PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV
"Raket? Anong raket? Hindi ba ako lugi diyan?" tanong ko. Natawa ito. '"No Dear! Malaking pera ang involved dito. Let say, tumataginting na two hundred thousand pesos..." tatawa-tawa nitong sagot. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Gulat ako sa narinig na halaga! "What? As in?" excited kong tanong. Pakiramdam ko biglang nabuhay ang dugo ko sa mga sandaling ito. Pati yata ang mga mata ko ay nagniningning sa matinding antisipasyon. Bigla ko din nakalimutan na broken hearted pala ako. "Yessss! Ganiyan kalaki. Siguro naman pasok ka sa requirements na hinahanap nila. Hind na kasi ako pwede kaya sa iyo ko na lang sinabi ito." nakangiti nitong wika sabay tayo at lumapit sa akin. "Teka lang! Anong klaseng trabaho pala iyun?" tanong ko. HInagod niya ako ng tingin nito mula ulo hangang baba bago nagsalita. "May mayamang lalaki na naghahanap ng babaeng berhin na gusto niyang makatalik. One night stand ba kapalit ng pera na nabanggit ko sa iyo kanina. Gusto mo bang itry?" tanong nito habang may ngiting nakaguhit sa labi. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa gulat. "What? Virgin?" tanong ko. Kaagad itong tumango. "Yes..birhin ka pa diba? At nangangailangan ka ng pera para sa pagpapagamot ng Mommy mo! Bakit ayaw mong subukan?" tanong nito. Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng sarili kong laway. "Wala nang oras. Ngayung gabi nila kailangan ang babaeng birhin. Nag back out ang unang nakasalang at wala silang choice kundi maghanap ng iba." sagot nito. Kung ganon, wala na pala akong time para mag-isip. Malaking pera ang involved at hindi ko alam kong kaya ko bang ipagkaloob ang sarili ko sa isang istranghero kapalit ang pera. "Think about it...Remember, bihira lang na may dumating na offer sa buhay natin. Kung ako sa iyo, grab mo na. Kaysa naman magtiiis ka sa bar na ito na makailang ulit ka ng nabastos diba?" muli nitong pang-uudyok. Saglit akong nahulog sa malalim na pag-iisip. Kaya ko bang ibinta ang virginity ko kapalit ng pagpapagamot kay Mommy? Sabagay, ayos lang siguro na ibenta ko ang virginity ko tutal naman hiwalay na kami ng manloloko kong boyfriend! Kaysa naman kung sinu-sinong mga gago diyan ang makinabang sa virginity ko, eh pagkakitaan ko na! Magagamit ko pa ang pera para maipagamot si Mommy. Kaya lang naguguluhan ako. Natatakot ako! Hindi ko din alam kung kaya ko bang makipag-sex sa isang lalaki kapalit ang pera? Hindi ko alam kung kaya ba ng sikmura ko ang pasukin ang ganoong trabaho. Kung willing lang sana ang walang kwenta kong ama na bigyan ako ng pera para pampagamot ni Mommy, wala sana ako sa ganitong sitwasyon. Kailangan kong mapagamot si Mommy! Siya na lang ang meron ako ngayun at hindi ko talaga siguro kakayanin kung sakaling may masamang mangyari dito. "Okay! Payag ako!' sagot ko sa nanginginig na boses. Kaagad naman gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Monique. Tinitigan ako mula ulo hangang paa bago tumango. "Isang gabi lang Amber. Pagkatapos nito, kayang kaya mo ng ipagamot ang Mommy mo!" nakangiti nitong sagot at nilapitan ako. Hindi ako nakaimik. Two hundred thousand ang offer at kulang pa iyun sa hinihinging bayad ng hospital para maoperahan na si Mommy! Bahala na! Sabay naming nilisan ni Monique ang Bar. Hind na kami nagpaalam sa aming manager. Absent na muna siguro kami or baka pagkatapos ng gabing ito, hindi na muna siguro ako papasok. Magpapahinga na muna siguro ako dahil pagod na pagod na din kasi ang katawang lupa ko. Dumaan lang kami sa apartment ni Monique. Pinahiram niya ako ng seksing damit at inayusan pagkatapos may isang sasakyan na sumundo sa amin. Dinala