MATURE CONTENT| READ AT YOUR OWN RISK Dahil sa kasalanan ng kaniyang ama ay napilitan siyang makipagkasundo sa may ari ng rancho sa kanilang bayan. Upang mabayaran ang kasalanan, siya ay namasukan bilang isang personal na tagasilbi. Ngunit hindi lang basta isang normal na tagasilbi, alipin, iyon ang pinakamarapat na tawag sa kaniya. Alipin nito sa KAMA...
Lihat lebih banyakGabi na ng mga oras na iyon at kasalukuyan pa rin siyang nagre- review para sa exam niya bukas. Gusto niyang i- perfect ang score.
Isa na siyang graduating student sa kaniyang kursong edukasyon. Ilang buwan na nga lamang ay internship na nila. Napabuntung- hininga siya ng mga oras na iyon.Kaunting panahon na lamang at tiyak niyang makakatulong na siya sa kaniyang mga magulang. Maaga ngang lumabas ang kaniyang ama kanina dahil maghahanap daw ito ng pera para sa mga gagamitin niya sa internship niya.Ni uniform nga ay wala pa siya kahit isa. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap sa kaniyang pag- aaral. Nakikita niya kase ang kahirapang dinaranas nila. Nakikita niya ang pagod sa kaniyang mga magulang sa maghapon nilang paggawa.Ang kaniyang nanay ay nakikilaba lamang samantalang ang kaniyang tatay naman ay nakikisaka lamang.Habang naiisip ang kanilang kalagayan ay mas lalo niyang gustong magpursige sa kaniyang pangarap. Hindi lang para sa kaniyang mga magulang kundi para na rin sa dalawa niyang kapatid pa.Napatingala siya sa orasang nasa kanilang sala kung nasaan siya. Mag- aalas onse na ng gabi at hindi pa rin dumarating ang kaniyang ama.Maaga pa ito umalis at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito dumarating. Kanina nga ay hindi pa sana matutulog ang kaniyang ina ngunit dahil nga sa alam niyang pagod ito ay sinabi na lamang niyang siya na lang ang mag- aantay rito upang makapagpahinga naman ito.Bigla niyang naisip ang tagpo kanina nang kakain na sila ng hapunan. Halos maiyak ang bunso niyang kapatid nang makita ang isang maliit na pirasong galunggong na ulam nila. Ang kinita kase ng kaniyang ina sa paglalabada at ipinambili pa nila ng bigas at isang galunggong lamang ang nakayanan ng tira nitong pera."Pasensiya na kayo mga anak, alam niyo namang ibinili ko pa ng bigas ang iba kong sinahod." Sabi ng kanilang ina.Hindi na lamang umimik ang kaniyang mga kapatid, alam niyang naiintindihan ng mga ito ang kanilang ina. Ginagawa naman nito ang lahat ng pagsusumikap para matustusan lamang ang pagkain nila sa araw- araw.Ngunit sa loob niya ay umiiyak ang damdamin niya lagi. Nasasaktan siya para sa mga kapatid niya at ramdam na ramdam niya ang awa sa kaniyang ina dahil alam niya na hindi nito gustong ganun lamang ang maibigay na pagkain sa kanilang mga anak niya.Bigla na lamang kumawala mula sa kaniyang mga mata ang isang butil ng luha. Lagi niyang tinatanong sa hangin kung bakit napaka- unfair ng mundo.Kung bakit hindi na lamang sila naging mayaman kahit kaunti man lang. Hindi yung dalawa na ang kumakayod para sa kanilang pamilya ay wala pa ring nangyayari.Gusto na nga niyang sumuko noon, gusto na niyang tumigil sa kaniyang pag- aaral at magtrabaho na lamang upang makatulong siya sa pang- araw araw nilang pangangailan ngunit pinigilan siya ng kaniya ina. Isang tao na lamang naman daw at ga- graduate na siya kaya kaunting panahon na lamang daw ang kailangan nilang pagtiisan.Dahil dito ay nagpatuloy siya sa kaniyang pangarap para sa mga ito. Gusto niyang kahit papano ay makabayad man lang sa mga pagod at sakripisyo ng mga ito sa kaniya at sa kaniyang pag- aaral.Pinunasan niya ang kaniyang