa akin ni kuya Rex.

Bigla akong kinabahan kaya nagsalita na agad ako.

"May gagawin pa pala ako."-Sabi ko sa kanya at akmang aalis na nang hawakan niya braso ko.

Kaya napatigil ako at tumingin sa kanya.

"Loyal ka pala kay kuya kung tutuusin mas masarap ako sa kanya Grace."-Sabi niya sa akin at kinindatan ako.

Hinila ko ang kamay ko na hawak niya at lumayo sa kanya.

"Bahala ka na."-Sabi ni kuya Rex at umalis na.

Umupo na lang ako sa sofa at umiyak

Kaya pala nagpaalam sa akin si kuya dahil mawawala na siya.

Sino na ang kakampi ko? Wala na lahat na nagmamahal sa akin.

Ano ba nagawa kong mali at lahat sila nawawala?

Lahat nang kabutihan naibigay ko na pero bakit ganito ang sinusukli sa akin?

Ano bang kasalanan ko at nahihirapan ako ng ganito?

Wala naman akong pinatay o nagawa na krimen?

Bakit ko ito nararanasan sobrang hirap tanggapin ang pagkawala ng mga magulang ko.

Tapos si kuya Ian iniwan na rin ako. Amang nasa langit ano ba ang aking pagkakasala sayo kung sino pa ang nagmamahal sa akin sila pa nawawala.

Siguro may dahilan ang lahat ng mga ito at mga nararanasan ko ngayon.

Para akong tinutusok nang malalaking karayom at patalim sa sobrang sakit nito.

Umakyat ako sa kwarto at may nakita akong papel sa ibabaw ng cabinet ko.

Lumapit ako doon at kinuha ito pumunta ako sa kama at binasa ang nakasulat dito.

"Grace kung mabasa mo man itong sulat ko sayo ngumiti ka muna ayoko nakikita kang malungkot. Kung hindi lang tayo magkamag-anak niligawan na kita joke lang tatawa na yan!"-basa ko sa sulat at ngumiti habang lumuluha.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa papel na bigay sa akin ni kuya.

"Sana maging matapang ka wag mo hayaan na may sumira sa pagkatao mo, Promise mo sa akin alagaan mo sarili mo kung binabasa mo ito ngayon mahal na mahal kita bilang isang kapatid na babae. Sige aalis na ako bye."-Tapos kong basa sa sulat at humihikbi na ako.

Kung nasaan ka ngayon kuya salamat sa kabutihan na pinaramdam mo sa akin kahit papaano naging masaya ako kasama ka kuya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status