“At long last!” Malakas na sumuntok sa hangin si Attorney Dheyna Salviejo habang naglalakad sila palabas ng Municipal Trial Court ng Tierra del Ricos. Katatapos lang ng hearing ng kliyente nito at nanalo sila. Isang bagay na pinakaaasam-asam nito dahil dalawang sunod na rin itong natalo.
“Let’s go out! My treat!” nakangiting wika nito sa kaniya. Iyon ang gusto niya rito, kahit anong resulta ng hearing— manalo o matalo, hindi ito pinanghihinaan ng loob.
“Sige po. Maaga pa rin naman. Babalik pa po ba tayo ng opisina?”
“Naku, hindi na! And please stop using po. Ilang beses ko na rin iyang sinabi sa iyo noon pa. We are outside our workplace. Kapag nasa labas tayo, ate kita.” Ipinulupot pa nito ang braso sa kaniyang bisig.
Napangiti siya. Kapag ganoon ito, pakiramdam tuloy niya nagkaroon siya ng kapatid. Nag-iisa kasi siyang anak kaya sabik siyang maging ate.
Naglakad sila patungo sa parking. Iisang sasakyan ang dala nila— sa boss niya. Siguro, hindi na lang niya babalikan ang sariling sasakyan sa parking ng kanilang opisina. Mag-c-commute na lang siya pagpasok bukas. Tutal, Byernes naman. Tapos na rin ang kaso ni Dheyna, wala na siyang masyadong gagawin.
Patapik-tapik ang kamay ng boss niya sa manibela habang sinasabayan ng paghimig ang musikang pumapailanlang sa ere. Binuksan nito ang bluetooth ng sasakyan kanina at ikinonekta sa cell phone nito, sa Spotify.
“May masarap na kainan sa kabilang bayan. Doon na lang tayo,” anito na bahagya pa siyang nilingon.
“Kayo ho ang bahala.” Tumango siya at tumingin sa labas ng dinadaanan nila.
Maberde ang paligid; na kahit dinaanan na ng modernisasyon, hindi pa rin nawawala ang angking ganda. Ganoon nga siguro kapag sa probinsya nakatira. Nalilimutan na minsan ay may maingay na syudad, laganap ang kung ano-anong problema sa lipunan. Sa kagaya ng lugar nila, buhay na buhay pa ang kalikasan; na sana lang ay pagtuunan ng pansin ng gobyerno at hindi hayaang mawala at mapasok ng mga kapitalistang ang hangad ay ibang klase ng pag-unlad, at ang aaray ay ang kalikasan. Sana, hayaang pagyabungin ang agrikultura sa kanila, dahil iyon naman talaga ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao roon, at siya mismong bumubuhay sa bawat isang pamilyang Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Have you heard about Refugio de Amigos?” (Friends’ Haven) tanong sa kaniya ni Dheyna habang ang mata ay nakatutok sa dinaraanan nila. Sanay na sanay ang babaeng magmaneho. Halatang kahit doon ay eksperto ito.
Umiling siya kahit hindi siya nito nakikita. “No. Haven’t heard of it, attorney.”
“Tsk! Kasasabi ko lang nalimutan mo na agad.”
Natawa siya. “Sorry. Nasanay kasi ako.”
“Pwes, sanayin mo na rin ang sarili mo na alisin ang pagiging professional kapag nasa labas tayong dalawa. And speaking of that . . . can I call you ate?” Sandali siya nitong nilingon. Nahagip pa niya ang maningning nitong mga mata bago iyon muling itinutok sa daan.
She smiled to herself. Iba rin nga ang karisma at convincing power nito, dalang-dala siya.
“Alright. Kung iyon ang gusto mo. You can call me Ate Essang,” pagpayag niya. Sinadya pa niyang ang palayaw ang gamitin.
