PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAANO ba iyan, kanya-kanya na muna tayo?" nakangiting bigkas ni Sapphire sa aming dalawa ni Ruby. Kakababa lang namin sa sinakyan naming barko dito sa port nang bigla niyang sabihin ang katagang iyun. Kanya-kanya, ibig sabihin, bahala na kami sa kanya-kanya naming sarili. Uuwi na sila sa bahay nila samantalang ako, hindi ko alam kung saan patutungo Gayunpaman, pilit akong ngumiti. Dalawang taon din kaming magkasama sa iisang bubong at nasanay na ako sa presensya nila pero kailangan kong initindihin ang sitwasyn. HIndi habambuhay, kasama ko sila. "Oo naman! Kanya-kanya na tayo pero text-text pa rin tayo. HIndi porket nandito na tayo sa Manila, hindi na tayo magkaibigan ha?" nakangiti kong sagot. "OO naman, kahit na anong mangyari, friends pa rin naman tayo." sagot din naman kaagad ni Ruby. Ilang saglit lang, nagkanya-kanya na din kami ng landas. Sumakay ako ng bus patungo sa pinaka-centro ng Metro Manila. Balak kong maghanap ng mumurahing hotel ha
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "AMBER, ikaw nga!:" nakangiting wika ni Risa sa akin nang magkita kami dito mismo sa harapan ng paborito naming mall. Walang pag-aalinlangan na mahigpit niya akong niyakap. "Risa...ang ganda mo! Kumusta ka na? Teka, ikaw ba talaga iyan? Mukha ka na talagang asensado ah?" nakangiti kong sagot. Totoo naman talaga kasi eh. Ibang iba na ang awra ni Risa ngayun. Ang damit na suot niya ngayun ay halatang mamahalin. May makapal na hikaw at kwentas na din siya. Sa loob ng dalawang taon ang laki ng ipinagbago ng appearance niya. Ano ka ba...mas maganda ka pa rin kumpara sa akin. Teka lang kumain ka na ba? Saan ka ba nakarating ha? Bakit ngayun ka lang?" seryosong tanong niya. Mahabang istorya. Pero ngayung nagbalik na ako dito sa Metro Manila, gusto ko nang umpisahan ulit ang magiging buhay ko." seryosong tanong ko "Haysst, thank you naman at sa wakas nalagpasan mo din ang mga pagsubok mo, Amber. Masaya ako dahil nagbalik ka na." nakangiting bigkas niya
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS naming kumain at mag-usap mabilis na din akong nagpaalam kay Risa na babalik na ako ng hotel. Balak kong magpahinga dahil bukas ng umaga, uumpisahan ko nang maghanap ng mauupahan kahit maliit na kwarto lang. "Are you sure na hindi ka sasama sa akin sa bahay? Pwede ka naman doon ah? Welcome na welcome ka sa bahay namin, Amber." nakangiting wika ni Risa sa akin. Asensado na talaga siya dahil may sarili na din siyang kotse. Nagpresenta pa nga siyang ihatid ako dito sa hotel kung saan ako naka-check-in. "Ayos lang talaga ako, Risa. Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko na ang sarili ko." nakangiti kong sagot. "Ikaw...sige, bahala ka. Pero kapag may kailangan ka, huwag kang mahiya na tawagan ako ha? Regarding nga pala sa paghahanap mo ng bahay, magtatanong-tanong din ako." nakangiti niyang bigkas. "Thank you, Risa. Sige, kapag kailangan ko ng tulong mo, tatawag ako sa iyo." nakangiti kong bigkas. "Mag-ingat ka dito ha? Siya nga pala, kita ta
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Nang tuluyan na akong nakalipat sa condo ni Sapphire, kinabukasan, pinili kong dalawin si Mommy sa puntod niya. May kirot pa rin akong naramdaman sa puso ko dulot ng pagkawala niya pero kailangan kong tangapin iyun. Namamahinga na si Mommy at tanging dasal na lang ang maiaalay ko sa kanya. Naging maayos naman ang sumunod na sandali ng buhay ko. Ilang araw pagkatapos kong makalipat sa condo ni Sapphire, nag-start na din kaaad akong mag job hunting. Lahat ng mga nakikita kong hiring ay pinapasahan ko na ng resume. Kay lang, sadyang mahirap talaga sigurong makapasok sa trabaho sa mga panahon na ito, dahil hindi man lang ako nahahire. May mga pagkakataon din naman na naiinterview ako. Kaya lang, pagkatapos ng interview, sinasabi nilang tatawagan daw nila ako. Pero negative pa rin. Namuti na lang ang mga mata ko sa kakahintay pero walang tawag na dumating sa akin. Napapaisip tuloy ako minsan kung tama ba ang desisyon kong bumalik ng Manila. Sumuko
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "AMBER, ready na ang order nila." parang kiti-kiting bigkas ng kasamahan ko sa trabaho na si Lesley. Ready na ang order nila Lucian at David at kailangan ko iyung i-serve sa kanila. Nauna ko nang ibigay sa kanila kanina ang kanilang drinks at appetizer. Iyun nga lang, hindi ko talaga maiwasan na makaramdam ng pagkailang lalo na at kakaiba ang approach ni David sa akin kanina. Friendly approach na akala mo wala kaming away noong mga nakaraang taon samantalang si Lucian naman ay tahimik lang pero palagi ko siyang nahuhuli na kakaiba kung tumitig sa akin. "Gusto mo tulungan ka na namin na iserve sa kanila ang mga pagkain, Amber?" ngiting ngiti na tanong sa akin ni Lesley. Walang pag-aalinlangan na kaagad naman akong tumango Pabor na pabor sa akin iyun. Kung gusto nila sila na din ang mag serve eh. Tutal naman, sobrang naiilang na din talaga ako sa tuwing nakakaharap ko si Lucian. "Talaga? As in ayos lang sa iyo?" nakangiting tanong ni Annie. Kitang
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Hey...can you please call your manager, now!" seryosong bigkas ni Lucian nang biglang napadaan si Lesley sa harapan namin. Hindi pa nga nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumutla ng mukha ni Lesley. Nasindak yata siya sa taas ng boses ni Lucian Pambihirang Lucian na ito. Ano ba talaga ang gusto niya? Bakit siya gumagawa ng eksena ngayun? Ganito ba talaga siya kahirap pagsilbiihan? I mean...oo, palagi kaming kumakain sa mga restaurant noong kami pa pero hindi naman ganito kasama ang pakikitungo niya sa mga waiter at waitress na nagseserve sa amin? Bakit ngayun ang arte-arte niya na? "Okay Sir...noted!" sagot naman kaagad ni Lesley. Halata sa boses nito ang panginginig. Mukang natakot nga talaga siguro siya kay Lucian Sabagay, kapag may call the manager pa naman na issue tiyak kaming costumers complain ito kaya lagot kami nito. "Sir..a-no po ang problema? Ku-kulang po ba ang naibigay namin ng order sa inyo?" kinakabahan ko ding tanong. Kay
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Precious, I am serious! Sakay na!" muling bigkas ni Lucian kaya wala na akong choice kundi ang sumakay na sa kanyang kotse. Wala eh. Kilala ko siya at alam kong hindi niya talaga ako titigilan hangat hindi niya masunod ang gusto niya. "Ano ang kailangan mo sa akin?" seryoso kong tanong sa kanya nang makasakay na ako sa kotse niya. Direcho lang ang tingin ko sa unahang bahagi ng sasakyan. Ewan ko kung ano ang kailangan niya sa akin at kung bakit kailangan niya pa akong paglaaanan ng oras gayung kung totoosin, masyado naman na siyang abalang tao "Nagha-hire ang kumpanya ko ng bagong staff at pwede kang mag apply." diretsahan niyang bigkas. Hindi ko naman maiwasan ang magulat. TAlaga lang ha? Ito ba talaga ang sadya niya? Kaya niya ako inabangan sa labas ng restaurant dahil lang dito? "May trabaho na po ako. HIndi ko na kailangan pang maghanap ng iba pang trabaho.'" seryoso kong sagot sa kanya! Actually, kaya kong talikuran ang pangarap kong ma
