“PAGDATING namin sa reception ay halos nandun na lahat ng aming mga bisita, ilan lamang sa kamag-anak ni Gaius at ilan sa malalapit niyang kaibigan ang kanilang inanyayahan.”
“Sa akin naman ay tanging sina Sister Lucy at Sister Bea ang nandoon. May sumalubong sa amin at ginabayan kami patungo sa table na nakalaan sa amin.”
Pinakain na muna ang mga bisita bago sinimulan ang program. Sinimulan ng emcee ang program sa picture taking, sinundan ng pagpapalipad ng kalapati at ang pagsasayaw.”
Habang nagsasalita ang emcee para sa iba pang gagawin ay isinayaw ni Gaius si Haya sa malawak na bulwagan.
“Mahal ko, maraming salamat,” pahayag ni Gaius habang nagsasayaw sila ni Haya.
“Maraming salamat din mahal ko, hindi naging hadlang sayo na mahalin at pakasalan ako kahit na hindi ako nakakakita,” tugon ni Haya.
“Alam mo ba na ‘yan yung una kong minahal sayo, kasi kahit ‘di ka nakakakita pero hindi naging bulag ang puso mo sa akin, minahal mo pa rin ako,” masuyong pahayag ni Gaius.
“Talaga ba? ang sweet naman ng mister ko, kaya mas lalo kitang minahal eh,” natatawang pahayag ni Haya.
“Bakit ka natatawa? Hindi ka ba naniniwala?” tanong sa kanya ni Gaius.
“Naniniwala, kaya nga ako nagpakasal sayo diba,” bawi naman na pahayag ni Haya.
Natigil ang kanilang pag-uusap nang sabihin ng emcee na isayaw din si Haya ni Don Samuel at Galen bilang pag-welcome sa kanilang pamilya.
“Unang lumapit sa akin si Don Samuel, halos magkasing tangkad sila ni Gaius, kinakabahan man ako ngunit napanatag ang aking loob nang kausapin niya ako.”
“Haya, tulad ng sinabi ni Ysabel kanina sayo. Masaya rin ako na ikaw ang makakasama ni Gaius. Alam ko kung gaano ka niya kamahal,” saad ni Don Samuel.
“Maraming salamat po dah_daddy, tinanggap n’yo po ako sa family n’yo,” nauutalal na pahayag ni Haya.
“Alam ko na ibang-iba ka sa mga babaeng umaligid kay Galen, kung pwede nga lang din sana na hilingin na may kakambal ka siguro mas gugustuhin namin ni Ysabel na iyon din ang ipakilala sa amin ni Galen,” pahayag ni don Samuel habang natatawa.
“Talaga po, salamat po pero darating din po ang panahon na may maipapakilala rin po si Galen sa inyo,” magalang na pahayag ni Haya.
“Hay, sana nga hiya, speaking, ayan na siya,” saad ni Don Samuel habang nakatingin kay Galen na paparating.
“Bakit parang ako ang pinag-uusapan ninyo dad?” pahayag ni Galen nang salitin niyang isayaw si Haya.
“Natanong ko lang naman kay Haya na baka may kakambal siya para naman makahanap ka rin ng matinong babae,” tugon ni Don Samuel kay Galen
“Wala pa naman yan sa plano ko, saka I’m only 24 years’ old dad,” ani Galen sa kanyang ama na hindi na pinansin ang kanyang sinabi.
“Naramdaman ng aking mga kamay nang lumapat sa balikat ni Galen na mas matipuno ang kanyang pangangatawan kumpara kay Gaius na medyo manipis ang kanyang mga balikat.”
“Welcome to family Sebastian my dearest sister-in-law,” bungad ni Galen kay Haya.
“Thank you,” tipid na pahayag ni Haya.
“Alam mo Haya sobrang saya ko para sa kakambal ko, na maiuuwi niya ang nag-iisang Hiraya del Rosario sa tahanan ng Sebastian.”
“Grabe naman ang aking brother-in-law, hindi ba ‘yan pang-aasar?” dudang tanong ni Haya kay Galen.
“Syempre totoo yan! tulad ng sinabi ko sayo kanina sa simbahan hindi na kita aasarin, baka hindi mo ipahiram sa akin ‘yun magiging pamangkin ko pag-inasar kita,” pahayag ni Galen na tila nag-aasar ang kanyang tono.
Hindi napigilan ni Haya ang matawa sa sinabi sa kanya, “maraming salamat Galen, salamat sa pagtanggap ninyo sa akin.”
“Wala yun, basta ingatan mo ang puso ng kakambal ko ha! Alam mo naman na sobrang ingat na ingat ako sa kanya kahit minsan masakit na sa akin,” pahayag sa malungkot na tinig ni Galen at habang nakatingin sa gawi ni Gaius na kasalukuyan na kausap sina Sister Bea at Sister Lucy.
“Ou naman, iingatan ko siya tulad ng pag-iingat mo sa kanya,” pangakong pahayag ni Haya.
“Maraming salamat Haya, ihahatid na kita sayong minamahal,” saka siya inalalayan ni Galen patungo kay Gaius.
Sinundan pa iyon ng iba pang activity tulad ng cake cutting at pagbibigay nila ng mesanhe sa isa’t-isa.
“Haya, mahal ko ikaw ang pinaka malaking blessing na natanggap ko sa aking buhay. Mahahalin kita hanggang sa huling sandali ng aking buhay,” ang mensahe ni Gaius.
