Napahampas si Vhanessa sa manibela ng second hand niyang sasakyan. Unti-unti kasi iyong humihinto.
Agad niyang itinabi iyon bago pa tuluyang tumigil. Saka siya bumaba at tiningnan kung ano ang nangyari.
Napahagod siya sa nakalugay na buhok.
“Spark plug na naman!” palatak niya sabay hinga nang malalim. Ilang segundo niya rin iyong tinitigan, bago gumalaw ang kaniyang mga paa. Patungo siyang bayan sa mga sandaling iyon, pero mukhang hindi siya makararating sa pupuntahan.
Kinuha niya ang toolbox sa trunk ng kaniyang sasakyan. Napaiiling na lang siya kapag napatitingin sa suot. Nakapalda at blouse siya, habang nakasuot ng de-takong na sapatos. Hindi naman niya akalaing masisiraan siya dahil kapagagawa niya lang sa kaniyang kotse noong isang linggo.
Inayos niya ang pagkakabukas ng hood. Inilagay niya ang tools niya sa gilid. Dahil sanay na siyang masiraan, natutunan niya na rin kahit paano na magkumpuni ng sasakyan. Kaya kalimitan sa mga lalaki, nangingilag sa kaniya. Masyado raw kasi siyang independent at matapang. Iyong tipo ng babae na hindi na kailangan pang ipagtanggol sa kahit na sino, dahi kayang-kaya niya na raw ang sarili niya.
Kapag ganoon ang kaniyang naririnig, hindi niya maiwasang matawa nang mapakla. Napaiisip na lang siya, bakit nga ba hindi kaakit-akit ang ganoong karakter ng mga babae sa paningin ng mga lalaki?
Pero madali rin lang naman ang sagot, dahil ayaw palamang ng mga lalaki. Ayaw ng mga ito na nasasapawan. Ang gusto ng mga ito, sila ang bida. Ang gusto ng mga ito, sa kanila lang dumepende, na kadalasan, nagiging dahilan ng pag-aaway ng mga mag-asawa. Dahil kung walang trabaho ang babae, lahat nga naman ng pangangailangan nito ay nakaasa sa asawang lalaki, na minsan akala ng mga lalaki sobra-sobra kung makahingi— na mali pa rin naman. Dahil dapat lang na ang pera ng lalaki ay nakasulit sa asawa. Kaya wala na dapat tanungan na nagaganap, lalo na pagdating sa pag-b-budget at paggastos.
Ngunit, sa kabilang banda, hindi man lang naiisip ng mga lalaki, na kung kayang tumayo ng mga asawa nila sa sariling mga paa, mas gagaan ang pagsasama— mas lalabas ang pagtutulungan. Ang kaso nga masyadong maliit ang tingin nila sa mga babae, kaya kapag nakakita ang mga ito ng mga babaeng kayang dalhin ang sarili, turned off agad. Ang gusto kasi nila iyong kayang hawakan sa leeg. Iyong susunod lang nang susunod sa lahat ng sasabihin. Walang sense of freedom ang ganitong klase ng babae— na ayaw niyang mangyari sa kaniya.
Marami naman talagang dahilan kung bakit NBSB pa rin siya hanggang sa kasalukuyan. Madalas kasi niyang nakikita kung paano mabaliw ang iba sa pag-ibig. Madalas, hindi na makilala pa ang sarili— hindi na alam ang tama sa mali. Madalas, hindi na alam ang salitang nasasaktan dahil sa pagkamanhid.
Tumutulo na ang pawis niya sa noo. Mainit ang sikat ng araw dahil katanghaliang tapat iyon. Sa may ilalim naman siya ng puno tumigil, pero nahihirapan siyang ayusin ang spark plug. Nangangawit na rin ang kamay niya at puro grasa na.
Inis na binitawan niya ang wrench na hawak. Ipinunas niya ang braso sa noo pagkatapos, at tinitigang mabuti ang ginagawa.
“Kung tumawag na lang kaya ako sa pagawaan?” kausap niya sa sarili. Magagawa naman niya iyon, ang problema, baka matagalan siya at hindi na nga talaga makaabot sa pupuntahan. Sabado pa naman.
Huminga siya nang malalim at muling hinawakan ang wrench. Subalit, nagulat na lang siya nang may isa pang kamay na kumuha rin doon.
Mabilis siyang napalingon sa likuran. Sa sobrang abala niya sa ginagawa, hindi na niya namalayan na may tao na pala roon.
