Share

BMSBK 45

Author: Yza D. C
last update publish date: 2026-10-13 13:45:19
LILY'S P O V~

“Boss, hindi ko naman kayang kumain ng lahat ng ganiyan.”

“Alam ko.”

“Kung alam mo, bakit ang dami naman niyan?!”

“Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin rito.”

Napakurap ako. Iyon lang ang paliwanag niya. Walang malaking ngiti, walang pagyayabang, at walang bakas na iniisip niyang may kakaiba siyang ginawa. Para bang normal lang sa kaniya na maghanda ng ganito karaming pagkain dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ko.

“Puwede mo naman akong tanongin,” sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 46

    LILY'S P O V~ Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit mo ako ipinagtanggol nang ganoon kagabi. Pero salamat.” Natahimik si Rex. Sandali siyang tumingin sa akin bago niya inilapag ang kubyertos niya. “Hindi mo kailangang magpasalamat dahil lang hindi kita hinayaang sisihin sa ginawa ng ibang tao.” “Pero hindi naman lahat gagawin iyon.” “Hindi ibig sabihin na dahil hindi lahat gagawa, hindi na dapat gawin. Empleyado kita at ayaw kong may mapahamak ang mga empleyado ko lalo na kung tungkol sa trabaho.” Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit mas tumatak sa akin ang sagot niyang iyon kaysa sa lahat ng sinabi niya mula nang dumating siya sa hotel. Bahagya siyang yumuko, nakapatong ang mga braso sa mesa. Hindi nagbago ang tono niya nang muli siyang magsalita, pero may kung anong katapatan sa mga mata niyang hindi ko kayang balewalain. “Lily, hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng oras. Hindi mo kailangang akuin ang bawat problema para lang mapatunayan na kaya

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 45

    LILY'S P O V~ “Boss, hindi ko naman kayang kumain ng lahat ng ganiyan.” “Alam ko.” “Kung alam mo, bakit ang dami naman niyan?!” “Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin rito.” Napakurap ako. Iyon lang ang paliwanag niya. Walang malaking ngiti, walang pagyayabang, at walang bakas na iniisip niyang may kakaiba siyang ginawa. Para bang normal lang sa kaniya na maghanda ng ganito karaming pagkain dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ko. “Puwede mo naman akong tanongin,” sabi ko. “Kung tinanong kita, baka sabihin mong kahit ano na lang.” Napanganga ako nang bahagya. “Paano mo naman nalaman?” “Dahil ilang beses mo nang sinabi sa akin ang ganiyan.” Napatawa ako, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umupo ako habang umiiling, samantalang hinila niya ang upuan sa tapat ko at umupo rin. “Hindi ko naman akalaing matatandaan mo iyon.” Kinuha niya ang kutsara at tinidor, saka inayos ang mga ito sa tabi ng plato niya. “Marami akong na

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 44

    LILY'S P O V~ Pagmulat ko ng mga mata, ang unang bumalik sa isip ko ay ang nangyari kagabi. Ang matigas na boses ni Rex habang kinakaharap si Xiam. Ang galit na pilit niyang kinokontrol sa bawat salitang binibitawan niya. At ang paraan ng pagtayo niya sa tabi ko, na para bang wala siyang pakialam kung sino ang makabangga niya basta hindi na ako muling masasaktan. Napapikit ako at napahigpit ang hawak sa kumot. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap kalimutan—ang ginawa sa akin ni Xiam o ang paraan ng pagdepensa sa akin ni Rex. Sanay akong ako ang humaharap sa sarili kong problema. Kapag may nang-aapi sa akin, pinipili kong manahimik kung iyon ang pinakamabilis na paraan para matapos ang gulo. Kapag may naninisi sa akin, madalas ay hinahayaan ko na lang dahil ayokong humaba pa ang usapan. Pero kagabi, hindi ako pinabayaan ni Rex na akuin ang kasalanang hindi naman sa akin. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang sinabi niya kay Xiam. Hindi niya ako hinayaang baligtarin ang nangyari. Hind

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 43

    REX'S P O V~ Hindi siya nakasagot. “I'm asking for documentation because you introduced information that neither Lily nor I had been given. Kung totoo ang sinasabi mo, dapat walang problema sa pagpapatunay nito.” “Understood,” malamig niyang sagot. Saglit akong natahimik, saka muling nagsalita. “At isa pa. Huwag mong kontakin si Lily nang direkta tungkol sa insidenteng ito. Kung may kailangang linawin tungkol sa assignment niya o sa business arrangement, sa akin mo idaan huwag sa empleyado ko!” “I already told you I understand.” “Gusto kong mas malinaw iyon para sa'yo!” Napatingin siya sa akin, at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago ang pagkainis niya. “Mr. Padilla, I have a business to run. I don't intend to spend the entire night arguing about this.” “Then stop giving us reasons to question you.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Humarap ako kay Lily at bahagyang tumango bilang hudyat na maaari na kaming umalis. Tahimik siyang sumunod sa akin palabas. Pagkasar

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 42

    REX'S P O V~ “Wala po, Boss. Wala akong alam kung bakit ako ang partikular na hiniling para sa assignment na ito! Kung pwede nga lang tumanggi ginawa ko na.” Agad na sumagot si Lily, pero hindi nawala ang pagtataka sa mukha niya. Nakatayo pa rin siya sa tabi ko, mahigpit ang hawak sa cellphone na para bang iyon na lang ang nagsisilbing panangga niya sa sitwasyong hindi niya maintindihan. “Hindi ko nga po alam na may nag-request sa pangalan ko,” dagdag niya. “Ang pagkakaalam ko, trabaho ko lang ang ihanda ang mga dokumento at tumulong sa meeting. Wala namang nagsabi sa akin na may espesyal na dahilan kung bakit ako ang kailangang sumama.” Hindi ko maiwasang tingnan siya nang mas mabuti. Hindi ko alam kung may bagay ba siyang hindi sinasabi o kung talagang wala siyang kaalam-alam sa paratang ni Xiam. Pero habang pinagmamasdan ko ang pagkalito niya, mas lalo akong nainis sa lalaking nasa harapan namin. Kung totoo ang sinasabi ni Xiam, may taong nagdesisyong isama si Lily sa business t

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 41

    REX'S P O V~ “I'm trying to resolve this professionally.” “Professionally?” Napailing ako at napakuyom ang kamao. “Huwag mong gamitin ang salitang iyan na para bang sapat nang sabihin mong propesyonal kang nakikipag-usap para mawala ang ginawa mo.” “Mr. Padilla, I think you're letting your personal feelings interfere with this matter.” Sandali akong natahimik. Hindi dahil wala akong maisasagot, kundi dahil napakalinaw ng ginagawa niya. Nang hindi na gumana ang mga dahilan niya, ako naman ang sinusubukan niyang gawing problema. “Personal feelings?” mahinahon kong tanong. Tumango siya, wari bang nakahanap na siya ng butas sa depensa ko. “You're her boss. You're clearly taking her side without considering mine. This is a business trip, and I expect a certain level of professionalism from everyone involved.” Napangiti ako nang mapait. “Gusto mong pag-usapan ang professionalism?!” Hindi siya sumagot. “Kung ganoon, pag-usapan natin kung paano mo ginamit ang isang business m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status