Ang akala mo ay makakatakas ka na din sa pang-aalipusta sayo ng mga magulang mo dahil sa may taong nagmamahal na sayo, ang hindi mo din alam ay ginagamit ka lang din naman nito. Pag-ibig? Ano ba talaga ang silbi ng salitang iyan, kung lahat naman sila ay pinagkakaisahan ako, pinagkaisahan ako ng tadhana. Ang pagmamahal na kay sagana noong una ay bigla na lang naglaho ng malaman kong ginagamit niya lang ako. Ng mapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kakilala ay mas naging impyerno pa ang aking buhay. Wala na bang mas ikakalupit ang tadhana? Pagod na ako, pagod na pagod na ako, kung bakit kasi nangyayari sa aking ang mga ganitong bagay. Naghintay ako, kinuha nila ang kompanya na dapat ay para sa akin, mga ari-arian na dapat para sa akin, ang anak ko na pinatay nila kahit nasa sinapupunan ko pa ito, hindi pa sila nasiyahan at pati ako ay pinapapatay nila. Naghihintay lang ako ng pagkakataon, hintayin niyo ang aking pagbabalik. Tiyak na sa pagbabalik ko ay hindi ko kayo papalampasin lahat.
View MoreNapatingin naman ako sa harapan ng salamin habang iniisip ko ang mga sinasabi ng mga tao sa akin.
"Bakit kaya siya ang nagustuhan ni Liam." "Hindi ko nga alam kung bakit eh?" Maarteng sabi ng isang babae. "Siguro ginagamit lang siya, alam mo naman mayaman ang babaeng iyan. Kaya naman kaya niyang ibigay lahat na gustuhin ni Liam," sabi naman ng isa pang babae. Umiiling-iling ako at hindi pinakinggan ang mga pinagsasabi ng mga babae tungkol sa aming relasyon ni Liam. Alam kong mahal ako ng lalaking pinagtanggol ko at alam na alam ko din na hindi niya ako ginagamit. Napangiti na lang ako ng mapait habang napatingin sa aking sarili sa salamin, si Liam lang ang bukod tanging tumanggap sa akin. Mayaman nga ako pero hindi ako kagaya ng iba na maganda at sexy, ang katawan ko ay sobrang taba na talagang pinagmamalaki ko naman. Tapos ang mukha ko naman ay sobrang puno ng tigyawat, ilang beses na din akong na bully dahil sa aking kalabasan na kaanyuan. "Veronica!" Malakas na sigaw ng mommy ko na kaagad naman nagpagising sa akin. "Po," sabi ko naman kaagad habang nakayukong lumapit sa kaniya. "Ano na naman ba ang ginagawa mo? Bakit hindi pa nalalabhan ang mga damit ko?!" Malakas na singhal niya ang tumambad sa akin. Napapikit naman ako at mas lalong napayuko. "Mommy nilabhan ko naman po ‘yan kanina," sabi ko naman sa kaniya. Alam ko kung bakit galit na galit sa akin si mommy, hindi ko kasi siya totoong mommy. Anak lang ako sa labas, anak lang ako ng isang pagkakamali ng daddy ko sa kasambahay nila noon, tapos kinuha lang nila ako dahil hindi naman magkakaanak si mommy dahil sa may deperensya ang kaniyang matres. "Sa tingin mo ba magrereklamo ako kung nalabhan mo ito ng maayos?" Nangangailiting tanong niya naman sa akin at pinakita pa sa akin ang mansya ng kaniyang damit. Sigurado naman ako na hindi talaga ako ang gumawa ng mansya sa kaniyang damit, alam kong may ibang gumawa niyan sa kaniyang damit. Hindi kaya si Kitty, ang ampon nila? "Baka naman po si Kitty ang nakamansya niyan, mommy." Mahinang sabi ko naman sa kaniya. "Ano? Ikaw na nga ang pinapalaba ko tapos gagawan mo pa ng kuwento ang kapatid mo? Hindi ka na ba nagtanda? Hali ka nga dito para naman magtanda kang bata ka!" Malakas na sigaw naman nito at hinila ng biglaan ang aking buhok. "P-Pasensya