"Ang usapan, si Charley Solevan lang ang magiging target mong akitin! Hindi kasama pati iyung dalawa niyang anak!" frustrated na saad ni Dana sa 'kin habang nagpapaikot-ikot sa living room ng condo ko.
"Relax, okay? Alam ko ang ginagawa ko," saad ko na may pangungumbinsi sabay irap dito.Nabanggit ko na rin sa kanila ni Mike ang tungkol kay Harley na kalilipat lang dito sa tapat ng condo unit ko. At gaya ng inaasahan laking gulat nilang malaman na may isa pa palang anak si Charley sa labas."I can't believe na tatlong Solven ang mahuhulog sa 'yo," singit ni Mike, ang nakakatanda kong kapatid.Panganay sina Dana at Mike sa 'kin, pero hindi ko sila nakaugaliang tawaging Ate o Kuya, kahit na ako ang bunso at pinaka-bata."Bakit parang hindi kayo nangangambang dalawa? Ruby, alam mong hindi sila bastang mga tao lang! P'wede nila gawin sa 'yo kung ano ninanais nila," inis na saad ni Dana."H'wag ka ngang nerbyosa masiyado, para saan pa ang paghahandang ginawa ko? Akala mo ba hindi ko naiisip iyan? Hangga't kaya ko silang paikutin sa mga kamay ko wala ka dapat ikabahala," seryosong saad ko."Paano kung mabaliw sa iyo ng tuluyan ang mag-aamang iyon? Paano kung gamitan ka nila ng dahas? Alam niyo dapat hindi na lang natin itinuloy ang kalokohang planong 'to," saad ni Dana na ikinapanting ng tainga ko."Anong sinabi mo? Kalokohang hindi na lang dapat natin itinuloy? Naririnig mo ba ang sarili mo?" tanong ko at hindi ko na napigilang hindi magtaas ng bosesNatahimik ito dahil alam niyang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya, alam naman naming lahat kung bakit kami umabot sa puntong 'to."Nakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit natin ito ginagawa? Matagal na natin inilagay ang HUSTISYA sa mga kamay natin! At hindi ako papayag na hindi pagbayaran ni Charley ang ginawa niya!" galit kong sigaw kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.Lumamlam ng mukha nina Dana at Mike sa nakikita nilang pagiging emosyonal ko at agad kong pinalis ang mga luhang kusa bumagsak mula sa nangangalit kong mga mata."Pagpasensyahan mo na si Ate Dana mo, nagaalala lang siya sa p'wedeng mangyari sa 'yo, alam din natin mga delikadong tao sila, 'di tayo p'wedeng maging panatag, alam mo iyan Ruby," saad ni Mike katabi si Dana."Alam ko iyan Mike ,at hindi ako mangmang sa pinasok kong 'to alam ko ang posible kong kahinatnan pero una pa lang sumugal na 'ko, matalo o manalo, magpapatuloy ako," saad ko habang nakakuyom ang dalawa kong mga palad.Bumuntong hininga si Mike at nilapitan ako, sabay banayad na hinaplos ang buhok ko."Hindi ka nag-iisa sa laban, kasama mo kaming mga kapatid mo, mula umpisa hanggang dulo, magkakasama tayo," madamdaming saad niya.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusa na lang akong napayakap sa kanya, si Mike ang kaugali ko, parehas kami ng takbo ng isip sa lahat ng aspeto. Alam kong nagaalala rin siya sa p'wedeng mangyari sa 'kin pero aware din siya kung bakit namin ito ginagawa."Don't cry na, akala ko ba matapang ka? Bakit umiiyak ka?" nangaasar niyang pang-aalo sa akin kaya nahampas ko siya."Shut up," saway ko sa kanya."Sobrang ganda kasi ng kapatid natin Dana, kaya kahit hindi kasama sa planong akitin ang mga anak ni Charley, kusa na silang nabighani sa kanya, I think we should celebrate kaysa mag-over think, the Solevan men is now on our hands," saad ni Mike kay Dana habang nakalingon siya rito sabay ngumisi.Sunud-sunod din na bumuntong hininga si Dana at saka siya lumapit sa akin at pinakatitigan akong mabuti."You are very intelligent and brave, unlike me. Duwag kasi ang ate Dana mo kaya ganito na lang ako kung mag-aalala at mag-isip nang p'wede mangyari sa 