Beranda / YA/TEEN / HOME VISIT / Chapter Four

Share

Chapter Four

Penulis: Ceres
last update Terakhir Diperbarui: 2023-05-18 11:38:57

"I can not drive you to school today,"

I stopped for a moment. "Why?"

Nilingon niya ako saka siya sumenyas sa likuran ko, "siya na ang makakasama mo simula ngayon."

May kunot sa noo ko na nilingon ang tinuturo niya. Parang isang computer na nagloading ang utak ko nang makita ko ang anak na kinukwento niya sa akin.

"What? Ikaw?"

Naunahan pa niya akong mag-react. Napahalukipkip ako at muling lumingon kay John. "Siya ang sinasabi mo sa akin?"

"Magkakilala na pala kayo, siya si Cosmo. Cosmo, siya ang lagi mong babantayan simula ngayon, si Andrea." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.

Wala namang nagsalita sa amin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kailan lang ay nagkaroon kami ng pag-uusap ng lalaki na iyan. Hindi ko alam kung totoo ba na gusto niya akong ligawan o isang kalokohan iyon.

Pero, kahit ano pa man, hindi ko balak na maging katipan ang tulad niya. Mas uunahin ko ang legacy ng pamilya ko.

"Kailangan ay maging komportable kayo sa isa't isa dahil magmula ngayon ay lagi na kayong magkasama."

"Ayoko," anang Cosmo. "Mas gugustuhin ko pang makipag suntukan sa hangin kaysa ang bantayan ang babae na iyan."

Kumunot ang noo ni John. Nilapitan niya si Cosmo at tila may binulong. Napalunok naman itong si Cosmo at saglit akong nilingon.

"Nasabi ko na sa iyo ang mga dapat mong malaman at isaalang-alang. Mula ngayon isipin mong para kang sundalo. Ibubuwis mo ang buhay mo para sa kaligtasan ng iyong bayan."

"Okay. Whatever."

Ang kapal naman pala ng mukha ng lalaking ito. Siya pa ang may ganang magsungit. Kahit ako ay ayaw ko siyang makasama kahit saan. Makita ko lang siya ay naaasiwa ako.

"Oras na, kailangan niyo nang magmadali at baka mahuli pa kayo sa klase ninyo."

Tumango ako at dinampot ang bag saka ko iyon sinukbit sa balikat ko. Sabay kaming naglakad palabas ni Cosmo at walang nag-iimikan sa aming dalawa.

"Ako na magdala niyan,"

Tumanggi akong ibigay sa kaniya ang bag ko. "Kaya kong bitbitin ang sarili kong gamit. May dalawang kamay ako at hindi pa ako baldado."

Hindi naman siya nagsalita. Binuksan niya ang pinto ng driver's seat saka siya pumasok. Hindi niya man lang talaga sinubukang pagbuksan ako ng pinto.

Ako na lang ang nagbukas at sumakay.

Sa buong biyahe ay tahimik lang kami. Walang may balak na makipagplastikan. Hanggang sa nakarating na kami sa parking area ng school.

Sabay pa rin kami muka sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagpasok sa loob ng campus.

Nakadikit siya sa akin kaya ang ibang mga estudyante ay nakatingin sa akin. Ako ang nandidiri lalo na kung ang iniisip nila ay magkarelasyon kami ng lalaking ito. That would never happen.

"Omg! Andres!"

Agad na lumapit sa akin si Gracie kasama niya si Edzell. Napatingin silang dalawa kay Cosmo at muling binalik sa akin ang mga tingin nila. Parang nagtatanong ang mga mata nila kung bakit kasama ko ito.

"Bakit magkasama kayo?"

Si Edzell agad ang nagtanong habang nakatingin nang masama kay Cosmo.

"Mahabang istorya," aniko.

Pumasok na kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto. Si Cosmo ay hindi ko makakasama dahil hindi naman kami magkaklase. Para ko lang naman siyang bodyguard. I hate bodyguards.

As usual, nakaupo ako sa tabi ni Gracie. Nasa likuran naman ang mga lalaki, sina Edzell, Andrei, at Adrian. Magbabarkadang walang iwanan.

"So, ano ang kuwento? Bakit magkasama kayo kanina ng badboy na iyon?"

Bumulong agad si Gracie. Nagsilapitan pa ang mga lalaki para makinig din sa sasabihin ko.

Napabuntong-hininga naman ako, "anak siya ni John. Siya ang pumalit kay John para magbantay sa akin habang buhay niya." Pagsalaysay ko gamit ang pagod na boses.

