Share

Chapter 3

Chapter 3. 

Tristan's POV:

Umagang umaga ay nandito ako sa sarili kong kumpanya madami kasi akong kailangang gawin at isa pa madami kaming nakapila na project. Nakakapagtapos ako sa pag-aaral sa ibang bansa sa utos na rin ni daddy doon ako nagaral at nakapagtapos ng may mataas na honor. 

May itatayo kaming building na galing sa mga Santos they need a professional building kaya kami ang tinawagan nila. Ang gusto nila ay three story building para sa iba't-ibang floor ng restaurant nila. Kada floor ay iba't-iba ang putahe at isa pa magaling na chef ang mga Santos lalo na ang anak nilang babae. 

Kaya kailangan naming galingan para hindi sila mabigo, ang rest house ni Mr. Valeria ay ginagawa pa rin namin. Kaunting ayos lang sa interior at magiging okay na rin ang buong bahay pinalagyan niya hanggang tatlong palapag para sa anak niya. Hindi ko alam kung sino doon sa kanilang dalawa wala rin akong balak magtanong kay amara. 

Nag-away kasi kami dahil sa nangyari kagabi sa bahay nila at hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya kagabi. Noemie is like my little sister nakasama ko na rin kasi siya sa iisang project dahil architect nga siya. Hindi ko lang talaga gusto ang lumabas sa bibig ni amara na para bang hindi sila magkapatid. 

Hindi niya ako pinapansin maski ako kahit kausapin ko siya mas lalo lang siyang nagagalit. Kapag galit siya she will hangout on her friends at the bar wala rin siyang text sa'kin at nakailang tawag na ako pero wala rin. Hinayaan ko na muna baka sakaling lumamig ang ulo ay makausap ko na nang maayos. 

"Engineer nandito na po si Architect Noemie" saad sa'kin ni ella one of my colleagues

"Sige thank you." ngumiti ako ng maliit at inayos ang hard cup ko 

Tumango siya at magalang na umalis nakita ko na sa hindi kalayuan si noemie pormal ang lakad maski ang damit. Minsan talaga hindi mo siya makikitaan ng pagiging maldita at hindi rin kasi siya kamukha ni amara ayoko nalang magsalita. 

"Engineer." bati niya sa'kin hawak ang bag niya 

"Architect, good morning." saad ko at ngumiti sa kanya "Siguro sa restaurant tayo magusap tungkol sa design ng building." saad ko sa kanya 

"Sure." ngumiti siya ng maliit kaya nauna akong naglakad sa kanya 

Pumunta kami sa hotel dito sa tagaytay giniya ko siya sa lamesa na pandalawahan. Pinaghila ko siya ng upuan tumango lang ako sa kanya, dumating ang waiter at kinuha ang order namin. She just order juice and some sandwich ako naman ay juice rin kagaya ng sa kanya. 

"So," she trailed off. "May mga designed na akong nagawa at isa pa may mga draft ako dito baka gusto mong makita." saad niya at binuksan ang laptop na dala niya 

"Sure, gusto ko rin makita ang iba mo pang designed baka may magustuhan ang kliyente." saad ko sa kanya at sumandal sa upuan 

Pinakita niya sa'kin ang tatlong design na siya mismo ang gumawa, tinignan ko ang ilan sa mga design niya ang ilan ay pastel colors lang ang iba naman ay maaliwas at medyo moderno ang design. 

"Dito pwede nating lagyan ng mga kahoy na upuan to look representable." saad niya at tinuro ang nasa bandang kanan "And from here, glasswall para makita ang mga puno because of those glass mas makikita nila ang ambience ng buong restaurant.." dagdag niya pa 

"I like it." puna ko ngumiti siya at tumango "Pwede rin siguro natin lagyan ng furnitures ang bawat floor or painting. Mas maganda siguro ang ganoon at isa pa may mga taong gusto makita ang mga magaganda halaman sa labas." saad ko pa 

She nodded. "Maglalagay nalang siguro ako ng chandelier sa bwat floor. And sa staircase ay lalagyan ko ng design, siguro i will look on that building to see what's on the inside." dagdag niya pa 

"Sure, medyo hindi pa maayos pero okay naman na tignan." saad ko sa kanya tumango siya at inayos ang laptop niya 

Tumayo kami inalalayan ko siya palabas ng restaurant pinasuot ko sa kanya ang hard hat para sa safety niya. Pinagusapan namin ang mga aasikasuhin sa design at kung papaano namin aayusin sa loob. Maganda ang ideya niya bukod sa makakamura maganda ang kalidad ng mga gamit. 

"Well, well, well nandito ka pa little sister." narinig ko na ang boses ni amara kaya napatingin ako doon 

Nakasuot siya ng pink jumpsuit at nakalugay ang buhok niya na hanggang dibdib niya. Nakataas ang kilay sa aming dalawa ang mga mata ay matalim. Lumapit siya sa amin at humalukipkip sa harapan ni noemie. 

"So, you're the architect of this building" puna niya "They didn't know na b****a lahat ng designs mo at mga ginagawa mo. Wala ka namang karanasan sa pagiging architect so, bakit ka nandito?" sikmat niya

"Amara." seryosong tawag ko sa kanya 

"What?" singhal niya "Ipagtatanggol mo na naman ang walang alam na 'to? At talagang magkasama pa kayo ngayon!" she snorted 

I sighed. "Siya ang kinuha kong architect at isa pa maganda ang mga design niya. Why are you mad at her?" kunot noong saad ko sa kanya.