luha. Balang araw ay maiiahon niya rin ang kaniyang pamilya sa hirap balang araw.Ilang sandali pa ay napabalikwas siya mula sa kinauupuan niyang upuang gawa sa kawayan may kaluskos kase siyang narinig mula sa labas.Baka ang tatay na niya iyon kaya dali- dali siyang tumayo at pagkatapos ay binuksan ang pinto. Pagbukas niya nga ng pinto ay may ilang kalalakihang paalis na at sa kanilang pinto ay naroon naman ang kaniyang ama kung saan ay nakadapa ito."Tay!" Mabilis siyang lumabas at pagkatapos ay dinaluhan ito sa lapag."Tatay!" Iyak niyang tawag rito.Nakadapa ito sa lupa at ilang sandali pa ay pinilit niyang itihaya ito."Tatay!" Sabi niya at pagkatapos ay tinapik- tapik ang mukha nito ngunit hindi ito gumigising at nananatiling nakahiga lamang ito at nakapikit."Tatay!" Sabi niya na may mga luha na sa kaniyang mga mata.Paano ba naman nang tumama ang ilaw sa mukha nito ay nakita niyang maga ang parte ng mata nito at pagkatapos at putok ang labi nito.Maging ang pisngi nito ay may gasgas ito at ang damit nito ay madumi.Dahil na rin sa kaniyang ingay ay lumabas ang kaniyang inang naalimpungatan.Humahangos itong lumapit sa kanila."Anong nangyari?" Tanong nito at pagkatapos ay umupo na rin at niyugyug din ang kaniyang ama."Jusko po! Anong nangyari?" Tanong nito at tinapik- tapik ang pisngi nito. Pilit nila itong ginigising."Ano bang nangyari Serene?" Tanong ng kaniyang ina na halos magsalubong na ang mga kilay dahil sa labis na pag- aalala."Hindi ko alam Nay." Sabi niya habang humihikbi."Buhatin natin siya." Sabi ng kaniyang ina at pagkatapos ay binuhat nga nila ito.Kahit nga payat ito ay hindi rin naman ito ganun kagaan para mabuhat nila at talaga namang nahirapan sila sa pagbubuhat.Habol- habol nila pareho ang kanilang paghinga ng maibaba na nila ito sa kinauupuan niya kanina."Kumuha ka ng tubig!" Utos sa kaniya ng kaniyang ina na agad niya namang sinunod.Dali- dali siyang kumuha nang tubig at pagbalik niya sa mga ito ay mabuti na lamang at gising na ito.Kaagad niyang inabot ang tubig sa kaniyang ina at mabilis din naman nitong pinainom sa kaniyang ama."Ano ba ang nangyari Berto? Sino ba ang gumawa sayo nito?" Punong- puno ng pag- aalalang tanong ng kaniyang ina rito.Siya ay tahimik lamang na nakatayo harap ng mga ito habang hinahaplos niya ang likod ng kaniyang ina.Hindi sumagot ang kaniyang ama bagkus ay umiling lang."Anong wala Berto? Sumagot ka? Tingnan mo nga ang nangyari sayo." Salubong ang kilay nitong tanong rito at pagkatapos ay napahilamos."Kahit sana naghihirap tayo kung walang nangyayaring ganito." Sabi ng kaniyang ina na alam niyang punong- puno na ng stress.Siya naman ang napabuntung- hininga at pagkatapos ay dinampot na ang kaniyang libro.Papasok na siya sa kanilang silid. Ayaw niyang makita ng mga ito na maging siya ay nai- stress na. Ayaw niyang ipakita sa mga ito ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata niya.Pagkapasok na pagkapasok niya sa silid nila ay mabilis na pumatak ang kaniyang mga luha. Awa ang nararamdaman niya para sa kaniyang ama ng mga oras na iyon.Hindi niya rin alam kung sino ang mga lalaking nakita niya na tila naghatid sa kaniyang ama sa bahay nila. Mabuti na lang at humihinga pa ito na inihatid sa harap ng pinto nila, paano na lamang kapag tuluyan na itong pinatay?Sino ang mga posibleng gumawa nito rito?Nagpunas siya ng kaniyang mata at tahimik na nahiga sa tabi ng kaniyang mga kapatid. Dahil nga maliit lamang ang kanilang bahay ay dadalawa lamang ang silid at magkakatabi silang magkakapatid na natutulog sa kanilang papag.Ilang sandali pa ay unti- unti na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya dahil sa pag- iisip niya.