"Ay? Siya ang anak?"

"Unfortunately," sagot ko naman.

Nagsibalikan naman sila ng upo nang biglang pumasok sa loob si Sir Perez.

Dala niya ang class record maging ang bag na para sa laptop. Nakaayos ang buhok niya ngayon hindi tulad noon na messy ang style. Parang bagong ligo siya ngayon o may gel ang buhok niya.

Bumagay sa porma niya ang kulay ng balat niya at ang kulay ng bag niya. Simple lang kung masilayan pero malakas ang awra.

"Tumayo lahat ng tatawagin ko," aniya na nakatingin pa rin sa class record. "Dela Cruz, Amalgoso, Santos, Briones, Lazatin, at Dominguez."

Napahinga ako nang malalim. Akala ko ay ako na ang tinawag. Dominguez pala.

Inangat na niya ang tingin niya sa aamin. Seryoso at tila mahiwaga ang mga mata niya.

Inupo ni Sir Perez ang kalahati sa puwitan niya, "why are you absent yesterday?"

Una niyang tinanong si Dela Cruz, si Kae. "Lagnat po," maikling sagot naman niya habang nakayuko.

Ganoon din ang sinagot ni Amalgoso Maricar. Nilagnat din.

Naiiling si Sir bago niya tinanong si Charles Santos, "the reason behind your absence?" Tanong niya.

"Sir, sinikmura ako."

Maging ang iba pa ay ganoon din ang sinagot. Parang wala na silang maisip na isasagot.

"So, lahat kayo ay nagsabay na magkasakit? Konektado ba ang mga bituka niyo?"

"No, Sir."

Ang seryoso ng mukha at boses ni Sir Perez. Parang may problema siyang tinatago. Tila ayaw niyang malaman namin ang nararamdaman niya at pinadadaanan niya.

"This is the second month of the school year. You chose to be enrolled, so, you must cooperate and accept the consequences of what it is to be inside the school premises. I never chose to apply for a job and just sleep all day while waiting for my salary. That is not how world works."

Napayuko ako bigla. Parang pati ako ay pinagagalitan ni Sir. Hilig ko pa naman aang mag-absent.

"I chose this class," his tone changed. "Because I know no one could handle you, and I know I can. I can change all of your mindset from stooping down to being proud. Please, don't let anyone to manipulate you and keeps you apart from who you are in the future. You might be a billionaire someday or more than that."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay talagang hinahangad din niya ang tagumpay ng mga estudyante niya. He is not just a teacher. He is a motivator.

"You are not a product of your circumstances," dagdag pa niya.

Parang gusto kong pumalakpak. Masuwerte ang magiging asawa nito kung sakali man. Maganda at malayo ang pananaw niya. Hindi lang siya nagtuturo sa estudyante, binabago niya ang isipan at layunin ng bawat isa.

Pagtapos niyang magsalita ay bumalik na siya sa pagturo. Nakatalikod at nagsusulat sa white board. Tahimik lang ang buong klase. Natauhan yata sila sa sinabi ni Sir.

Hindi pa man tapos ang klase ay nakikita ko na ang mukha ni Cosmo na nakasilip sa pinto ng room namin. Isipin pa lang na makakasama ko na naman siya ay bigla akong tinamad sa buhay ko. Lord, please. Give me strength.

Napansin naman siya ni Sir kaya napahinto ito. Nagkatinginan pa ang dalawa bago nagsalita si Sir at pinayagan na kaming lumabas. Ang sunod na subject ay depende sa specialization ng mga estudyante.

Lumabas na kaming lahat ganoon din ang ibang section.

"Makakasama ko na naman ang h*******k." Bulong ko sa hangin.

Hindi naman kami ganoon kalapit pero naaasiwa pa rin ako. Wala bang ibang anak si John? Kung mayroon, iyon na lang sana ang ipalit sa lalaking ito.

"I'm an electrical installation and maintenance student," aniko.

"Bakit iyan ang pinili mo?" Masungit na tanong ni Cosmo. "Babae ka at pinili mo ang subject na iyan. Puro lalaki ang makakasama mo diyan. Mabuti at parehas tayo ng napili."

"What?!"

Gusto kong masuka! Ibig sabihin lang nito ay makakasama ko na naman siya! Aba, consistent masyado ang tao na ito. Kakaiba.

Ito ang paborito kong subject pero naging boring dahil may kasama akong asungot. Hindi tuloy ako nakakilos nang maayos. Habang nagsusupply ng kuryente ay iba-iba ang naiisip ko. kUng kuryentihin ko na lang kaya siya para hindi na siya makalapit sa akin? But, no. I am no criminal.

