Mabilis nilang naibaba ang mga gamit nila mula sa sakyan at naipasok sa loob ng bahay. Ilang minuto na rin ang nakalipas ng makaalis ang mga naghatid sa kanila kaya dadalawa na lamang sila ang naiwan doon. Hindi na kinailangan ni Luther ang wheel chair nito. Mabilis niyang itiniklop iyon nang makaalis na ang dalawang naghatid sa kanila. Kasalukuyan siyang nagwawalis sa loob ng bahay bagamat malinis naman na iyon dahil isang araw daw bago sila dumating doon ay ipinalinis na ni maam Minerva iyon sa katiwala ng rest house. At ang mga gamit doon ay inabutan niyang malinis maging ang mga gamit sa kusina. Pagbukas nga din niya ng ref ay nagulat siya puno na ito agad ng laman kahit na hindi pa naman sila namamalengke.Siguro ay ibinilin din maam Minerva sa katiwala nito na mamalengke muna para may makain sila kaagad pagdating nila at hindi na nila kilangang mamalengke pa. Talagang masasabi niya na mahal na mahal nga talaga nito ang bunsong anak nito. Gusto niya tuloy isipin na ito ang pabor
Nakapikit ito habang tinatabunan niya ang buong katawan nito ng buhangin at halos kalahati na ng katawan nito ang natapos niyang tabunan. Nasa taas na bahagi na siya ng katawan nito. Sa tantiya niya tila tulog yata ito dahil kanina pa ito nakapikit nang magsimula siya. Tila siya batang ngingisi- ngisi habang gumagawa ng kalokohan.Paano ba naman ay naisip niya kasi na tabunan ang katawan nito ng makapal na buhangin at pagkatapos ay tyaka niya ito tatakbuhan. Nasisiguro niyang hindi ito makakaalis sa kinahihigaan nito ng basta- basta. Kaya ganado din siya maglagay ng buhangin. Makakaganti rin siya rito kahit papano.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang nakarating sa bandang dibdib nito at hindi niya maiwasang hindi mapatitig sa mukha nito. Ang mga hibla ng buhok nito ay bumagsak din sa buhangin kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Ngayon pa lamang niya nakita ang mukha nito sa labas. Nakita naman na niya ang buong mukha nito pero iba pa rin kapag sa labas na at dahil na
Gabi na ng mga oras na iyon. Kanina pa siya nakahiga sa kaniyang kama at hinihintay na tumunog ang pinto ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring pumapasok. Kaninang natapos siyang maligo ay lumabas siya upang tingnan at kausapin sana ito pero hindi niya ito nakita sa loob ng bahay. Lumabas din siya para sana hanapin ito ngunit hindi niya ito nakita. Hindi niya lubos akalain na sa simpleng haplos niya sa peklat nito ay masasaktan niya ito. Hindi naman niya inisip ang sinabi nito sa kaniya. Ni hindi man lang siya nito hinayaang makapag- explain at dali- dali na lamang itong lumabas sa banyo kanina. Kaya nga niya hinabol ito para makapagpaliwanag sana pero sa kasamaang palad ay hindi nga niya ito nakita. Napalingon siya sa orasang nasa ibabaw ng drawer niya, alas- nwebe na ng gabi at kanina pa ito umalis pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito umuuwi. Hindi niya maiwasang hindi mag- alala lalo pa at pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit siya nagkaganito
Kitang- kita niya ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi nito at hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba dahil sa pagkakangiti nito sa kaniya. May kakaiba sa ngiti nito. Dahan- dahan itong humakbang palapit sa kaniya ng mga oras na iyon hanggang sa tuluyan na itong makarating sa harapan niya. Tumaas ang kamay nito at pagkatapos ay hinaplos nito ang mukha niya kung saan ay naramdaman niya na naman ang tila kuryenteng gumapang mula sa bawat himaymay ng buo niyang katawan. Hanggang sa hinawakan nito ang pisngi niya. “Then I want you take off your clothes…” mahina nitong sabi sa kaniya. Napapikit siya. Tila bumabalik na naman sila sa umpisa katulad noong una siya nitong angkinin sa loob ng silid nito. Napalunok siya at pagkatapos ay napamulat ng mata. Matiim itong nakatitig sa mga mata niya ng mga oras na iyon at tinatantiya siya kung papayag ba siya sa gusto nito ng mga oras na iyon. Sa totoo lang ay pumayag naman na talaga siya sa usapan nila noong bago sila magpunta doon na gaga
