PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KUNG gusto mo daw na maging maayos at tahimik ang buhay mo, makipagkasundo ka sa taong akala mo malaking banta sa buhay mo at sa taong wala na yatang ibang gustong gawin kundi ang itatak sa isipan mo na pag-aari ka niya. Iyun ang ginawa ko kay Lucian at mukhang epektibo naman. Naging maayos din ang lahat-lahat at pumayag na din akong tumira sa penthouse na niregalo nya sa akin noon. Naging maayos naman ang lahat. Naramdaman ko ang pagalang ni Lucian sa akin. Never ko na din naramdaman na pag-aari niya ako. Hindi ko na din masyadong naramdaman ang pagiging obsessed niya sa akin. Kaswal ang pakikitungo ko sa kanya at ganoon din siya sa akin. Palagi niyang sinasabi sa akin na nagsisisi siya sa mga nagawa niyang pagkakamali at babawi daw kaya naman palagay ang loob ko na susundin niya ang kung ano man ang pangako niya sa akin. "Tomorrow morning, ipapahiram ko sa iyo ang isa sa mga kasambahay ko para ayusin ang mga gamit mo." seryoso niya pang wika sa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "KUNG GUSTO mong maging maayos ulit ang lahat, pwede bang pakingan mo din ang kung ano ang gusto ko, Lucian?" seryosong tanong ko sa kanya! Sa pagkakataon na ito, mas naging mahinahon na ako at medyo nawala na ang mga agam-agam na bumabalot sa puso ko. "Yeah...of course! I am willing na makinig sa kung ano man ang nais mo, Precious. Everything...anything, ibibigay ko sa iyo basta mangako ka lang sa akin na hindi mo ako iiwasan at manatili ka sa tabi ko kahit na ano ang mangyari." seryoso niyang bigkas. Sa totoo lang, ramdam ko ang sensiridad sa boses niya. Siguro nga, nagbago na din siya. Siguro nga nagbago na din naman siya lalo na at nakita ko kung paano niya ako pinagtangol kanina kay Lauren. "Kung talagang concern ka sa akin, pwede bang payagan mo akong mabuhay nang malaya?" seryosong tanong ko sa kanya "Ano ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong niya sa akin. " Kung talagang concern ka sa akin, pwede bang habang nagtatrabaho ako sa kum
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV AYOS ka lang ba?" nakatitig ako sa kawalan nang biglang nagsalita si Lucian sa tabi ko. Nandito na kami sa kotse at binabaybay namin ang daan pauwi ng Villa. "Si Lauren ang may kasalanan noong nahulog ang Mommy mo sa hagdan at alam mo na ang tungkol doon?" seryosong tanong ko sa kanya. Napansin kong napabaling ang tingin niya sa akin at kitang kita sa mga mata niya ang galit . "Yeah, nalaman ko ang tungkol doon pero huli na. Pinarusahan na kita na muntik nang naging dahilan ng pagkawala ng buhay mo!" seryosong bigkas niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Sa totoo lang, sobrang hirap tangapin sa kalooban ang sinabi niya ngayun sa akin. Oo, muntik na akong namatay dahil sa kagagawan ni Lauren. Ang bilis niya kasi talagang naniwala sa mga kasinungalingan ng babaeng iyun eh. Ni hindi man lang siya nagpa-imbistiga at basta niya na lang akong pinarusahan. "Si Lauren din ang may pakana kung bakit nasunog ang bahay kung saan k
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV NAPANSIN Kong napaangat ng tingin si Lucian sa akin nang bigla na lang akong tumayo. Kakatapos lang namin kumain at gusto kong magbanyo. "What?". seryosong tanong niya. Pigil ko naman ang sarili ko na mapasimangot. "Magbabanyo ako. Gusto mong samahan ako?" pabalang kong sagot sa kanya. Napansin ko pa nga ang pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya habang titig na titig siya sa akin. "Okay, pero bumalik ka kaagad. Huwag kang magtagal sa loob ng banyo kung ayaw mong sundan kita doon." seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapairap dahil sa sinabi niya at mabilis na naglakad paalis Kailan pa ba naging OA si Lucian? Hmmppp whatever! Bahala siya sa buhay niya! Mabilis akong pumasok ng banyo at ginawa ko kung ano ang gusto kong gawin. Kaya lang habang naghuhugas ako ng aking kamay siyang pagbukas naman ng pintuan ng banyo. Hindi ko na sana papansinin pa nang mula sa reflection ng salamin napansin kong si Lauren pala ang pumasok "Am
