Share

Chapter Forty

PAG-UWI galing sa flower farm ay binilhan pa ni Gavin si Kiah ng isang bouquet ng white roses. Matapos niyon ay nagdesisyon na ang dalawang umuwi na. Pagdating ng mga ito sa bahay, naabutan nilang nasa sala si Mrs. Tetsuya at Akihiro na tila seryoso ang pinag-uusapan.


Nagulat pa nga si Kiah nang malamang naroon pa pala ang binata. Ang buong akala kasi ng dalaga ay nakauwi na ito kanina pang umaga.


"Oh, hijo? Ang aga naman yata ninyong umuwi ni Hezekiah?" agad na salubong ni Mrs. Tetsuya sa pangalawang anak. Bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa mga bagong dating.


Nahihiya namang napayuko na si Kiah. Lalo pa nga't nakita niyang matamang nakatingin si Aki sa kan'ya. Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin sa ginang kaya hinayaan niyang si Gavin na lamang ang sumagot niyon.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status