VERONICA POV
Napatingin naman ako ngayon sa kisame ng kwarto kung saan ay apat na buwan na akong nandito, nang umuwi kasi ako ng araw na iyon ay latigo at sampal ang natamo ko sa kamay mismo ng ama ko. Nagsisisisi daw sila kung bakit pa daw nila ako kinuha sa puder ng mama ko, kung ganito naman daw ang pag-uugali ko. Lahat ng masasakit na salita ay iniinda ko kasabay ng pag-inda ko naman sa mga palo at lapat ng latigo sa aking likuran. Habang nakikita kong pekeng umiiyak si Kitty katabi ni mommy ay mas lalo lang sumidhi ang aking pagkakasuklam. Nagawa niya pa magpaawa gayong siya naman ang may kasalanan ng lahat ng ito, kung hindi lang niya inahas ang boyfriend ko. Kung hindi ko lang pinakilala ang boyfriend ko sa kaniya, akala ko pa naman sobrang bait nitong kapatid ko na ito dahil sa tuwing pagagalitan naman ako nila mommy ay siya naman ang mismong tatayo para sa akin, pero ang laki kong tanga ng mapaniwala ako sa kaniyang mga kasinungalingan. "Veronica!" Tawag na nagmumula sa labas. "Opo." Mahinang sagot ko naman na alam ko naman na maririnig niya lang din. Agad naman akong napabangon at bumuntong hininga, pagkatapos nila kasi akong pahirapan ay nagawa akong ibenta ng aking ama dito sa auction kung nasaan ang mga bilyonaryong naghahanap ng sariwang babae na pag-aagawan nila para makama nila ng ilang beses. Ayaw ko man sumama sa kanila ay makakatamo naman ako ng latigo at ano pa man pagpapahirap. Mas mabuti na siguro ang ganito, hindi ako maghihirap. Ang problema lang apat na buwan na pero wala pa din ang naglakas na kumuha sa akin, sino ba naman kasi ang maglakas na kukuha sa akin kung ganito naman ang hitsura ko, sobrang taba. "Lumabas ka na at naghihintay na ang mga kustomer sa labas," sabi naman ng aming manager na babae. "Opo," sagot ko naman sa kaniya. Kinuha ko naman ang maskara para isuot, pagkatapos naman ay lumabas na ako ng kwarto ko para sumalang sa stage na kaharap ang mga bilyonaryong mga naghahanap ng mapaglalaruan. "Tignan mo ‘yan, panigurado hindi na naman siya makukuha ngayong gabi." Natatawang sabi naman ng babae sa may gilid. Kasamahan ko sila at sila ay kakadating lang din kanina, tiyak na nasagap na naman nila ang mga balitang iyan sa mga matagal na din dito. "Sino naman kasi ang kukuha diyan, tignan mo nga ang laki-laki parang balyena." Natatawang sang-ayon din ng isa. "Hayaan mo na kapag hindi naman na iyan makuha ngayon o bukas tiyak na ipapatapon na ‘yan sa labas, kung saan wala na siyang mapupuntahan at mapapakain sa sarili niya." Maarteng sabi naman ng isa at tinignan pa talaga ako. "Hindi naman kukupkop si Madam ng isang balyena na papasanin niya lang ‘no," sabi pa nang isa. Napayuko naman akong umalis ng marinig ko naman silang tumawa, ang sakit naman kasi ng mga pinagsasalita nila pero wala naman akong magawa dahil sa totoo naman ang kanilang mga sinabi, kapag hindi ako nakakuha ng bilyonaryo ngayon ay tiyak bukas o sa susunod ay ipapatapon na nila ako. Ang usapan naman namin ni Madam kapag lilipas na ang ikalimang buwan tapos wala pang kukuha sa akin na bilyonaryo ay wala siyang magagawa at ipapatapon talaga ako sa labas. Tiyak na baka magutom ako sa labas kasi hindi naman ako maaaring babalik sa bahay kung saan ay natakasan ko na ang mga malulupit nilang ginagawa sa akin. Bukas ay maglilimang buwan na ako dito kaya kailangan ko nang makahanap ng bilyonaryo. "Ayusin mo ah," sabi naman ni Madam sa akin. "Opo," sagot ko na lamang. Alam naman kasi namin na imposibleng may bibili sa akin, sa laki ko ba naman. Agad naman kaming pinapasok ni madam at ako naman ang ikatlong naglakad, suot ko ang isang napakaikling red dress na halos kita na ang aking dibdib, napapapikit na lang ako. May lipstick din akong sobrang pula na talagang pampaakit daw sabi ni Madam. Kung bakit naman kasi napunta ako sa sitwasyon na ito. Sa paglabas ko naman ay kaagad ko na naman naramdaman ang