na po, mommy. Hindi na po mauulit." Napaiyak na lang ako habang hinahawakan ko ang kamay ni Mommy. Hinila naman ako nito papunta sa laundry room, kahit anong gawin na pagpapakiusap ko naman sa kaniya ay wala akong magawa. Nasasaktan talaga ako sobra ang pagkakahawak niya sa aking buhok na parang kahit ang anit ko ay parang matatanggal. "Hali ka dito para magtanda ka! Wala ka nang nagawang tama dito sa bahay, ang dami mo pang salita. Manang-mana ka talaga sa nanay mo!" Malakas na sigaw niya at kaagad akong nilublob sa planggana na may puno ng tubig. "Tama na po." Umiiyak na sabi ko naman habang nakahawak sa may gilid ng planggana. Hindi ito nakinig sa akin, bagkos ay mas nilublob niya pa ang mukha ko sa planggana na punong-puno ng sabon. Kakalinis ko lang tapos ito na naman ang nangyari ngayon, ni wala akong magawa. Patuloy lang siya sa paglublob sa akin sa planggana hanggang sa hindi na ako makahinga kaya naman iniangat niya ang aking ulo. "Sana naman ngayon nagtanda ka na," sabi naman nito at pinanlisikan ako ng mga mata. "P-Pasensya na po talaga." Mga katagang lumabas lang sa aking bibig. "Hon!" Narinig naming pareho na bigla na lang tinawag ni daddy si mommy. "Wait lang hon!" Pabalik din nitong sigaw. Binitiwan naman ako dito at sinipa pa talaga sa may tiyan ko na kaagad ko namang ininda ang sakit, sobrang sakit. Ngayon pa ba ako magkaganito eh halos naman sa buong buhay ko ay natatamo ko ang bawat hinagpis at bawat latay ng latigo sa aking katawan. Lumaki ako na parati na lang bugbog ang naabot ko kapag hindi ko nagawa ng tama ang mga gawaing bahay, kaya naman ay napapaiyak na lang ako at napapatingin sa kanila sa malayo. Habang ako ay nasasaktan sila naman ay nasisiyahan sa kanilang mga ginagawa. "Aba, jusko. Hija, anong ginagawa mo diyan." Narinig ko naman ang tinig ng aking Manang Pasing. Siya lang ang naging mabuti sa akin dito simula nang tumuntong ako dito sa bahay, siya lang ang naging nakagisnan kong para kong nanay. "W-Wala po, nadulas lang ako." Mahinang sabi ko at pinalis ang mga luhang kanina pa umaagos sa aking mata s'yaka ko naman inayos ang aking sarili. "Naku, tumayo ka na diyan at ako na ang maglilinis niyan ah." Mahinang sabi naman nito at kumuha ng basahan para sa mga tubig na natapon. "Ayos lang po, ako na lang po ang mag-aayos." Mahinang sabi ko naman at kinuha pa ang ibang basahan. "Huwag na at magbihis ka na sobrang basa mo na oh," sabi niya pa sa akin. "Maraming salamat po Nanay Pasing," sabi ko naman sa kaniya. "Walang anuman hija at sige na," sabi naman nito. Tumango naman ako sa kaniya at pumunta na sa aking kwarto na sobrang higpit, kahit kulungan ng baboy ay napakalaki na siguro kaysa naman sa kwarto ko sobrang liit. Marami na din alikabok dito kaya nalilinisan ko ito araw-araw. Habang sila natutulog sa magandang kama, ako naman ay natutulog sa sementadong papag na ito. Umaga na ngayon at nandito ako sa café na pinag-usapan naman namin ng bestfriend ko simula ng elementary pa kami, napatingin naman ako sa babaeng pumasok sa may pinto kaya naman ay kumaway naman ako dito. "Wow, ang ganda mo na ah." Nakangiting bati niya naman sa akin. "Hindi ah, sobrang taba ko na nga eh. Ikaw ang maganda," sabi ko naman sa kaniya at napapangiti pa habang tinitignan siya. Kung ganito lang ako sana kaganda kagaya ni Fritzy ay panigurado