“Really?!” malakas na wika nito. Hindi maikakaila ang kasiyahan sa tinig. “You know what, I’ve been wanting to have a sister like you for a long time. Alam mo na, nag-iisa akong anak na babae at napalilibutan ng mga pakialamero kong kapatid na lalaki at tatay, except for my mom. Inasahan ko ngang mararanasan ko na iyon kay Kuya, pero mukhang malabong mangyari. Mukhang walang balak na mag-asawa ang kapatid kong iyon,” kuwento nito.
Hindi na rin iyon bago sa kaniya. Sadyang palagay ang loob ni Dheyna sa kaniya, at ganoon din naman siya rito, kaya marami-rami na rin silang napagkuwentuhan mula nang mag-umpisa siyang magtrabaho rito.
“Baka naman hindi pa lang handa ang kapatid mong mag-asawa.” Hindi pa niya nakikita ang sinasabi nitong kapatid, pero may isa sa mga kapatid nito ang nakilala na niya. Khari ang pangalan, kung tama ang kaniyang pagkamemorya.
“Ang sabihin mo, ayaw talaga niyang magpatali. Palikero kasi ang kapatid kong iyon. Masyadong maraming babae ang umaaligid, pero ni isa wala man lang sineseryoso. Ayon, nasermunan tuloy ni Mommy noong nakaraan.”
“At his age? Wait, ilang taon na ba siya?” curious niyang tanong. Sa pagkakaalam niya, apat na magkakapatid ang mga ito at ang panganay ang tinutukoy nito.
“Thirty-two. Ka-b-birthday niya lang noong nakaraang linggo.”
Napakunot ang noo niya. Ka-birth month pa pala niya ang kapatid nito at hindi hamak na mas matanda pa rin siya.
“Bata pa rin naman iyon,” ang tangi niyang nasabi.
Siya nga thirty-eight na pero single pa rin. Saka, mas madaling makahanap ang mga lalaki ng mapapangasawa ng mga ito, kaysa sa kanilang mga babae. Ang mga lalaki kasi kahit may edad na mag-asawa, okay lang. Walang nawawala sa mga ito. Ngunit ang mga babae, kapag kagaya nang nasa edad niya, dapat nakailang anak na. Iyon kasi ang unang-unang hinahabol nila, ang kakayahang magbuntis. Dahil kapag tumuntong na sila sa edad na forty, mahihirapan na sila— marami ng kumplikasyon. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit todo kantyaw sa kaniya ang mga kaibigan. Malapit na raw kasi ang expiration ng matres niya.
“Yeah, I know. But mom was pushing him to get married. Mukhang nararamdaman din ni Mommy na aayaw ni Kuya ng commitment. Ni isang babae nga wala pa siyang naipakikilala sa amin,” sagot nito.
“Baka naman hindi pa lang niya nakikita ang babaeng para sa kaniya. O baka naman, talagang ayaw niya. Siguro naman may dahilan siya kung bakit ganoon.”
Ikiniling ni Dheyna ang ulo. “I don’t think so.”
Biglang nagkaroon ng gatla sa noo ni Vhanessa nang mahimigan ang lungkot sa tinig ng katabi. May hindi ba siya alam, bukod sa ibang nalalaman na niya tungkol sa pamilya ng mga ito?
“But anyway, how about you?” Masigla na itong muli. Inakala niya tuloy na guni-guni lang niya ang narinig kanina.
“What about me?”
“Sorry, pero hindi ko na talaga mapigilang mag-usisa. Ayaw mo rin bang mag-asawa?”
Natawa siya nang malakas. Paano kasi, apologetic na apologetic ang dating nito. Hindi kagaya ng nakikita niyang aura nito sa korte.
“Curious lang naman ako. You’re thirty-seven, right?” wika pa nito.
“Sorry . . .” Umiling-iling siya. “Nabigla lang ako sa tanong mo. But I am now thirty-eight. At kung pag-aasawa ang itatanong mo sa akin, wala pa rin akong plano. Wala naman akong boyfriend.”
Bigla itong napalingon sa kaniya. “Talaga?! Sa ganda mong iyan wala ka pang boyfriend?” tanong nito bago muling tumingin sa kalsada.
