Share

Chapter 2

CHAPTER 2

NAGMAMADALING sinagot ni Hera ang kanina pang tumutunog niyang cellphone. Galing pa kasi siya sa banyo dahil naligo siya ng maaga para sana puntahan ang kaibigan niya. Hihingi siya ng tulong dito. Gusto niyang maghanap ng marangal na trabaho, di bale ng hindi gaano kalaki ang sahod basta wala lang ang lalaking iyon.

"Uhm?" She hummed while brushing her teeth.

"Hera, it's me. You're aunt July." Nanlaki ang mata niya at mabilis na nagmumog at pinahiran ang bibig niya gamit ang palad niya.

"Yes, tita?"

"Mr. Florin contacted me earlier, he wants you to go to his company now and have a discussion about your work." Her aunt said strictly.

Sinasabi ko na nga ba eh. Bakit pati ang buhay niya pinapakealaman nito? Sinabihan na niya ito kahapon na magtatrabaho siya sa ibang kompanya basta wala siya at ngayon, tinawagan nito ang tita niya? Knowing her tita, napakastrikta nito, just like her Dad. Magkapatid kasi ang mga ito. Her tita might tell her dad at ayaw niyang mangyari yun. Her father might take this as an advantage and forced her to hold their company. No way!

"I trust you, Hera. Please don't disappoint me, dear." Pagkasabi ay binabaan siya nito ng walang paalam.

Bagsak ang balikat ni Hera at napasandal nalang sa nakasarang pinto. Ilang minuto siyang natulala hanggang sa may biglang kumatok ng tatlong beses mula sa labas. Sinilip niya ang peephole ng pinto at nang mamukhaang ito ay kaagad niya itong pinagbuksan.

"What's up?" Nakangiwing tanong ni Lacan ng mapansin ang walang emosyon niyang mukha. May dala itong grocery bags sa magkabilang kamay at walang hiyang pumasok sa condo niya. Hinayaan niya nalang itong maglagay ng mga iba't-ibang pagkain at inumin sa ref at nagpaalam.

"You lock my condo when you leave, may pupuntahan lang ako."

"I'll drive you. Augustus' company, right?" Tango nalang ang ginawa ni Hera at nauna ng lumabas sa condo unit niya. Nang makasakay na siya sa elevator ay sumunod din si Lacan. Naramdaman niya ang pagtitig nito kaya naman ay nakataas ang kilay niya itong nilingon.

"What?" Hindi niya maiwasang magtaray dito.

Nakapamulsa siya nitong tiningnan. "You know, you don't have to go there and work just because your aunt wants so. You can take your father's offer you know so that you can give your twin a brighter future even without him."

Hindi niya ito sinagot sa halip ay tinalikuran niya ito at nauna ng naglakad papasok sa elevator. Nang makapasok na siya sa elevator ay sumunod naman ang lalaki sa kanya. Tahimik lang siya hanggang sa biglang magsalita si Lacan.

"So... when will you tell your parents the truth, about the twin's father?" He asked.

Hindi niya parin ito sinagot. Lacan knew everything about what happened to her that night. Sinabi niya dito ang lahat, the father of her twins and everything, pero hindi sa mga magulang niya. Ang akala ng mga ito ay isa sa mga kaibigan ni Lacan ang ama ng mga anak niya kaya naman ay sinakyan niya nalang ang haka-haka ng mga ito. Ang sabi pa nga niya ay masyado itong busy kaya si Lacan nalang andoon sa tabi niya. Her mother is okay with it because it's Lacan's friend, akala ng Mama niya ay sinusuportahan at inaalagaan nito ang mga anak niya. But her father won't be okay about it. Ilang taon na rin simula nung huli silang mag-usap ng Papa niya, actually, more on sigawan ang pag-uusap nila. Hindi na sila nag-usap ng masinsinan ng Papa niya pagkatapos nitong mapahiya sa kabusiness partner nito. She already has a fiance at that time, and that is the son of her father's business partner. Kaya naman wala siyang planong sabihin sa mga ito ang totoo. Na hindi alam ng ama ng mga anak niya na may anak ito sa kanya.

Kaya niya naman buhayin ang mga anak niya nang walang hinihingin tulong sa mga magulang o sa ama ng mga ito.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay kaagad na lumabas si Hera at malalaking hakbang na tinakahak ang daan palabas nang may biglang huminto na itim na sasakyan sa mismong harapan niya mabuti nalang at napigilan niya ang paa niyang maglakad pa kung hindi, nabundol na siya ng driver na'to.

Sisinghalan niya sana ang driver dahil sa ginawa nito ng biglang lumabas ang lalaki na dahilan kung bakit siya masungit kanina. He look so manly in that business suit of him, but she wonders how manly he is if he is naked-- NO!

Malakas niyang ipinilig ang ulo at mukhang napansin iyon ng lalaki na ngayon ay nasa mismong harapan na niya.

"Your cheeks are red, are you okay?" Tanong nito. Sasabutin na sana niya ito ng 'wala kang pake' nang may biglang pumulupot na braso sa kanyang beywang.

Hindi na niya kailangang lingunin iyon para malaman kung sino iyon, sapat na ang pabango nitong versace Eros para malamang si Lacan iyon. Hindi na siya nag-abalang alisin ang kamay nitong nakahawak sa beywang niya, sanay na siya sa mga hawak nito. They've been friends for many years and they both know what's the real score between them.

"Hey, Aug. What are you doing here?" Nakangiting bati ni Lacan sa kaharap nila. Nagtatakang tiningnan niya ang mukha ng kaharap ng bigla nalang nagdilim ang mukha nito kasabay ang pagtiim ng bagang nito. He looks scary yet, still handsome. Shit! Palihim niyang sinasaway ang sarili dahil sa pag-iisip ng hindi maganda. Hindi dapat siya mag-isip ng ganun sa lalaki, oo nga't gwapo ito pero hayop naman ang ugali nito. Dapat galit siya dahil sa ginawa nito sa kanya noon, at sa mga masasakit na salitang binitawan nito sa kanya noon. Oo, tama. Dapat galit ako.

Pinisil-pisil ni Lacan ang beywang niya para tumino ang pag-iisip niya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Pabalik na tanong nito kay Lacan. Hindi talaga alam ni Hera kung bakit bigla nalang dumilim ang mukha nito habang matalim na tinitingnan si Lacan.

"Ahh... me? I was about to send Hera to your company, but since you are here. Why don't you two go there together? Can you let Hera ride on you, man? I still have matters to do, you know." Malalaking matang tiningnan ni Hera ang katabi niya at sinamaan ng tingin.

How can he do this to her? Akala niya magkaibigan sila at hindi nila ilalaglag ang isa't-isa. Punyemas. Alam niya kung anong pinaplano nitong mokong na'to, he's testing her patience. Gusto nitong makita kung saan aabot ang pasensya niya at tanggapin ang offer ng Papa niya. Alam niyang magkasosyo ito sa negosyo at nagpapasalamat siya at hindi pa siya nilalaglag nito sa papa niya.

Piping hiniling ni Hera na sana hindi pumayag ang lalaki pero parang pinaglalaruan ata sila ng tadhana.

"Okay."

Bagsak ang balikat ni Hera habang nakatingin sa baba. She can't look August in the eye, parang bumabalik ang lahat ng alaala nila noon.

"Gracias, amigo!" Nakangiting sabi ni Lacan at mahina siyang iginiya palapit kay August bago bumulong.

"Play well, Hera." He whispered before smiling at her.

Lacan started to walk away from then while waving his hands to Hera. "Sretno, dušo. Sjeti se što sam ti rekao ranije.Pozdrav!" He winked and run towards his own car.

Naiwan silang dalawa habang nararamdaman niya ang titig ni August sa kanya pero hindi niya magawang tumingin dito.

"Come on, we have to tackle your work on my company." Dinig niyang sabi nito kaya tiningnan niya ito. Nauna na itong pumasok sa loob, ni hindi man lang siya pinagbuksan.

"Wow, ang gentleman." She murmured sarcastically and open the backseat's door. Umupo siya sa backseat at pilit ipinikit ang mga mata hanggang sa maramdaman niyang pinausad nito ang sasakyan.

Akala niya ay magiging tahimik lang ang buong byahe nila papunta sa kompanya ng lalaki nang bigla itong magsalita.

“So...” paninimula nito, “Lacan is your lover?” Interesadong tanong nito.

She secretly frowned at him. “Does that bother you?”

“Yeah?” Patanong nitong sagot kaya naman ay salubong ang kilay na tiningnan niya ito. “does he know?”

Gusto niya itong singhalan dahil sa sinabi nito. Bakit ba pinapakialaman siya nito? Ano naman kung may lalaki ng nakauna sa kanya, iyon na ba talaga ang basehan sa lahat?

Magsasalita na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumawag ay kaagad na nawala ang inis na nararamdaman niya at napangiti siya.

As she put her phone to her right ear, she heard a voice that can calm her down.

“Hey, baby.” Malambing niyang bati sa kabilang linya, “do you miss me?”

AUGUSTUS frown when he heard Hera talking sweetly to the phone. Hindi alam ni August bakit bigla siya nainis ng bigla nitong tinawag ng 'baby' ang nasa kabilang linya.

Is it Lacan? Malakas niyang tinapakan ang accelerator na siyang dahilan para mapahiyaw si Hera.

"Shit!" She cursed while he's still stepping hard on the accelerator, "wait, baby." Nakita niyang tinakpan nito ang cellphone gamit ang kamay nito at inilayo ng bahagya ang ito mula sa kanya.

“Can you please slow down, may balak ka bang magpakamatay kasi ako wala.” She hissed as he slows down. Nakita niyang nakahinga ng maluwag si Hera at sumandal ulit sa likod ng inuupuan pero hindi parin nawala ang pagsalubong ng magkabilang kilay niya.

But when she put her phone on her right ear again, her mood suddenly shifts. Nawala ang pagsalubong ng mga kilay nito at napalita ng ngiti ang mga mata nito. So, she really like Lacan, huh?

Tahimik lang na pinakinggan ni August ang usapan ni Hera at ng hilaw nitong boyfriend. He’s effind sure that if Lacan knows that Hera is not a virgin anymore and the one who took it is him, sigurado siyang maghihiwalay ang mga ito. And he can’t wait that to happen. Gusto niyang makaganti dito dahil sa ginawa ng babae sa kanya noon. Kung akala nito ay makakalimutan niya ang ginawa nito sa kanya, pwes hindi! Hera destroyed their relationship and he will too. To make it even.

“Yes, baby… yes, wish me luck, okay? Yes—I’m doing this for our future, and please, be a good boy, okay? Okay, bye. I love you!” She’s still smiling and when she caught him glancing at her through the mirror, her brows immediately furrowed, and look at him while raising her left eyebrow.

“What?” Mataray nitong sabi. Parang kanina lang, ang laki-laki ng ngiti nito habang kausap ang ‘baby’ kuno nito sa cellphone pero nung nakita siya, naging mataray ulit.

He shrugged and focused himself on the road. “You seem to like talking to a kid. Like, you’re telling your boyfriend about your future with him, ikaw lang ba ang kumakayod sa inyong dalawa? Imbaldado ba siya? Can’t your man work for the future of you two? Is Lacan really your boyfriend? Or just one of your boyfriends? ”

HERA closed her eyes and sighed. Walang mangyayaring maganda kung sasagutin niya ang nakakainsulto nitong tanong. Kahit gusto niya itong sampalin dahil kanina pa siya binabastos ng lalaki, kanina pa nito ipinamumukha sa kanya na isa talaga siyang malanding babae, pinigilan niya ang sarili niya. After all, ito ang magiging boss niya, meaning, araw-araw silang magkikita. Mas maraming bangayan at pang-iinsulto pa ang lalabas mula sa bibig nito kaya hangga’t kaya niyang pigilan ang sarili, siya nalang ang iiwas at magpapakumbaba.

“Wala kang pakealam.” Mahinang sabi niya sapat na para madinig ng lalaki ang sinabi niya.

“Of course, I do. Lacan is my friend and I won’t let someone like you hurt and put him into hell. What if he’ll know that your now a pure woman anymore? And what if I tell him that I am the one who took your innocence? Sa tingin mo, magiging okay pa ang relasyon niyo? Do you think he’ll accept a second-hand woman like you—“

Mabilis na binuksan ni Hera ang pinto ng sasakyan at walang lingunang lumabas. Hindi niya alintana ang mga busina ng mga sasakyan sa kanya at patuloy lang sa paglalakad. Hindi na niya kayang pakinggan ang mga sasabihin ng lalaki, baka ano pa ang masabi niya.

Nilakad niya nalang ang kompanya na pupuntahan niya kaysa naman makasama niya ang walang hiyang lalaking iyon.

NANG makarating si Hera sa kompanya ay kaagad niyang nilapitan ang isa sa empleyado sa kompanya at tinanong.

“Hi—ahm, is your boss already here?” Tanong niya sa nakatalikod na empleyado at nang lingunin siya nito ay nanlaki ang mga mata nito at tumili ng pagkalakas-lakas.

“Miss Hera? Ikaw po ba talaga yan?! OMG! Idol na idol po kita, I really love your designs po!” Napangiti siya sa tinuran ng babae habang nagnining-ning ang mga mata. Hindi niya inaakala na may makakakilala pala sa kanya dito sa Pilipinas.

“Thank you. Anyways, is Mr. Florin here?” Tanong niya habang nakangiti.

Tumango ito. “Yes po! Nasa third floor po ang office niya. Katokin niyo nalang po ng tatlong beses bago po kayo pumasok.” Tinaguan niya ito at akmang tatalikod ng magsalita ito ulit.

“Pwede po pa picture?”

Nakangiti niya itong tinanguan ulit at pinagbigyan sa gusto nito. After they took numerous of pictures, she entered the elevator to the boss’ floor. Ang gaan ng puso niya bigla. It makes her heart floats seeing someone who idolize and love her works. Ang sarap sa pakiramdam pero ang pakiramdam na yun ay biglang nawala ng nakita niya si Augustus na may kahalikang babae habang ang kamay nito ay humahaplos sa hita nito. Kitang-kita ang pinaggagawa ng dalawa lalo pa’t gawa lang sa salamin ang pinto at haligi.

Nalukot ang mukha ni Hera at kagaya nga ng sinabi ng empleyado nito, kumatok siya ng tatlong beses pero mukhang nag-e-enjoy ang mga ito sa ginagawa nila at hindi napansin ang pagkatok niya, kaya naman ay malakas niyang itinulak ang pinto na nagpatigil sa dalawa sa ginagawa nila.

Nakita niyang namutla ang mukha ng lalaki habang ang babae naman ay napayuko nalang at papahiyang lumabas sa opisina nito.

“Good Morning—“

“Don’t you know how to knock?!” Singhal nito sa kanya habang salubong ang magkabilang kilay.

She stared at him flatly before shrugging. “I already knocked at dahil busy po kayo sa ginagawa niyo, hindi niyo napansin. And don’t worry, Mr. Florin. Hindi ko po ipagkakalat ang nangyari po ngayon.” Peke niya itong ningitian.

August fixed his messed business suit before looking at her. “Anong kailangan mo?”

Lihim siyang napairap. Ang dali naman ata nitong nakalimot? Parang kanina lang, nasa harap ito ng condo niya at hiningan ng pabor ni Lacan na ihatid siya tapos ngayon, magtatanong ito kung anong kailangan niya?

“I want to work here, I’m pretty sure you called my aunt. So… where’s the contract? At ng mapirmahan ko na.” She said and sat on the sofa, far away from him, “at saka, bukas na lang siguro ako magsisimula, nasusuka kasi ako eh.”

Nasusuka siya sa nasaksihan niya. Caught in action ang dalawa habang may ginagawang kababalaghan. Kung hindi niya ito nakita o naisturbo, malamang may nagyari nga talagang himala.

Ano pa ba ang aasahan niya sa lalaki? Na matino ito pagkatapos ng may mangyari sa kanila? Sapat na ang nakita niya para panindigan ang pangako niya sa sarili. She will hide her children from their father. He don’t deserve to be called one.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku augustus hindi ka din mahilig noh
goodnovel comment avatar
Che Acala Paragas
patay ka ngayon Augustus bakit kasi kung ano ano lumalabas sa bibig mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status