kami sa isang private resort na pag-aari umano ng lalaki na nakabili sa akin ngayung gabi. Yes...nakabili ang term. Masakit man isipin na buong gabi niya akong nabili at pwede nyang gawin lahat ng gusto niya sa katawan ko. Kapalit ng two hundred thousand pesos. Nakakalungkot pero may pagpipilian pa ba ako? Siyempre, wala na! Nandito na ako eh...wala nang atrasan. "MIss Amber right? Pagkaakyat mo ng hagdan, unang kwarto left side. Pumasok ka sa loob mahiga sa kama. Hintayin mo ang pagdating ni Master at sundin mo lahat ng gusto niya!" wika ng lalaking sumundo sa akin sa apartment ni Monique. Hindi na sumama si Monique dito sa loob ng Villa kaya naman kahit na natatakot ako pilit kong nilalakasan ang loob ko. "Yes Sir!" sagot ko at halos manginig ang tuhod ko ng nag-umpisa na akong humakbang papasok ng Villa. Ito na marahil ang pinaka-mahabang gabi ng buhay ko. Pakiramdam ko, para akong bibitayin ng mga sandaling ito. Ang hirap isipin na nandito ako sa lugar na ito para ibenta ang dangal ko. Mabilis akong nakarating sa second floor ng bahay. Sinunod ko ang instruction ng lalaking sumundo sa akin. Pumasok ako sa kwarto at kaagad kong nalanghap ang kakaibang amoy sa loob. Madilim ang paligid at tanging pinaghalong amoy ng yosi at pabango ang nalalanghap ko. Kinakabahan man, wala akong choice kundi pumasok sa loob at kaagad na nahiga sa kama. Hihintayin ko ang lalaking nakabili sa dangal ko. Hindi ko maiwasan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata dahil sa nararamdamang lungkot. Aminado ako sa sarili ko na natatakot ako. Halos limang minuto din akong nanatili sa kwarto ng dahan-dahan na bumukas ang pintuan. Kaagad akong napatitig doon ng mapansin ko ang pagpasok ng isang bulto ng tao. Hindi kita ang kanyang mukha dahil madilim ang buong paligid. Babangon sana ako ng pagalit itong nagsalita.PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS kong maligo at makapag-bihis ng kumportableng damit, muli akong lumabas ng silid kung saan naabutan ko si Lucian na nasa dining area na at nag-iimpisa nang kumain. "Let's eat!" nakangiti nitong pagyaya sa akin. Mabilis na din akong naglakad palapit sa kanya at naupo sa katapat ng upuan niya "Umorder ka ng mga foods?" nakangiti kong tanong. Sinipat ko ng tingin ang mga pagkain na nasa mesa at hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa nang mapansin ko na may sinangag. I mean, filipino breakfast ang nasa hapag kainan namin ngayun. " Pinabili ko ang isa sa mga bodyguards ko. Mabuti na lang talaga at malapit sa lahat itong penthouse mo. Hindi na tayo mahirapan sa pagkain lalo na mukhang tamad ka pa namang magluto." nakangisi nitong wika sa akin. Wala sa sariling kaagad ko din naman siyang pinandilatan. Bakit kasama siya sa hindi mahihirapan sa paghahanap ng pagkain? Bakit dito ba siya titira kasama ko? Hindi ako papayag. "Hindi ako tamad. N
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KINAUMAGAHAN, saktong kakagising ko lang nang narinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng door bell. Wala sa sariling napabangon ako at muli ding napahiga nang maramdaman ko na sobrang inaantok pa talaga ako. "Ano ba iyn? Ang aga-aga pa! Sino ba iyang isturbo na iyan." naiinis kong bigkas. Wala sa sariling napasabunot ako sa sarili kong buhok at muling napabangon. Paano ba naman kasi, mukhang walang balak na tumigil ang kung sino ang nasa labas at panay ng pindot ng door bell. "Sadali. Sino ba iyan? Ang aga-aga pa eh." naiinis kong bigkas. Wala na akong nagawa pa kundi ang basta na lang hablutin ang roba at isinuot iyun bago ako naglakad palabas ng kwarto. Direcho ako ng main door at pinindot ang gadget para makita kung sino ang nasa labas at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ko ang presensya ni Lucian sa labas. Panay pa rin ang pindot nito sa door bell butoon habang kitang kita ko sa mukha nito ang pagkainip. Hindi ko tuloy mapigilan ang m