Muntik na siyang matumba nang makilala kung sino ang naroon. Kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata ay ang pag-awang ng kaniyang mga labi, habang nakatitig sa lalaking malapad na nakangiti sa kaniya.
“Do you need help?” His deep tone voice lingered her ears. Kagyat siyang napapikit sabay hinga nang malalim. “You should call some help. Hindi bagay sa kagaya mo ang nagdudumi ang mga kamay para lang sa pag-aayos ng sasakyan.”
Napamulat siya. Magkasalubong na ang mga kilay niya habang nakatingin dito.
“Hindi ko kailangan ng kahit anong tulong. I can handle this on my own,” malamig niyang sagot. She was trying to ignore the familiar feeling he had awaken inside her that day.
Binawi niya ang wrench sa kamay nito, pero hindi iyon binitawan ng lalaki.
“Let me,” anito saka tiningnan ang kaniyang ginawa. “Oh, this needs to be done at the shop. Medyo malaki pala ang sira. Paputol na rin ang fanbelt mo,” dagdag pa nito.
Napatingin siya sa tinutukoy ng lalaki. Noon niya lang iyon napansin.
“Kung gusto mo, tumawag na lang tayo ng hahatak nito para madala sa talyer.”
She sighed. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kahit naman ipilit niyang kaya niya, malaki pa rin ang sira niyon. At tanging sa talyer lang kayang gawain.
“Sandali lang. Kuku—”
“No,” mabilis nitong pigil. “I know someone who could handle your car.” Bumalik ito sa sasakyan nito. Maya-maya pa, may kausap na ito sa cell phone.
Hindi mapigilan ni Vhanessa na pagmasdan ang lalaki. Sa bawat buka ng bibig nito at paghagod ng mga daliri sa buhok, napalulunok na lang siya. Hindi mapigilang bumalik sa alaala niya ang mga sandaling pinagsalusan nila.
Bigla ang pagragasa ng init sa kaniyang buong pagkatao. Pakiramdam niya, mas tumindi pa ang init sanhi ng araw. Ang pawis niya’y naging doble.
Simpleng-simple lang ang suot ng lalaki— khaki shorts at green polo shirt. Naka-sandals lang ito na panlalaki at may wayferers na itim. Pero kahit ganoon, apektadong-apektado ang buong sistema niya. Para bang automatic na ganoon ang kaniyang reaksyon sa tuwing makikita ang lalaki—
Nag-iinit.
Nag-aapoy.
Uhaw na uhaw.
Humarap ito sa kaniya at ngumiti. Pakiramdam ni Vhanessa, bumukas ang langit at nag-awitan doon ang mga anghel.
Gosh! What was happening to me!
Nakita niyang tapos na itong makipag-usap sa cell phone. Dahan-dahan itong naglakad sa kinaroroonan niya; hinaahagod ng kamay ang buhok, nakangiti.
Oh my god!
Napasapo sa kaniyang dibdib si Vhanessa. Parang sasabog ang dibdib niya sa mabilis ng pagkabog niyon. Ni hindi na halos siya humihinga hanggang sa makalapit sa kaniya ang lalaki.
“The shop I know will send people here to pick your car. Huwag kang mag-alala, hindi naman nila itatakbo ang kotse mo. Here, ito ang contact nila.” Ipinakita nito sa kaniya ang numerong naka-appear sa screen ng cell phone nito.
“Wait . . .” Mabilis siyang bumalik sa tapat ng passenger seat kung saan nakalagay ang bag niya. Pigil na pigil niya ang panginginig ng tuhod, dahil kung hindi niya gagawin iyon, baka bigla na lang siyang bumagsak sa sementadong daan.
Nagmamadaling hinanap niya ang telepono. Pero para namang minamalas siya at ayaw magpakita niyon sa kaniya. Hindi tuloy maiwasang magkaroon ng grasa ang bag niya.
“Here. Use this.”
Napapitlag siya nang bigla na lang magsalita ang lalaki sa tabi niya. Nang tingnan niya ito, may hawak na itong wet tissue.
“S-salamat . . .” kiming wika niya bago inabot ang ibinibigay nito. Tumalikod siya nang bahagya rito saka pinunasan ang kamay. “Salamat ulit.” Pagharap niya sa lalaki ay ibinalik niya ang tissue.
“My pleasure. Pero may nakaligtaan ka.” Ngumiti ito.
“H-ha?”
“This . . .” Humugot ito ng panibagong tissue, ipinunas sa gilid ng labi niya. “Ayan, okay na. Nadumihan siguro kanina noong nag-aayos ka,” anito.
Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Agad niyang nahiling na sana ay lamunin na lang siya ng lupa sa pagkapahiya.
Madali siyang tumalikod rito upang itago ang nadarama. Bakit ba dinami-rami ng araw, noon pa siya nasiraan? Kung alam niya lang na magkikita silang muli ng lalaki, sana lang ay—
Natigilan siya.
Sana lang ay ano, Vhanessa?
Ipinilig niya ang ulo. Bigla siyang nakadama ng pagkapahiya sa sarili. Nakita niya lang ang lalaki, kung ano-ano na ang sumasagi sa isipan niya.
Ngunit, ganoon ba talaga? Ganoon ba talaga kapag nakaranas na? May mga oras na hinahanap-hanap niya kasi yakap at halik ng lalaki. Something she, herself, couldn’t explain why she felt that way.
“I’ll give you a ride. Saan ka ba pupunta?” tanong ng lalaking nagpabalik sa kaniyang wisyo.
Nilingon niya ito. “Hindi na kailangan. P’wede naman akong mag-commute na lang,” agad niyang tanggi.
Umiling ang lalaki. “No. I insist. May sasakyan naman ako kaya ihahatid na kita.”
Siya naman ang umiling at pilit siyang ngumiti rito. “No, it’s fine. Baka nakaaabala na rin ako sa iyo. Isusulat ko na lang ang number ng talyer.” Kinuha niya sa bag ang maliit na notebook na lagi niyang dala-dala at ballpen.
“I said I insist.”
Napatingin siya rito. Seryoso na ito at hindi ngumingiti.
“Look, Mis—”
“Elias. Call me Elias. How about you?”
Mariing nagdikit ang mga labi niya. “Look, Mr. Elias. We’re grown ups. And we both know that what happened to us is pure l*st. Wala iyong ibig sabihin kaya hindi mo na kailangan pang gawin ang mga bagay na ito,” malamig niyang wika.
Nakita niyang naggalawan ang mga ugat nito sa may leeg. Hindi niya masyadong aninaw ang mga mata nito dahil sa suot na wayferers, pero ramdam niya ang mainit nitong pagtitig sa kaniya. Para tuloy gusto na niyang pagsisihan ang sinabi.
“I know. Kaya nga inaalok kita na makisakay na sa kotse ko, dahil wala naman ngang ibig sabihin ang nangyari sa atin. We’re grown ups— like what you’ve said. So, we shouldn’t be affected being with each other— seeing each other.”
Huminga siya nang malalim. Talo na siya at ayaw na niyang makipagdiskusyon pa sa lalaki.
“Alright. If you really insist.”
Nauna na siyang naglakad sa kotse nito. Ramdam niyang sinusundan siya ng tingin ng lalaki. Mga tinging tumatagos sa kaibuturan niya. Mga tinging nais na magpatiklop sa kaniyang mga tuhod. Mga tinging ayaw na niyang makasalubong pa kahit na kailan.
“Chinnyboo! Chinnyboo! Where are you?” malakas na tawag ni Elias sa kaniyang asawa. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya ito matagpuan. Naikot na yata niya ang buong silid nila pero hindi pa rin niya ito makita. Doon lang naman niya iniwan ang asawa kanina na nagpaluto sa kaniya ng pansit na may mangga.Naiiling na tiningnan niya ang bitbit na pagkain. Kahit kailan, weird ang panlasa nito sa tuwing magbubuntis.She’s five months on the way now. Ang kambal nila ay nairaos nitong iluwal nang nakaraang taon. At pinayuhan sila ng doktor na mas mainam na masundan agad ang dalawa, para hindi raw mahirapan si Vhanessa.She’s forty now. Forty and still looking young. Siguro, dahil sa regular nilang digmaan iyon. Sa edad rin nito napatunayan niyang may mga babae pala talagang pinagpala. Dahil hindi nauubusan ang kaniyang asawa, nag-uumapaw ito at laging handa sa kaniya.“
Kinakabahan si Vhanessa habang nakatingin sa puting kurtinang nakatabing sa kaniya. Their wedding entourage was already marching forward. Ilang saglit na lang, siya na ang susunod.Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Her heart was filled with so much joy. Halos hindi niya na nga malaman kung ano ang nangyayari sa paligid. Tanging ang focus niya ay ang makita si Elias, na ilang araw niya ring hindi nakita dahil hindi sila payagan ng kani-kanilang pamilya. Bad luck daw iyon.Nang akayin siya ng wedding coordinator, pinuno niya ng hangin ang dibdib. When the white curtain finally opened for her, lahat ng mga mata ay napatutok sa kaniya.She knew her look was way too simple. She didn’t pick extremely expensive gown— whick Elias preferred, and just ask Macy to look for someone who made local wedding gowns. Madali naman iyong nagawan ng paraan ng kaniyang kaibigan. And