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS ng ilang minuto pagkalabas ni Lucian ng silid, dali-dali akong bumaba ng kama at may pagmamadali sa kilos na naglakad ako patungo sa pintuan ng silid at dahan-dahan na pinihit ang door knob at laking tuwa ko nang mapansin ko na hindi iyun naka-lock. Kung ganoon, mukhang wala naman yatang balak si Lucian na gawin akong bihag eh. Hinayaan nitong bukas ang pintuan so ibig sabihin, pwede akong lumabas at iyun na mga ang ginawa ko. Lumabas ako ng silid at direchong tinahak ang hagdan pababa para lang matigilan nang may biglang nagsalita sa likuran. "Saan ka pupunta?" wika ng isang seryosong boses. Napatigil ako sa paghakbang at kinakabahan na napalingon at hindi maiwasan na makaramdam ng kaba nang tumampad sa paningin ko ang seryosong hitsura ni Lucian "Sa ibaba. Maghahanap....I mean iinom sana ako ng malamig na tubig." kinakabahan kong sagot sa kanya. Napansin kong seryoso lang itong tumitig sa akin at mabilis na naglakad palapit. "Since,
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "SAAN mo ako dadalhin? Ihinto mo ang sasakyan at bababa ako!" paasik na wika ko kay Lucian. Bahala na siya kung mas lalo siyang magalit sa akin. Wala na akong pakialam pa. Pagod na ako sa kakaibang ugali ng lalaking ito eh. Bakit ba nagbago na naman ang isip niya? Tahimik na ang dati kong buhay tapos heto na naman. Balik na naman ba kami sa dati? Haysst! "Sa lugar kung saan alam kong walang ibang lalaki na magtatangka na agawin ka sa akin."seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot. Nababaliw na nga talaga siguro ang lalaking ito. Sa totoo lang, kanina pa ako naguguluhan eh. Kanina ko pa iniisip kung gaano katotoo ang sinabi niya sa akin kanina na pag-aari niya daw ang condo unit na tinitirhan ko. Imposible kasi talaga dahll ang alam ko si Sapphire ang nagmamay-ari noon eh. Wala sa sariling muli akong napatingin kay Lucian. Nakapikit ang mga mata niya pero salubong ang kilay niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hin
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "CONDO mo? Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong kay Lucian. Paanong naging condo niya gayung ang alam ko si Sapphire ang dahilan kaya ako tumira dito. "Kakasabi ko lang sa iyo kanina na hindi ka pwedeng mag entertain ng kahit na sinong lalaki, Precious. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko, akin ka lang at walang ibang magmamay-ari sa iyo kundi ako lang." seryosong bigkas niya. "No! Hindi ako pumapayag. Nangako ka sa akin noon na hindi mo na ako pakikialaman pa. Na papalayain mo na ako at hindi mo ako guguluhin kahit kailan." seryosong sambit ko. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at seryoso niya akong tinitigan. "Noon iyun, nagbago na ang isip ko ngayun. Lalo ka at alam kong balak kang ligawan ng gagong ito!" galit niyang sambit at muli niya na namang sinapak si David na siyang dahilan kaya mahilo-hilo itong napahiga sa sahig. "Lucian, ano ba? Pamangkin mo si David bakit mo ba siya sinasakyan?" halos pasigaw kong
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV ARE you sure ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sapphire habang nandito kami sa loob ng kanyang kotse. Pauwi na ako ng condo at nagboluntaryo na naman ito na ihahatid niya daw ako. "No...hindi ako okay. Siguro, kailangan ko nang magresign sa trabaho." seryosong sambit ko. Oo...iyan ang plano ko ngayun kaysa naman patuloy kong titiisin ang ginagawang panggugulo ni Lucian sa buhay ko. Ayaw ko nang dumating sa punto na baka mamalayan ko na naman na muli niya akong nabihag. "Ha? bakit naman? Sayang naman kung basta ka na lang aalis ng trabaho, Amber." seryosong sambit niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumitig sa kawalan. "Hindi ako titigilan ni Lucian." seryosong sambit ko. "Si Sir Lucian? Teka lang...bakit siya ang dahilan? May ginawa ba siyang mga bagay-bagay na hindi mo nagustuhan?" seryosong tanong niya sa akin. "Wa-wala naman kaya lang kilala ko siya noon pa man. Alam ko kung anong klaseng ugali
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PARANG bomba na sumabog sa pandinig ko ang sinsabing iyun sa akin ni Lucian. Hindi ako makapaniwala sa narinig kong muli sa kanya . Kung ganoon, may dahilan talaga siya kung bakit siya ganito ngayun sa akin. May plano na naman siya Akala ko talaga tuluyan niya na akong papalayain pero hindi pala. Nagbago na naman ang lahat at alam kong mahirap siyang iwasan. "Hi-hindi na mangyayari ulit ang mga nangyari na noon, Lucian. Wala na akong balak pang muling balikan ang mga nangyari na noon " lakas loob kong sambit. Kailangàn kong panindigan ang lahat -lahat para sa katahimikan ng buhay ko. Nakakaramdam lang ako ng tunay na katahimikan simula noong pinalaya niya ako. "Why? Because of David? Nagkabalikan na ba kayo?" seryosong tanong niya. Nahihimigan ko din sa boses niya ang pait at lungkot. Kaagad naman akong umiling. "Walang kinalaman si David sa kung ano mang desisyon na gagawin ko sa buhay ko kaya huwag mo siyang idamay." seryosong sambit ko. Is