“Miss Calynn, huwag ka munang umalis,” narinig pa ni Calynn na tawag sa kanya ni Secretary Dem. Napansin nga rin niya ang mga nagbubulungang employees. Pero dire-diretso siya ng lakad palabas ng opisina. Nagbingi-bingihan siya. Pagdating niya sa tapat ng elevator ay saka lang niya pinakawalan ang mas madaming luhang kanina pa niya pinipigil. Sising-sisi na siya kung bakit nagpaguyo siya kay Yeyet na puntahan niya si Reedz sa opisina. Sana kinain na lang pala niya na mag-isa ang kanyang adobo. Kanina ay nagtatalo talaga ang loob niya kung dadalhan na lang niya ang dinner o hindi ang asawa. Kung bakit ba kasi tumawag-tawag pa sa kanya ang bruhang iyon. Sinabi lang niyang may bago ulit siyang cellphone number sa chat, bigla na lamang tumawag. … “Number mo ba talaga ito?” tanong ni Yeyet nang sagutin niya kanina ang tawag nito. “Oo, second number ko dahil naiwan ko sa apartment iyong lumang cellphone ko. At hindi ko alam kung kailan madadala ni Gela rito o kailan ko makukuha doon.” “O
‘Huwag mo na hintayin ang asawa mo dahil hindi mo naman ‘yon totoong asawa. Baka nasa totoong babae na mahal niya iyon. Matulog ka na diyan, Ate. Pati sa akin nakakaistorbo ka na. May pasok pa ako bukas. Good night’ – ang huling chat sa kanya ni Gela na kanyang na-receive. Bruha talaga. Walang kuwentang kausap. Padarag na ibinaba niya sa center table ang kanyang cellphone. Humalukipkip at sinubukang ituon ang pansin sa kanyang pinapanood na panggabing drama. Subalit saglit lamang ay napalatak siya’t nakalas ang pagkakahalukipkip niya dahil hindi na naman maalis sa isip niya ang sinabi ng kapatid. Bakit ba siya nasasaktan kasi na hindi na naman nakakauwi ang asawa niya? Ang totoo, kanina pa siya naghihintay sa pagdating ng asawa. Parang hindi niya kasi kayang matulog na wala ito. Syempre, alam niya na ang mabuting asawa ay hinihintay ang mister galing trabaho. Katunayan nagluto nga ulit siya. Nakamot-kamot niya ang ulo. Umaasa na naman ba siya na magkakaron ng himala? Iyong katulad
Hindi talaga makapaniwala si Calynn na nilabasan na siya. “Iyon na ba 'yon?”Mula sa pagitan ng kanyang mga hita ay nag-angat ng ulo si Reedz. Nang makita niya ang ngisi nito sa mga labi ay noon siya nakadama ng kahihiyan.Nagmukha na naman ba siyang shunga na pati ang bagay na iyon ay hindi niya alam o hindi niya sure?“Sorry, first time,” pulang-pula ang kanyang mukha na sabi. Kinagat niya ang pang-ibabang labi.“I should be the one doing that. The one biting your lips, sweetheart,” pilyong wika naman ni Reedz. Bago pa man siya maka-react ay nakaakyat na ito sa kanya at muling sinakop ng nag-aalab na halik. May pakagat nga itong ginawa sa kanyang mga labi, pero hindi naman masakit, mas nakadagdag nga iyon ng alab ng halik nito.At nang iwan nito ang kanyang mga labi ay nakadama siya ng kawalan. Nakangusong hinabol pa nga niya ang mga labi nito. She opened her eyes at nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Then his knuckle gently brushed her face.“Are you sure na ibibigay mo ito sa a
Kusa na nagising ang diwa ni Calynn. At ayon sa katawan niya, nakatulog siya ng mahimbing. Smiling, she stretched her hands, pero nang bumuhos ang ala-ala sa isip niya kung ano ang nagyari sa kanila ng asawa sa nakalipas na magdamag ay biglang dilat siya ng mga mata. Naalala niya na kasiping niya si Reedz sa kamang iyon kagabi, and they made sweet love. Twice. Nangyari ba ang lahat ng iyon? Bigla rin siyang napatingin sa kanyang tabi, thinking her husband was there. Subalit wala siyang ibang nakita roon kundi ang unan. Hindi kaya panaginip lamang? Umiling siya nang maramdaman niya ang medyo hapdi sa pagitang ng kanyang mga hita. Totoo iyon. Totoo ang lahat ng nangyari. Hindi na siya virgin. She had already been deflowered by her husband. Napabalikwas siya ng bangon, hinanap ng tingin si Reedz. Nakiramdam din siya pero sa sobrang katahimikan ng bahay, nabalutan siya ng lungkot nang mapagtanto niyang wala na si Reedz. Malamang pumasok na sa opisina. Napaingos siya. Ganoon na lang