“Can we go out? I have good news,” bungad ni Elias nang sagutin ni Vhanessa ang cell phone nito. Nag-file na mula siya ng leave para maasikaso ang dapat na asikasuhin sa kanila. Para hindi na rin sagabal ang pagparoo’t parito niya sa Tierra del Ricos at Maynila.“Uhm . . . Office hours pa. Hindi pa ako p’wedeng mag-out nang maaga,” malambing na sagot nito.“Don’t worry about it. I already talked to Dheyna. Umoo na siya kaya p’wede ka ng lumabas. Hihintayin kita rito,” wika niya bago pinindot ang end button ng cell phone niya. Nasisiguro na niyang nagmamadali na itong lumabas.He even counted backwards from ten to one. At eksaktong pagpatak ng one ay itinutulak na nito ang bubog na entrance door ng law firm.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para salubungin ito. Ibinukas niya ang mga kamay. Patakbong pumaloob naman doon si Vhanessa.&n
“Are you ready, son?” tanong ng kaniyang amang si Ethan. Magkasama silang dalawa para dalawin ang taong may malaking kasalanan sa kanila.Tumango siya. “I am, Dad. I am very much ready.”“Alright. Let’s go.” Nauna itong bumaba ng sasakyan. Kinuha nito ang attache case nito sa backseat bago pumasok sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Nakasunod lang siya rito.Pagdating nila sa entrance, ipinakita ng kaniyang ama ID nito— ganoon din siya. Sumaludo pa ang gwardiyang naroon sa kaniya.May isang nag-assist sa kanila papasok sa loob ng kulungan. Dinala sila nito sa visiting area na para sa mga abogado at preso.“Hanggang dito na lamang po tayo. Hintayin na lang po natin ang paglabas ng sadya ninyo rito,” anang escort nila.Tumango ang kaniyang ama rito. “Salamat.”Magkatabi silang naupo ng kaniyang ama sa harap ng isa
Kinabukasan, nagtungo sila ni Elias sa bayan. Dinalaw nila ang kaniyang ina— na sa wakas, unti-unti ng bumabalik sa dati. Nakakausap na ito nang maayos, kahit pa nga may pagkakataong natutulala pa rin ito.Sinabi sa kaniya ng doktor, kahit parang walang pakialam sa mundo noon ang kaniyang ina, dahil lagi rin siyang present sa tabi nito, hindi na ito nanibago pa sa itsura niya o sa pagbabago ng mga araw. Hindi man ramdam ang presensya nito bilang isang ina habang siya ay lumalaki, nag-r-reflect naman daw iyon sa utak nito, hindi nga lang daw talaga pa makawala sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi na siya nahirapan pang ipakilala ang sarili rito, at kung bakit ito naroroon sa pasilidad na iyon.Ipinakilala niya si Elias sa kaniyang ina. Hindi man ito sanay pa sa ibang tao, nakuha pa rin naman ng kaniyang ina na ngumiti at kahit papaano ay kausapin ang kaniyang kasintahan.Yes. She’s officially dating Elias now.
Kinakabahan si Vhanessa sa kaniyang gagawin, pero naroon na siya. Wala na iyong atrasan pa.Mabilis siyang napatayo nang marinig ang ugong ng humimpil na sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Tiningnan niya ang silid ng kaniyang lola. Nakapagpaalam na siya rito at hindi naman na siya nito pinigilan pa.“Hi . . .” nakangiting bungad ni Elias sa malaking pintuan ng kanilang bahay. Hinayaan talaga niya iyong bukas dahil hinihintay niya ito.Bago pa siya makalapit dito, inilabas na nito ang dala-dalang bulaklak. As usual, it’s sunflower.“For you.” Iniabot nito iyon sa kaniya.“T-thanks,” kiming wika niya sabay ngiti. Bumalik siya sa may lamesa at inilapag iyon doon, saka muling hinarap ang lalaki. “Let’s go.”Iginala ni Elias ang mga mata nito sa kabahayan nila. “Si Lola Cresing?” tanong nito