Share

CHAPTER 8

Malalim na ang gabi at hindi pa rin makatulog ng maayos si Rose. Panay ang paglilipat-lipat niya ng pwesto. Hindi siya mapakali sa kung saan siya babaling.

Mag-isa lang siya sa kamang iyon. Halos 11 na ng gabi at walang Xavion na sumulpot. Nagtataka siya. Posible kayang ayaw nito na makatabi siya? Sa bagay, hindi naman nila mahal ang isa't isa pero kailangan nila magtabi sa iisang higaan. Ang awkward nun sa part nila pareho.

Nakaramdam siya ng pagkagutom kaya naisipan niyang lumabas muna ng kwarto at maghanap ng pwedeng makain. Patay na ang ilaw sa ibang bahagi ng napakalaking bahay na iyon at tiyak na natutulog na ang lahat ng tao sa kanila. Sa hagdan pa lang ay tumunog na naman ang tiyan.

"Secret lang natin 'to ha?" nakangiting bulong niya habang hinahaplos ang tiyan niya.

Natanaw na niya ang dining area. Sa laki ng bahay na iyon ay nakakapagtakang nasaulo niya agad ang bawat pasilyo. Pero may isang parte ng bahay na ipinagbabawal na puntahan ng kung sino man maliban sa Nero Clan.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status