'yo, I'm sorry," saad niya na may lungkot sa boses."Ayoko kasing nakikita kang pinanghihinaan ng loob, nanghihina rin ako. Alam mong kayo lang ang lakas ko," saad ko upang ipaintindi sa kanya."I know," saad niya."Ngayong nagkakaintindihan na tayo, please lang itigil na natin itong dramang 'to," saad ko sabay pumunta na sa mini bar at kumuha ng isa sa red wine collections ko. Ang ChateauCarruades De Lafite Red Wine.Habang nagsasalin ako sa kopita ay mataman lang nila akong pinapanuod kaya kunot noo ko silang tinapunan ng tingin."What's wrong? Bakit ganiyan kayo makatingin sa 'kin?" takang tanong ko at lumapit ako sa kanila bitbit ang kopita."I just realized na kayong dalawa ni Mike ang nagmana ng katapangan ng mga magulang natin, ako, hindi ko alam kung kanino ko ba namana ang pagka-Maria Clarra ko sa sobrang hinhin ko ni hindi ko nga kayang dipesnsahan ang sarili ko," saad niya na may himig ng inis sa boses kaya nagkatinginan kami ni Mike."Hindi mo man kayang makipagsabayan sa misyong pang-bakbakan, pinalad ka naman sa talino, ate. Malaki ang bahaging naitutulong mo hindi lang sa amin ni Ruby, kundi pati na rin sa mga ka-trabaho natin na kapwa agent," saad ni Mike na sinangayunan ko."Mike is right, Dana. So, stop over thinking. Alam na namin kapag ganiyan ang tono ng boses mo, sinasalakay ka na naman ng mga munti mong insecurities," saad ko na ikinatawa lang ni Mike."So, you are saying na insecure ako?" tanong ni Dana kasabay ng pagtaas ng kanyang kilay."Oo, insecure ka sa sarili mong kakayahan. Eh, sa iyan binigay sa 'yo, embrace your abilities, iyang talent mo kasing iyan pang-inside job, hindi namin kaya ni Mike iyang trabahong ginagawa mo para sa team," saad ko na ikinatahimik niya lang at mayamaya sumilay na ang maaliwalas na ngiti sa maamo niyang mukha."Thank you," saad niya."Nah, it's a small thing," tugon ko."Maiba tayo, how was your conversation with Harley Solevan last night? What kind of man is he?" pag-iiba ni Mike at sumeryoso ang ekspresyon ng mukha."Well, all I can say about him is... he is smart, observant and... dangerous," saad ko sa malalim kong boses.Mas naging seryoso ang ekspresyon ng mga mukha nila dahil sa huli kong sinabi, alam na nila kung anong ibig kong sabihin."Lahat naman sila, mag-mula sa ama," saad ni Mike bilang pagsangayon sabay pinag-saklob ang dalawa niyang palad."Ang sabi niya sa 'kin nakita niya 'ko sa party ni Charley at buong magdamag na nasa akin lang ang atensyon niya," paglalahad ko."Ibig sabihin, malakas ang pakiramdam niya," saad ni Mike ngunit umiling ako."Let's say he is, but he was just mesmerized by my presence that night, at saka niya lang napagtantong may iba pala akong intensyon kung bakit ako naroroon sa party ng Daddy nila," saad ko na ikina-singkit ng mga mata niya."What else did he tell you?" tanong ni Mike."He told me about his connection to his family but I know he told me that on purpose, gusto niya rin na makakalap ng impormasyon mula sa 'kin kaya pinakikitib niya 'ko," saad ko sabay ngisi na ikinahinga ng maluwag nina Mike at Dana.Akala ng dalawang ito ay nagtiwala ako sa kalaban dahil lang sinabi kong personal kong nakausap si Harley kagabi dito pa mismo sa loob ng condo unit ko."He can be an enemy, and he can also be an ally, he is portraying a hero and villain role," dagdag ko pa na sinangayunan nila."Isa lang ang masasabi ko, mag-iingat ka sa bawat lalabas diyan sa bibig mo, magaling mag-manipula ang kalaban, remember that," paalala ni Mike."I know," saad ko habang nasa mga kuko ko sa kamay ang atensyon ko."Eh, iyung Stefan? Anong klase naman siya?" tanong naman ni Dana na ikinatigil ko nang marinig ko ang pangalan ng ungas na 'yon."Him? He