mamahalin din ako ni mommy, marami kasi nagsasabi sa sobrang taba ko daw ay mas matanda pa daw akong tignan kaysa kay mommy na kaagad naman kinakahiya ni mommy. Napapatanong nga ang ibang tao kung anak nga ba talaga ako nila, natatawa naman sila ng hilaw. Alam kong kapag wala ako ay ako ang nagiging usap-usapan nila. "Ano ka ba maganda ka kaya," sabi niya pa sa akin. "Matagal na tayong hindi nagkita ah," sabi ko naman sa kaniya. "Kaya nga," sabi naman nito. Nagkwentuhan naman kaming dalawa sa mga nangyari sa amin nitong mga nakaraang mga taon, nami-miss ko talaga ang ganitong usapan. Madaldal kasi si Fritzy and hindi ako nakakaramdam na parang napipilitan lang na makipag-usap sa akin. Napapangiti naman ako habang kumakain kami sa isang restaurant ngayon, sobrang sarap talaga basta libre. "Sige kumain ka pa at libre ko na," sabi naman nito sa akin. "Talaga? Baka malaki ang babayaran mo ah," sabi ko naman sa kaniya. "Ano ka ba, minsan na lang tayo magkita kaya naman libre ko na ‘to." Mahinang sabi niya naman at may kinuha sa loob ng kaniyang bag. Kumain naman ako habang napapatingin sa mga tao na halos sa akin na nakatingin ang iba, kaya naman ay nahiya akong binaba ang kutsara ko dahil sa nakita ko. "Bes, picture tayo." Pag-aaya naman ni Fritzy sa akin. "Sige," sabi ko at kaagad naman nag peace sign. Napatingin naman ako sa litrato namin, sobrang laki ko na nga halos sakop na ng buong mukha ko ang litrato naming dalawa ni Fritzy. Insecurities ko bigla na namang lumabas, sobrang taba ko na. Natapos naman ang aming pag-uusap at ngayon at napapabuntong hininga naman ako at nakabusangot na pumunta sa condo ni Liam. Sure ako gusto na din ako makita ng lalaking pinakamamahal ko, masaya naman akong lumabas sa elevator at kaagad tinahak ang condo unit nito. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng makita ko naman na hindi ito naka-lock, napangiti naman ako at pumasok sa loob. Sobrang dilim naman, hindi pa ba nakakauwi si Liam? Napatingin naman ako sa paligid at pinilit na hanapin ang switch para naman may ilaw. Napatigil naman ako ng may bigla akong maapakan. Dahan-dahan naman akong umupo at kinuha ang parang tila na aking naapakan, pagkaangat ko naman nito ay kahit madilim nakita ko na isa itong panty. Hindi ko ito panty, lalong-lalo na hindi ako ganito ka burara pagdating sa mga ganitong bagay. Agad naman sumidhi ang kaba na aking nararamdaman ng may bigla akong narinig na ingay na nagmumula sa kwarto ni Liam. Kinabahan naman ako ng todo at parang ayaw gumana ng aking utak sa anong nangyayari sa loob, bakit may umuungol? Hindi kaya nasaktan si Liam? Pero bakit boses babae? Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa kwarto ni Liam, gusto ng utak ko na umalis na doon pero ang puso ko naman ang nagtutulakan sa akin na alamin ang anumang nandoon sa loob. Nang mabuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ay doon ako tuluyang nanginig at parang binagsakan ng langit at lupa sa aking nasasaksihan. Si Liam nakapatong sa isang babae na nakahiga at pareho silang walang mga saplot, natawa ako ng mahina. Baka imahinasyon ko lang ‘to mawawala din naman ito kapag pipikit ako at didilat mamaya. Ginawa ko nga, pumikit naman ako at dumilat ulit. Doon ko ulit nakita na walang pinagkaiba, gano'n na gano'n parin ang ayos nila. "Ahm.... Ang