tensyon sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito. Makakaharap na naman ako ng mga mabibigating tao, na alam ko naman na walang pipili sa akin. Mas mauunahan pa ako ng mga baguhan dito kung sila madaling mapili, ako naman ay hindi. "Simulan na ang bidding ng candidate number one natin!" Malakas na sigaw ng MC namin na ang tinutukoy ay iyong babaeng kakadating lang kanina. "Sa akin mapupunta iyan, dalawang milyon!" Malakas na sigaw ng isang negosyante. "Tatlong milyon," sabi ng isa pa. "Limang milyon." Seryosong sabi naman ng isa sa may gilid. "May tataas pa ba?" tanong naman ng MC namin sa mga kalalakihan. "Tatlong bilyon," sabi naman ng isang lalaki. "Ang laki naman no'n, ang swerte naman niya." Mahinang sabi naman ng katabi ko naman sa kanan. "Sinong hindi pag-aagawan, tignan mo nga ang tindig niyan. Talagang siya na ang klase na babae na talagang pag-aagawan ng mga lalaki." Mahinang sabi naman ng isa pa. "Aagawan ang katawan pero ang mukha," sabi naman ng isa pa. "Huwag mo nang banggitin ang mukha at baka marinig niya pa tayo." Natatawang sabi ng babae kanina. Napailing-iling na lang ako ng magawa pa nilang magtsismisan sa harapan ng mga bilyonaryong uhaw na uhaw sa laman. "May tataas pa ba?" tanong naman ng MC namin. Nakita ko naman na umiiling-iling ang ibang mga bilyonaryo, kahit na uhaw sila sa laman ay hindi naman nila inuubos ang kanilang pera para sa mga babae. "Wala na?" Muling tanong ng aming MC. Nakita naman namin na wala na talagang nagsalita. "Okay, candidate number one sold for three billion." Masayang sabi naman ng MC at kaagad naman umalis sa stage ang number one, tiyak na mag-iimpake na ‘yun para sasama sa bilyonaryong bumili sa kaniya. "Okay, let's proceed to candidate number two. Bidding begins now," sabi naman ng MC namin. "Dalawang milyon." "Dalawang milyon, may taas pa ba?" tanong naman ng MC namin. Habang patagal na patagal ay kinakabahan naman ako, hindi ko alam kung bakit pero ngayon ko lang ito naramdaman ulit. Ngayon ko lang ulit naramdaman na kabahan sa sitwasyon ngayon, hindi ko alam kung dahil ba ito sa nauunahan na ako ng mga baguhan o ano. "Sampung bilyon," sabi naman ng isang matanda. "Ew, " sabi naman ng katabi ko na candidate number two. "May tataas pa ba?" tanong naman ng MC namin. "Sana huwag naman sa matandang ‘yan," sabi naman ng katabi ko. "Ayaw mo niyan? Matandang madaling mamatay," sabi ko naman sa kaniya. "Gusto, pero baka hindi pa ako napapaligaya niyan tigok na ‘yan." Maarteng sabi niya naman sa akin. "Closed bidding. Candidate number two sold out for ten billion!" Masayang sabi naman ng MC namin na kaagad naman kinangisi ng pilit ng babae. Umalis naman itong napapakamot sa kaniyang ulo kaya naman medyo napangisi ang ibang babae na katabi ko. "Now, let's keep going to our candidate number three!" Malakas na sigaw naman ng MC namin at kaagad naman tumahimik ang paligid. "The bidding starts now!" Malakas na sigaw naman ng MC namin. Nakita ko naman walang naglakas ng loob na tumaas man lang para sa aking bidding, ito na naman ang inaasahan ko. Palagi sa mga nasasalang ay dalawa kaming hindi mapipili o sa kasamaang palad talaga ay ako ang hindi napipili. Nilagyan na nang orasan ng MC ang ibabaw ng lamesa, kapag sa loob ng tatlong minuto at kapag walang kukuha sa akin ay uuwi na naman akong talunan. "Kapag ‘yan kinuha ko tiyak na malalagay sa panganib ang buhay ko," sabi naman ng isang lalaki sa may hindi kalayuan. "Hindi ako magsasayang ng pera nang dahil lang sa ganiyang balyena," sabi naman ng isa pa. "Bakit nasali pa ‘yan," sabi pa ng isa. "Ang pagkakaalam ko apat na buwan na iyan," sabi naman ng isa. Napapahawak naman ako sa aking damit ng sobrang higpit at napapayuko na din, hindi ko talaga masanayan ang mga bawat masasakit na salita na lumalabas sa kanilang mga bibig. "Sampung segundo na lang ang natitira, meron ba gusto mag