"Because she's nothing but a disgrace to our family! Hindi siya kasama sa pamilya namin at kung tutuusin wala siyang alam sa ganyang bagay" namaywang siya at tinignan si noemie

"I didn't come here to argue with you amara." kalmadong saad ni noemie "Hindi rin ako pumunta dito para agawin ang boyfriend mo, trabaho ang pinunta ko dito hindi ang lumandi." mahinahon na saad niya 

"Wow." manghang saad ni amara at tumawa "Malandi ka naman talaga, iba't-ibang lalaki ang kadate? Baka nakalimutan mo na ang nangyari sa'yo two years" saad ni amara doon natigilan si noemie 

Kita ko ang pagkabalisa niya at ang panginginig niya kumunot ang noo ko habang si amara ay natatawa sa kapatid niya. Nangilid ang luha sa mga mata niya. 

"Oh, my little sister" saad ni amara "Hindi mo maamin sa kanila na you're a hostice, ang babaeng bayarin lang sa isang bar." nakangising saad ni amara 

"Amara stop it." seryosong saad ko ng mapansin ang panginginig ni amara "You should go amara ako na ang bahala sa kapatid mo." mahinahon na saad ko sa kanya 

"Hindi ko siya kapatid." matalas na saad ni amara "Anak lang naman kasi siya sa labas." saad niya nagulat ako doon tumingin ako kay noemie 

"Hindi totoo 'yan." naging matalim ang tingin ni noemie sa kanya "Alam mo kung ano kayo ng mama mo sa buhay namin." huling sinabi niya bago tumalikod 

Marahas kong hinawakan ang braso ni amara na natigilan pa sa unahan kumurap siya galit ko siyang tinignan. Inirapan niya ako at winasiwas ang braso ko. 

"What are you doing Amara? Why are you being so rude to your sister?" mariin na saad ko sa kanya 

"Dahil wala siyang kwenta at hindi ko siya gusto sa pamilya na mayroon kami." mariin na saad niya sa'kin nahilot ko ang sentindo ko 

"Look, mabait si noemie nakita mo ba kung paano siya manginig sa takot sa sinabi mo!" saad ko sa kanya 

"So, pinagtanggol mo ang bastardang anak ni daddy, wow tristan girlfriend mo ako pero siya ang pinagtatanggo mo!" hindi makapaniwalang saad niya 

"Hindi porke't girlfriend kita ay kukunsintihin ko ugali mo amara." malamig na saad ko sa kanya napatingin ako sa cellphone niya ng may tumawag 

"Who's jayson?" dumilim ang mukha ko nakita kong umiwas siya ng tingin at icancel ang tawag "Who's that?" madiin na saad ko 

"N-nothing he's my friend one of my circle." nautal na saad niya pinanliitan ko siya ng mata hindi naniniwala "I-i have to go mamaya nalang tayo magusap at m-may gagawin pa ako!" saad niya at mabilis na humalik sa pisngi ko 

"Amara!" tawag ko pero dere-deretso ang lakad niya 

Huminga ako ng malalim i need to talk to noemie I don't know why she's acting like that. I need to apologize to her she didn't deserve this kind of treatment in her family. Hindi ko na nakita si noemie ang sabi ay umuwi na daw at sinabing bukas nalang siya babalik hinayaan ko nalang masyado ata siyang nabigla. 

Pinagpatuloy ko ang pagaasikaso sa building na inaayos namin at hindi rin nagtagal ay tumawag ang kaibigan kong si adonis na nag-aayang magbar. Nagpaalam ko sa kanila na agad na tumango sa'kin bitbit ko ang blueprint at ang hard hat ko papunta sa kotse ko. Nandoon naman ang head at tatawag nalang sila kapag may hindi nangyaring masama. 

Sumakay ako sa kotse ko at agad na pinaandar tahimik akong nag mamaneho hanggang sa may dalawang motor na nasa magka bilang gilid ko. Nagulantang ako na buhusan nila ng dugo ang kotse ko agad akong nagpreno sa sobrang kaba. Humigpit ang kapit ko sa manibela ng budburan nila ng dugo ang buong kotse ko. 

"The..hell?" gulat na saad ko na amoy ko agad ang langsa sa kotse ko 

Hindi pa nakuntento at pinagbababaril ang sasakyan ko agad binundol ng kaba ang buong sistema ko. May kumatok sa sasakyan ko hindi ko binuksan at nanginginig na tinawagan si dad. 

"D-dad." mahinang saad ko ng sagutin niya ang tawag rinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kotse ko 

[Yes, son are you okay?] nagaalalang saad niya 

"D-dad help me." mahinang saad ko sa kanya "May mga taong nag buhos ng dugo sa kotse ko." saad ko pa 

[Wait my mens there.] malamig na saad niya [Stay on your track papunta na ang mga tao ko.] dag dag niya 

Huminga ako ng malalim hindi pa rin natigil ang pagkatok sa labas ng kotse ko. Pinikit ko ang mata ko takot sa pwedeng mang yari sa'kin sa loob ng kotse ko hindi ko alam. Mas lalong lumakas ang pagkatok sa kotse ko kata naiyukom ko ang kamao sa galit. Hindi ko sila kilala at wala akong alam na may ganito pala. 

"Lumabas ka diyan!" sigaw sa labas nangilabot ako sa lamig ng boses sa labas 

Hindi ako lalabas hangga't hindi umaalis ang mga nasa labas. Wala akong alam sa nangyayari sa'kin ngayon basta ang alam ko ay delikado ako ngayon. Ayoko pang mamatay!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status