Annie Pov:
Tuluyan nang bumagsak ang pinipigilan kong mga luha. Ang puso ko ay patuloy na sumisikip at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Nasaktan ko na naman siya. At sa tuwing ginagawa ko iyon ay doble ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
Hindi ko matandaan kung una ko siyang minahal?
Pero buhat nang umalis ako noon alam ko sa puso ko na mahal ko na siya at kahit sinubukan kong kalimutan siya ay hindi ko nagawa. Ilang beses kong sinuway ang agreement, nakipag relasyon ako sa mga lalaking nanliligaw sa akin noon. Pero lahat iyon hindi naman tumagal ng isang buwan.
Ilang beses kong sinubukan pero wala pa rin. Wala akong nagawa. Ang puso ko hindi lang sa papel naka tali, kundi sa mga maliliit na ala-ala ng isipan ko para sa kanya.
Siguro nga mahal ko na siya. But I am in denial!
Paano nga bang nagawang mahalin ng isang tulad niya ang tulad ko?Namalayan ko nalang na wala na pala siya sa harap ko. Napatingin ako sa
"Ano pa ba ang sasabihin mo sa akin at nandito ka pa!?" tanong ko na pilit kong tinatagan ang sarili ko. Pilit kong ipinakitang galit ako sa mga nangyari."Annie, please huwag kang magalit sa akin, hindi ko naman intensyon na makita kung anuman ang nasa iyo, ginawa ko lang iyon para matulungan kita. Five hours kang nakababad sa tubig, nawalan ka ng malay at nilalagnat. Alanganamang tumawag pa ako ng kung sino para lang buhatin ka sa bathtub at dalhin ka sa kama," sabi nito na talagang pinipilit akong kumbinsihin na wala siyang masamang intensyon.Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga sinasabi niya o hindi. Well, kahit kaunti man lang ba na pagnanasa ay wala siyang naramdaman sa akin! Kainis siya!"Okay!" sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko para lang patigilin na siya sa mga sinasabi niya."I just want to explain! Nirerespeto kita! kasi alam ko namang mas bata ka sa akin, At marami ka pang hindi alam pagdating sa mga ganitong sitwasyon_"
One weekna ang lumipas buhat nang magkausap kami ni Dave, pero ang hambog na lalaki hindi na ulit nagpakita sa akin. Madalas ko ring tingnan kung umuwi siya sa apartment pero mukhang wala nga siya parati at nang tanongin ko naman sa guard kung nakikita nila ang may-ari sa katabi kong apartment ay wala raw silang nakikitang dumarating kahit na gabi na. Talaga ngang nasaktan ko ang damdamin niya ng husto? Dahilan para hindi na siya umuwi rito. Napuno na siguro ito sa akin at ayaw na niya akong makita pa. Pero kahit na puno ako ng mga pagdududa ay nag-aalala parin ako sa kanya. Kaya naman ng maalala kong doon nagtatrabaho si Joan, nakaisip akong pumunta roon at nagkaroon ng dahilan para mapuntahan siya sa hotel, kung saan siya madalas nag-i-stay. Mga kalahating oras din akong nag byahe papunta sa hotel kung saan nagtatrabaho si Joan, ang Santivaniez Hotel na nasa Alabang. Agad akong bumaba nang buksan pa ni Phillip ang pintua
Nakaratingako sa ospital sa loob ng isang oras, at tumungo ako kaagad sa kwarto ni Papa. nagulat na lang ako na naroon silang lahat. Si Mama at sina kuya Dhino, at ang asawa nitong si Luisa. Naabutan ko silang tila may matinding pinag-uusapan."Ma, Kuya, Ate, anong meron bakit lahat po kayo nandito? Kamusta na po si Papa?" sunod-sunod kong tanong sa kanila."Hindi pa siya nagkakamalay," sagot ni Kuya Dhino sa akin. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng makita ko si Papa na naroon pa rin at nakaratay sa higaan.Pinagmamasdan ko siya at nakikita kong napakaraming dinadala nito sa puso, kaya't humantong pa siya sa ganitong kalagayan. Nakakalungkot lang na naganap ito sa kanya habang wala ako sa tabi niya. Umupo ako sa tabi ng kanyang kama, at inabot ko ang kanyang kamay, pinisil ko ito. Naiiyak akong yumuko at dinikit ang kamay ni Papa sa aking pisngi.Nakita ko naman si Mama na parang balisa kaya nag-alala rin ako para sa kan
"Wala na tayong maaasahan ngayon kundi ikaw Annie, ang pagpapakasal mo kay Mr. Dave Santivaniez ang mag sasalba sa atin sa mga pangyayaring ito." sabi ni Mama. Sa puntong iyon mas lalo akong kinabahan, ngayon pa na nagkakalabuan kami at may isang tila malaking pader ang nakaharang sa amin. Hindi maganda ang naging takbo ng mga pangyayari sa amin nitong mga nakaraang araw. Dave was definitely angry with me! At hindi ko alam kung may puwang pa sa puso niya ang isang tulad ko. Baka ipagsawalang bahala na lamang niya ang agreement na iyon lalo pa at hindi na namin makakayang maghabol pa. Lalo na sa mga nangyari kay papa. Siya na halos ang gumastos sa lahat ng pagpapagamot kay Papa. Pero ano itong ginawa ko? Sinaktan ko pa siya sa mga salitang binitiwan ko. Kaya wala na akong mukhang ihaharap pa, para ipaglaban pa ang agreement na iyan. "What's wrong with you Annie?" tanong ni Mama ng napansin niyang hindi ako sumagot sa mga sinabi niya. "Ha?