Ang sumunod na subject ay P.E.

Mabilis lang ang oras nito dahil puro performance naman ang mayroon sa P.E. Agad akong nagpunta sa CR para magpalit ng pants at shirt.

Mabilis kaming nakarating sa lugar kung saan kami tinawag ni Sir Aaron.

In-orient niya kami sa magaganap ngayon at sinabing hindi raw kami sasayaw tulad ng nakaraan. Salamat naman. I don't wanna dance, though.

"Nasabi ko na sa inyo ang gagawin ngayon, tama? Now, find a partner."

Nanlaki ang mga mata ko! Partner? Para saan naman?

Teka, wala yata ako nang sinabi niya iyon. Baka mawalan pa ako ng partner, pero naghintay lang ako na may mag-aya sa akin para maging partner hanggang sa wala. Wala akong partner.

Lahat sila ay mayroon nang mga partner maging yung mga absent kahapon. May absent kasing isa ngayon kaya wala akong partner. We’re 44 but someone isn’t present today.

Napatingin ako kay Sir Aaron na kausap si Sir Perez. Oo nga pala, magkaibigan ang dalawa at super close pa.

Bagsak ang balikat kong pumwesto sa likuran ng mga nagkumpulan kong kaklase dahil wala naman akong partner. Si Sir Aaron pa naman ay medyo istrikto sa pagtuturo. Kapag wala kang partner, simple lang, wala ka ring grades. What a life.

“Okay, may partner na ba ang lahat?” Nakikita ko pa rin naman si Sir Aaron kahit na medyo malayo ako sa kanila. Katabi niya lang si Sir Perez at nanonood sa amin.

Wala siyang klase ngayon, it’s his vacant time. Bakit alam ko? Friday ngayon at dalawang beses lang ang klase niya, first period at last period. Lagi kong napapansin iyon na tuwing Friday ay madalas siya sa faculty at umiidlip.

“Oh, bakit nandiyan ka Andres Domingo?”

Napansin ako ni Sir Aaron at dalawang teacher ang nakatingin sa akin ngayon. “Ah, wala ho kasi akong partner.”

“Eh ‘di wala ka ring grades.”

Tss. Napangiwi ako nang sabihin niya iyon at simulan nang ipuwesto ang mga kaklase kong may couple na. Nakakapanggigil ng laman ang araw na ito. Pumasok ba ako para mapahiya na lang lagi?

Okay, sit ups ba ang ginagawa nila?

Kaya pala may partner sila at buti na lang talaga wala akong partner dahil ayokong gawin iyan, ano! Maituturing ko pa ring suwerte ako.

Napansin kong nag-uusap sina Sir Aaron at Sir Perez, siguro ako ang pinag-uusapan nila. Hilig talaga akong itsismis ni Sir Perez sa mga katrabaho niya. Diyan siya magaling, ang i-down ako. Pshh.

“Oh, ano Andres Domingo? Wala ka na namang grades sa PE?”

E, wala nga akong partner, kainis naman. Nakakayamot iyang tanong niya, ah. Nahawa na siya kay Sir Perez na masyadong mapang-asar.

“Ako na ang partner niya,”

Nanlaki ang mga mata ko sabay nang biglang pagtaas ng mga balahibo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. At alam kong nagtaka rin ang mga panget kong kaklase dahil… dahil talagang nakakagulat!

“Ah, h—huh?” Nauutal pa ako habang lumalapit sa akin si Sir Perez.

“Sayang ang grades na ibibigay ni Sir Aaron kung hindi ka makakapag-perform.”

Wow, totoo ba iyan na concern siya sa grades ko?

Wala na akong nagawa nang isapin ni Sir Perez ang tela na parang ginagamit sa yoga. Hindi ko alam ang tawag doon dahil hindi naman ako nagyoyoga.

“Diyan ka na,”

“Si…sige po,”

Hindi na nga ako sanay mag-exercise, hindi rin ako sanay na may lalaking malapit sa akin maliban na lang kay John. E, siyempre si John parang tatay ko na. Sixty na si John at wala na sa kalendaryo ang edad niya, mawawala na rin sa bingo, isang dosenang taon pa.

Umupo ako sa sapin at pinagdikit ang mga hita ko. Parang ayoko nang ituloy ito. Ayos lang sa akin kahit wala akong grades basta malayo lang sa akin ang lalaki na ito!

“Hoy?”

“Ay, hoy!”

“Tulala ka na.”

Napayuko naman ako dahil napansin niya pala iyon. Napansin niya?

“Alright, ang ganda niyong tignan. Ngayong may partner na kayo, sisimulan na natin ang dapat simulan. Sit-ups ang tawag sa gagawin ninyo ngayon, bawat indibiduwal ay kailangang makakumpleto ng apatnapung bilang, maliwanag?”

Siguro kung ikaklaro niya pa nang kaunti ay magiging malinaw na sa amin. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa apatnapung bilang? Bilang ng ano? Bilang ng utot namin? Pabahuan, ganon?

Hindi man lang kami nagsimula sa warm-up, sabak agad sa giyera. Si Sir Aaron talaga, nagmamadali lagi kaya lagi ring may nakakalimutan.

Madami pang sinabi si Sir Aaron bago niya kami pinasimulan. Humawak sa tuhod ko si Sir Perez at hindi ko siya matignan nang maayos kasi nako-conscious ako. Teacher ko siya at estudyante niya ako.

Bawat pag-angat ng katawan ko ay sa iba ako nakatingin, ayoko talagang tumitingin sa mata ng iba lalo na kapag sobra ang lapit sa akin. Feeling ko hihigupin niya ang buong pagkatao ko na parang yung nababasa ko sa mga nobela.

Ayokong pansinin pero parang ang lapit sa akin ni Sir. Napapansin ko iyon sa tuwing naglalapit ang mga mukha namin. Ay, naku! Sumusobra na ang panonood ko ng mga romance movie kaya kung anu-ano na ang naiisip ko. Kasalanan ito ng mga binibili ni John na libro para basahin ko.

Nararamdaman ko na ang pangangawit ng katawan ko pero malapit nang matapos ang bilang kaya napatingin na ako kay Sir Perez na nakatingin din pala sa akin. I am not into romances kaya hindi ako mabilis kiligin kahit pa malapit sa akin ang isang lalaki. Although, nagbabasa ako ng mga ganoon, iba naman ang reality sa fiction. I just don’t like romance.

“Your eyes are beautiful,”

Lumamig yata ang pisngi ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"H-Huh?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • HOME VISIT   Chapter 50 - Final Chapter

    I turned off the radio inside my car before I went out. Pinagpagan ko ang suot kong uniform. Katatapos lang ng klase ko at dito ako dumiretso sa bahay nila Andrea. Siya ang gusto kong makita bago ako umuwi. Babalik din naman ako bukas nang maaga. Kahit pa isipin pa niyang napapadalas na ang pagbisita ko ay wala na akong pakialam. Gusto ko siyang nakikita.Tinuro lang sa akin ni uncle kung saan ko makikita si Andrea. Pumasok ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako hanggang sa makarating ako sa dining area. May daanan dito papunta sa movie room. Naroon daw siya at nagpapalipas ng oras. Nakita ko nga siya. Nakaupo siya sa isang upuan at gumuguhit sa sketchpad.She looks so perfect with those thin fabric of clothes she's wearing. Her legs are so fine.Tahimik akong naglakad at nilapitan siya. Hindi niya ako nilingon pero alam kong alam niyang nandito ako. Nagpatuloy lang siya sa pagguguhit niya."Sir… home visit pa ba ang ginagawa niyo o nanliligaw na kayo?"She didn't even looked at me.Hind

  • HOME VISIT   Chapter 49

    Ang daming nangyari. Hindi ko kinaya ang mga nangyari. Parang sasabog ang utak ko.Pinatawad ni papa si uncle kahit alam niyang ito ang dahilan ng paghihirap niya na umabot ng twelve years. Ako, kahit kailan ay hindi ko siya mapapatawad.Masakit pa rin sa akin ang nalaman ko. He tried to kill my father. That's worse than learning the truth that he's also the one who killed his son! I can't take this anymore. Pinatawad ni papa ang tao na iyon dahil iyon daw ang mabuti niyang gagawin kaysa ang galitin ang isang John Laevii. Bakit? Natatakot ba siya sa tao na iyon? He must not be scared.Ilang buwan na ang nakararaan pero hindi ko pa rin matanggap iyon. Sa tuwing nakikita ko siya ay umiiwas na lang ako. I don't want to talk to him baka masuntok ko siya sa mukha niya.Araw-araw ay bumibisita ako kay Andrea, kaya araw-araw ay nakikita ko ang pagmumukha niya. Oo, mabait siyang lolo para kay Andrea. Maganda ang naging buhay niya dahil sa kaniya kahit alam niyang hindi naman niya kadugo si

  • HOME VISIT   Chapter 48

    Tumakbo ako nang mabilis papunta sa kuwarto ni papa. Tumawag sa akin ang doktor niya. He's awake. Gising na siya! After twelve years nang paghihintay ay makikita ko na ulit ang papa ko.Halos maubusan ako nang hininga nang marating ko ang kwarto niya. Malayo din kasi ang ospital na ito sa ospital kung nasaan ngayon si Andrea.I saw him. Kinakausap siya ng doktor. Dahan-dahan akong pumasok. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang isang panaginip. He's awake."Papa," I mumbled. He looked at me. Ngumiti siya kaya agad ko siyang nilapitan para yakapin! I missed him so much. Nagpaalam ang doktor na iiwanan muna kaming dalawa bago ito lumabas sa kuwarto. Kumalas ako sa yakap ko kay papa. Hindi ako makapagsalita dahil napapahikbi ako. Humawak siya sa balikat ko. "Okay na ang lahat. Maayos na ako. Kailangan ko pang bumalik sa trabaho."Napangiti ako sa sinabi niya. Nang maaksidente siya ay nasa trabaho siya. Akala niya ba ay gano'n lang ang nangyari sa kaniya? Hindi niya pa yata alam ang nang

  • HOME VISIT   Chapter 47

    Severe head injury. That's what the doctor have said she suffered. She's still unconscious and it can take months for her recovery. They couldn't say whether when she will be able to gain consciousness. It feels like years waiting.No one can say what and how this happened to her. Slowly, walking back and forth infront of her room. Maybe, she'll wake up soon. I'll just wait here.I can't bear to see her with the ventilator on her and a bandage wrapped around her head. It's been two weeks. She's in comatose.I flinched, bumukas ang pinto. It's uncle. His face is sad and seems like he's just finished his cries. "It's done""What did they say?"Uncle sat down and gave me the fiercest look he could ever give. "I warned her already about this. Now, look what happened. The Duncan tried to kill her! That bullshit kid."Parang umakyat ang dugo ko sa ulo ko. I can feel something inside me that urge me to get Chelsea's ass in here. Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ito kay Andrea. Ano bang

  • HOME VISIT   Chapter 46 - Masquerade II

    He didn't eat. Ayaw niya raw tanggalin ang maskara niya para makasama niya ako. Kapag inalis niya iyon at nakita nila na siya si sir Perez, baka magtaka lang sila. Hindi ganoon karami ang kinain ko. Gabi na ngayon at hindi ako pwedeng kumain nang marami. Habang kumakain ay umiikot ang tingin ko sa mga dumalo ng ball. I immediately saw Chelsea. Siya pala ang nakasuot ng pink na gown kanina. I can see her gown is so expensive. It's made from silk and it suits her very well.Nagtagal ng halos kalahating oras ang dinner bago kami naglinis ng mga mukha at kamay. Sinamahan pa ako ni Andrew papunta sa washroom. Napansin niya yatang nabibigatan ako sa suot ko.Naiwan lang sa table si Edzell dahil kumakain pa rin siya. Mukhang wala yata siyang balak na matapos. Napakatakaw niya pero hindi naman tumataba.Hindi rin nagtagal ay nagsimula na namang may magsalita sa stage. Dalawang lalaki at isang babae ang nakatayo roon. Nakasuot rin sila ng mga masks. Ito na yata ang tinutukoy kanina ni presiden

  • HOME VISIT   Chapter 45 - Masquerade

    Malamig na simoy ng hangin ang bumalot sa balat ko nang makalabas ako sa kotse. As usual, ipinarada ko iyon sa malayo-layong lugar. Iilan sa mga estudyante ang nakikita kong pumapasok sa main gate ng school, nakasuot ng mga magagarang gown.A Medieval retro blue gown made out of Vicuña Wool with hood. It has a bell sleeve that is made from silk so it doesn't itch my skin, it's a long sleeve that is fitted around the shoulder and upper arm and flares out to the wrist, like a bell.This gown has so many layers inside. Such as the petticoat that helps to hold the skirt of my gown. Layers also help the gown to have a bold volume and to compliment my body shape. A ruffle at the bottom of my gown and a plain blue corset as a stomacher.There's also a seperate ruffles that parted in two and seems like an upside down letter v on my waist down to the bottom of my gown. It's shining. I think it has crystals or something that would make it shine.My make up is light. I don't need a heavy duty mak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status