Pagkatapos ng mainit na sandaling namagitan sa kanila ni Luther ay pumasok siya sa kaniyang silid upang mahiga. Wala naman na siyang ibang gagawin pa kundi ang mahiga dahil tapos naman na siyang kumain kanina. Isa pa ay hanggang sa oras na iyon ay nanlalambot pa siya. Hindi nga lang niya matukoy kung bakit siya nanlalambot, dahil siguro sa muntikan niyang pagkalunod o di kaya ay ang ginawa nila ni Luther sa loob ng banyo.Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa. Wala silang relasyon pero may kung anong koneksiyon ang meron sila na kahit sila mismo ay hindi nila iyon kayang pigilan. Pakiramdam niya ay tila siya gasolina na kapag nadikit rito ay biglang magkakaroon ng isang naglalagablab na apoy sa pagitan nilang dalawa.Hindi niya rin alam sagutin iyon dahil kapag hinalikan na siya nito ay bigla na lamang siyang nawawala sa kaniyang sarili at nakakalimutan na niyang pigilan ang kaniyang sarili. Natatangay siya sa bawat haplos nito sa k
Pagkapasok niya ng kaniyang silid ay kaagad na pumatak ang kaniyang luha. Ang sakit sa dibdib ng ginawa nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay pinahiya siya nito ng sobra- sobra ng mga oras na iyon. Hindi niya inakalang sasabihin nito ang mga salitang iyon sa kaniya dahil akala niya ay okay na sila kagabi pero hindi pala.Tila bumalik sila sa umpisa na wala itong puso. Unti- unti siyang dumausdos habang nakasandal siya sa kaniyang pinto. Ano na lamang kaya ang naghihintay sa kaniya pagkatapos ng tatlong buwan. Napakagat- labi siya upang supilin ang isang hikbi na kumawala sa kaniyang labi.Bakit ba tila napakalupit ng mundo para sa kaniya? At tila pinaparusahan siya? Ano ba ang naging kasalanan niya? Deserve niya ba ito? Bigla siyang napatanong sa kawalan. Bakit kasi kailangan niyang pagdaanan ang hirap na dinadanas niya ngayon.Dahil sa kaniyang nararamdamang sakit ay naisip niya ang kaniyang pamilya. Namimiss na niya ang mga ito. Napahikbi siya. Pakiramdam niya ay nag- iisa lang siya, w
Hindi namalayan ni Serene na nag- eenjoy na pala siya sa panunuod niya kay Luther habang nag- susurf ito. Hindi niya rin akalaing magaling pala itong mag- surfing at talaga namang masasabi niyang marunong talaga ito. Sa totoo nga ay halos nasa gitna na ito ng dagat. Halos mapapalakpak pa nga siya nang makita niyang patayo- tayo pa ito at hindi niya mapigilang hindi ma- amaze. Ilang sandali pa nga ay tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. Iniinit kasi siya at para bang gusto niyang maligo. Kaagad siyang napaisip kung babalik pa ba siya sa bahay para magbihis ng kaniyang damit. Pero napagpasyahan na lamang niya na hindi na lamang siya magbibihis dahil sa tinatamad na siya. Kaagad siyang naglakad patungo sa dalampasigan. Kaagad siyang napangiti dahil tila siya batang muling nakapagtampisaw sa dagat. Tatlong buwan siyang mananatili rito kaya kailangan niyang mag- enjoy kahit na minsan ay hindi niya talaga maiwasang hindi ma- stress. Hindi naman pwedeng magpa- apekto siya sa stress dahi
Napabuntung- hininga si Luther nang ibaba niya ito sa kama nito. Wala pa rin itong malay ng mga oras na iyon. Aalis na sana siya sa silid nito nang bigla na lamang siyang napatigil sa kaniyang paglalakad. Muli siyang napabuntung- hininga. Pumihit siyang muli upang humarap rito at pagkatapos ay naglakad palapit rito. Parang napakawalang puso naman niya masyado kung hahayaan niya itong matulog nang basa ang damit nito. Baka mapulmunya ito at siya pa ang sisihin nito kaya mabilis siyang lumapit at umupo sa tabi nito. Akmang tatanggalin na sana niya ang suot na damit nito nang bigla na lamang natigil ang kaniyang mga kamay nang matitigan niya ang itsura nito. Dahil nga basa ang suot nitong damit ay humakab sa katawan nito ang basang damit. Nakasuot lamang ito ng isang manipis na damit kung saan ay halos hindi naman na nito nagampanan ang dapat nitong gampanin na takpan ang katawan nito. Napalunok siya dahil sa kaniyang nakikita ng mga oras na iyon. Kahit pa may suot itong damit ay hindi