Share

CHAPTER EIGHTY-THREE

"Ano! Huwag kayong kikilos ng hindi ko gusto! Subukan niyong galawin ang mga bihag niyo siguradong mamatay 'tong amo niyo!" sigaw ni Churles na idiniin pa ang bisig niya sa leeg ng matanda. Nakatutok sa sintido nito ang forty-five caliber na baril na hawak niya.

"Sige na Dave! Lapitan mo na sila!" baling sa akin ni Churles. Mabilis naman akong nakalapit sa mga bihag. Mabilis kong kinalagan si Shimen, at Salmon upang matulungan nila akong kalagan ang iba.

"Salamat Dave,"sabi ni Shiemen na agad namang kinalagan si Carol, at ang iba pang naabot niya. Nakatali ang mga kamay at paa nila. Sinunod ko naman si Salmon, at si Dhino.

At nang makalagan ko na sila ay pinalabas ko na sila upang makalapit sa mga pulis.

"Bilisan niyo lumabas na kayo, Dhino kayo nang bahala sa anak ko." sabi ko dahil nilapitan ko naman si Edmon, na noon ay nakahandusay at halos hindi na makakilos.

"Edmon kaya mo pa ba?" tanong ko. Ngunit sinigawan ako nina Shimen at Salmon.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status