sarap mo talaga Kitty." Ungol na narinig ko naman mismo sa bibig ni Liam. Mas lalo akong nangangailiti sa galit ng marinig ko ang pangalan na kaniyang binanggit. "Ikaw naman. H-Huwag mo naman masyadong ipahalata sa akin. Alam ko naman na masarap ako." Ungol din ng isang babae na alam ko naman na boses iyon ng aking kapatid. "Uhm.... Ah..... Sarap," sabi naman ni Liam. Hindi ko namalayan na naramdaman ko na lang na biglang tumulo ang mga luha ko sa aking mata. "Mga walanghiya kayo!" Malakas na sigaw ko at kaagad kong tinulak si Liam na nakadagan sa aking kapatid. "Veronica!" Pareho nilang sigaw at ang sarap na kanilang nararamdaman kanina ay napalitan naman ng kaba ng makita ang mukha kong sobrang galit na galit. "Ikaw malantod ka talaga sa lahat ng lalaki na aahasin mo boyfriend ko pa talaga!" Malakas na sigaw ko naman at hinila ang buhok ni Kitty. "Hindi ko na kasalanan kung mas masarap naman ako kaysa sayo, awh!" Malakas na sigaw niya at ininda din ang aking paghihila sa buhok niya. Hindi niya naman ako mahila dahil malaki ako isa pa may kumot siyang dala-dala kapag binitiwan niya ‘yun alam ko naman makikita ang katawan niyang malantod. "Walang hiya ka!" Malakas na sigaw ko at pinagsasampal siya sabay hila na naman ng buhok. "Tama na ‘yan, Veronica. Veronica!" Malakas na sigaw naman ni Liam pero hindi ko siya inintindi. "Ikaw kasi baboy ka kaya hindi ka masarap," sabi naman ni Kitty sa akin at kahit nasasaktan ay lumalaban pa din. "Hoy! Kung hindi masarap ang baboy, bakit madaming bumibili ng letchon baboy?!" Malakas na sigaw ko naman sa kaniya at mas lalo siyang kinaladkad at doon pinaghihila sa sofa. "Aray! Aray!" Malakas na sigaw naman nito. "Veronica, ano ba! Nasasaktan mo na siya!" Malakas na sigaw ni Liam at dahil sa kaniyang pwersa ay nawalan ako ng balanse dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Aray." Daing ko naman sabay hawak sa aking likuran. "Ayos ka lang ba, mahal?" tanong naman ni Liam kaagad kay Kitty. "Oo mahal," sagot naman nito. Napatawa naman akong tumayo at napatingin sa kanilang dalawa na ngayon ay nagyayakapan. "Isa ka pa, binigay ko naman ang lahat sayo bakit mo ako nagawang tratuhin ng ganito?!" Malakas na sigaw ko at sinasapak-sapak si Liam. "Tama na Veronica," sabi naman nito sa akin ng walang kaemosyon-emosyon. "Mga hayop!" Malakas na sigaw ko naman at pinagbabato sila ng mga kahit na anong bagay. "Veronica! Tama na!" Malakas na sigaw naman ni Liam at kaagad akong sinampal. Kaya naman napatigil ako at napatutulang tumingin sa kaniya. "Bakit?" Mahinang tanong ko. "Alam kong bakit pinagpalit kita? Look at yourself, ang taba-taba mo. Kahit nga ipakilala kita sa mga barkada ko for sure na pagtatawanan nila ako, look at Kitty. She's have a gorgeous body, she's have a hot body that every man want. So, anong sa palagay mo kung bakit kita pinagpalit?" Natatawang tanong niya naman sa akin habang nakangisi na din ng pang-aasar sa akin si Kitty. "Hayop ka," sabi ko na lamang sa kaniya. "Ginamit lang kita ngayon na alam mo na, wala na akong dapat itago pa sayo." Nakangising sabi niya at kaagad nilapitan si Kitty at naghalikan sila sa aking harapan. Mas sumidhi ang sakit na aking nararamdaman ngayon ng makita ko kung gaano sila kasaya na maglaplapan sa aking harapan. "I don't need you so go! I don't want to see your face