Share

CHAPTER 9

Habol ni Rose ang paghinga nang bigla siyang magising mula sa masamang panaginip. Umupo siya mula sa pagkakahiga. Pagkuwan ay niyakap niya ang unan sa kaniyang tabi. Isinubsob niya roon ang kanyang mukha.

Nangingilakbot pa rin siya sa kanyang napanaginipan. Nakalaya na raw ang tiyahin niya at ang sumunod na eksena ang mas nagpaluha sa kanya, hawak nito ang kapatid niya. Mas lalo siyang nag-alala sa kapatid niya. Pero imposible namang may magpapiyansa rito dahil wala naman silang ibang kamag-anak.

Mariin siyang napapikit. Pagkuwan ay muling nagmulat at huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sinulyapan ang wall clock, alas nuebe na rin pala. Nilingon niya ang bahagi ng kama kung saan huli niyang nasilayan si Xavion, wala na ito.

Kumibot ang labi niya nang maalala si Xavion. Sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ulit ang bagay na 'yon.

Ingay ng bumukas na pinto ang nagpabalik sa kanya sa sariling katinuan. Dumag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status