bidding sa candidate number three?" Muling tanong naman ng aming MC. Nakita ko naman na walong segundo nalang ang natitira, wala nang pag-asa. Simula siguro mamaya ay mag-iimpake na ako baka naman kasi ipapalabas na lang ako ng biglaan ni Madam dito at maghihirap na ko sa labas. "Three trillion for her!" Malakas na sigaw ng isang lalaking kakadating lang habang prenteng nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang mga bulsa. Hindi ko naman ito makita dahil nasa madilim na bahagi ang kaniyang pagmumukha tapos sobrang layo niya pa sa may stage na kinaroroonan namin. "S-Sir, kakadating niyo lang ba?" Nakangiting tanong naman ng MC namin na nagising sa kaniyang matinding pagkakatulala. "Yes, why? Is that a problem?" Striktong tanong naman ng lalaki sa Mc namin. "Sir marami po namang ibang magaganda po dito baka po magsisi ka po sa mapili mo," sabi naman ng mc. Kaya naman napalingon ako dito. Gano'n na lang ba ang galit ng baklang ito sa akin at nagagawa niya pang ibaling sa iba ang atensyon na binibigay sa akin ng lalaking kakadating lang. Pero tama naman siya baka kung malaman niya na ako pala ang binayaran niya ay baka naman ipapatay ako nito o baka naman ay ipakulong. "Sayang naman three trillion," sabi ng isang katabi kong babae. "Baka naman namamalikmata lang ang lalaking iyan," sabi naman ng isa pa. "Baka naman ako ang nakita niyan kaso lang namali lang siya hindi pa naman akin ang bidding," sabi naman ng isang babae. "Ang kapal mo ‘te." Natatawang sabi naman ng isa. "Three trillion for her. Candidate number three right? Give her to me or else." Maawtoridad namang sabi ng lalaki habang hindi pa din umaalis sa kaniyang kinatatayuan. Napatingin naman ako sa aking numero, ang number ko nga ang binanggit niya. Number three. "Pero sir." Tutol naman ng mc. "What? You have two choices, give her to me or I will let this building burn and make it bankrupt." Seryosong sabi naman ng lalaki na kaagad naman kinalunok ng laway ng mc namin. Hindi ako makapaniwala na may tao palang bibili sa akin sa presyo pa talaga na sobrang laki, hindi niya naman kailangan na lakihan ang bayad lalo na wala na naman siyang magiging kompetisya sa akin. "Four trillion." Banggit pa ng isang lalaki kaya naman kaming lahat ay napatingin sa kaniya. Nakita naman namin itong napatingin din sa lalaking nasa ibabaw na may ngiti sa labi, hindi ko maintindihan ang sitwasyon ngayon. Talaga ba’ng sa akin sila naka-bidding? "Five trillion." Maikiling sabi ng lalaki kanina sa may kalayuan. "Seven trillion." Nakangising sabi naman ng lalaking nakaupo. "Seven trillion, may tataas pa ba?" Nagulat na tanong naman ng mc na talaga namang ginanahan. "Sana all pinag-aagawan tapos ang lalaki pa ng mga bidding," sabi naman ng isang babae sa gilid ko. "Oo nga, hindi ko akalain ganito pala siya kabenta sa mga gwapo." Mahinang sabi naman ng candidate number seven. "Ten trillion," sabi naman ng lalaki na nakatayo. "Fifteen trillion," sabi ng lalaki na nakaupo. Grabe gaano ba kayaman ang mga lalaking ito at nagagawa pa nilang mag kompetensya sa lugar na ito, hindi ako makapaniwala. Mukhang iniinis lang naman ng lalaking nakaupo ang lalaking nakatayo dahil sa mga ngiti pa nito, tapos kanina hindi naman ito nag bidding mukhang hinintay niya talaga ang lalaking iyan. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay hindi pa talaga sila natapos sa kanilang sagupaan. "Five hundred trillion." Maawtoridad naman ng lalaking nakatayo. "Five hundred trillion, may tataas pa ba?" tanong ng mc namin na kanina pa ngumingiti. Napaluwa naman ang mga mata ko ng hindi talaga tumigil ang lalaking nakatayo at umabot pa siya sa ganoong kalaking halaga. "Wala na?" tanong naman ng mc ng umiiling-iling na napapangiti ang nakaupong lalaki. "Candidate number three, sold out for five hundred trillion!" Malakas na sigaw naman ng mc namin at napapabuntong hininga na