anymore," sabi naman ni Liam. "Ano ba?! Ako ‘yung mahal mo hindi ang babaeng iyan," sabi ko naman at kaagad silang pinaghiwalay. "Veronica, wake up! Hindi nga kasi kita minahal!" Malakas na sigaw naman ni Liam. "You heard it right? Now go," sabi naman ni Kitty at kaagad yumakap kay Liam. "Mga traydor!" Malakas na sigaw ko at kaagad kinuha ang bag ko na nahulog at umalis sa lugar na iyon. Punong-puno ng galit ang aking puso kung bakit nila akong nagawang saktan ng gano'n na lang, napaiyak naman ako lalo habang naglalakad pauwi. Hindi ko akalain na ang lalaking minahal ko ng ilang taon ay ginagamit lang pala ako, napakasakit!VERONICA POV Kaagad naman akong napatakbo sa loob ng hospital kung saan dinala ang mga survivor at ang iba pang mga tao na nakasakay sa eroplanong sumabog na sinasakyan ni Brylle. "Hija sandali lang," sabi naman ni Manang Lita kasama ang kaniyang anak na binabae. "Brylle? Brylle." Paulit-ulit an sigaw ko sa buong hospital habang hinahanap ang lalaking gustong makita ng aking mga mata. Sana ligtas lang siya, nag-usap lang naman kami kagabi bakit nangyari na ang ganito sa amin ngayon. Sana ligtas lang siya at sana ay hindi siya malagay sa peligro. "Miss, sino po hinahanap mo?" tanong naman ng isang lalaking rescuer. "May nahanap po ba kayong lalaking nagngangalang Brylle Arevalo?" tanong ko naman sa kaniya. Nakita ko naman na may hinanap siya sa isang listahan ng papel, aligaga naman akong napahawak sa aking kamay at hindi mapakaling nililibot ang aking buong paningin sa mga taong iniinda ang sakit. "Aray." "Jusko, anak ayos ka lang?" "Nay masakit," "Hindi ko na k
VERONICA POV Limang buwan na din ang nakakaraan simula ng insidenteng nangyari sa akin at ngayon naman ay nandito kami sa isang lugar na kung saan ay pwede kaming mag picnic, nakita ko naman na naglatag na sina Manang Lita ng isang kumot na manipis para upuan namin. "Hali ka na hija." Tawag naman ni Manang sa akin habang nakatingin pa din ako sa malawak na karagatan. "Nandiyan na po," sabi ko naman habang nakangiti at marahang sininghap ang preskong hangin. "Bulaga!" Nakangiting saad ng lalaking bigla na lang yumakap sa aking likuran. "Magtigil ka nga nandiyan si Manang Lita oh." Pagsuway ko naman kay Brylle. Tatlong buwan na din kaming magkarelasyon ni Brylle, alam ko sa sarili ko na natatakot ako noong una at tatlong beses kong ni-reject si Brylle sa pag-asang susuko na ito, pero nakuha niya din kalaunan ang kiliti ko ng mas magpursige pa ito sa panunuyo sa akin. "Hindi naman nakatingin si Manang Lita ah," sabi naman nito sa akin. "Ay basta," sabi ko naman sa ka
VERONICA POV Hinintay ko na lang na lumapat ang kaniyang kamay sa akin, naghintay pa ko ng ilang minuto ng hindi ko pa din maramdaman ang kamay nito sa aking pisnge. Dahan-dahan naman akong napatingin at tumambad sa akin ang likod ng isang lalaki, hawak-hawak niya din ang kamay ni daddy at sabay itong binitawan si daddy ng may pwersa, dahilan para matumba si daddy. "Hon." Tawag naman ni mommy."Sino ka ba? Bakit ka nakikialam sa away naming magpa— Mr. Arevalo?" Ang kaninang sigaw sana ni daddy ay bigla na lang lumambot dahil sa lalaking nasa aking harapan ngayon. "Brylle." "Mr. Arevalo, anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong naman ni daddy dito at pormal na humarap sa lalaki na akala mo hindi naging isang parang halimaw kani-kanina lang. "Namamasyal, hindi ba halata na pasyalan din ito ng mga tao." Pamemolosopo naman ni Brylle habang ako ay tahimik lang. Napaiwas naman ako ng tingin ng bigla akong tinignan ni Brylle, ayaw ko nang gulo. Nakita ko din na sumunod ang
VERONICA POV Nakita ko naman na umalis naman ito at sinagot ang kaniyang tawag, habang naaaliw naman akong tumitingin sa mga kwentas. "Veronica?" Kaagad naman akong napaharap ng may bigla naman tumawag sa akin. "Kitty." Seryosong banggit ko din sa kaniyang pangalan, hindi ko naman pinakita sa kaniya ang pagkagulat na aking naging ekspresyon ng makita ito. "Anong ginagawa mo dito?" Natatawang tanong niya naman sa akin. "Namamasyal lang naman," sagot ko naman sa kaniya ng mahina. "Nagagawa mo pa talagang mamasyal sa ganitong lugar? Akala ko pa naman umiiyak ka na dahil wala ka nang makain," sabi naman nito habang inaasar ako. "Nakakain din naman ako kahit papano," sabi ko naman sa kaniya at hindi na lang ako sumagot pa ng kung ano. Ayaw ko na din kasi ng gulo, baka kasi kung saan na naman ito mapunta. "Sa tingin ko nga, lumaki ka nga din ulit eh. Mas domuble," sabi niya pa sa akin habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Ikaw nga din mas naging sexy," sabi ko naman
VERONICA POV Maaga naman akong nagising at nandito ako ngayon nakatingin sa salamin habang nasa harapan ko ang katawan na sobrang laki, napapabuntong hininga na lang ako. Talagang nakakaawa akong tingnan, kahit na sino ay maaawa sa akin lalo na si Brylle, pero nagpapasalamat ako dahil sa kaniya ay nakaalis naman ako sa lugar na iyon. "Veronica?" Narinig ko naman na may tumawag na sa akin at kumatok pa ito sa aking pintuan. "Papatapos na ako," sabi ko naman at dali-daling naglagay ng mga kung ano para naman magmukha akong tao sa harapan niya. Nakakahiya na nga itong kalakihan ko tapos magiging balyena pa ako sa harapan niya, nakakahiya. Kahit papano kailangan kong maging presentable sa kaniyang harapan, para naman hindi siya magsisisi na pinili niya ako. Nakakapagtaka nga kasi akala ko ay gagawin na niya akong kasambahay niya, imposible naman kasi ako magustuhan ng isang kagaya niya. "Maghihintay na lang ako sa baba," sabi naman nito. "Sige," sagot ko na lamang. Narinig
UNKNOWN POV Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa ako pinapunta ng lalaking iyon dito, alam naman niyang sobra kong busy pagdating sa ganitong sitwasyon. Nagagawa niya pa talagang mag lagalag ngayon sa sitwasyon ng kompanya niya, ngayon na napatingin ako sa babaeng binibinta na at may maikling kasuotan alam ko na kung bakit niya ako pinapapunta dito. "Ang lakas naman ng loob mo kalabanin ako kanina," sabi ko naman sa kaniya habang nakasandal ako sa aking kotse at hinihintay ang paglabas ni Veronica. "Alam ko naman kasi kahit na lahat ng yaman mo ilalabas mo para lang sa babaeng iyon." Natatawang sabi niya naman sa akin habang nakapamulsang nakaharap sa akin. "Still, nagagawa mo pa talagang maglagalag sa ganitong sitwasyon?" Striktong tanong ko naman sa kaniya. "Ano ka ba, dapat nga nagpasalamat ka sa akin. Alam mo ba kapag hindi nabenta ang babaeng iyon sa bangketa talaga siya maninirahan," sabi niya naman sa akin. "Kahit na, wala ka parin pinagbago mahilig ka parin s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments