Maaga gumising si Moira para gawin pa ang ibang projects at reports ng kanyang mga kaklase, sideline niya ito para pang dagdag sa kanyang allowance. Pangbayad sa kanyang renta ng apartment, tubig, kuryente, pagkain at ibang expenses niya sa school. Isang taon na lang gagraduate na siya. Gusto na talaga niya makahanap ng trabaho na may maayos na sweldo at pang matagalan pra makatulong sa kanyang pamilya sa probinsya. Alas-onse pa naman ang kanyang pasok sa first subject, kaya matatapos pa niya lahat ng kanyang gagawin. Nagtitimpla siya kanya kape ng bigla tumunog ang kanyang celphone at nkarehistro ang pangalan ng kanyang bestfriend na si Gregory Grant. Agad naman niya itong sinagot, mainitin pa naman ang ulo nito.
" Hello Grant, napatawag ka...?" Nagtatakang tanong ni Moira.
"Moi... Punta ka muna dito sa condo ko,at pakibilisan mo!" Iritableng sabi ni Grant sa kabilang linya.
"Sige, sandali lang kasi may mga tatapusin lang ako na mga projects at reports. Pupunta ako diyan bago ako pumasok sa school." Sagot ni Moira.
" Ngayon na Moira, hindi na pwede mamaya... Importante ito." Inis na sabi ni Grant.
"Ayy... wow ano boss lang kita, babayaran mo ba ang pagpunta ko diyan ahh... Alam mo kung gaano kahalaga itong mga tatapusin ko Gregory Grant..!" Inis na saad ni Moira.
"Oo...! Sige kahit triplehin ko pa. Pumunta kana agad dito!" Sigaw ni Grant at pinutol na ang tawag nito.
Inis na inis na nagmadaling nag-almusal at nagbihis si Moira pra pumunta sa condo unit ni Grant. Iniisip nya habang nasa biyahe bakit niya ito naging bestfriend, napaka-arogante at yabang nito sa kanya. Pero mabait naman to minsan pag hindi mainit ang ulo, kababata niya si Grant sa probinsiya. Nagsisilbi bilang katulong ang kanyang nanay sa mansyon nila Grant at magsasaka naman ang kanyang tatay sa lupain ng Daddy ni Grant. Kaya naging matalik silang magkaibigan kasi lagi din siyang nasa mansyon kasama ng kanyang nanay. Kaya tuwang- tuwa ito ng malaman na iisa lang ang unibersidad na kanilang papasukan sa kolehiyo. Sobrang spoiled nito sa Daddy nito, kanya ganyan ang attitude napaka-rude at yabang. Pero nauunawaan niya ito, kasi kahit mayaman ang pamilya nito. Lagi itong mag-isa dahil sa busy ang mga magulang sa negosyo at posisyon sa lipunan.
Sigurado siyang may malaking problema ito, dahil sa iritableng boses at mahahalata ang pagkabalisa. Pati siya kinakabahan na din, ano na naman kaya ang napasok nitong gulo. Malapit na siya sa condo unit nito, parang nag-aalangan siya na pindutin ang doorbell nito. Pero nagtext na naman ito at minamadali na siya na pumunta. At dali-dali na niyang pinindot ang doorbell, at bumungad ang gwapong mukha ni Grant pero magkasalubong ang kilay.
" Napakatagal mo naman Moi!!!... Kanina pa ako naiinis at hindi alam gagawin ko diyan sa sanggol na iniwan sa labas ng pintuan ko!" Naiirita na sabi ni Grant.
"Ano! Sanggol, as in baby???" Gulat na tanong ni Moira.
"Oo.. ayan oh, nakalagay sa basket... Tingnan mo umiiyak siya kanina, tapos kusa na din na tumahan" Paliwanag ni Grant.
Hindi malaman ni Moira kung paano hahawakan o bubuhatin ang baby. Kasi napakacute at liit nito, natatkot siya baka mapilay ito.
"Kaninong anak siya? Grant? Kawawa naman iniwan na lang basta ng mommy niya..." Naaawang sabi ni Moira.
At biglang umiyak ang sanggol, hindi nila malaman dalawa kung paano nila ito patahanin. Nang may mapansin silang feeding bottle at may laman pa na gatas. Sa taranta ay binuhat ni Moira ang sanggol kahit hndi niya alam kung paano. Pagbuhat niya ay tumahan ito, habang hinihele ito ay may nakapa siya na maliit na papel. Kaya agad nila itong binasa.
"Dear Grant,
Siya ang baby natin, ikaw na ang bahala na magbigay ng kanyang pangalan at alagaan mo siyang mabuti. Hindi ko sinunod ang gusto mo na ipalaglag siya. Hindi kaya ng konsensiya ko. Ipinanganak ko siya kahapon, wag mo na din ako hahanapin dahil lalayo na ako para sa aking sariling mga pangarap. Maraming salamat.
Beverly"
"Anak mo pala siya kay Beverly Grant!" Gulat na sabi ni Moira.
"Paano niya nagawa ito sakin... paano ko aalagaan yan, at hindi pwedeng malaman ni Daddy na may anak na ako. Ang taas ng expectation nya sakin Moi. Beverly!" Galit na sabi ni Grant na napakuyom ng kamao.
"Grant..." Nasabi na lang ni Moira.
"Wala dapat makaalam nito Moira...Tatlo lang tayo na nakakaalam ni Beverly na anak namin yang bata. Moi kahit magkano ang bayad, babayaran kita para alagaan ang anak ko." Seryosong sabi ni Grant kay Moira.
"Grant alam mo naman na nag-aaral pa ako at may mga pangarap din ako na gusto kong matupad." Sagot ni Moira.
"Moi... kahit magkano babayaran kita. Pero kung hindi talaga kita mapipilit, samahan mo na lang ako na pumunta sa bahay ampunan. Para ipaampon na lang ang bata." Malungkot na sabi ni Grant.
"Pasensya ka na talaga Grant, kahit magkano pa ibabayad mo... Hindi ko matanggap yang alok mo. Kasi wala naman ako alam sa pag-aalaga ng baby. Kung yan desisyon mo na ipaampon ang anak mo, nasaiyo na yan." Pag mamatigas ni Moira.
" Blessing naman ang mga baby Grant, pwede ka naman kumuha ng taga-alaga kesa ipaampon siya." Suggestion ni Moira.
" No...! Kung hindi ikaw ang maasahan ko na mag- alaga sa sanggol na yan. Dadalhin ko siya sa bahay-ampunan... at hindi din naman ako sigurado kung anak ko ba ang bata nayan." inis na sabi ni Grant.
Hindi na lang nagsalita pa si Moira at naawa na lamang siya na pagmasdan ang baby. Si Grant naman ay nakasimangot at wala na din imik... Nagbihis na ito at kinuha ang susi ng kotse.
At nagmadali na silang dalhin ang sanggol sa bahay-ampunan...
Naguguluhan din si Moira, kung tama ba ang kanilang ginagwa...
"Grant tawagan mo kaya si Beverly, baka sakaling makumbinsi natin siya at mabago natin ang desisyon niya." Lakas loob na suhestiyon ni Moira kay Grant.
" Hindi kasi katulad mo si Beverly na mabait at maawain... Kahit anak pa niya yan, wala na siya pakialam sa batang yan. Kasi mas uunahin niya ang sarili niyang kapakanan... at alam mo rin naman na pwede din siyang itakwil ng kanya magulang pag nalaman nila na may anak na siya at wala naman tatay namagppakita." Mahabang sagot ni Grant kay Moira.
" Bakit kasi ginawa niyo yang bata, tapos ngayon na nabuo basta niyo na lang ittapon na parang basura...! Mabuti pa ang aso hinahanap ang mga tuta niya , pag may nawawala... Masahol pa kayo sa hayop... Wala kayong konsensiya..." Inis na sigaw ni Moira...
" Hindi ko ginusto yang bata Moi..., nag-iingat ako pag nagtatalik kami... " Paliwanag ni Grant.
