공유

KABANATA 007

작가: JADE DELFINO
last update 최신 업데이트: 2025-10-13 13:16:49

007

KARINA’S HOUSE

Pagod na umupo sa sofa si Karina, at mapungay na ang kanyang mga mata. Napansin naman ito ng bunso niyang kapatid na si James. Walang pasok si James ngayon dahil sabado kaya nasa bahay lang siya. Sampung taon gulang na rin ito, at madalas ay naiiwan sa bahay. Sa kabilang bahay lang naman nakatira ang Tita Karla nila, kaya hindi sila nag-aalala kahit minsan ay mag-isa si James.

“Ate, you look tired and sleepy. You should rest muna. Ako na bahala maghanda ng hapunan natin,” malambing na sabi nito.

Agad na napawi ang pagod sa mukha ni Karina, at ngumiti siya habang nakatingin sa bunsong kapatid.

“Hindi na. Si Ate na gagawa mamaya, ha? Matutulog lang ako sandali,” sagot niya, nakangiti pa rin.

Bumusangot si James. Lumapit siya sa kanyang Ate at niyakap ito nang mahigpit. Gumanti rin ng yakap si Karina. Gumaan naman ang bigat ng kanyang dinadala mula pa kanina. Ngiti at lambing lang ng kanyang mga kapatid, agad nang napapawi ang pagod at hinanakit niya.

“Salamat, Ate,” bulong ni James. Hindi napigilan ni Karina na maluha, dahil napakalambing talaga ng bata.

“Para saan naman?” hingal niyang tanong habang pinupunasan ang mga luha.

“For everything. We’re so lucky to have you. Kahit alam namin na nahihirapan ka, hindi mo kayang magreklamo o magalit sa amin. Ikaw ang gumagawa ng lahat,” mahabang sabi ni James.

“Responsibilidad ko kayo, eh. Ayaw kong malayo sa inyo dahil hindi ko kakayanin ’yon. Sa inyo na lang ako humuhugot ng lakas,” hindi na napigilan ni Karina ang sarili at tuluyan nang umiyak sa harap ng bunso niyang kapatid.

“Okay lang naman po kami, Ate. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa amin. I promise to do better and won’t disappoint you. I love you, Ate.” Niyakap siya ulit ni James bago bumalik sa ginagawa.

Sinundan na lang ng tingin ni Karina ang kapatid. Maya-maya, tumayo si James mula sa pagkakaupo at tinungo ang kusina. Sinandal naman ni Karina ang kanyang ulo sa sofa.

“Ate, drink ka muna ng water. Then you can sleep na sa room mo po,” ani James sabay abot ng isang basong tubig.

Matapos inumin ni Karina ang tubig, agad itong kinuha ni James at ibinalik sa lagayan matapos hugasan. Pagkatapos, bumalik siya sa kanyang ginagawa—ang homework niya. Wala kasi siyang pasok ngayong araw.

Samantala, humiga na lang si Karina sa sofa dahil sobrang bigat na ng kanyang katawan at talagang pinipikit na ang kanyang mga mata. Wala na siyang pakialam kung saan siya makakatulog—ang mahalaga ay makaidlip siya kahit saglit lang.

.....

PAGBISITA NI LUTHER KAY KARINA

Habang abala si James sa kanyang aralin, biglang tumunog ang doorbell. Agad siyang tumayo at sinilip kung sino iyon. Alam niyang hindi ang mga kuya niya ang dumating, dahil hindi iyon nagdo-doorbell. Lumabas siya ng bahay at tinungo ang gate.

“Sino po sila?” tanong ni James sa dalawang lalaking nakatayo sa labas.

“Nandito ba nakatira si Miss Karina Bermudez?” tanong ng isa sa kanila.

“Opo, dito nga po. Sino naman po sila?” sagot ni James.

“Gusto lang naming makausap ang kapatid mo. Nandiyan ba siya?”

“Opo, nasa loob.” Walang pag-aalinlangan ay binuksan ng bata ang gate. “Pasok po kayo.”

Pagpasok nila sa loob, agad nilang nakita ang natutulog na si Karina sa sofa. Napaubo si Kennedy at palihim na sinulyapan ang boss niyang si Luther—na titig na titig ngayon sa mahimbing na natutulog na babae.

“Kanina pa ba siya natutulog?” biglang tanong ni Luther sa bata.

“Bago lang po. Gusto niyo po ba gisingin ko siya?” tanong ni James.

“Hindi na. Let her sleep. I bet she’s tired,” mukhang nag-aalalang wika ni Luther.

Palihim namang ngumiti si Kennedy na nasa likuran ng boss niya. “Siya lang naman ang dahilan kung bakit pagod ’yan,” bulong ng isip niya.

“Boss, 30 minutes na po tayong nandito. Baka po gabi na kung hintayin pa natin siyang magising. Siguro mas mabuti kung bukas na lang natin siya kausapin. Mukhang pagod na pagod po talaga si Miss Karina,” pabulong na sabi ni Kennedy.

“You go back to the office. I will stay here for five to six hours… hanggang sa magising siya,” mariin na sagot ni Luther.

