PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ako materialistic na tao kaya naman itinabi ko na muna ang mga pinadeliver na mga items sa akin ni Lucian. Maliban sa mga pagkain, wala akong balak na pakialaman ang mga bagay na ibinigay niya sa akin. Gusto kong isauli sa kanya lahat iyun dahil hindi ko matatangap. Ayaw ko din kasing isipin nito na gustong gusto ko ang ginagawa niya at natutuwa ako Naging maayos na ang panahon kinabukasan kaya naman maaga pa lang gumayak na ako papasok ng opsina. Sumisikat na din naman ang araw na para bang nagdahilan lang ang langit kahapon ng hapon at gabi dahil sa lakas ng ulan. Nag grab na lang ako at mabilis akong nakarating ng opisina. Kaagad akong pumasok sa loob nang hindi ko maiwasan na magtaka dahil habang naglalakad ako patungo sa elevator, napapansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng ibang mga empleyado ng ibat ibang department. "Siya ba iyun napapabalita na bagong apple of the eye ni Mr. Ferrero? Sabagay, maganda naman pala eh. No wonder na gus
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV NAGHAHANDA na ako para matulog nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Hello?" seryosong sagot ko "Precious, kumusta ka? Nasa condo ka na ba?" sagot naman kaagad ng nasa kabilang linya. Hindi ko maiwasan na mapakunot noo nang mabosesan ko siya. Walang iba kundi si Lucian at halata naman na siya talaga dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin ng pangalang Precious "O-oo! Kanina pa. Inihatid ako ni Sapphire." sagot ko din naman kaagad sa kanya! "Good, siya nga pala, may pinadeliver akong mga pagkain para sa iyo. Baka parating na iyun kaya abangan mo na lang ha? Medyo masama ng panahon at kailangan mo ng stocks. Kapag hindi bumuti ang panahon bukas, huwag ka na lang munang pumasok ng opisina. Wala din ako sa opisina bukas dahil may meeting akong dadaluhan sa bandang norte." seryosong bigkas niya. "Ahmm, okay! Kapag kaya naman ang panahon bukas, papasok
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV"UWIAN na!" narinig kong sambit ng isa sa mga kasamahan kong si Anne habang tutok na tutok pa rin ang mga mata ko sa harap ng computer. Wala sa sariling napasulyap ako sa orasan at doon ko napagtanto na alas sinko na nga pala ng hapon.Kay bilis ng oras at feeling ko wala pa akong nagawang matinong trabaho ngayung araw. Gayunpaman, kailangan ko nang magligpit para makauwi na."Hindi ka pa ba uuwi, Amber?" narinig kong tanong sa akin ni Sapphire kaya kaagad kong nag-angat ng tingin"Uuwi na! Pwede ba akong sumabay sa iyo?" nakangiti kong tanong sa kanya. Tumango naman kaaagad ito.Mabuti na lang talaga, sa kabila nang mga nangyari at issue na kinakaharap ko ngayun, mukhang hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin ni Sapphire. Malugod pa rin na nakikipag-usap siya ngayung sa akin. Hindi kagaya ng iba pa naming kasamahan na akala mo may ginawa akong kasalanan sa kanila dahil ramdam ko sama ang loob nila sa akin na akala mo may nagawa akong pagkakamali."
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PINAPATAWAG niyo daw po ako, Sir." mahinang tanong ko kay Lucian pagkapasok ko sa loob ng kanyang opisina. Kaagad naman itong nag-angat ng tingin at direchong tumitig sa akin,. "Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" seryosong tanong niya sa akin. Wala sa sariling kaagad naman akong tumango "Pa-pasensya na po kayo kung nakatulog ako kanina. Hindi ko po sinasadya." mahina kong sambit. Hindi ako makatingin ng direcho sa kanya dahil nahihiya pa rin ako. Oras ng trabaho, nakatulog ako and imbes na pagalitan niya ako, ni hindi niya man lang ginawa bagkos, nagawa niya pang ipagamit sa akin ang kanyang secret room para maging kumportable ako. "Ayos lang. Walang problema. Napuyat ka kagabi at hindi ko din ini-expect na papasok ka ngayung araw." seryosong sambit niya. Hindi naman ako nakaimik. "Siya nga pala, kumain ka muna. Pasado alas dos na ng hapon at nalipasan ka na ng lunch time." muling bigkas niya gamit ang malumanay niyang boses sabay turo s
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Okay na po, Sir! Sa-sa labas na po ako." mahina kong sambit bago ako nagmamadaling lumabas ng kanyang secret room Ni hindi ko nga pinakingan pa kahit na tinatawag niya ang pangalan ko. Masyado nang nakakahiya at ayaw ko nang magtagal pa kahit na ilang minuto dito sa loob ng opisina niya Ano ba kasi ang nangyari? Gaano ba kahimbing ang tulog ko kanina na kahit ang pagtransfer ko ng kwarto ay hindi ko man lang namalayan. Masyado na akong nakakahiya at hindi ko na tuloy alam kung ano ang magiging reaction ng mga kasamahan ko sa akin. Pagkalabas ko ng opisina ni Lucian, nakayuko akong naglakad patungo sa aking table at tahimik na naupo. Nahihiya ako sa mga kasamahan ko. "Amber, kumusta? Success ba?" akmang i-o-on ko na sana ang computer nang bigla akong lapitan ni Susan. Gulat naman akong napatingala sa kanya. "Ang alin?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napasulyap pa ako sa mga kasamahan namin na noon at patingin-tingin din sa gawi naming dalaw