----------Tanghali na nang magising siya ng umagang iyon dahil na rin siguro sa kaniyang pag- iisip.Wala na nga ang kaniyang mga kapatid sa higaan ng mga oras na iyon at tanging siya na lamang ang natira doon kaya agad na siyang bumangon.Ngunit nagulat siya nang paglabas niya ng silid ay may mga boses siyang naririnig sa labas ng bahay nila. Akala niya ay mga kapitbahay lang nila na nakiki- usyoso sa nangyari kagabi sa tatay niya ngunit ang sumilip siya sa bintana ay nanlaki ang mga mata niya.May ilang kalalakihang nakatayo doon at nakasuot sila pare- pareho ng kulay itim na polo- shirt. Ang kaniyang ama at ina ay naroon don ngunit bakas ang pag- aalala sa kani- kanilang mga mukha.May isang medyo katandaan na ang naroon at may hawak na isang piraso ng papel."Kung ayaw mong pirmahan ito, ay mapipilitan akong sampahan ka ng kaso." Narinig niyang sabi nito sa kaniyang ama.Nanlaki ang kaniya mga mata dahil sa kaniyang narinig. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng may usapan ngunit hindi niya iyon naiwasan.Kusang gumalaw ang kaniyang mga paa at lumabas sa labas ng kanilang bahay upang harapin ang lalaking iyon. Kahit magmukha na siyang bastos ay hindi niya hahayaang ganunin na lamang ang kaniyang ama. Isa pa ay anong ginawa ng kaniyang ama para kasuhan nito.Wala itong karapatang gawin iyon sa kaniyang ama.Lumabas siya. Wala siyang pakialam kung gulo- gulo pa ang buhok niya at kung may muta pa siya sa gilid ng kaniyang mga mata o ni may lamat ng natuyon laway sa kaniyang pisngi.Dahil sa pagbalagbag ng pinto ay nagdulot iyon ng malakas na tunog na naging sanhi upang ang atensiyon nilang lahat ay mapunta sa kaniya."Serene..." Mahina ngunit punong- puno ng pag- aalalang sambit ng kaniyang ina.Tiningnan niya ang mga ito, punong- puno ng pag- aalala ang mga mata ng mga ito. Pagkatapos ay hinarap niya ang lalaking may hawak ng papel at pilit na pinapapirmahan sa mga magulang niya."Anong kasuhan ang sinasabi ninyo?" Nakataas ang noong tanong niya rito.Inayos nito ang suot nitong salamin at pagkatapos ay tiningnan siya sa kaniyang mga mata at pagkatapos ay ngumiti ng bahagya."Matapang ka hija." Komento nito.Ano namang pakialam niya sa opinyon nito?"Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis. Tresspassing ang ginagawa ninyo." Banta niya sa taong kaharap niya ng mga oras na iyon.Biglang natawa ang matandang kaharap niya at pagkatapos ay napailing."Baka ako ang dapat tumawag ng pulis." Sagot nito at sumeryoso ang mukha na tumitig sa kaniya.Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Napaka- antipatiko. Komento niya sa kaniyang isip. Tiningnan niya ang pustura nito mula ulo hanggang paa at doon niya napagtanto na mukhang may kaya o mas magandang sabihin na mayaman ito dahil sobrang kintab ng suot nitong sapatos. Idagdag pa na mukhang mga bodyguard nito ang mga lalaking nakatayo doon kasama nila.Porque mayaman nang aapak na ng kapwa tao. Pwe. Bulong niyang muli sa kaniyang isip."Umalis na kayo." Ulit niya ngunit naramdaman niya ang paghawak ng kaniyang ina sa kamay niya.Nilingon niya ito. Nanlalaki ang mga mata nito na halos hindi makapaniwala dahil sa inaasal niya.Wala siyang pakialam kung magmukha siyang bastos sa harap ng matanda, ang mahalaga ay maipagtanggol niya ang kaniyang mga magulang. Hindi porket mahirap lang sila ay aapihin na sila ng mga ito kahit pa hindi niya alam kung ano ang dahil kung bakit ito naroon.Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen