LOGINHirap sa buhay ang pamilya ni Rizza Enriquez lalo pa nung mamatay ang kanyang ama na siyang naghahanap-buhay para sa kanila. At walang ginawa ang kanyang ina kung hindi magpalasing at ubusin ang sugal ang sarili nitong kita. Bilang isang panganay ay kailangan niyang tumulong sa pamilya niya. Kung ano-ano ng mga trabaho ang pinapasok niya para lang magkaroon ng perang pambili ng bigas. Kaya naman ay napilitan siyang pumayag sa isang kasundaan. Ang kasunduan nilang dalawa ng kanyang Ninong Dwayne. Pumayag lamang siya sa kasunduang iyon dahil sa pangangailangan niya ng pera. Ang kasuduang maging parausaan siya ng kanyang Ninong Dwayne kapalit ng perang ibibigay sa kanyang pamilya. Naging mabait sa kanyang pamilya ang Ninong niya hanggang sa hindi niya namalayan na nahuhulog na ang kanyang loob sa lalaki. Ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang naglaho ang Ninong niya, nanatili ang tulong pero hindi na siya nito tinatawagan para gawing parausan. Nalaman na lamang niyang ikakasal na ito. Sa kabila ng lahat, ipaglalaban pa rin kaya niya ang pag-ibig na ito, kahit pa alam niyang ito’y mali at masasaktan lamang siya?
View MoreCHAPTER 1
“Rizza! Wala bang kanin dito?” Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon. Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako nakakatulog ng maayos. Naabutan ko doon si Nanay na nakaupo sa lumang sofa namin. Ang mga kaldero at kawali ay nagkalat sa sahig. Ang aming mga pinggan at kutsara ay nakita ko rin hindi kalayuan sa kinauupuan ni Nanay. Pagod akong tumitig sa aking ina. Pumunta siya kahapon sa isang kaibigan niya upang maglaba pero umaga na nang makauwi ito. At alam kong wala rin itong dalang pera dahil inubos na naman sa sugal at alak. Simula nang mamatay ang aking ama ay naging ganyan na si Nanay. Palaging naglalasing, hindi nananatili rito sa bahay namin. Kahit inaantok pa ako pinulot ko isa-isa ang mga nagkalat na mga gamit. Buti na lang at hindi babasagin ang aming pinggan, gawa lang ito sa plastic kaya kahit saan lumipad ay hindi nasisira. Unti-unting minulat ni Nanay ang kanyang mga mata. “Bakit walang pagkain? Hindi ba kayo nag-iisip na may ina pa kayo at hindi n’yo man lang ako tinirhan ng pagkain?” naiinis na wika nito. Isang beses lang sa isang araw kumain ang dalawang kapatid ko kahapon. Madaling araw na akong nakauwi kaya tulog na sila. Natulog silang walang laman ang tiyan. Nagtrabaho pa kasi ako para makabili ako ng bigas. “Wala naman po kaming kinain kagabi, Nay. Madaling araw na po akong umuwi kanina kaya hindi pa ako nakakapagsaing. May bigas na po d’yan, Nay. Matutulog lang po ako saglit. Kayo na lang po ang magsaing,” mahinanong sabi ko. Pinagpatuloy ko ang pagdampot sa mga pinggan at nilagay iyon sa ibabaw ng lababo namin. “Ako pa ang uutusan mong magsaing? Kung sapakin kaya kita d’yan? Kita mong pagod ako!” malakas na sigaw nito. Ganoon palagi ang nangyayari sa bahay. Dalawang taon ng wala ang ama ko, at dalawang taon na ring ganyan ang ugali ng aking ina. Araw-araw akong may trabaho. Hindi ako pwedeng magpahinga dahil ako na ang bumubuhay sa pamilya namin. Pagod na pagod pa rin ako nang pumasok ako sa loob ng bar. Nagtatrabaho ako bilang isang waitress dito. “Good evening, Miss! Ang ganda mo naman! Upo ka muna saglit dito,” sabi ng isang matandang customer. Sa ilang buwan ko rito ay medyo nasasanay na ako na may makakaharap ako ng ganitong klaseng customer. “Pasensya na po, Sir. Bawal po kasi. May trabaho pa po ako,” sagot ko sa kanila. Nanatili akong mahinahon kahit pinagmumura ko na siya sa isip ko. “Sige na. Saglit lang naman, bibigyan pa kita ng pera,” aniya. Nagtawanan ang mga kasama niya. Lima silang nandito. Halatang maraming mga pera, ang daming mga alahas na nakakabit sa katawan nila. Parehas ding malalaki ang mga tiyan. “Hindi po pwede, Sir. Pasensya na po,” magalang na sabi ko. Tatalikod na sana ako upang umalis nang maramdaman ko ang paghawak nito sa aking pulupulsuhan. “Alam mo, ayaw na ayaw ko sa lahat ay tinatanggihan ako,” maagas na sabi nito. Sinubukan kong tanggalin ang aking kamay ngunit mahigpit ang kapit nito sa akin. “Pasensya na po, Sir. Hindi po pwede. Bitawan n’yo po ako dahil may tatapusin pa po akong trabaho, Sir,” Tinabig ko agad ang kamay niya nang akmang ihahawak niya iyon sa aking pisngi. “Aba’t! Matapang ka, ah?” malakas na sigaw niya. Nakukuha na namin ang atensyon ng ibang customer. “Bitawan niyo po ako, Sir! Nasasaktan na po ako,” mahinahong wika ko. Kailangan kong manatiling kalmado. Nabitawan ko ang tray na aking hawak nang hinawakan niya ang aking buhok gamit ang bakanteng kamay niya at hinila iyon. Nakaponytail ang aking buhok, at isang hila niya lang ay natanggal agad ang tali. “Sir, hindi na po pwede itong ginagawa niyo. Pwede ko po kayong ireport sa manager namin,” wika ko. Napasigaw ako nang muli nitong hinila ang aking buhok. “Let go,” isang malamig at pamilyar na boses ang aking narinig. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. “At sino ka naman? Akin na ‘to. Maghanap ka ng iba. Matagal ko ng nagugustuhan ang babaeng ito. ‘Wag kang mangialam dito ako ang nauna sa kan- Hindi na nito pinatapos ang sasabihin nung matanda dahil mabilis niya itong sinugod ng suntok. “Ninong Dwayne!”CHAPTER 150“Babe,”Dahan- dahan kong minulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Ninong Dwayne.“I don’t want to wake you up but it’s lunch time already. Nakahanda na ang pagkain sa labas, sabay na tayong kumain,” aniya at hinaplos ang aking noo. Tinanggal niya ang mga nakaharang na buhok doon at pinatakan ng halik ang aking noo. “Anong oras na? Napasarap ata ang tulog ko. Uuwi na rin ako maya- maya dahil iniwan ko si Davina doon sa bahay,” wika ko at mabagal akong bumangon. Inalalayan agad ako ni Ninong Dwayne.“Ipapahatid kita sa driver dito sa kumpanya, hindi ka pwedeng bumabyahe ng mag- isa dahil baka kung ano ang mangyari sa ‘yo sa daan. I still have a meeting at 1 pm so I can’t go home with you,” wika niya. Naiintindihan ko naman iyon. “Ayos lang, Ninong. Hindi mo ako kailangang ihatid, unahin mo muna ang trabaho para may pambili tayo ng gatas ng mga anak mo,” pagbibiro ko sa kanya.Sa pangalawang anak namin ay breastfeed pa rin kaya hindi kami nagkaroon ng problema
CHAPTER 149"Yes, tell them i am gonna be 30 minutes late. May importante lang akong inaasikaso. Thank you," Iyon ang aking narinig bago sinara ni Ninong Dwayne ang pintuan. May meeting pala siya, sinundo na siya ng secretary niya dahil late na ito. "Ninong, hihintayin na lang kita dito. Unahin mo muna ang meeting mo. Mahalaga 'yon," sabi ko sa kanya nang makarating ito sa aking harapan at muling umupo sa aking tabi."Nothing is more important than this, babe," sagot niya. “Pag- uusapan natin ulit ang tungkol dito kapag tapos na ang meeting mo. Sa ngayon, unahin mo muna iyon,” seryosong wika ko.May isang taong gustong sumira sa aming dalawa ni Ninong Dwayne. Hindi ko alam kung sino o paano. Paano napunta ang marka ng lipstick na iyon sa damit ni Ninong Dwayne ng hindi niya nalalaman.“Later, when we got home you should let me see the long sleeve that I wore,”Tumango ako at sumang- ayon sa kanyang sinabi.“Ipapakita ko mamaya sa ‘yo, Ninong,” seryosong sagot ko.“I think someone
CHAPTER 148“What’s on your mind? Tell me...”Kinuha niya ang aking kamay at pinaglaruan niya ang aking daliri gaya ng ginagawa niya sa akin. “I know kagabi ka pa ilap sa akin, hinihintay lang kitang magsalita. Kasi alam mo namang ayaw kitang pinipilit,” malambing na sabi niya. Tumango ako sa kanya.Bumuga ako ng hangin at tumingin sa gilid upang kumuha muna ng bwelo. Kinagat ko ang aking pang- ibabang labi upang pigilan ang mga luha ko. “Let’s talk calmly. Wait, let me get you a glass of water first,” wika niya at mabilis na tumayo.Inilapag niya ang isang baso ng tubig sa center table at muli na namang hinawakan ang aking kamay. “Okay, tell me about it, babe. Tell me what’s bothering you,” sabi niya. “Niloloko mo ba ako, Ninong?” walang prenong tanong ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang aking katanungan sa kanya. Napaawang pa ang kanyang mga labi.“Babe, of course not! Hindi kita niloloko... hindi kita kayang lokohin. Ano pa ang silbi ng paghihintay ko sa
CHAPTER 147"Aalis ka, Rizza? Saan ang punta mo?" tanong ni Ate April sa akin nang makita niyang nakabihis ako.Isang simpleng bestida na tube ang aking sinuot at cardigan. Half shoes lang din sa aking paa. May malit na sling bag akong dala na ang laman ay cellphone at wallet lang."Oo, Manang. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik din kaagad ako, patingnan na lang si Davina at ang shop," bilin ko sa kanila.Bandang alas dies na ng umaga. Balak kong puntahan si Ninong Dwayne sa kumpanya niya. Ayaw kong manatili rito. Kailangang mag- imbestiga rin ako. Mali pala na masyado akong nagtiwala. Hindi pala dapat. Kailanman hindi ko siya pinagdudahan. Pero ano itong ginagawa ko ngayon? Napapansin na ni Ninong Dwayne bago siya umalis kanina na hindi maganda ang timpla ng mukha ko sa kanya. Iwas na iwas ako at tanging mga anak lang namin ang binibigyan ko ng pansin. Nagiging extra malambing nga ito sa akin bago umalis. Taxi lang ang aking sinakyan at hindi na ako nagpahatid sa driver nam
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore