REX’S P O V ~ Hindi pa man ako tuluyang nakaharap sa lalaki ay mabilis na itong sumugod. Isang kamao ang dumiretso sa mukha ko. Umiwas ako sa huling segundo. Dumaan iyon sa tabi ng mukha ko, pero bago pa siya makabawi, mabilis akong gumanti. Sinipa ko siya sa tagiliran. Napaatras siya at bumagsak sa sahig. “Boss!” Napalingon ako kay Lily. Maling-mali ang posisyon niya. Bago ko pa siya malapitan, mabilis na bumangon ang lalaki at hinablot si Lily sa braso. “Bitawan mo ako!” Pinilit ni Lily na kumawala, pero mas mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “Isang hakbang pa,” malamig na banta ng lalaki, “at may mangyayari sa kasama mo.” Nanigas ako. Sa gilid ng paningin ko, nakita kong napaatras si Ash. Halatang natatakot siya, pero hindi siya umalis. “Boss, huwag!” sigaw ni Lily. Mahigpit na hinawakan ng lalaki si Lily at inilapit ang mukha nito sa kanya. “Kung ayaw mong masaktan siya, huwag kang makialam.” Ikinuyom ko ang kamao ko. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong ta
Last Updated : 2026-09-12 Read more