Share

HER SWEETEST REVENGE
HER SWEETEST REVENGE
Author: Misssjagban87228

PROLOGUE

last update publish date: 2025-07-11 16:36:14

Napatingin naman ako sa harapan ng salamin habang iniisip ko ang mga sinasabi ng mga tao sa akin.

"Bakit kaya siya ang nagustuhan ni Liam."

"Hindi ko nga alam kung bakit eh?" Maarteng sabi ng isang babae.

"Siguro ginagamit lang siya, alam mo naman mayaman ang babaeng iyan. Kaya naman kaya niyang ibigay lahat na gustuhin ni Liam," sabi naman ng isa pang babae.

Umiiling-iling ako at hindi pinakinggan ang mga pinagsasabi ng mga babae tungkol sa aming relasyon ni Liam. Alam kong mahal ako ng lalaking pinagtanggol ko at alam na alam ko din na hindi niya ako ginagamit.

Napangiti na lang ako ng mapait habang napatingin sa aking sarili sa salamin, si Liam lang ang bukod tanging tumanggap sa akin. Mayaman nga ako pero hindi ako kagaya ng iba na maganda at sexy, ang katawan ko ay sobrang taba na talagang pinagmamalaki ko naman. Tapos ang mukha ko naman ay sobrang puno ng tigyawat, ilang beses na din akong na bully dahil sa aking kalabasan na kaanyuan.

"Veronica!" Malakas na sigaw ng mommy ko na kaagad naman nagpagising sa akin.

"Po," sabi ko naman kaagad habang nakayukong lumapit sa kaniya.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo? Bakit hindi pa nalalabhan ang mga damit ko?!" Malakas na singhal niya ang tumambad sa akin. Napapikit naman ako at mas lalong napayuko.

"Mommy nilabhan ko naman po ‘yan kanina," sabi ko naman sa kaniya.

Alam ko kung bakit galit na galit sa akin si mommy, hindi ko kasi siya totoong mommy. Anak lang ako sa labas, anak lang ako ng isang pagkakamali ng daddy ko sa kasambahay nila noon, tapos kinuha lang nila ako dahil hindi naman magkakaanak si mommy dahil sa may deperensya ang kaniyang matres.

"Sa tingin mo ba magrereklamo ako kung nalabhan mo ito ng maayos?" Nangangailiting tanong niya naman sa akin at pinakita pa sa akin ang mansya ng kaniyang damit.

Sigurado naman ako na hindi talaga ako ang gumawa ng mansya sa kaniyang damit, alam kong may ibang gumawa niyan sa kaniyang damit. Hindi kaya si Kitty, ang ampon nila?

"Baka naman po si Kitty ang nakamansya niyan, mommy." Mahinang sabi ko naman sa kaniya.

"Ano? Ikaw na nga ang pinapalaba ko tapos gagawan mo pa ng kuwento ang kapatid mo? Hindi ka na ba nagtanda? Hali ka nga dito para naman magtanda kang bata ka!" Malakas na sigaw naman nito at hinila ng biglaan ang aking buhok.

"P-Pasensya na po, mommy. Hindi na po mauulit." Napaiyak na lang ako habang hinahawakan ko ang kamay ni Mommy.

Hinila naman ako nito papunta sa laundry room, kahit anong gawin na pagpapakiusap ko naman sa kaniya ay wala akong magawa. Nasasaktan talaga ako sobra ang pagkakahawak niya sa aking buhok na parang kahit ang anit ko ay parang matatanggal.

"Hali ka dito para magtanda ka! Wala ka nang nagawang tama dito sa bahay, ang dami mo pang salita. Manang-mana ka talaga sa nanay mo!" Malakas na sigaw niya at kaagad akong nilublob sa planggana na may puno ng tubig.

"Tama na po." Umiiyak na sabi ko naman habang nakahawak sa may gilid ng planggana.

Hindi ito nakinig sa akin, bagkos ay mas nilublob niya pa ang mukha ko sa planggana na punong-puno ng sabon. Kakalinis ko lang tapos ito na naman ang nangyari ngayon, ni wala akong magawa. Patuloy lang siya sa paglublob sa akin sa planggana hanggang sa hindi na ako makahinga kaya naman iniangat niya ang aking ulo.