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KUNG gusto mo daw na maging maayos at tahimik ang buhay mo, makipagkasundo ka sa taong akala mo malaking banta sa buhay mo at sa taong wala na yatang ibang gustong gawin kundi ang itatak sa isipan mo na pag-aari ka niya. Iyun ang ginawa ko kay Lucian at mukhang epektibo naman. Naging maayos din ang lahat-lahat at pumayag na din akong tumira sa penthouse na niregalo nya sa akin noon. Naging maayos naman ang lahat. Naramdaman ko ang pagalang ni Lucian sa akin. Never ko na din naramdaman na pag-aari niya ako. Hindi ko na din masyadong naramdaman ang pagiging obsessed niya sa akin. Kaswal ang pakikitungo ko sa kanya at ganoon din siya sa akin. Palagi niyang sinasabi sa akin na nagsisisi siya sa mga nagawa niyang pagkakamali at babawi daw kaya naman palagay ang loob ko na susundin niya ang kung ano man ang pangako niya sa akin. "Tomorrow morning, ipapahiram ko sa iyo ang isa sa mga kasambahay ko para ayusin ang mga gamit mo." seryoso niya pang wika sa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "KUNG GUSTO mong maging maayos ulit ang lahat, pwede bang pakingan mo din ang kung ano ang gusto ko, Lucian?" seryosong tanong ko sa kanya! Sa pagkakataon na ito, mas naging mahinahon na ako at medyo nawala na ang mga agam-agam na bumabalot sa puso ko. "Yeah...of course! I am willing na makinig sa kung ano man ang nais mo, Precious. Everything...anything, ibibigay ko sa iyo basta mangako ka lang sa akin na hindi mo ako iiwasan at manatili ka sa tabi ko kahit na ano ang mangyari." seryoso niyang bigkas. Sa totoo lang, ramdam ko ang sensiridad sa boses niya. Siguro nga, nagbago na din siya. Siguro nga nagbago na din naman siya lalo na at nakita ko kung paano niya ako pinagtangol kanina kay Lauren. "Kung talagang concern ka sa akin, pwede bang payagan mo akong mabuhay nang malaya?" seryosong tanong ko sa kanya "Ano ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong niya sa akin. " Kung talagang concern ka sa akin, pwede bang habang nagtatrabaho ako sa kum
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV AYOS ka lang ba?" nakatitig ako sa kawalan nang biglang nagsalita si Lucian sa tabi ko. Nandito na kami sa kotse at binabaybay namin ang daan pauwi ng Villa. "Si Lauren ang may kasalanan noong nahulog ang Mommy mo sa hagdan at alam mo na ang tungkol doon?" seryosong tanong ko sa kanya. Napansin kong napabaling ang tingin niya sa akin at kitang kita sa mga mata niya ang galit . "Yeah, nalaman ko ang tungkol doon pero huli na. Pinarusahan na kita na muntik nang naging dahilan ng pagkawala ng buhay mo!" seryosong bigkas niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Sa totoo lang, sobrang hirap tangapin sa kalooban ang sinabi niya ngayun sa akin. Oo, muntik na akong namatay dahil sa kagagawan ni Lauren. Ang bilis niya kasi talagang naniwala sa mga kasinungalingan ng babaeng iyun eh. Ni hindi man lang siya nagpa-imbistiga at basta niya na lang akong pinarusahan. "Si Lauren din ang may pakana kung bakit nasunog ang bahay kung saan k