is totally a suck," tanging iyon lang ang nasambit ko dahil sa inis nang maalala ko kung paano ako pakitunguhan ni Stefan.Nagkatinginan ang dalawa dahil sa naging sagot ko."We are asking about his information, not your reaction," masungit na saad ni Mike kaya napairap ako."He will become my big problem in the near future, masiyado silang dikit ng ama niyang si Charley, kontrabidang walang modo," saad ko sabay inom ng wine."Mukang hindi maganda ang naging experience mo sa pakiki-salamuha mo sa anak na panganay ni Charley," hula ni Dana na ikinatango ko."Ang bastos niya kausap, wala siyang manners. Ang tingin niya sa 'kin pera lang katumbas, ilang beses niya ako in-offer-an ng salapi para h'wag lumapit sa Daddy niya," saad ko habang nakataas ang isang kilay."You look very mad at him," puna ni Mike sa reaksyon ko at aminado naman ako, hindi ko itinatangging naaapektuhan ako sa lahat ng sinabi niyang hindi maganda sa akin."Ang akala ko ba, you learn how to manage this kind of scene and situation? Bakit sa nakikita namin ngayon, apektong-apektado ka?" naniningkit ang mga matang tanong ni Dana."Ano bang akala niyo sa 'kin namanhid na ng tuluyan? Wala nang pakiramdam? Gano'n ba? Hello! Babae pa rin ako! Babaeng v**gin na pinagkakamalang p**stiute ng lalaking kumag na iyon!" inis kong sambit sabay hagod ng mahaba at kulot kong buhok.Kasalukuyan kaming nagtatawanan kasama sina Stefan, Mike at Mama. Narito kami sa malawak na hardin ng bahay namin ni Stefan, dito niya na 'ko itinira dahil gusto niya raw na dito kami bumuo ng bagong version ng pamilyang Solevan.Isang linggo na lang ay kabuwanan ko na, balak na naming magpakasal kapag lumabas na si Stefanie, yes babae ang gender nito at si Stefan ang nagpangalan sa baby namin dahil gusto niya raw ay kasunod ng pangalan niya.Ngayon pa lang kita nang lalaki itong spoiled brat kagaya na lang ng Daddy niya dahil grabe itong si Stefan kung ibigay ang lahat ng gusto ko, kahit nga hindi na kailangan bili lang ito ng bili paano pa kaya sa paglabas ng aming munting supling?Masaya sa pakiramdam ngunit parang mayroon pa rin kulang, hindi ko mawari kung ano ba? Dumako naman ang tingin sa 'kin ni Stefan nang mapansin niya ang pananahimik ko."May problema ba?" tanong niya."Wala naman, naalala ko lang ang mga nangyaring trahedya sa buhay natin at kung paano tayo nagkakilala," sa
Magkahawak kamay kaming nakatayo ni Stefan sa tapat ng pinto ng bahay, sa loob ay naghihintay na sina Mama at Mike.Mom already knows about me and Stefan at alam niya na rin na buntis ako, kinakabahan man pero nandito na kami, wala nang atrasan pa. Humugot muna ako ng malalim at saka tumingin kay Stefan na parang hindi man lang kinakabahan, kaya napasimangot ako kasabay ng mahinang paghampas sa braso niya kaya napabaling siya sa 'kin at nangunot ang noo."What?" tanong niya."Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng kaba dahil makakaharap mo na si Mama? Hindi ka ba natatakot sa mga sasabihin niya?" alinsunod kong tanong ngunit ngumiti lang ito."Ano namang ikakatakot ko sa Mama mo? Meron ba dapat?" pa-inosenteng tanong niya kaya pabiro ko lang siyang inirapan."Halika na nga!" yakag ko na sa kanya at umangkla sa braso niya.Pagpasok namin ng pinto ay tumungo kami agad sa living room at nakita ko sina Mike at Mama na mukang kanina pa nga naghihintay sa 'min."Ma," tawag ko sa aking ina ka