THIRD PARTY POV "UNCLE!" tawag ni David sa tiyuhin niya. Ngayun ang karaawan ng kanilang abuelo at as usual, late na naman ang kanyang tiyuhin. Kung saan patapos na ang party at nagsi-uwian na ang mga bisita tsaka naman ito dumating. "What?" paasik na tanong ni Lucian sa pamangkin niya. Nagmamadali na siyang bumaba kanina ng kotse dahil alam niyang nagtatampo na naman sa kanya ang Lolo niya. "Late ka na naman! Kanina ka pa hinihintay ni Lolo!" sagot naman kaagad ni David. "Bakit, hindi ba pwedeng umpisahan ang party kung wala ako?" masungit na tanong ni Lucian sa pamangkin niya. Hindi naman maisan na matawa ni David. "Naumpisahan na nga at tapos na din kaya lang kanina ka pa hinahanap nila lolo at Lola! Saan ka ba galing, uncle?" seryosong tanong ni David sa tiyuhin niya. May idea na siya kung saan galing ang tiyuhin niya at kung bakit ngayun lang ito dumating pero gusto niya pa ring marinig mula sa bibig nito ang katotohahan. '"Wala ka na doon. Nasaan sila Lolo at Lola?
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ OPV "BAKIT DITO?" nagtataka kong tanong kay Lucian nang huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang night club. Kusa na akong sumama sa kanya kanina nang yayain niya akong magdinner pero hindi ko naman akalain na sa ganitong lugar niya ako dadalhin. Although, alam kong mamahaling night club ito pero natatakot pa rin akong pumasok sa loob. Baka kasi kung anu-ano ang makikita ng mga mata ko eh. Tsaka, kung dito pumunta itong si Lucian, ibig sabihin may balak siyang uminom ng alak "Why? Hindi mo gusto dito? Bakit?" seryosong tanong niya. "Ahmm, wala naman! Akala ko kasi kakain lang tayo eh.'" mahina kong sambit. "Believed me, Precious...mag-eenjoy ka dito." nakangiti niyang sambit. Mabilis na siyang bumaba ng sasakyan at hindi na ako nagprotesta pa nang bigla niya na lang din akong alalayan pababa. Noon pa man, sanay na sanay na akong hawakan niya kaya no big deal na sa akin ang mga ganitong bagay. Hindi niya na binitiwan ang kamay ko habang naglal
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "HINDI pa po Sir." mahina kong bigkas. Pinilit ko siyang huwag lingunin ulit dahil ayaw kong makita niya na kanina pa ako naiiyak dahil sa sama ng loob. Makikita niya. Aabsent talaga ako bukas. Bahala siya kung tangalin nya ako. Wala na akong pakialam pa. "We need to go home. You can continue your work tomorrow." narinig kong bigkas niya. Hindi ko siya pinansin bagkos lalo kong inilapit ang mukha ko sa monitor ng aking computer. Para naman ipakita sa kanya kung gaano ako ka-hardworking. "Precious, I said tama na iyan. Marami pang araw para matapos mo ang trabahong iyan.'" narinig kong muli niyang bigkas. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Marami pa palang araw pero bakit ayaw niya akong pauwiin kanina? Sabi niya tapusin ko daw eh. "Sir kayo na din po ang nagsabi kanina na kailangan ko pong tapusin ito bago ako uuwi. Kung wala na po kayong importante na sasabihin pwede po bang iwan niyo na ako?" seryosong bigkas. "Tsk! Sino ba an
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV MALAKAS ang kabog ng dibdib na kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Lucian. Dala-dala ko pa rin ang report na ni-reject niya kaninang umaga pero wala namang kahit ni isa akong nabago. Para sa akin, wala namang talagang mali kaya walang dapat na baguhin. Gusto lang talaga akong pahirapan ni Lucian. Ang mga kasamahan ko ay nagsipag-uwian na kasama si Ms. Mayette. Ako na lang ang mag-isang nandito sa labas dahil kahit na si Sapphire iniwan na din ako. Ang unfair ng babaeng iyun. Napapansin kong hindi na siya kagaya ng dati na halos ayaw akong iwan. "Come in!" narinig ko ang boses ni Lucian mula sa loob ng opisina kaya naman humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko dahan-dahan na binuksan ang pintuan. Kaagad kong napansin si Lucian na nakaupo sa kanyang swivel chair habang abala sa harap ng kanyang computer. Peke akong tumikhim para makuha ang attention niya. "Ehemmm! Sir!" tawag ko pa sa kanya! Nag-angat naman ito ng tingin at direktang
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Nandoon pa po sa cafeteria ang pagkain ko at kung hindi naman importante ang kailangan mo pwede bang bumalik ako doon?" seryosong tanong ko sa kanya. Napansin kong kaagad namang nagsalubong ang kilay niya. Hindi yata siya masaya sa sinabi ko "No! Simula ngayung araw, hindi ka na sa cafeteria kakain."Seryosong bigkas niya. Kung hindi ako pwedeng kumain sa cafeteria saan ako kakakin kapag lunch. Hindi naman ako pwedeng magbaon dahil tamad na akong magluto. Feeling ko waste of time lang dahil mag-isa lang naman ako. "Hindi kita maintindihan! Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" seryosong tanong ko. Napansin ko naman ang makahulugang paguhit ng ngiti sa labi niya. "No! Nothing! Gusto lang kitang alagaan at portektahan sa lahat ng oras kaya ko ito ginagawa." seryoso niyang sambit. Hindi ko naman maiwasan na mapailing. '"Protektahan? Bakit? Nangako ka sa akin noon na hindi mo na ako pakikialaman pero ano itong ginagawa mo?" seryoso kong sambit
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Mr. Rodney, pwede po bang pakisabi kay Mr. CEO na tatapusin ko lang ang food ko. Sayang kasi eh." hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Makikiusap at makikiusap pa rin ako at baka mapagbigyan. Baka naman magbigay sila ng consideration since break time ko naman "I am sorry Madam pero hinihintay na kayo ni Sir. Alam niyo po kung paano sya magalit kaya sumama na po kayo sa akin." nakangiti namang sagot niya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang magulat nang tawagin niya akong Madam. HIndi ko alam kung sadya ba iyun or baka lutang lang itong Personal Secretary ni Lucian? Wala sa sariling napatingin ako kay Sapphire at nang mapansin kong nakayuko lang ito wala na akong choice kundi ang tumayo na. Umaasa kasi ako kanina na tutulungan niya ako na kumbinsihin si Mr. Quizon na kung pwede mamaya ko na pupuntahan si Lucian. Kaya lang, pati yata si Sapphire takot sa big Boss namin eh. Pati ang iba pang mga kasamahan namin dito sa table deadma din. Hindi k
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV SA lahat yata ng nagpasa ng report kay Lucian, si Sapphire lang ang hindi napagalitan. Siya lang din kasi ang bukod tangi na lumabas na nakangiti eh Sabagay, matapang si Sapphire. Malakas din ang loob nito at hindi naman talaga siguro niya kailangan ang magtrabaho since para namang may kaya ang pamilya nito kaya siguro easy-easy lang sa kanya ang makiharap kay Lucian "Ms. Rodriguez, pakiulit daw lahat ito." abala ang mga mata ko sa harap ng computer nang bigla akong lapitan ni Ms. Mayette. Inilapag niya sa ibabaw ng table ang familiar na mga dokumento. Iyun iyung reports na ipinasa ko kanina kay Lucian "Bakit daw po, Ms. Mayette?" nagtataka kong tanong "Sinabi ni Mr. CEO na marami daw mali. Reviewhin mo daw ulit at ipasa sa kanya within a day." seryoso niyang bigkas. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat Seryoso? Rereviewhin ko? Titingnan ko daw ang mga mali? Paano? I mean..hindi ko gets dahil para sa akin walang mali sa ginawa kong re
