Bagaman nagmamadali ay nagawa pa ring isingit ni Calynn ang pagsilip sa Lux Fine Jewelry. Sa araw-araw ng kanyang buhay, hindi niya talaga kayang hindi masulyapan ang kanyang engagement ring kahit saglit lang. “Diyan ka lang, aking singsing. Balang araw, nakasuot ka na sa aking ring finger. Tiwala lang tayo na parating na ang lalaking magsusuot sa iyo sa akin,” kinikilig niyang turan. Kulang na lang ay mag-twinkle twinkle na naman ang mga itim na bilog ng kanyang mga mata. Ini-stretch pa niya ang palad niya at in-imagine na nakasuot na ang noon pa niya pinapangarap na singsing. “Ay, naku, Calynn, bilhin mo na kasi iyan,” as usual, sita na naman sa kanya ni Belle na sales associate ng Lux Fine Jewelry. Ang salarin kung bakit nagmumukha siyang lukaret at obsess sa isang singsing. Pitong buwan na, kung hindi nagkakamali si Calynn ay pitong buwan na nga siyang parang baliw na inaasam ang diamond ring simula idinisplay ni Belle ang singsing, na hindi sinasadya ay kanyang nakita. Mula noo
Baca selengkapnya