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KAHIT late na akong nakatulog, nagawa ko pa rin naman bumangon sa takdang oras ng gising ko. Wala akong balak na lumiban sa trabaho ko lalo na at malapit na ang sahod. First salary ko iyun at gusto kong makatangap ng buo at walang kaltas dahil lang sa absent ako. Pagkatapos ko kasing makausap si Lucian kagabi, hindi din naman ako nakatulog kaagad. Halos umaga na ako nakatulog kaya feeling ko nangangalumata ako sa puyat. Gayunpaman, kailangan kong tatagan ang kalooban ko. Kailangan kong pumasok ng opisina. Kagaya ng nakagawian, pagkatapos kong naligo, tsaka naman ako uminom ng kape at pagkatapos mag-ayos, kaagad na din akong lumabas ng condo unit. Nag-abang ng masasakyang taxi at direchong nagpahatid sa pinapasukang kumpanya. Padating ng opisina, kaagad akong dumirecho sa table ko. Hinanap ko din ang hindi matapos-tapos na report na pinapagawa ni Lucian sa akin kahapon at nang hindi ko makita iyun, dali-dali akong naglakad palapit kay Ms. Mayette
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Maayos naman akong naihatid ni Lucian sa condo kung saan ako nakatira. Tahimik siya buong biyahe which is very unusual. Hindi na siya ang dating siya at laking tuwa ko dahil tinupad niya ang sinabi niya na ihahatid niya ako sa condo unit kung saan ako nakatira. "Thank you, Sir." mahina kong sambit bago ko binuksan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya dahil nakapikit ang kanyang mga mata. Wala din akong nakuhang tugon mula sa kanya kaya nagmamdali na akong lumabas ng kanyang kotse. Bahala siya kung ayaw niyang magsalita. Walang mas mahalaga sa akin kundi ang naihatid niya ako ng safe at maayos dito sa condo kung saan ko nakatira. Hindi na ako nag-abala pang lumingon hangang sa makapasok ako sa loob ng condominium building. Pagkadating ko ng condo unit, direcho na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Gusto nang pumikit ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Masyadong late na para sa oras ng tulog ko. Sana lang t
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ko na kaya! Hindi ko kayang tapusin ang show kaya nagpasya akong umalis na. Mabilis akong tumayo pero nagulat din nang maramdaman ko na may biglang humawak sa akin. Kaagad na nanigas ang aking katawan sa sobrang nerbiyos at akmang magpupumiglas na sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Lucian mula sa likuran ko "Where are you going? HIndi ka ba nag-i-enjoy sa show? Ayaw mong manood?" narinig ko ang baritono niyang boses sa may tainga ko. Nakayapos siya sa akin habang hindi ko na mapigilan na maipikit ang aking mga mata. Lalo na nang marinig ko ang malakas na halinghing ng nagso-show sa intablado. Shit, talagang may microphone? Gaano ba ka-exclusive ang bar na ito at bakit sila nagpapalabas ng ganitong kabastusan. Siguro may sakit sa utak ang may ari nito "Hindi ko kaya! Gusto ko nang umuwi na." mahina kong sambit. Gusto kong takpan ang tainga at mga mata ko dahil ayaw kong marinig ang makita ang mga kaganapan sa buong paligid. Paano din n
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV MULA sa VIP room, dumirecho kaming tatlo patungo sa may stage na kasalukuyan na may nagpe-perform. Hindi ko tuloy malaman kung itutuloy ko pa ba ang pagsama sa kanila gayung parang alam ko na kung ano ang gagawin namin. Manonood kami ng isang maharot na palabas sa stage. ""Risa, sure ka ba dito? I mean...sorry pero hindi ako interesado." mahina kong sambit. Tumigil na nga ako sa paghakbang habang inililibot ko ang paningin ko sa buong paligid "Ano ka ba Amber, hindi pa tayo nag-uumpisa tapos aayaw ka na kaagad? Come on...halika na! Tiyak na matutuwa ka sa makikita mo.;" nakangiti nitong sambit. "Yes...totoo ang sinabi ni Risa, Amber. I think kilala mo ang magpe-perform ngayung gabi kaya tara na. Saglit lang naman tayo." nakangiting wika din ni Maureen. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumama sa kanila. Wala naman sigurong mawawala kung pagbibigyan ko sila eh. Ngayung gabi lang naman at isa pa may basbas naman ni Lucian ang gagawin namin. Hyas