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV NAPANSIN Kong napaangat ng tingin si Lucian sa akin nang bigla na lang akong tumayo. Kakatapos lang namin kumain at gusto kong magbanyo. "What?". seryosong tanong niya. Pigil ko naman ang sarili ko na mapasimangot. "Magbabanyo ako. Gusto mong samahan ako?" pabalang kong sagot sa kanya. Napansin ko pa nga ang pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya habang titig na titig siya sa akin. "Okay, pero bumalik ka kaagad. Huwag kang magtagal sa loob ng banyo kung ayaw mong sundan kita doon." seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapairap dahil sa sinabi niya at mabilis na naglakad paalis Kailan pa ba naging OA si Lucian? Hmmppp whatever! Bahala siya sa buhay niya! Mabilis akong pumasok ng banyo at ginawa ko kung ano ang gusto kong gawin. Kaya lang habang naghuhugas ako ng aking kamay siyang pagbukas naman ng pintuan ng banyo. Hindi ko na sana papansinin pa nang mula sa reflection ng salamin napansin kong si Lauren pala ang pumasok "Am
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS ng ilang minuto pagkalabas ni Lucian ng silid, dali-dali akong bumaba ng kama at may pagmamadali sa kilos na naglakad ako patungo sa pintuan ng silid at dahan-dahan na pinihit ang door knob at laking tuwa ko nang mapansin ko na hindi iyun naka-lock. Kung ganoon, mukhang wala naman yatang balak si Lucian na gawin akong bihag eh. Hinayaan nitong bukas ang pintuan so ibig sabihin, pwede akong lumabas at iyun na mga ang ginawa ko. Lumabas ako ng silid at direchong tinahak ang hagdan pababa para lang matigilan nang may biglang nagsalita sa likuran. "Saan ka pupunta?" wika ng isang seryosong boses. Napatigil ako sa paghakbang at kinakabahan na napalingon at hindi maiwasan na makaramdam ng kaba nang tumampad sa paningin ko ang seryosong hitsura ni Lucian "Sa ibaba. Maghahanap....I mean iinom sana ako ng malamig na tubig." kinakabahan kong sagot sa kanya. Napansin kong seryoso lang itong tumitig sa akin at mabilis na naglakad palapit. "Since,
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "SAAN mo ako dadalhin? Ihinto mo ang sasakyan at bababa ako!" paasik na wika ko kay Lucian. Bahala na siya kung mas lalo siyang magalit sa akin. Wala na akong pakialam pa. Pagod na ako sa kakaibang ugali ng lalaking ito eh. Bakit ba nagbago na naman ang isip niya? Tahimik na ang dati kong buhay tapos heto na naman. Balik na naman ba kami sa dati? Haysst! "Sa lugar kung saan alam kong walang ibang lalaki na magtatangka na agawin ka sa akin."seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot. Nababaliw na nga talaga siguro ang lalaking ito. Sa totoo lang, kanina pa ako naguguluhan eh. Kanina ko pa iniisip kung gaano katotoo ang sinabi niya sa akin kanina na pag-aari niya daw ang condo unit na tinitirhan ko. Imposible kasi talaga dahll ang alam ko si Sapphire ang nagmamay-ari noon eh. Wala sa sariling muli akong napatingin kay Lucian. Nakapikit ang mga mata niya pero salubong ang kilay niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hin
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "CONDO mo? Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong kay Lucian. Paanong naging condo niya gayung ang alam ko si Sapphire ang dahilan kaya ako tumira dito. "Kakasabi ko lang sa iyo kanina na hindi ka pwedeng mag entertain ng kahit na sinong lalaki, Precious. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko, akin ka lang at walang ibang magmamay-ari sa iyo kundi ako lang." seryosong bigkas niya. "No! Hindi ako pumapayag. Nangako ka sa akin noon na hindi mo na ako pakikialaman pa. Na papalayain mo na ako at hindi mo ako guguluhin kahit kailan." seryosong sambit ko. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at seryoso niya akong tinitigan. "Noon iyun, nagbago na ang isip ko ngayun. Lalo ka at alam kong balak kang ligawan ng gagong ito!" galit niyang sambit at muli niya na namang sinapak si David na siyang dahilan kaya mahilo-hilo itong napahiga sa sahig. "Lucian, ano ba? Pamangkin mo si David bakit mo ba siya sinasakyan?" halos pasigaw kong