"Ewan ko, wala naman ako alam sa mga relasyon na yan alam mo naman diba na NBSB ako." Ang hindi ko lang lubos maisip paano niyo masisikmura na ipamigay ang anak niyo." Naguguluhan sagot ni Moira.
" Hayyy... alam ko naman yun Moi... Nakapag-desisyon na ako, ipaampon na lang ang bata" Malungkot na sabi ni Grant.
Nasa byahe na sila Grant at Moira papunta sa bahay- amapunan na pinaka-malapit sa condo ni Grant. At parehas na silang kalmado,... Habang nasa byahe ay pinagmamasdan ni Moira ang baby sa basket na mahimbing na natutulog at nag-smile ang baby, hindi niya maiwasan na mahabag. Pero paano naman ang sarili niyang pangarap. Pero para na din niya pamangkin ang baby dahil anak ito ng bestfriend niya. Pwede siya kumuha ng taga alaga habang pumapasok siya sa school, tapos ititigil na muna niya ang pag extra sa pagkanta sa ktv bar. Pero naguguluhan, pa rin siya.... Ang tanging nasa isip niya paano kung mapunta sa masasaman loob o salbahe ang makakaampon sa anak ni Grant. Hindi kaya ng konsensya nya yun. Napabuntong hininga siya ng sobrang lalim." Oh, bakit mas parang problemado ka pa skin ahhh..." Tanong ni Grant."Grant seryoso ka ba talaga na ipaampon ang anak mo???... Hindi ka ba naawa sa kanya, paano kung mapunta siya sa masasamang tao at pagmalupitan siya...." Seryosong tanong ni Moira.
Nakatulog na si Moira sa kanyang lamesa, dahil sa sobrang pagod at mga nakakagulat na mga pangyayari. Si Grant naman ay lumabas muna sa terrace at nagpahangin... Pinagmamasdan ang mga bituin sa langit, napapaisip siya kung ano ba ang plano ng Diyos sa kanila ni Moira. Nasaan na kayang lupalop ng mundo si Beverly. Naawa at sobrang nahihiya din siya sa kanyang bestfriend dahil siya ang sasalo sa resposibilidad nila bilang magulang ni baby Prince. Dahil medyo malamig na ang simoy ng hangin... pumasok na siya sa loob ng bahay at hinanap niya si Moira... Nakatulog na ito sa sobrang pagod, kaya kumuha na lang siya ng kumot para kumutan ito. Siya naman ay pumasok sa kwarto ng kanilang baby, Mahimbing din itong natutulog. May nakahanda na din na timplang gatas para kay baby Prince, alam niya magiging mabuting mommy si Moira. Napakaresponsable, bait nito, kaya napakaswerte ng kanyang anak kasi mabuting tao at maasahan ang mag-aalaga sa kanya. Kinumutan din niya ang kanyang anak at tinabihan
Tinapos na ni Moira ang kanyang mga projects at reports. Last sem na nila ngayon at gagraduate na sila, habang lumilipas ang mga araw nahihirapan na din siya sa set-up nila baby Prince. Dahil bukod sa lumalaki na ang baby nila at mas malaki na din ang obligasyon nya. Isa pa sa iniisip niya na pabinyagan ito. Pero paano walang birth certificate ang bata, at kung lalakarin naman niya sino ang ilalagay niya na mga magulang. Bukas mag iisang buwan na si baby Prince balak nga nya itong handaan at konting selebrasyon. Pero itatanong niya muna kay Grant kasi ito pa rin ang tatay. Papunta na siya sa kanilang unibersidad ng makasalubong niya si Grant at hinila siya nito papunta sa library, mukhang inumaga na ito sa pag-iinom kasama ang mga barkada nito."Moi... pasensiya hndi ako nakapunta sa inyo kahapon ni baby. Birthday kasi Frank at nalasing ako ng sobra" Mahabang paliwanag ni Grant."Okey lang naman Gregory Grant, normal na talaga yan sayo. Hindi na ako naninibago diyan at sanay na ako