Share

CHAPTER 9

“Sumama ka sa kanya. He is my executive secretary. He will take you to where we will talk later. I will follow you there. I just need to sign some documents briefly and grant a short interview.”

“O-okay,” tanging naisagot ni Calynn na hindi inasahang ngayon na pala talaga ang sinabi ni Reedz na pag-uusap nila.

“Paano ako, Ate?” singit ni Gela sa usapan.

Tiningnan ito ni Reedz. “The driver will take you home,” at napakaseryoso na sabi nito.

“Ayoko. Hindi ko iiwanan ang kapatid ko!” ngunit pagtutol ng dalaga.

“Gela, sige na. Okay lang ako,” napilitang sabi ni Calynn sa kapatid.

“Sasama ka talaga sa kanila, Ate? Paano kung may gawin sila sa ‘yo?” Ngunit pinapairal na naman ni Gela ang katigasan ng ulo nito. Ang sama na naman ng tingin nito kay Reedz na para ba’y kilala na nito ang karakas ng lalaki gayong ngayon palang nito nakita.

Hinila ni Calynn ang kamay ni Gela at binulungan. “Hindi ba sabi ko ay kailangan naming mag-usap?”

“Oo, pero kayo lang? Ayoko, Ate. Dapat kasama ako. W
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status