Nagulat naman si Kennedy sa sinabi ng Boss. "Talaga, Boss?" Paninigurado nito dahil kilala niya si Luther na sobrang mainipin.

"No. Punta kang market at mag-grocery ka rin."

.....

NAGISING si Karina dahil sa ingay mula sa kabilang bahay. Mapungay pa ang kanyang mga mata dahil antok na antok pa siya. Nakayuko lang siya habang nakaupo, at makalipas ang ilang minuto ay tumayo na rin upang tumungo sa kanyang kwarto. Sanay na siyang sa sofa matulog, lalo na kapag sobra na ang pagod.

Pagpasok sa kwarto, agad siyang nag-ayos ng katawan. Habang isa-isang hinuhubad ang kanyang damit, napatingin siya sa sarili sa salamin—at laking gulat niya nang makita ang mga pula-pulang pantal sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib.

“B-bakit ako may ganito? May sakit ba ako?” kinakabahan niyang usal sa sarili. Hindi niya mapigilang maiyak at maging balisa.

“Hindi ako pwedeng magkasakit… may mga kapatid pa akong buhayin at pakainin,” umiiyak niyang sambit.

Nagmadali siyang maligo bago lumabas ng kwarto. Nadatnan niya ang tatlong kapatid na kumakain sa mesa. Puno ang lamesa ng iba’t ibang klase ng pagkain—fresh vegetables, fruits, at drinks.

“B-bakit ang daming pagkain? Kanino galing ang mga ’yan?” nagtataka niyang tanong.

“Ate, kain ka muna. Kanina ka pa tulog, tapos pagkagising mo dumeretso ka agad sa kwarto,” ani James.

“H-hindi na… may pupuntahan ako,” sagot niya. Kunot-noo namang nagkatinginan ang magkakapatid.

“Ate, can we talk?” ani Dos sabay tayo. Mabilis niyang hinila si Karina papasok sa kwarto nito.

“B-bakit, Dos? May nangyari ba?” nag-aalala niyang tanong.

“Ate, sino ’yong dalawang lalaki na nandito kanina?” seryosong tanong ni Dos.

Hindi makasagot agad si Karina dahil wala siyang ideya kung sino ang tinutukoy ng kapatid.

“Sinong lalaki?” nagtataka niyang tugon. “Tulog ako kanina. Si James lang naman ang nandito pag-uwi ko. Wala rin akong kasamang lalaki.” paliwanag niya.

“Hindi kasi namin nadatnan ni Ariel. Sabay kaming umuwi dahil maaga ang uwian ko—timing din sa kanya. Pagdating namin, nakaalis na ’yong sasakyan. Sabi naman ni James, babalik daw sila. Hindi rin sinabi kung ano pangalan nila… basta dalawang lalaki raw,” mahabang paliwanag ni Uno.

“Hmm… wala talaga akong idea eh,” naguguluhan na saad ni Karina. “Wag na lang muna natin isipin ’yon. Sabi mo babalik daw, hindi ba? Hintayin na lang siguro natin kung bumalik sila.”

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • HER REPLACEMENT: REGRETS    KABANATA 064

    Nang makita ni Arian ang video ay mabilis na nilapitan nito ang school Dean. Mabilis naman na inaksyunan ng Dean at na-take down agad ang video, pero huli na dahil nakita na nga ni Karina. Nakita ni Arian ang kaibigan sa isang sulok kung saan sila palaging tumatambay. Nakatulala at malayo ang nasa isip dahil hindi nito namalayan ang pagdating ng kaibigan. Awang-awa naman si Arian at niyakap ang kaibigan. Nagulat pa si Karina sa biglang pagdating nito. “Uy! Kanina ka pa ba?" tanong ni Karina na para bang wala siyang iniisip. “Okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong ni Arian. Karina pouted and soon Arian said it, her tears fell on her cheeks. Arian hugged her back and tapped her back gently —comforting her. “I already told the Dean to take down the video and asked, who uploaded the video without informing the school. It was illegal,” Arian said. Nakahinga naman ng maayos si Karina, but it's too late because everyone already saw the video. "They judge me. They call me nam

  • HER REPLACEMENT: REGRETS    KABANATA 063

    Nang magising si Karina ay napagtanto niyang wala na sa tabi ang asawa. Mabilis niyang tiningnan ang sarili ng maalala ang nangyari sa kanila ng asawa sa unang pagkakataon na nasa sarili sila. Malinis na ang kanyang katawan at nakasuot ng pantulog na damit. Dahil sa pagod kagabi ay hindi na namalayan ni Karina na nilinis ng asawa ang katawan niya at sinuotan ng damit pantulog. Napangiti naman si Karina ng maalala ang kanilang ginawa kagabi. Na hindi sila nakaramdam ng hiya o kung ano man. Basta masaya ang puso ni Karina sa ginawa nila ng asawa kagabi. Hindi niya lubos akalain na masarap pala sa piling na makipag-make love sa asawa. Maagang-maaga pero nag-iinit na naman ang pisngi niya. Huminga siya ng malalim saka bumaba sa kama. “Sana ganito lang kami palagi, masaya at komportable sa isa't-isa,” ani Karina ng nasa harapan na siya ng salamin at tiningnan ang repleksyon sa salamin. “Bakit may pula ako sa liig?" aniya, at maiging tiningnan ito. Tahimik naman siyang napatili ng ma

  • HER REPLACEMENT: REGRETS    KABANATA 062

    “Ride me like a cowgirl,” Luther muttered unconsciously as Karina straddled him. They were both sweating, their breaths heavy. Karina was already straddling him, settled over his member, ready to ride. However, it was her first time taking the lead, and she wasn’t sure what to do—or how to move with confidence and allure. "Yes, that's right, Love. Yes! Hmmm..." Nagsimula nang umangol si Luther sa ginawa ni Karina. Habang hawak ni Karina ang matikas na dibdib ng asawa bilang suporta, dahan-dahan naman na gumalaw ang baywang niya sabayan pa ng mga paa sa pagtaas-baba. Malakas rin na umungol si Karina dahil ramdam na ramdam niya ang laki at tigas nito sa loob niya. Kung hindi lang namamasa ang kanyang pagkababae ay malamang sobra na siyang nasasaktan ngayon. Ramdam nga niya ang hapdi pagpasok ng matigas na bagay sa loob niya, paano pa kaya kung walang preparation na nangyayari. "Love... This is insane," usal ni Luther nang hawakan nito ang kanyang hita at parang pinanggigila

  • HER REPLACEMENT: REGRETS    KABANATA 061

    NAPALUNOK na lamang si Karina nang dahan-dahan tanggalin ni Luther ang kamay niyang nakatabon sa kanyang pagkababae. His intense gaze gives shivers to her body. "Ah..." ungol niya ng maramdaman ang mainit na hininga at labi nito sa kanyang pagkababae. Hindi mapigilan ni Karina ang hablutin ang kumot nang biglang pinaglayo ng asawa ang kanyang mga binti. "B-baba, ahhh..." napaungol na lang siya ng dilaan nito ang kanyang namamasang pagkababae. "I haven't tasted anyone's womanhood, since before," he muttered. And keep licking her womanhood. "B-baba, ahhh... P-please, stoppp," impit nitong ungol habang pilit na pinipigilan ang asawa sa ginagawa nito. Ngunit hindi pa rin nagpatinag si Luther at patuloy pa rin sa ginagawa na para bang walang narinig. Napaigtad na lamang si Karina sa hindi maintindihan na pakiramdam. Napasabunot na lang siya sa buhok ni Luther ng maramdaman ang bigat ng kanyang pusunan. When Luther feel like she's going to come, he moved his tongue f

  • HER REPLACEMENT: REGRETS    KABANATA 060

    AGAD na rin na naging okay ang dalawa at sabay na rin na umakyat sa kwarto nila upang magpahinga. Tapos nang maglinis ng katawan si Karina paglabas niya ng banyo. Nakahiga na rin sa kama si Luther na para bang may malalim na iniisip—nakatutok sa kisame habang hawak ang cellphone nito na nasa ibabaw ng tiyan. Tila hindi namamalayan ni Luther na nasa harapan na niya ito nakatayo—nagtataka. Pero hindi ito nagsasalita at pinagmasdan na lang ang asawa na tulala pa rin. Marahan na umupo sa kama si Karina at dahan-dahan na inabot ang mukha ng asawa. Kinakabahan man ay ginawa pa rin ni Karina, dahil hindi man lang kumurap-kurap ang mga mata nito. 'Ano kaya ang nasa isip nito?' wika sa isipan ni Karina. "B-baba?" sambit niya sa pangalan ni Luther. 'Is it okay to do it? I am scared.' Naguguluhan naman na isip ni Luther. 'Paano kung masaktan siya? Masaktan baby namin?' 'Paano kung ayaw niya? Sabi naman ng doctor na maging maingat lang at hindi agresibo.' "Baba? Okay ka l

  • HER REPLACEMENT: REGRETS    KABANATA 059

    Pauwi na si Luther ng makita niya ang isang flower shop. Huminto siya agad at bumaba ng sasakyan. Maigi niyang tiningnan ang mga bulaklak na naka-display sa labas at wala ni isa siyang natipuhan. Pumasok pa siya sa loob ng shop at doon bumungad sa kanya ang maganda at galente na iba't-ibang klase ng mga bulaklak. “I will have this one and that lavender, please," Luther said, sa tindera ng flower shop. “Okay, sir… Sandali lamang po at aayusin na muna bago ibalot po,” tugon naman ng tindera na may edad na rin. Ilang sandali pa siyang naghintay bago inabot sa kanya ang dalawang bouquet ng bulaklak na kulay Pula at Lavender. Hindi alam ni Luther kung ano ang paborito ng asawa kaya kung ano na lang ang nagustuhan niya ang kanyang pinili. "Salamat, sir…” ani ng tindera pagkatapos magbayad. “Salamat!" tugon naman nito. Agad naman na umalis si Luther. Habang nasa biyahe ay inamoy niya ang mga bulaklak at na babanguhan siya sa mga ito. Matagal na rin ang huli niyang bili ng b

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status