“Maybe I am not a wife material,” aniya.
“Ang why is that?”
“Hindi kasi ako ang tipo ng babae na gustong maiwan sa bahay maghapon kapag nag-asawa na. I don’t want anyone to control me. I want my freedom even if there’s come a time na mag-aasawa nga ako. Pero alam naman nating lahat na ayaw ng mga lalaki ang ganoon. Ang gusto ng mga lalaki, nakokontrol ang mga asawa nila. And that’s not me,” tugon niya.
Tumatango-tango ito. “Kunsabagay, may punto ka. Kahit naman ako ayaw ko ring pakontrol. I don’t like being boss around. Baka sa iba pa mauwi kapag ganoon ang tipo ng lalaking mapapangasawa ko.”
“That’s what I am thinking. Nakakasakal kapag puro na lang utos. Iyong wala kang kalayaan, na kahit sarili mong pasya kailangan pang ikonsulta sa lalaki,” sang-ayon niya rito.
“Well, ngayon, nauunawaan ko na kung bakit ayaw mong magpatali. Mabuti na lang din at walang pume-pressure sa iyo. Ang iba ngayon, kamag-anak o mismong magulang, kapag umeedad ang isang babae, sila na mismo ang nagtutulak para magkaasawa ito. Ni hindi man lang nila naiisip na hindi naman iyon ang gusto nating mga strong-willed and independent woman.”
Siya naman ang tumango. “Maybe I am lucky on that part— na walang pressure sa pamilya. Ni hindi nga nila ako tinatanong kung may boyfriend na ako.”
“Oh, wait!” Napalakas ang tinig nito na ikinagulat niya.
“What?”
“Ipakilala kaya kita kay Kuya? Baka kasi kayo talaga ang para sa isa’t isa. Maybe, you are meant to be together. Pareho kasi kayo,” masiglang wika nito.
“H-ha? Huwag na! Nakakahiya naman,” mabilis niyang tanggi na sinabayan pa ng pag-iling.
“No! Sa tingin ko, bagay na bagay kayong dalawa. And I meant it when I said that I liked you being my ate. Baka naman magkakatotoo na. Isa pa, wala namang mawawala kung susubukan, hindi ba? Kapag hindi naman kayo nag-click, okay lang sa akin. At least, I try,” giit nito.
Lihim siyang napabuntonghininga. Paano niya ba ito hihindian kung ganoon ito kung magsalita?
“Say yes, Ate Essang, please . . .” samo nito.
Tiningnan niya ito. Nasa daan pa rin ang pansin nito. “Alright. You win.”
“Yes!” Mabilis nitong kinuha ang cell phone.
“A-ano’ng gagawin mo?”
“Tatawagan ko si Kuya.”
“Ha? Ang bilis naman.” Nasa himig niya ang matinding pagtutol.
“Hindi ba ganoon naman dapat? Para at least, alam na agad natin kung ano ang patutunguhan nito. Alam mo naman na ayoko sa lahat ang naghihintay.”
Again, she surrendered. Dheyna has the power to make her feel reassured, at the same time, hesitant. Inaalala niya kasi na baka masaktan niya ito. Hindi iyon maganda lalo at mag-boss silang dalawa.
Dheyna dialed her brothers’ phone number. Kaagad iyong nag-ring.
“He will answer that immediately,” confident na wika nito sa kaniya.
Hindi naman nga sila naghintay nang matagal. Sinagot nang nasa kabilang linya ang cell phone nito, pero para lang sila parehong matigilan. Bigla pang napapreno si Dheyna. Mabuti na lang at naka-seatbelt siya. Muntik na kasi siyang masubsob sa dashboard.
“Oh! Faster! Uh-huh! Like that! You’re great!” sunod-sunod na usal ng babaeng naroon na parang kinakapos ng paghinga. Kahit hindi nila nakikita ang ginagawa ng dalawa, alam na nila kung ano ang nangyayari sa kabilang linya.