"Sana naman ngayon nagtanda ka na," sabi naman nito at pinanlisikan ako ng mga mata.

"P-Pasensya na po talaga." Mga katagang lumabas lang sa aking bibig.

"Hon!" Narinig naming pareho na bigla na lang tinawag ni daddy si mommy.

"Wait lang hon!" Pabalik din nitong sigaw.

Binitiwan naman ako dito at sinipa pa talaga sa may tiyan ko na kaagad ko namang ininda ang sakit, sobrang sakit. Ngayon pa ba ako magkaganito eh halos naman sa buong buhay ko ay natatamo ko ang bawat hinagpis at bawat latay ng latigo sa aking katawan.

Lumaki ako na parati na lang bugbog ang naabot ko kapag hindi ko nagawa ng tama ang mga gawaing bahay, kaya naman ay napapaiyak na lang ako at napapatingin sa kanila sa malayo. Habang ako ay nasasaktan sila naman ay nasisiyahan sa kanilang mga ginagawa.

"Aba, jusko. Hija, anong ginagawa mo diyan." Narinig ko naman ang tinig ng aking Manang Pasing.

Siya lang ang naging mabuti sa akin dito simula nang tumuntong ako dito sa bahay, siya lang ang naging nakagisnan kong para kong nanay.

"W-Wala po, nadulas lang ako." Mahinang sabi ko at pinalis ang mga luhang kanina pa umaagos sa aking mata s'yaka ko naman inayos ang aking sarili.

"Naku, tumayo ka na diyan at ako na ang maglilinis niyan ah." Mahinang sabi naman nito at kumuha ng basahan para sa mga tubig na natapon.

"Ayos lang po, ako na lang po ang mag-aayos." Mahinang sabi ko naman at kinuha pa ang ibang basahan.

"Huwag na at magbihis ka na sobrang basa mo na oh," sabi niya pa sa akin.

"Maraming salamat po Nanay Pasing," sabi ko naman sa kaniya.

"Walang anuman hija at sige na," sabi naman nito.

Tumango naman ako sa kaniya at pumunta na sa aking kwarto na sobrang higpit, kahit kulungan ng baboy ay napakalaki na siguro kaysa naman sa kwarto ko sobrang liit. Marami na din alikabok dito kaya nalilinisan ko ito araw-araw. Habang sila natutulog sa magandang kama, ako naman ay natutulog sa sementadong papag na ito.

Umaga na ngayon at nandito ako sa café na pinag-usapan naman namin ng bestfriend ko simula ng elementary pa kami, napatingin naman ako sa babaeng pumasok sa may pinto kaya naman ay kumaway naman ako dito.

"Wow, ang ganda mo na ah." Nakangiting bati niya naman sa akin.

"Hindi ah, sobrang taba ko na nga eh. Ikaw ang maganda," sabi ko naman sa kaniya at napapangiti pa habang tinitignan siya.

Kung ganito lang ako sana kaganda kagaya ni Fritzy ay panigurado mamahalin din ako ni mommy, marami kasi nagsasabi sa sobrang taba ko daw ay mas matanda pa daw akong tignan kaysa kay mommy na kaagad naman kinakahiya ni mommy. Napapatanong nga ang ibang tao kung anak nga ba talaga ako nila, natatawa naman sila ng hilaw. Alam kong kapag wala ako ay ako ang nagiging usap-usapan nila.

"Ano ka ba maganda ka kaya," sabi niya pa sa akin.

"Matagal na tayong hindi nagkita ah," sabi ko naman sa kaniya.

"Kaya nga," sabi naman nito.

Nagkwentuhan naman kaming dalawa sa mga nangyari sa amin nitong mga nakaraang mga taon, nami-miss ko talaga ang ganitong usapan. Madaldal kasi si Fritzy and hindi ako nakakaramdam na parang napipilitan lang na makipag-usap sa akin.

Napapangiti naman ako habang kumakain kami sa isang restaurant ngayon, sobrang sarap talaga basta libre.

"Sige kumain ka pa at libre ko na," sabi naman nito sa akin.

"Talaga? Baka malaki ang babayaran mo ah," sabi ko naman sa kaniya.

"Ano ka ba, minsan na lang tayo magkita kaya naman libre ko na ‘to." Mahinang sabi niya naman at may kinuha sa loob ng kaniyang bag.

Kumain naman ako habang napapatingin sa mga tao na halos sa akin na nakatingin ang iba, kaya naman ay nahiya akong binaba ang kutsara ko dahil sa nakita ko.

"Bes, picture tayo." Pag-aaya naman ni Fritzy sa akin.

"Sige," sabi ko at kaagad naman nag peace sign.

Napatingin naman ako sa litrato namin, sobrang laki ko na nga halos sakop na ng buong mukha ko ang litrato naming dalawa ni Fritzy. Insecurities ko bigla na namang lumabas, sobrang taba ko na.

Natapos naman ang aming pag-uusap at ngayon at napapabuntong hininga naman ako at nakabusangot na pumunta sa condo ni Liam. Sure ako gusto na din ako makita ng lalaking pinakamamahal ko, masaya naman akong lumabas sa elevator at kaagad tinahak ang condo unit nito.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng makita ko naman na hindi ito naka-lock, napangiti naman ako at pumasok sa loob. Sobrang dilim naman, hindi pa ba nakakauwi si Liam? Napatingin naman ako sa paligid at pinilit na hanapin ang switch para naman may ilaw. Napatigil naman ako ng may bigla akong maapakan.

Dahan-dahan naman akong umupo at kinuha ang parang tila na aking naapakan, pagkaangat ko naman nito ay kahit madilim nakita ko na isa itong panty. Hindi ko ito panty, lalong-lalo na hindi ako ganito ka burara pagdating sa mga ganitong bagay.

Agad naman sumidhi ang kaba na aking nararamdaman ng may bigla akong narinig na ingay na nagmumula sa kwarto ni Liam. Kinabahan naman ako ng todo at parang ayaw gumana ng aking utak sa anong nangyayari sa loob, bakit may umuungol? Hindi kaya nasaktan si Liam? Pero bakit boses babae?

Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa kwarto ni Liam, gusto ng utak ko na umalis na doon pero ang puso ko naman ang nagtutulakan sa akin na alamin ang anumang nandoon sa loob.

Nang mabuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ay doon ako tuluyang nanginig at parang binagsakan ng langit at lupa sa aking nasasaksihan. Si Liam nakapatong sa isang babae na nakahiga at pareho silang walang mga saplot, natawa ako ng mahina. Baka imahinasyon ko lang ‘to mawawala din naman ito kapag pipikit ako at didilat mamaya.

Ginawa ko nga, pumikit naman ako at dumilat ulit. Doon ko ulit nakita na walang pinagkaiba, gano'n na gano'n parin ang ayos nila.

"Ahm.... Ang sarap mo talaga Kitty." Ungol na narinig ko naman mismo sa bibig ni Liam. Mas lalo akong nangangailiti sa galit ng marinig ko ang pangalan na kaniyang binanggit.

"Ikaw naman. H-Huwag mo naman masyadong ipahalata sa akin. Alam ko naman na masarap ako." Ungol din ng isang babae na alam ko naman na boses iyon ng aking kapatid.

"Uhm.... Ah..... Sarap," sabi naman ni Liam.

Hindi ko namalayan na naramdaman ko na lang na biglang tumulo ang mga luha ko sa aking mata.

"Mga walanghiya kayo!" Malakas na sigaw ko at kaagad kong tinulak si Liam na nakadagan sa aking kapatid.

"Veronica!" Pareho nilang sigaw at ang sarap na kanilang nararamdaman kanina ay napalitan naman ng kaba ng makita ang mukha kong sobrang galit na galit.

"Ikaw malantod ka talaga sa lahat ng lalaki na aahasin mo boyfriend ko pa talaga!" Malakas na sigaw ko naman at hinila ang buhok ni Kitty.

"Hindi ko na kasalanan kung mas masarap naman ako kaysa sayo, awh!" Malakas na sigaw niya at ininda din ang aking paghihila sa buhok niya.

Hindi niya naman ako mahila dahil malaki ako isa pa may kumot siyang dala-dala kapag binitiwan niya ‘yun alam ko naman makikita ang katawan niyang malantod.

"Walang hiya ka!" Malakas na sigaw ko at pinagsasampal siya sabay hila na naman ng buhok.

"Tama na ‘yan, Veronica. Veronica!" Malakas na sigaw naman ni Liam pero hindi ko siya inintindi.

"Ikaw kasi baboy ka kaya hindi ka masarap," sabi naman ni Kitty sa akin at kahit nasasaktan ay lumalaban pa din.

"Hoy! Kung hindi masarap ang baboy, bakit madaming bumibili ng letchon baboy?!" Malakas na sigaw ko naman sa kaniya at mas lalo siyang kinaladkad at doon pinaghihila sa sofa.

"Aray! Aray!" Malakas na sigaw naman nito.

"Veronica, ano ba! Nasasaktan mo na siya!" Malakas na sigaw ni Liam at dahil sa kaniyang pwersa ay nawalan ako ng balanse dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Aray." Daing ko naman sabay hawak sa aking likuran.

"Ayos ka lang ba, mahal?" tanong naman ni Liam kaagad kay Kitty.

"Oo mahal," sagot naman nito.

Napatawa naman akong tumayo at napatingin sa kanilang dalawa na ngayon ay nagyayakapan.

"Isa ka pa, binigay ko naman ang lahat sayo bakit mo ako nagawang tratuhin ng ganito?!" Malakas na sigaw ko at sinasapak-sapak si Liam.

"Tama na Veronica," sabi naman nito sa akin ng walang kaemosyon-emosyon.

"Mga hayop!" Malakas na sigaw ko naman at pinagbabato sila ng mga kahit na anong bagay.

"Veronica! Tama na!" Malakas na sigaw naman ni Liam at kaagad akong sinampal. Kaya naman napatigil ako at napatutulang tumingin sa kaniya.

"Bakit?" Mahinang tanong ko.

"Alam kong bakit pinagpalit kita? Look at yourself, ang taba-taba mo. Kahit nga ipakilala kita sa mga barkada ko for sure na pagtatawanan nila ako, look at Kitty. She's have a gorgeous body, she's have a hot body that every man want. So, anong sa palagay mo kung bakit kita pinagpalit?" Natatawang tanong niya naman sa akin habang nakangisi na din ng pang-aasar sa akin si Kitty.

"Hayop ka," sabi ko na lamang sa kaniya.

"Ginamit lang kita ngayon na alam mo na, wala na akong dapat itago pa sayo." Nakangising sabi niya at kaagad nilapitan si Kitty at naghalikan sila sa aking harapan.

Mas sumidhi ang sakit na aking nararamdaman ngayon ng makita ko kung gaano sila kasaya na maglaplapan sa aking harapan.

"I don't need you so go! I don't want to see your face anymore," sabi naman ni Liam.

"Ano ba?! Ako ‘yung mahal mo hindi ang babaeng iyan," sabi ko naman at kaagad silang pinaghiwalay.

"Veronica, wake up! Hindi nga kasi kita minahal!" Malakas na sigaw naman ni Liam.

"You heard it right? Now go," sabi naman ni Kitty at kaagad yumakap kay Liam.

"Mga traydor!" Malakas na sigaw ko at kaagad kinuha ang bag ko na nahulog at umalis sa lugar na iyon.