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Pa-para sa akin po?" nagtataka kong tanong. Ano ang nakain niya, bakit pati ako may pasalubong daw mula sa kanya? "Bakit, may iba pa bang tao dito maliban sa ating dalawa? Keep it! Masyado akong nagandahan sa bagay na iyan kaya binili ko. Since, wala naman akong ibang mapagbigyan, sa iyo na lang." baliwala niyang bigkas. Pagkatapos noon, binuklat niya na ang dala kong mga reports at isa-isa niya nang tiningnan. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko. Nagtatalo ang isipan ko kung tatangapin ko ba ang pasalubong niya daw. Para kasing hind normal kung papasalubungan mo ang empleyado mo eh. Para bang masyadong nakakahiya. Tsaka ano na lang ang iispin ng mga kasamahan namin kapag malaman nila ito? HIndi talaga maganda "Ano pa ang hinintay mo? Bakit hindi mo pa tinitingnan ang pasalubong ko sa iyo? Don't tell me na ayaw mong tangapin? Malaking insulto sa akin iyan at alam mo naman siguro kung paano ako magalit diba?" seryoso niyang bigkas. Hindi
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV NAGING maayos ang susunod na mga araw ng buhay ko. Kahit papano, nasanay na din ako sa bagong routine ng buhay ko. Medyo gamay ko na din ang trabaho sa LMF Corporation Hangang sa dumating na ang araw ng pag-uwi ni Lucian. Abala ako sa harap ng aking computer nang marinig ko ang sunod-sunod na pagbati ng mga kasamahan ko. "Good Morning, Mr. CEO!" narinig kong sambit nila. Wala sa sariling napaangat ako ng tingin at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko sa gulat nang sumalubong sa paningin ko ang formal na mukha ni Lucian "Good Morning, Mr. CEO." bigkas ko din sabay tayo. Nakatayo kasi ang mga kasamahan ko habang nagbibigay sila ng pagalang kay Lucian. Nakiki-Mr. CEO na din ako. Bahala na. Teka lang, ngayun na ba ang araw ng uwi ni Lucian? Wala pang isang buwan ah? "Good Morning everyone!" formal na sagot ni Lucian. Nahuli ko na tinapunan lang ako ng tingin nito bago mabilis na pumasok sa loob ng opisina. Nanghihina naman akong muling napa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Ahmm, never mind! Maybe, nagkita lang tayo before somewhere tapos hindi ko na maalala kung saan." nakangiti muling bigkas ni Ms. Mayette pagkatapos noon, niyaya niya na kami sa top floor. Doon kami ma-aasign malapit sa opisina ng CEO. Kagaya pa rin ng dati, wala pa ring ipinagbago ang top floor. Ang kaibahan ng lang, mukhang mga bago ang mga mukha ng mga empleyado na naka-assign dito May walong table ang makikita dito sa top floor maliban sa opisina mismo ng CEO kaya malawak ang buong paligid. HIndi kagaya sa ibang floor na wala ka masyadong maikutan dahil marami sila at halos puro opisina mula sa ibat ibang department. "Ms. Amber, dito ka at doon ka naman Ms. Sapphire." muling wika ni Ms. Mayette. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa salamin na opisina ni Lucian. Naalala ko dati na kapag nasa loob ka ng opisina niya makikita mo ang mga kaganapan sa labas. Ito yata ang disadvantage kapag naka-asign ka malapit sa opisina ng CEO. Bawal ang lalamya-l