STEFAN'S POV (2)~"Mr. Harley Solevan, you are now arrested with multiple murdered crimes including the case of Marietta Solevan and Trisan Andalia and we have lots of evidence against you," saad ng isang alagad ng batas habang pinoposasan si Harley.I let them arrest him, kasalukuyan kaming naririto sa living room ng bahay ko. Yes, sa sarili kong bahay, I have my own property which I bought a long time ago."Sir Stefan may ilang katanungan lang po kami sa inyo," pukaw sa 'kin ng isang pulis mula sa likuran ko habang habol ko ng tingin ang nakaposas na si Harley, wala na itong kibo at nakatingin na lang sa kawalan.Tuluyan na nga itong nawala sa paningin ko nang ilabas siya ng mga kapulisan at saka ako bumaling sa nagsalita kanina."Yes, go on. I will answer all your questions," saad ko at naupo kami sa sofa habang may hawak itong notebook."Ah, Sir bakit po tumagal ng ilang taon bago niyo isiniwalat ang katiwalian at masamang gawain ng ama at kapatid niyo? Bakit niyo biglang napagdesi
STEFAN'S POV~"KUYA! WHY ARE YOU DOING THIS TO US?! HINDI BA DAPAT KAKAMPI KA? BAKIT MAS PINILI MO ANG BABAENG 'YON!?" puno ng pagkauyam na sigaw ni Harley na halos ikalabas na ng ugat niya sa leeg habang nakatali siya ngayon dito sa basement ko. Pulang-pula ang mga mata niya, mukang high pa nga ata ang g*go bukod sa sira na talaga ang ulo nito lalo pang nasisiraan"Sininghot mo ba lahat ng cocaine na dapat ay i-de-deliver mo sa buyer niyo ni Dad?" may pangaasar kong tanong sabay ngisi.Hindi ko na pinansin ang sinabi niya habang pinupunasan ang ubod ng talas na kutsilyong hawak ko at ipinatanong ko sa lamesa sunod naman ay ang baril na matagal-tagal ko nang hindi nagagamit."A-Anong gagawin mo sa mga 'yan? Are you going to shoot me? Stab me? Gaya ng gusto ni Ruby na gawin mo??" kabadong tanong niya habang pinapanuod ako sa ginagawa ko."Mali ka, ni isa sa 'ming dalawa walang may gusto dungisan ang mga kamay namin pero dahil sumusobra ka na at pati ang magiging anak ko malalagay pa sa
"When I see that f*cker, ako mismo ang papatay sa kanyang g*go siya! Kung hindi lang buntis—" hinila ko bigla ang tainga niya na ikinangiwi niya sabay pinanlakihan siya ng mata kaya hindi niya natapos ang sanang sasabihin niya."Sinong buntis?" puno ng kuryosidad na tanong ni Sabri kaya mas pinanlakihan ko siya ng mata."Iyung aso ko!" pagbubulaan na lang nito ngunit asar pa rin akong tiningnan siya."I'm glad you're safe," saad ni Stefan mula sa likuran ko sabay himas niya sa tiyan ko ngunit nangunot ang noo niya."What are these?" takang tanong niya sabay angat ng damit ko at nakita niya ang hilerang patalim na nakapalibot sa baywang ko.Kita ko ang pagdilim ng mukha niya, at pag-igiting ng panga niya dahil siguro nasa isip niyang naiipit ang tiyan ko idagdag pa na puro patalim lahat ng nandito. Nakagat ko bigla ang ibabang labi ko at kabadong sinalubong ang mga tingin niya."You will explain this after we get home," bulong niya sa tapat ng tainga ko habang siya na ang nagtatanggal n
"Actually, kalalabas ko lang from hospital at kahapon ko lang nalaman nang pagkagising ko sinabi ni Stefan that I'm pregnant with his child," pagtatapat ko na ikinabigla rin ni Mike sabay kinuha ang braso ko at tiningnan kung ayos lang ba 'ko."Why didn't you tell me? Sana napuntahan kita! You passed out? Kaya ka niya dinala sa ospital? What happened before the incident?" sunud-sunod niyang tanong na bakas ang labis niyang pagaalala."You wouldn't believe what I have done, I confronted Harley while he was with his girl named Misha, I tried to stab him in the eye, thanks to Stefan, he stopped me," paglalahad ko kaya bigla niyang natampal ang sariling noo."Kaya nalaman na ni Harley at Charley ngayon ang totoo na may alam ka simula umpisa pa lang? Sigurado akong nag-iimbestiga na sila ngayon at pilit tayong ipinahahanap para lang patahimikin," seryosong saad ni Mike na ikinatango ko."Kaya pauwiin mo na si Mama dahil mainit ang sitwasyon sa labas, Solevan is looking for us now," utos ko