"Ano ba! Bakit mo ba ako pinigilan!?" sabi niya sa akin. "Bakit kita pinigilan Annie!? Nalalaman mo ba ang ginagawa mo? Please mag-isip ka munang mabuti bago ka kumilos ng padalos-dalos!" Malayo na ang inandar ng sasakyan namin mula sa building ng kanyang Papa. Senenyasan ko si Alvin na ihinto ang kotse. "Alvin, iwan mo na kami rito. Mauna na kayo sa hotel." "Pero Sir?" nag-aatubili nitong sagot sa akin. Ngunit sa isang tingin ko lang ay nakuha na niya ang ibig kong sabihin. Bumaba nga ito ng sasakyan at ilang sandali pa ay naiwan kami ni Annie sa loob ng kotse. "Ikaw bata ka! Nalalaman mo ba ang ginagawa mo?!" sabi ko sa kanya nang kaming dalawa na lang sa kotse. Hindi ko
Annie's POV:Pasado alas-tres na nang hapon pero wala paring Dave ang dumarating sa kwartong kinaroroonan ko. Panaka-naka ay may pumapasok na tauhan niya para magdala ng mga pagkain at siguruhin na okay lang ako sa loob ng silid ng kanilang amo.Wala naman akong lakas ng loob na magtanong sa kanila basta naroon lang ako at nakaupo sa sofa. Mula sa kina uupuan ko ay nakikita ko ang silid-tulugan niya na naaalala kong pinagmulan nang lahat ng pangyayari kung saan nakita akong nasa kama niya anim na taon na ang nakararaan.Ngayon ay naririto na naman ako. Ang kaibahan lang ay alam kong nagpunta ako rito 'di tulad noon na hindi ko alam kung bakit ako napunta sa kuwartong ito. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sinong nag-frame up sa amin para malagay kami sa matinding bingit ng kahihiyan."Hindi kaya si Kuya Edmon ang may gawa no'n?"tanongko sa sarili ko habang tahimik na nag-iisip.Maya maya ay naramdaman ko ang pre
"Kung ako sayo iiwasan kong magtagpo ang landas ninyo. Alam kong kapatid pa rin ang turing mo sa kanya sa kabila ng lahat, pero iba na ang pagtingin niya sa iyo. At kung nagkita kayo, baka iba pa ang isipin niya." sabi ni Dave habang hawak ang baso ng alak."Hindi niya iyon iisipin, dahil alam na niya ang tunay kong nararamdaman sayo!" sabi ko na nakayuko. Iniisip ko kasi ang namumula kong pisngi. Ramdam ko na namumula na naman ito dahil sa init na nadarama ko rito."Ano nga ba? Ano nga ba ang tunay mong nadarama sa akin?" tanong niya habang lumalakad palapit sa akin. Umupo siyang muli sa tabi ko. At humarap sa akin.Hinawakan niya ang baba ko at dahan dahan iyong inangat hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa. Agad ko
Habang tinitingnan ko siya ay para talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nangingiting hinalikan ko siya sa labi. Smack lang naman iyon dahil alam ko namang tulog siya. At hindi pa ako nakuntento ay hinalikan ko naman siya uli sa pisngi. natawa ako, marahil ay kung may lipstick lang ako ay makikita niya ang mga kiss mark ko sa bawat angulo ng mukha niya. Napailing na lang ako sa kabaliwan ko, kaninang gising siya ay para akong tuta, na na bahag ang buntot, pero ngayon na tumba na ang kalaban ay saka ko naman pinag diskitahan. Anong magagawa ko, eto lang naman ako isang babaeng nagmamahal sa kanya ngunit natatakot sumugal. Bakit nga ba? Bakit ayaw ko pang sumubok na ibigay ang lahat e dun din naman ang punta namin. Wala naman akong ibang lalaking mamahalin kundi siya lang. Takot ako dahil sa dami pa ng problema na dapat kong asikasuhin. Nawawala ang dalawa kong kuya, hindi ko man ma itanong kung nasaan sila pero isa rin iyon sa mga pinuproblema ko.