Share

Chapter 1

CHAPTER 1

NAPANGITI si Hera ng umapak ang mga paa niya sa lupang sinilangan. It's been five years since she'd been in the Philippines. Sa limang taong iyon ay abala siya sa kanyang trabaho sa Barcelona, pati na din sa mga anak niya. Yes, pagkatapos ng pangyayaring iyon ay maraming nangyari. That's why she stayed in Barcelona for a long time. Ngayon ay bumalik siya sa Pilipinas, syempre, kasama ang dalawa niyang anak, para ipagpatuloy ang trabaho niya. Namiss din niya ang mga magulang niya.

"Mommy! Mommy! Mommy!" Tili ng anak niyang babae, si Hermina. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang may tinuturo ito sa kung saan kaya naman ay sinundan niya ng tingin ang kamay nito.

Tumaas ang magkabilang kilay ni Hera ng makita niya si Lacan na papalapit sa kanila. He's wearing a black suit matched with a black sunglasses. Napailing nalang siya ng tuluyan itong makalapit sa kanila at inagaw ang hawak niyang dalawang maleta.

"What's with your outfit, Lacan? Muntanga." Komento niya sa suot nito at binuntutan pa niya ito ng tawa pero hindi siya nito pinansin bagkus ay kinarga ang anak niyang babae gamit ang kanang kamay nito habang ang isang kamay nito ay abala sa paghila ng dalawang maleta.

Nauna na itong maglakad habang siya at ang anak niyang lalaki ay nanatili lang roon. Nilingon ni Hera ang anak niyang lalaki, si Hero. Medyo mailap ito sa mga tao, hindi masyadong nagsasalita, mas gusto ang tahimik na lugar, hindi kagaya ng kakambal nito.

"Hey, baby. Let's go?" Anyaya niya sa anak niya at inabot ang kamay nito. She gently grab her son's hand and starts walking.

NASA KALAGITNAAN sila ng byahe ng biglang magsalita si Hero. 

"Mom, can we stay in our grandparent's province while you're doing your work here in the city?" Nilingon ni Hera ang anak at naabutan niyang nakatingin ito sa kanya.

She smiled and caressed his cheeks. "Yes, dear. You two will stay there for a while, Mommy will just visit you there, hm?" Malambing niyang sabi at tinanguan lang siya nito.

Alam niyang ayaw sumama ng isa niyang anak na umuwi dito sa Pilipinas, pinilit niya lang ito lalo pa't walang ibang mag-aalaga sa mga anak niya doon sa Barcelona. Wala siya masyadong kakilala doon, not unlike here in the Philippines, andito ang mga magulang at kaibigan niya.

One reason why her son doesn't want them to go here to the Philippines is about their father. Sinabi niya ang lahat ng nangyari, she's vocal to her kids, wala siyang tinatagong sekreto. Sinabi niya kung bakit wala silang nakakasamang ama, maliban nalang sa mga maseselang bagay na nangyari sa kanila.

"So. . . I'll send you first to your condo?" Pagpukaw ni Lacan sa kanyang pag-iisip.

"Yeah." Simpleng sagot niya sa tanong nito, "ihatid mo ng maayos at walang galos ang mga anak ko, kung hindi---"

"Yeah, yeah, yeah. You're going to skin me alive, and you're going to feed me to your pet python. Don't worry, I'll send them safely." Walang ganang sagot nito kaya palihim niya itong inirapan.

AUGUSTUS is busy yelling at his employees after he just arrived from the airport. He just fucking saw that woman after five years of looking for her! Nakita niya itong pumasok sa sasakyan. He even memorized the plate number of the car and asked his friend, Viggo, to know who is the owner of that car. And to his shock, sasakyan pala iyon ng kaibigan niya!

So. . . she's having a relationship with his friend? Kaya hindi niya mapigilang sigawan ang mga makasalubong niya, pati ang sekretarya niya na bihira niya lang mapagalitan ay nasigawan niya.

"Faith!" Pagtawag niya sa sekretarya niya at ilang segundo lang ang binilang niya ay kaagad itong pumasok sa opisina niya. Walang emosyon ang mukha nito.

"What? And don't fucking yell at me, Mr. Florin. May I remind you that you hired me to work for this company, not for you to yell me." Malamig na sabi nito kaya napalunok nalang siya at tumikhim para alisin ang nakabara sa lalamunan niya.

"Prepare the car, the black one. May pupuntahan ako." Utos niya pero umiling ito.

"You can't. May schedule ka with someone. She's a famous fashion designer and she wants to work on your company, so, kung saan man ang punta mo, ipagpaliban mo muna. Minsan ka na nga lang pumasok, bakit hindi mo nalang lubus-lubusin. At saka August, wag mo kaming pagbuntunan ng galit mo, wala nga kaming kaalam-alam kung anong ikinapuputok ng butsi mo dyan." Pangangaral nito sa kanya at walang paalam na lumabas.

"Hey! What time?" Pasigaw niyang tanong.

"3 PM. Cafe de Meraveda!" Pasigaw din nitong sagot.

Napahilot nalang sa sintido si August. Gusto niyang puntahan ang kaibigan niya at magtanong tungkol sa babaeng yun. Pagkatapos ang pangyayaring yun, hindi na bumalik ang fiancee niya. Talagang wala na sila, sinuyo niya ito ng tatlong araw pero pinagtutulakan siya nito palayo kaya naman ay napagod siya at tinanggap nalang ang desisyun ng babae. At kasalanan iyon lahat ng babaeng yun. Ito ang sinisisi niya kung bakit hindi natuloy ang kasal nila.

HERA WEARS a black dress which fits her body. Hapit na hapit ito at katawan niya. It hugs her perfect curves. Medyo reaveling ang suot niya dahil medyo nakikita ang cleavage niya. Kung noon ay medyo hindi malaki and hinaharap niya, pagkatapos niyang manganak ay medyo nagkalaman na. Because she is now a mother and she used to do breastfeeding to her twins before. 

She has an appointment meeting today with the CEO of the company who her aunt recommended her to work. Magandang oppurtunity daw ang magtrabaho sa kompanya na yun, malaki ang sahod and there's a possibility na makikila siya dito sa Pilipinas bilang isang sikat na designer.

Nilakad nalang ni Hera ang address na ibinigay ng sekretarya mula sa kompanyang pagtatrabahuan niya. Medyo malapit lang naman ito sa condo niya at saka, nagtitipid siya para sa future ng mga anak niya. Nahihiya siyang lumapit sa mga magulang niya pagkatapos ang kahihiyang ginawa niya. Lalong-lalo na sa Daddy niya na malaki ang expectation mula sa kanya.

Pagkarating niya sa Cafe ay kaagad niyang hinanap ang table number 17, ito daw kasi ang table kung saan maghihintay ang CEO ng kompanya. 

Akala niya ay maghihintay pa siya ng ilang minuto pero ng makita niya ang nakatalikod na lalaki mula sa table na hinahanap niya ay medyo nahiya siya. At talagang siya pa ang hinintay nito ah.

Naglakad siya at nakayukong umupo sa upuan na nasa harapan nito. Nang makaupo siya ay inayos niya muna ang buhok niya at hindi pa tinitingnan ang lalaking kaharap niya.

"Good day, Mr. Florin. Sorry, pinaghintay pa kita--- holy fuck!" Nanlaki ang mga mata ni Hera ng makita ang mukha niya.

Halata sa mga mukha nila ang gulat pero kaagad ding nakabawi si Hera at huminga ng malalim. Hindi niya dapat ipakita dito ang reaksyon niya kaya naman ay inalis niya ang lahat ng emosyon na dapat makita ng lalaki at ningitian ito.

"Sorry, nagulat lang ako. Ang gwapo nyo po kasi eh.." gusto niyang masuka sa sinabi niya, "by the way, I'm Herajiya, ahm, a professional fashion designer. And I want to apply on your company."

Inilahad niya ang kamay niya para sana makipagkamay pero kunot-noo niya lang itong tiningnan. 

Wala na siyang pagpipilian. Kung hindi siya magtatrabaho, hindi niya mabibigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak niya. Sayang din naman ang opportunity kung mag-iinarte siya. All she have to do is to act that she don't know him. Kahit gusto na niyang sigawan at sampalin ito sa pagmumukha dahil sa ginawa nito sa kanya noon ay pinigilan niya ang sarili.

"Are you playing with me, woman?" Halata ang inis sa boses nito kaya naman ay masuyo niya itong ningitian.

"I'm serious, Mr. Florin. I need this job--"

"The fuck?! Don't you act like you don't know me, woman! Alam kong kilala mo ako o gusto mong ipaalala ko sayo, you want me to tell you every detail of what--"

"Shut up! I'm here to work. Wala akong pakealam sa issue mo, what's in the past will stay in the past. Kalimutan mo na kung ano man ang nagyari sa atin noon." Pagputol niya sa sasabihin nito.

He laughed humuorusly. "Kalimutan? Sa tingin mo ganun kadali lang yun? After you ruin my life, my wedding, my--"

Inis na kinuha ni Hera ang shoulder bag niya at malalaking hakbang na umalis sa Cafe. Their meeting is going nonsense. Kung makapagsalita naman ito, akala niya ito na ang may pinakamahirap na pinagdaanan pagkatapos ng may mangyari sa kanila. Well, hello! Hindi lang ito ang mawalan at nagdusa, siya rin. 

Naglakad siya patungo sa condo niya habang dinig na dinig niya ang pagtawag ng lalaki mula sa likuran niya kaya naman ay mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad.

"Hey! Hera! Hera! Talk to me!" Sigaw nito pero hindi niya ito pinansin hanggang sa makarinig siya ng malakas na busina mula sa maraming sasakyan kaya hindi niya napigilan ang sariling lingunin kung ano ang dahilan ng mga pagbusina ng mga ito.

Halos lumuwa ang mata niya ng makita si August na nasa gitna ng kalsada. Ito ang binubusinahan ng mga sasakyan.

"Let's talk kung hindi magpapasagasa ako!" Sigaw nito kaya naman ay nalukot ang mukha niya.

What's with this man? Alam niyang hindi naman talaga ito magpapasagasa pero nakakahiya sa mga taong naaabala nito. 

"Hoy! Umalis ka nga d'yan. Kung gusto mong magpakamatay, tumalon ka sa tulay!" Sigaw nung isang driver sa kanya kaya kahit labag sa kalooban ni Hera ay nilapitan niya ang lalaki at hinila ito papunta sa gilid.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Anong gusto mong pag-usapan? Ang nangyari sa atin noon? A.YO.KO. Alam kong isusumbat mo na naman sa akin ang nangyari sa atin, na kasalanan ko ang lahat, na isa akong babaeng bayaran. Kaya ayokong makipag-usap sayo. Kausapin mo nalang ang sarili mo." Akmang tatalikod siya nang bigla nitong hawakan ang braso niya.

"It's about work. Di ba gusto mong mag-apply?"

Iningusan niya ito bago inagaw ang braso niya sa pagkakahawak nito. Hindi niya talaga maintindihan ang katawan niya nang bigla itong mag react sa simpleng paghawak ng lalaki. Ayaw niya ang mga uri ng hawak nito, naaalala niya ang nagyari sa kanila dati-- malakas niyang ipinilig ang ulo sa naiisip niya. This is not right!

"Maghahanap nalang ako ng ibang kompanya. Yung wala ka! Tse!" Pagkasabi ay tinalikuran niya ito at mabilis na naglakad papunta sa condo unit niya.

PAGKAPASOK NIYA sa condo niya ay agad niyang kinapa ang puso niya. Ang bilis ng tibok nito at hindi niya maintindihan kung bakit. Siguro dahil sa inis na nararamdaman niya.  Oo, dahil sa inis. Inis dahil nakita niyang muli ang lalaking kumuha ng virginity niya at ang lalaking tumapak ng ego niya bilang isang babaeng marangal. Erst.

Inilagay niya ang shoulder bag sa sofa at hinubad ang sandal na suot niya. Naglakad siya papunta sa kusina para maghanda ng hapunan niya. Nagutom tuloy siya bigla, nawalan tuloy siya ng lakas na magtrabaho kung ang lalaking iyon ang makikita at magiging boss niya. Pero paano naman ang future ng anak niya, lalo pa't mag-aaral na ito ngayong taon. Gusto niyang ibigay ang mga gusto nito ng hindi humihingi ng tulong sa iba.

Nagluto si Hera ng simpleng hapunan pero mukhang naparami ata ang luto niya. Nasanay na kasi siyang nasa bahay lang kasama ang mga anak niya at pinaglulutuan ang mga ito. Namiss niya tuloy ang mga ito. Paborito pa naman ito ng mga anak niya.

Spicy adobong atay with rice and also with green tea.

Kumain nalang siyang mag-isa hanggang sa in-enjoy niya ang pagkain ng niluto niya nang may biglang nag doorbell ng maraming beses sa condo niya. 

Tamad siya tumayo at pinagbuksan iyon. Tumaas ang magkabilang kilay niya ng makita kung sino ang dumidisturbo sa pagkain niya.

"You look normal now, Lacan. Come in." Nilakihan niya ng bukas ang pinto at pumasok naman ito, "actually, you're disturbing my dinner." Sarkastikong sabi niya pero hindi siya nito pinansin at basta nalang kumuha ng sariling plato at kutsara at kumain.

"Hoy!" Sabi niya ng makitang unti-unti na nitong nauubos ang ulam. Tinapik niya ang kamay nito, "magtira ka."

Sa halip na sundin siya nito ay nagsalita ito na siyang ikinikaba niya.

"By the way, I saw Augustus' car outside. Did he visit you?"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nko itong augustus nto pahabol habol pang nilalaman pero kanina kung mkapag salita akala mo walng kasalana nko kung alam.mo.lang my 2kids kana kay hera kambal.pa
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
mukhang hindi ka titigilan ni augustus hera
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status