akala mo galing sa concert. Nakangiti naman akong inalalayan ni madam at talagang tinulungan niya pa akong magligpit ng mga gamit ko para sumama na ako sa lalaking naglakas ng loob na magbayad sa akin. "Hindi ko akalain hija, ang lalakas pala ng hatak mo sa mga mayayaman." Nakangiting sabi naman nito. "H-Hindi naman po sa ganoon," sabi ko naman sa kaniya. Napatigil naman kami ng bigla na lang may kumatok sa labas ng aking pintuan. "Pasok," sabi naman ng madam ko. Pumasok naman ang isang lalaki na sobrang tangkad at may tuxedo na suot habang ang tindig naman nito ay mapapasabi kang makapangyarihan siya. "Kinukuha na po kita Ma'am para dalhin sa aking amo," sabi naman nito sa akin. "H-Huh?" tanong ko naman sa kaniya. Kung ganoon hindi pala ang lalaking ito ang bumili sa akin kanina? Akala ko siya na sa tindig pa lang kasi nito ay nakakapangilabot na talaga na akala mo naman may kapangyarihan kang ipaluhod.UNKNOWN POV Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa ako pinapunta ng lalaking iyon dito, alam naman niyang sobra kong busy pagdating sa ganitong sitwasyon. Nagagawa niya pa talagang mag lagalag ngayon sa sitwasyon ng kompanya niya, ngayon na napatingin ako sa babaeng binibinta na at may maikling kasuotan alam ko na kung bakit niya ako pinapapunta dito. "Ang lakas naman ng loob mo kalabanin ako kanina," sabi ko naman sa kaniya habang nakasandal ako sa aking kotse at hinihintay ang paglabas ni Veronica. "Alam ko naman kasi kahit na lahat ng yaman mo ilalabas mo para lang sa babaeng iyon." Natatawang sabi niya naman sa akin habang nakapamulsang nakaharap sa akin. "Still, nagagawa mo pa talagang maglagalag sa ganitong sitwasyon?" Striktong tanong ko naman sa kaniya. "Ano ka ba, dapat nga nagpasalamat ka sa akin. Alam mo ba kapag hindi nabenta ang babaeng iyon sa bangketa talaga siya maninirahan," sabi niya naman sa akin. "Kahit na, wala ka parin pinagbago mahilig ka parin s
VERONICA POV Napatingin naman ako ngayon sa kisame ng kwarto kung saan ay apat na buwan na akong nandito, nang umuwi kasi ako ng araw na iyon ay latigo at sampal ang natamo ko sa kamay mismo ng ama ko. Nagsisisisi daw sila kung bakit pa daw nila ako kinuha sa puder ng mama ko, kung ganito naman daw ang pag-uugali ko. Lahat ng masasakit na salita ay iniinda ko kasabay ng pag-inda ko naman sa mga palo at lapat ng latigo sa aking likuran. Habang nakikita kong pekeng umiiyak si Kitty katabi ni mommy ay mas lalo lang sumidhi ang aking pagkakasuklam. Nagawa niya pa magpaawa gayong siya naman ang may kasalanan ng lahat ng ito, kung hindi lang niya inahas ang boyfriend ko. Kung hindi ko lang pinakilala ang boyfriend ko sa kaniya, akala ko pa naman sobrang bait nitong kapatid ko na ito dahil sa tuwing pagagalitan naman ako nila mommy ay siya naman ang mismong tatayo para sa akin, pero ang laki kong tanga ng mapaniwala ako sa kaniyang mga kasinungalingan. "Veronica!"
Napatingin naman ako sa harapan ng salamin habang iniisip ko ang mga sinasabi ng mga tao sa akin. "Bakit kaya siya ang nagustuhan ni Liam." "Hindi ko nga alam kung bakit eh?" Maarteng sabi ng isang babae. "Siguro ginagamit lang siya, alam mo naman mayaman ang babaeng iyan. Kaya naman kaya niyang ibigay lahat na gustuhin ni Liam," sabi naman ng isa pang babae. Umiiling-iling ako at hindi pinakinggan ang mga pinagsasabi ng mga babae tungkol sa aming relasyon ni Liam. Alam kong mahal ako ng lalaking pinagtanggol ko at alam na alam ko din na hindi niya ako ginagamit. Napangiti na lang ako ng mapait habang napatingin sa aking sarili sa salamin, si Liam lang ang bukod tanging tumanggap sa akin. Mayaman nga ako pero hindi ako kagaya ng iba na maganda at sexy, ang katawan ko ay sobrang taba na talagang pinagmamalaki ko naman. Tapos ang mukha ko naman ay sobrang puno ng tigyawat, ilang beses na din akong na bully dahil sa aking kalabasan na kaanyuan."Veronica!" Malakas na