"What brought you here all of a sudden?” Hindi na kailangang lingunin ni Reedz kung sino ang nagsalita. Sino pa ba kundi ang pinsan niyang sinadya niya mismo sa bahay nito. Si Denver. Patuloy siya sa pagtingin-tingin sa mga picture frame na kinalalagyan ng mga larawan nila noong mga bata sila kasama si Meredith. Naka-display ang mga iyon sa magarang glass breakfront sa living room ng mansyon ng Manrigas. “What’s wrong at himalang sumadya ka pa talaga dito sa bahay?” tanong pa ni Denver. “Wala naman, Insan.” Nakapamulsa at nakangiting nilingon niya ito. “Are Meredith and Aunt Divina not here?” “They're in Paris. You know they wouldn't dare to skip Fashion Week.” Nakangiti pa rin, tumango-tango si Reedz. “How about you? Don't you have anything keeping you busy right now?” “What do you mean? Syempre busy ako sa Regal Empire tulad mo. Nakakalimutan mo yatang ako ang Chief Legal Officer ng kompanya?” Totoo iyon. Since graduate si Denver sa kursong Political Science ay dito ibinigay
“Sir, pinatawag mo ako?” magiliw na tanong sa kanya ni Secretary Dem. As usual animo’y mayordomo sa isang palasyo na magkahawak ang mga kamay sa likod nito habang tuwid na tuwid ang pagkakatayo sa harapan ng kanyang desk. Mula sa tutok na tutok sa screen ng kanyang laptop kumilos ang mga eyeballs ni Reedz patungo sa mukha ng tauhan. Nakapangalumbaba ang isa niyang kamay at ang isa naman ay tinutuktok ang Montblanc pen sa desk. Ilang sandali na naghintayan sila sa kung sino ang magsasalita. Saglit ay kumilos si Reedz. Umayos siya nang pagkakaupo. Isinandal ang likod sa kinauupuan. “Come here, Secretary Dem. I have something to show you.” “Yes, Sir.” Madaling sumunod ang sekretaryo. Subalit anong kunot ng noo nito nang makita ang tinitigan ng amo sa laptop. “Do you see that, Secretary Dem?” “Iyan ay isang grasshopper, Sir, na sa Tagalog ay tipaklong. Sila ay karaniwang makikita sa mga damuhan, halamanan, at iba't ibang uri ng vegetasyon. Karaniwang naririnig ang kanilang mga tunog
“Here are the project development updates you requested regarding the status of Urban Litex, Sir,” pukaw ni Secretary Dem mula sa pintuan ng opisina. Pinaikot ni Reedz paharap sa empleyado ang swivel chair. “Thanks, Secretary Dem.” Nakangiting inilapag ni Secretary Dem ang folder sa desk. Lumabas din ito kaagad. Muling napag-isa si Reedz. Ipinaikot niya ulit ang kinauupuan. Nag-cross legs at pinagmasdan mula sa malaking glass window ang tanawin ng malaking bahagi ng Makati. Mayamaya ay bahagya siyang napapikit at sinapo ang noo. “Piliin mo ang kompanya, Reedz. Huwag mong sayangin ang pinaghirapan natin. Dalawang buwan, Dalawang buwan lang ay dapat ididispatcha mo na ang babaeng iyon… sa kahit na anumang paraan.” –ang paulit-ulit kasi na naalala ng kanyang isipan na sinabi ng kanyang Dad noong nakaraang araw. Madali lang naman sa kanya na gawin iyon. Ever since he was born into this world, he was just to obey his father's commands. Sa madaling salita, ipinanganak lamang siya upang
“Okay, ikaw na muna ang bahala diyan dahil hindi na ako makakabalik. I need to watch over my wife,” habilin ni Reedz kay Secretary Dem sa cellphone. But Secretary Dem jeered. “No problem, Sir. Enjoy kung anuman ang gagawin niyo ni Ma’am Calynn.” “Tss!” Bago pa man uminit ang ulo niya sa parang may sinto-sinto rin niyang sekretaryo ay ibinaba na niya ang cellphone. “Shit!” naimura nga lang niya pa rin dahil sa gulat nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod. Nang lingain niya ay si Calynn. “Hmmm…” Nakapikit na ungol ng asawa habang dinadama nito ang kanyang likod. Para itong lowbat na robot na no’ng yumakap sa kanya ay nag-recharge. Nakangiti pa. “Hoy!” Ngunit nang himasmasin na nito ang kanyang dibdib ay napahindik siya. Nanlalaki ang mga matang madaling kinalas niya ang mga kamay ni Calynn sa dibdib niya at lumayo konti. “Calynn, umayos ka!” Nagtaka saglit si Calynn na ang tanging tumatakip sa naka-bra at panty lamang na katawan ay ang tuwalyang nakapulupot hanggang dibdib