“S*ck me, please. L*ck me!” Dinig na na dinig nilang dalawa ang kakaibang tunog na nililikha ng mga ito sa kabilang linya. Something that even Dheyna swallowed hard.
Mabilis na pinatay ni Dheyna ang cell phone nito. Nakatitig ito sa unahan ng sasakyan, pulang-pula ang mukha. Siya naman ay may kakaibang init na naramdaman. Init na palagi na ay nagpapahirap sa kaniyang matulog.
She swallowed again. Bigla siyang pinagpawisan.
“That must be the most memorable phone I’ve ever experienced,” aniya upang mawala ang kung anumang nadarama. Pinilit niyang ibaling sa pagbibiro ang lahat.
Tiningnan siya ni Dheyna. Apologetic ito.
“Sorry about that. Hindi ko alam na sa ganitong oras ay nakikipagharutan ang kapatid ko,” wika nito. Kitang-kita niya ang pinaghalong inis at pagsisisi sa mga mata nito.
Pilit siyang ngumiti. “It’s alright. Sabi mo nga, palikero siya. Baka naman hindi talaga kami nababagay sa isa’t isa.”
Huminga ito nang malalim bago muling pinausad ang sasakyan. “Right. Ayokong masaktan ka at ayokong ako pa ang maging dahilan niyon. Burahin na lang nating pareho sa isip ang suhestyon ko tungkol sa kapatid ko. Iba na lang ang irereto ko sa iyo. Marami akong kilala.” At malapad itong ngumisi.
Napailing na lang siya. Akala niya titigil na ito, hindi pa pala.
On the other hand, mainam na rin iyon. Baka nga sakaling mawawala ang atensyon niya sa lalaking palaging gumugulo sa kaniyang isipan. Kapag may bago siyang nakilala, ma-d-divert na ang atensyon niya sa iba. Kahit hindi tungkol sa pag-aasawa, ayos lang. Hindi naman talaga iyon ang nasa isip niya. Ang mahalaga sa kaniya, mawala ang lalaking si Elias sa sistema niya.
“Chinnyboo! Chinnyboo! Where are you?” malakas na tawag ni Elias sa kaniyang asawa. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya ito matagpuan. Naikot na yata niya ang buong silid nila pero hindi pa rin niya ito makita. Doon lang naman niya iniwan ang asawa kanina na nagpaluto sa kaniya ng pansit na may mangga.Naiiling na tiningnan niya ang bitbit na pagkain. Kahit kailan, weird ang panlasa nito sa tuwing magbubuntis.She’s five months on the way now. Ang kambal nila ay nairaos nitong iluwal nang nakaraang taon. At pinayuhan sila ng doktor na mas mainam na masundan agad ang dalawa, para hindi raw mahirapan si Vhanessa.She’s forty now. Forty and still looking young. Siguro, dahil sa regular nilang digmaan iyon. Sa edad rin nito napatunayan niyang may mga babae pala talagang pinagpala. Dahil hindi nauubusan ang kaniyang asawa, nag-uumapaw ito at laging handa sa kaniya.“
Kinakabahan si Vhanessa habang nakatingin sa puting kurtinang nakatabing sa kaniya. Their wedding entourage was already marching forward. Ilang saglit na lang, siya na ang susunod.Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Her heart was filled with so much joy. Halos hindi niya na nga malaman kung ano ang nangyayari sa paligid. Tanging ang focus niya ay ang makita si Elias, na ilang araw niya ring hindi nakita dahil hindi sila payagan ng kani-kanilang pamilya. Bad luck daw iyon.Nang akayin siya ng wedding coordinator, pinuno niya ng hangin ang dibdib. When the white curtain finally opened for her, lahat ng mga mata ay napatutok sa kaniya.She knew her look was way too simple. She didn’t pick extremely expensive gown— whick Elias preferred, and just ask Macy to look for someone who made local wedding gowns. Madali naman iyong nagawan ng paraan ng kaniyang kaibigan. And
“Can we go out? I have good news,” bungad ni Elias nang sagutin ni Vhanessa ang cell phone nito. Nag-file na mula siya ng leave para maasikaso ang dapat na asikasuhin sa kanila. Para hindi na rin sagabal ang pagparoo’t parito niya sa Tierra del Ricos at Maynila.“Uhm . . . Office hours pa. Hindi pa ako p’wedeng mag-out nang maaga,” malambing na sagot nito.“Don’t worry about it. I already talked to Dheyna. Umoo na siya kaya p’wede ka ng lumabas. Hihintayin kita rito,” wika niya bago pinindot ang end button ng cell phone niya. Nasisiguro na niyang nagmamadali na itong lumabas.He even counted backwards from ten to one. At eksaktong pagpatak ng one ay itinutulak na nito ang bubog na entrance door ng law firm.Mabilis siyang bumaba ng sasakyan para salubungin ito. Ibinukas niya ang mga kamay. Patakbong pumaloob naman doon si Vhanessa.&n
“Are you ready, son?” tanong ng kaniyang amang si Ethan. Magkasama silang dalawa para dalawin ang taong may malaking kasalanan sa kanila.Tumango siya. “I am, Dad. I am very much ready.”“Alright. Let’s go.” Nauna itong bumaba ng sasakyan. Kinuha nito ang attache case nito sa backseat bago pumasok sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa. Nakasunod lang siya rito.Pagdating nila sa entrance, ipinakita ng kaniyang ama ID nito— ganoon din siya. Sumaludo pa ang gwardiyang naroon sa kaniya.May isang nag-assist sa kanila papasok sa loob ng kulungan. Dinala sila nito sa visiting area na para sa mga abogado at preso.“Hanggang dito na lamang po tayo. Hintayin na lang po natin ang paglabas ng sadya ninyo rito,” anang escort nila.Tumango ang kaniyang ama rito. “Salamat.”Magkatabi silang naupo ng kaniyang ama sa harap ng isa
Kinabukasan, nagtungo sila ni Elias sa bayan. Dinalaw nila ang kaniyang ina— na sa wakas, unti-unti ng bumabalik sa dati. Nakakausap na ito nang maayos, kahit pa nga may pagkakataong natutulala pa rin ito.Sinabi sa kaniya ng doktor, kahit parang walang pakialam sa mundo noon ang kaniyang ina, dahil lagi rin siyang present sa tabi nito, hindi na ito nanibago pa sa itsura niya o sa pagbabago ng mga araw. Hindi man ramdam ang presensya nito bilang isang ina habang siya ay lumalaki, nag-r-reflect naman daw iyon sa utak nito, hindi nga lang daw talaga pa makawala sa nangyari sa nakaraan. Kaya hindi na siya nahirapan pang ipakilala ang sarili rito, at kung bakit ito naroroon sa pasilidad na iyon.Ipinakilala niya si Elias sa kaniyang ina. Hindi man ito sanay pa sa ibang tao, nakuha pa rin naman ng kaniyang ina na ngumiti at kahit papaano ay kausapin ang kaniyang kasintahan.Yes. She’s officially dating Elias now.
Kinakabahan si Vhanessa sa kaniyang gagawin, pero naroon na siya. Wala na iyong atrasan pa.Mabilis siyang napatayo nang marinig ang ugong ng humimpil na sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Tiningnan niya ang silid ng kaniyang lola. Nakapagpaalam na siya rito at hindi naman na siya nito pinigilan pa.“Hi . . .” nakangiting bungad ni Elias sa malaking pintuan ng kanilang bahay. Hinayaan talaga niya iyong bukas dahil hinihintay niya ito.Bago pa siya makalapit dito, inilabas na nito ang dala-dalang bulaklak. As usual, it’s sunflower.“For you.” Iniabot nito iyon sa kaniya.“T-thanks,” kiming wika niya sabay ngiti. Bumalik siya sa may lamesa at inilapag iyon doon, saka muling hinarap ang lalaki. “Let’s go.”Iginala ni Elias ang mga mata nito sa kabahayan nila. “Si Lola Cresing?” tanong nito