Punong-puno ng galit ang aking puso kung bakit nila akong nagawang saktan ng gano'n na lang, napaiyak naman ako lalo habang naglalakad pauwi. Hindi ko akalain na ang lalaking minahal ko ng ilang taon ay ginagamit lang pala ako, napakasakit!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 14

    VERONICA POV Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. For a moment, I forgot where I was. Pagmulat na pagmulat ko ng aking mga mata, napatingin ako sa kisame ng guest room. Nakatulogan ko na pala ang pag-iisip ko kagabi, dahil sa mga nangyayari sa aking buhay ngayon, hindi ako makatulog ng maayos, na minunulto pa din ako ng mga nakaraan ko. My mind kept going back to the same things. Liam, how he betrayed me. Kitty, the sister I spent my days with but keep dragging me down. My family, who always let me down and even humiliate me. Kakagising ko pa lang pero nararamdaman ko na ang pakiramdam na para bang hindi ako nababgay sa lugar na ito. That something keep screaming that I don’t belong here. Naramdaman ko naman ito noon pa sa bahay ng daddy ko, pero kahit pala dito ay mararamdaman ko din pala ito. And now, Joel. Dumagdag pa siya sa aking iisipin ngayon, ni hindi ko pa nga nahahanap si Brylle ay siya din

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 13

    JOEL POV Gabi na ako nakauwi dahil sa may inaasikaso pa ako na mga papeles para sa kompanya ng may isang papeles akong nakita. Report pala ito ng pinapaimbistiga ko sa anong background ng asawa ko, lalo pa at hindi ko ito nakikita sa mga social event ng pamilya niya. Ang laki ko lang nakikita ay ang kapatid nitong si Kitty. Binasa ko ang mga impormasyon na nasa mga papel, hindi pa ako nakakabuklat sa likuran nito ay nagsalubong ang mga kilay ko ng may makita akong larawan ni Veronica kasama ang isang lalaki. Liam Estrada, ang kaniyang unang naging nobyo nito. Nobyo niya na nagtaksil at pinagpalit siya sa kaniyang kapatid na si Kitty, napahilot ako sa aking sintido dahil sa impormasyong nakuha ko. I pick up my phone and dialed someone’s number, making my jaw tighten from what I just learned today. And how they make Veronica suffer in their home for almost all her life. I looked outside the building and heard someone pick up my call.“Hello.” Bungad nit

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 12

    VERONICA POV“Kaya kung ako sayo, tumahimik ka na lang at sundin mo utos naming.” Matataas sa sariling sabi nito at may ibinigay sa akin na iba pang damit.“Ano ‘to?” tanong ko naman sa kaniya.“Damit ko, labhan mo na din.” Maarteng sabi naman nito at tatanggapin ko na sana ito ng may biglang umagaw dito. Sabay kaming napalingon kung sino man ang kumuha ng mga damit ng walang modong katulong ngayon sa aking harapan.“Maid ka hindi ba? Pinapasweldo ka dito para magtrabaho, hindi ‘yung tatatamad-tamad ka.” Seryosong sabi ng isang maid at patapon na binigay sa maid na umaapi sa akin ang mga damit nito.“Wala kang pakialam kung ano man ang gagawin ko dito, Mary.” Maarteng sabi naman ng maid na ito at sinamaan nito ng tingin ang isang katulong na Mary ang pangalan.“Naku, beh huwag mo ko matakot-takot niyang tingin mo. Hindi ako takot diyan, baka tusukin ko pa nga ‘yan. May pakialam ako dahil mismong amo natin talagang inuutusan at pinapakita mo pa ‘yang ugali mong naku

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 11

    Veronica’s POV Akala ko magiging madali na ang aking buhay, na kahit maging guminhawa lamang ng saglit ngayon na nawala na ako sa lungga at sa puder ng aking mga magulang. Akala ko na kahit papano ay magiging ligtas na ako habang gusto ko pa din hanapin si Brylle sa una, pero hindi ko alam na hindi pala magiging madali. Kasi sa mata ng diyos alam nito kung sino ang minamahal ko, pero sa mata ng batas at ng mga tao, si Joel ang pinakasalan ko, hindi gawa ng pagmamahal kung hindi ay dahil sa gusto ng mga magulang ko.“Hindi ko gusto na makasama ka sa iisang kwarto.”Napahinto ako.Napalingon sa kaniya.Mapait akong napangiti dahil sa sinabi ng aking asawa, sino ng aba ang tatabi sa isang kagaya ko na ang laki ng katawan. Masaya naman ako na hindi kami makakatabi sa kaniya, pero ang pagkakasabi niya parang hinahamak niya ang aking pagkatao.“Sige sa kabilang kwarto na lang ako,” sabi ko naman sa kaniya at hindi na narinig ang kaniyang tinig na sumagot ito.Wala akong magawa

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 10

    VERONICA POV Nakalipas na ang dalawang buwan and ito na ang oras na itinakdang mag-iisang dibdib sa lalaking hindi ko mahal, the sky was painfully clear. There were no storms, no warnings, no signs that my life was about to be sealed into something unrecognizable. The sun shone gently through the windows as if the world itself refused to acknowledge what was about to happen. I sat alone in my room, nandito na ako ngayon sa mansion na dating kinamumuhian ko, nandito ako ngayon sa kwarto ko na inayos nila para naman hindi sila masira sa mata ng ibang tao. My hands folded neatly on my lap, staring at the contract placed before me. The paper was thick, expensive, and heavy—far heavier than it should be have been. Each pages carried words that bound my future to a man I did not love, a life I did not choose. Nararamdaman ko ang presensya ng dalawang taong kinamumuhian ko sa aking buong buhay, nakatayo sila sa aking likuran, nanonood lang sa aking ginagawa, na nagbabantay

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 09

    VERONICA POV Naging ikalawang tahanan ko na ang mga dagat na palagi kong binabalik-balikan upang hanapin ko ang lalaking matagal ko nang hinahanap. Paminsan-minsan na din akong umuuwi sa mansion ni Brylle, kaya minsan-minsan ko na din nakikita sila Gea at Manang Lita. Nagsimula ang rescue operation muli ng malaman nilang napaka-importante ng taong nawawala, si Brylle Arevalo. Kung noon ay wala silang pakialam ngunit ngayon mas ginugugol nila ang oras nila sa paghahanap, dahil dito muling binuksan ang kaso ng mga natitirang nawawalang mga pasahero ng eroplanong bumagsak. Araw-araw bago pa sumikat ang bukang liwayway ay bumabalik ako sa dagat. Nagbabakasakaling may masagap na naman na balita patungkol kay Brylle, inaabangan ko ang mga pagdaong ng mga barkong mangingisda, dahil sa araw-araw kong pagpunta dito ay nakilala na ako kalaunan ng mga mangingisda dito, nakatingin lang ako sa kanila, nanatiling na estatwa sa aking kinatatayuan, nagbabasakaling mahati a

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 01

    VERONICA POV Napatingin naman ako ngayon sa kisame ng kwarto kung saan ay apat na buwan na akong nandito, nang umuwi kasi ako ng araw na iyon ay latigo at sampal ang natamo ko sa kamay mismo ng ama ko. Nagsisisisi daw sila kung bakit pa daw nila ako kinuha sa puder ng mama ko, kun

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 06

    VERONICA POV Limang buwan na din ang nakakaraan simula ng insidenteng nangyari sa akin at ngayon naman ay nandito kami sa isang lugar na kung saan ay pwede kaming mag picnic, nakita ko naman na naglatag na sina Manang Lita ng isang kumot na manipis para upuan namin. "Hali ka na hija." Tawa

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 8

    VERONICA POV Maaga akong gumising para naman maghanda para sasama ako sa mga life rescuer na mag hanap sa mga kalapit na isla o kung pwede ay maghahanap ako ng tutulong sa akin para mahanap ko sa madaling panahon si Brylle. Napatingin naman ako sa kwentas na binigay sa akin ng lalaking

  • HER SWEETEST REVENGE   CHAPTER 05

    VERONICA POV Hinintay ko na lang na lumapat ang kaniyang kamay sa akin, naghintay pa ko ng ilang minuto ng hindi ko pa din maramdaman ang kamay nito sa aking pisnge. Dahan-dahan naman akong napatingin at tumambad sa akin ang likod ng isang lalaki, hawak-hawak niya din ang kamay ni daddy at sabay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status