“Gaius, mahal ko nagpapasalamat ako na ikaw ang ibinigay sa akin. Sasamahan kita sa hirap at ginhawa dahil hindi mo pinaramdam ang kapansanaa ko at tinanggap mo ako ng buong-buo,” saad naman ni Haya na ikinakilig ng lahat.
Nagbigay rin ng message sina Sister Bea, Sister Lucy at Donya Ysabel kina Haya at Gaius.
“Gaius, anak masaya kami ng daddy at kapatid mo na makakasama mo na ang babaeng pinangarap mo. Alam mo naman na wala akong hiling para sayo, kundi ang maging masaya ka at ang kaligtasan mo.”
“Haya, lubos akong nagpapasalamat na ikaw ang babaeng minahal ng anak ko, wala na akong mahihiling sayo kundi ang mabigyan ninyo kami ng maraming apo,” pahayag ni Donya Ysabel na ikinatuwa ng lahat nang marinig ang huli niyang sinabi.
“Wala na po kaming masabi, dahil alam po namin ni Sister Lucy na sa mabuting pamilya uuwi ang aming anak, bilang pangalawang magulang ni Haya wala kaming hiling sa kanya kundi ang makahanap siya ng taong tatanggap at mahahalin siya ng buong-buo,” ang mensahe ni Sister Bea.
Hindi mapigil ang pagtulo ng luha ni Haya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya Sebastian. Bukod sa pagiging mayaman sa material na bagay ay mayaman din sila sa pagiging mabuting kalooban. At dahil na rin sa pagmamahal na ibinigay sa kanya nina Sister Bea at Sister Lucy.
“Ang susunod naman nating masasaksihan ang pinakahihintay ng lahat” pahayag ng emcee.
Nagbigay siya ng instruction para sa susunod na gagawin, tuwang – tuwa ang mga pinsan ni Gaius at Galen at ang kanilang mga abay. Para naman iyon sa huling activity na boquet and garter tosses.
“Haya ihagis mo na ang bouquet sigaw ng kanilang mga abay,” habang nag-aabang sa kanyang gagawin.
“Mabilis ko naman iyon inihagis, nag-aabang din ako kung sino ang makasasalo. Karamihan sa aming mga abay ay mga pinsan at kaibigan ni Gaius, dahil na rin wala akong kilala sa aking mga kamag anak. “
Naghiyawan ang mga tao sa paligid nang masalo ni Ms. Tricia ang boquet, siya ay isa sa malapit sa pamilya ng Sebastian na kasalukuyan na nagtatrabaho at pinagkakatiwalaan nila sa kanilang family business. Ahead din siya ng dalawang taon kay Haya.
Nagpalakpakan ang kanilang mga panauhin, “halatang maraming nag-aabang sayo Ms. Tricia,” panunudyo ng emcee.
“Ok next naman, syempre ang pinakahihintay ng mga kalalakihan na halatang-halatang gustong makasalo kay Ms. Tricia,” saad ng emcee na ikinatuwa ng lahat.
“Excited na talaga kami! simulan na yan,” Ihaw ng mga pinsan ni Gaius.
Sumunod naman na inihagis ni Gaius ang garter na halos tahimik ang mga tao sa paligid at nag-aabang kung sino ang makakasalo nito.
Laking gulat ni Galen nang sa hawak niyang baso bumagsak ang garter na inihagis ni Gaius, dahil nanatili siya sa gilid habang pinapanood ang kanyang mga pinsan.
Muling naghiyawan ang mga pinsan nila, “hu! ibang level talaga karisma mo kahit hindi sumasalo sayo pa rin ang lipad,” hiyaw ng pinsan nilang si Gabriel.
“Magsitigil nga kayo,” inis na pahayag ni Galen sa panunukso ng kanyang mga pinsan, bakas sa kanyang mukha ang pagkainis.
Laging hindi magkasundo ang pinsan niyang si Gabriel at Galen simula pa noong mga bata sila, dahil sa palaging pang-iinis sa kanya, na hindi niya mapatulan dahil na rin mas bata sa kanya apat na taon.
“Dahil ikaw ang masurweteng nakasalo isusuot ngaun kay Tricia ang garter,” pahayag ng emcee.
Kahit na naiinis ay sinunod pa rin ni Galen ang sinabi ng emcee alang-alang sa kasiyahan din ng kanyang kambal.
Ngiting-ngiti naman si Tricia habang isinusuot sa kanya ni Galen ang garter, “ang sweet naman sigaw muli ng kanyang mga pinsan.”
“Yehey! bigyan naman natin sila ng masigabong palakpakan, “and you are the next bride and groom charot hahaha,” pabirong pahayag ng emcee sa kanila.
Lalo silang naging tampulan ng panunudyo ng kanilang mga pinsan.
“Ang sweet naman,” dagdag pa ng emcee, “pero walang kasing tamis ang ating newlywed Gaius and Haya ito ang simula ng inyong pagsasama bilang mag-asawa at dito na rin nagtatapos ang ating programa,” pagtatapos ng kanilang emcee.
Habang palabas sa bulwagan sina Haya at Gaius ay bigla na lamang nandilihim ang paningin ni Gaius na naging sanhi ng kanyang pagkabuwal. Ikinagulat ng lahat ang nasaksihan nilang iyon.
“Mahal ko! sigaw ni Haya.
“Haya, mahal ko!” ang huling na banggit ni Gaius bago tuluyang nawalan ng malay tao.
Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.
“Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,
Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam
Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma
Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a
“Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako