Nasa labas ako ng bahay at tulalang nakamasid sa mga bulaklak na nakadisplay malapit sa akin.
“Your eyes are beautiful.”Hindi maalis sa utak ko yung sinabi ni Sir Perez sa akin. Alam ko naman na maganda ang mga mata ko pero hindi ko lang inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin nang malapit pa ang mga mukha namin.Uunahan ko na ang sarili ko bago pa niya maisip, teacher siya at estudyante ako. There is always a huge difference between the two. There is a thousand miles gap between me and him.Malabo.Napakalabo.Humalukipkip ako at tinitigan ang isang bulaklak na walang kaparehong bulaklak. Mag-isa lang siya at napapaligiran pa ng mga naglalakihang bulaklak sa paligid niya. Sinadya ba ni John na isang piraso ang ilagay diyan?“Pinalabas sa akin ni Papa iyang mga iyan.”Umupo sa isang upuang bakal si Cosmo at nilapag ang hawak niyang tray na may lamang donuts. Napangiti ako bigla dahil paborito ko ang choco butternut.“Uy," aniko.“Nasabi kasi sa akin ni Papa na paborito mo ang mga ganiyan kaya naisipan kong gumawa.”“Ikaw ang may gawa niyan?”“Oo,” maikling sagot naman nito.“Marunong ka palang mag-bake. Hindi ko na kailangang mag-order pa.”Tinusok ko sa tinidor ang isang donut saka ko iyon kinagatan. Ang sarap niya. It tastes heaven. Iba ang lasa at texture ng isang ito kumpara sa mga nabibili lang sa mga shop.“Seryoso, walang halong biro. Ang sarap nito.” Ngumunguya ako habang sinasabi ang mga iyon sa kaniya.Hindi ko inubos ang isang donut man lang dahil masyadong matamis at natatakot akong tumaba kaya nag-iingat ako sa mga pinapasok kong calories sa katawan ko.“Gusto ko sanang humingi ng pasensiya sa nagawa ko sa cafeteria,” aniya.Napalingon tuloy ako sa kaniya nang magseryoso na ang boses niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.“Hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy ni papa. Nabastos pa kita sa cafeteria nung nakaraang mga araw.”“Ayos lang iyon,” nakangiting sagot ko sa kaniya.“Pero, kahit pa man na hindi ko pa alam na ikaw si Andrea, gusto na kita. Seryoso ako, Andres.”“Bakit naman?” Natatawang tanong ko sa kaniya.“Sana mabigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan kita.”Tumitig ako sa mga mata niya saka ko siya nginitian. "Magising ka nga. Hindi ako magpapaligaw basta. Nasa kamay ko ang kinabukasan ng kabuhayan namin. Isang mali lang ay puwede iyong mawala."Napayuko siya saka bahagyang tumango ng dalawang beses. “Hindi ako bagay sa iyo dahil mababang uri lang ako ng tao. Ipinanganak lang ako para maging kapalit ng ama ko at bantayan ka.”“May purpose ka sa mundong ito.” I tapped his shoulder to comfort him and he smiled. “Hindi ko lang alam kung ano.”Tumango siya matapos kong sabihin iyon. Inabutan niya ako ng tissue dahil ang dumi kong kumain.Pagtapos naming mag-usap na dalawa ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Nagbabadya na ang pagdating ng malakas na ulan. Lumalamig na rin ang hangin na kanina ay may kasamang init.“Miss Andi,”Awtomatiko akong napahinto nang may isa sa mga maid namin ang tumawag sa gorgeous name ko. Nilingon ko naman siya.“Pinapapunta ho kayong dalawa ni John sa gallery room.”Gallery room, doon na naman?Tinanguan ko na lang siya saka aki naglakad patungo sa nasabing lugar. Kasunod ko lang si Cosmo maglakad.Ano naman kaya ang gagawin namin doon? Hindi ko na nais pang makita uli ang larawan ng aking mga magulang. Maiiyak lang ako.Pagpasok pa lang ay naamoy ko na ang iba’t ibang uri ng papel at canvas sa loob ng kuwarto. Luma at matagal nang inaalagaan para hindi tuluyang masira. Isang larawan ng mga magulang ko ang pinakamalaki kaya ito agad ang mapapansin. Wedding portrait nila iyon.“John,” bigkas ko nang makita ko siyang may hawak na mga papel at isa-isa iyong tinitignan. Mabilis na lumipat ang tingin niya sa akin saka niya ako sinenyasan na lapitan siya. “Ano na naman ito? Sa dinami-rami ng kuwarto sa bahay na ito, dito mo pa talaga ako pinatawag.”Mula nang magkaroon ako ng mabuting pag-iisip ay mga respinsibilad at layunin ko na ang lagi kong naririnig sa kaniya kaya naman halos mamemorya ko na iyon. Bata pa lamang ako ay naiintindihan ko na ang goals ko sa buhay. Ang lumaking edukada at ipagpatuloy ang naudlot na buhay ng mga Laevii. Bukod pa roon ay dapat maging matalino rin ako sa pipiliin kong mga kaibigan dahil kahit pamilya ay kaya kang traydurin.Maraming sinabi sa akin si John na matagal ko nang alam dahil paulit-ulit niya iyong sinasabi sa akin.“Sa oras na makamit mo na ang tamang edad mo, iyon na rin ang oras para mahawakan mo ang kayamanan ninyo ng mga Laevii. Pero, mayroon kang isang tungkulin na dapat gawin, iyon ay ang pumili ng isang matalinong lalaki na mapapang-asawa mo.”“Ano?!”Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon. Akala ko ay narito ako para lang malaman ang mga gagawin ko sa negosyo pero hindi pala. Hindi ko inaasahang kailangan ko rin palang magkaroon ng asawa.“Kailangan mong mag-asawa,” pag-uulit pa niya.“John, hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko." Parang gusto kong umiyak at magmakaawa sa kaniya. “I don’t have to marry someone successful, I can be successful without someone, John.”“Hindi puwede na mag-isa ka. Hindi ako habang-buhay na makakasama mo, Miss Andi.”Nalungkot ako bigla. Parang kinurot niya ang puso ko sa sinabi niya. Kapag sinasabi niya iyan, nalulungkot ako nang sobra. Naisip ko na naman na wala nga pala akong mga magulang na mapagtatanungan ko kung paano ba ito at paano na? Kapag nawala sa akin si John, ano na lang ako? Sanay akong sumandal sa kaniya kapag hindi ko na kaya. Kapag naaalala ko ang nga magulang kong sabay na namatay.“Kahit na ayaw mong magkaroon ng asawa, kailangan mo pa rin ang magpakasal. Iyon ang huling habilin sa akin ng mga magulang mo bago sila nawala. Umibig ka kahit saglit lang dahil nakasalalay sa inyo ang kinabukasan mo.”Hindi ako umimik. Sa baba lang ako nakatingin at kinukurot ang sarili kong mga daliri. Yung hiling ni papa at ang hiling ni mama ay hindi ko maintindihan, pero unti-unti ko nang nalalaman kung ano ang gusto nioang sabihin.. Bukod sa ako lang ang tanging mapupuntahan ng yaman nila, bakit kailangan ko pang mgpakasal? I'm so young. It seems like I have no right to make decisions on my own.“Ako ang hahanap ng lalaking para sa iyo kung iyan ang hindi mo magawa.” Aniya pa.At ano? Iyong lalaking hahanapin niya ay sasaktan lang ako? He knows how scared I am in love and commitment. That‘s how my parents died. They build a relationship just to be ruined by someone.“Kailangan mong maikasal sa lalong madaling panahon.” Lumapit siya sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko. “Miss Andi, patawad.”That’s all what he said before he went out and left us in here. Seryoso siya sa sinabi niya. Hahanap siya ng lalaking ipakakasal sa akin. Ang galing. At ngayon fixed marriage na ang ganap sa buhay ko?How cheap is that? Nangyayari lang ang fixed marriage sa mga taong no choice na sa buhay at bawal tumandang dalaga. Not me. I am excluded.“Ayos ka lang ba, Andres?”Napabuga ako ng hangin mula sa bibig ko bago ako humarap kay Cosmo. “Okay pa rin ako.” Yun lang ang nasagot ko bago ako humakbang palayo sa kuwartong iyon.Para akong lantang gulay na naglalakad papunta sa kuwarto ko. Gusto kong mahiga at magising na lang kapag puti na ang buhok ko. Ang hirap mabuhay nang ganito.Sabi ko pa naman sa sarili ko, ang suwerte ko dahil mayaman ako. Pero malas lang dahil maraming kondisyon. Naglaro pa yata sila ng truth or dare bago nagpakasal. Nakakatawa.“Hay nako!” Sinakal ko yung unan na malapit sa akin bago ko iyon hinagis sa kawalan. “Naiinis na ako, ah!”I sighed.“Bakit kapag hindi mo kailangan ang isang bagay, iyon pa ang darating sa iyo? Nakakalungkot naman.” Bulong ko.“Actually, you’re right. You don’t have to marry someone successful to be successful. You are successful on your own.” Cosmo interjects.Tinanguan ko siya. “Baka ito ang kapalit sa pagiging mayaman.”SUNDAY.Oh, what a nice day?Narinig kong may kausap na abogado si John. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil masakit maglinis ng paa ang manikyuristang kinuha ni Cosmo.Every Sunday ay kailangan kong maglinis ng paa, kamay, at buong katawan ko. And I have to read books after these shits.“Gusto niyo po bang kulayan ang kuko ninyo?”Umiling ako.“Much better if no.” aniko bago maglakad palabas ng main door.“Huwag ka nang lumabas, uulan na.”Napatingala ako sa kalangitan nang sabihin niya iyon. Makulimlim na nga. Nung nakaraan ay umulan rin nang bahagya kaya masarap ang naging pagtulog ko. Hindi ko alam, pero mas masarap ang tulog ko kapag umuulan sa gabi.“Balak mo bang hintaying pumatak sa iyo ang ulan?”Hindi ko sinagot si Cosmo nang magsimula na ngang dahan-dahang pumatak sa lupa ang bawat patak ng ulan. Tinignan ko lang siya habang naiiling sa akin.“Your eyes are beautiful.”Natapilok ako bigla nang mapaigtad ako dahil pumasok na naman sa isip ko ang bulong sa akin ni Sir Perez. Buti na lang ay aktibo akong nasalo ni Cosmo mula sa akmang pagkakadapa.“Ang tanga mo naman,” aniya sa akin.Hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kaniya dahil nauunahan ng patak ng ulan ang mga mata ko. Humawak siya sa magkabilang braso ko at hinimas-himas iyon dahil basa na ang buong katawan namin. Malas naman.“Pumasok na tayo, Andres.”Hinila niya ang kamay ko pero hindi ako sumunod. “Gusto kong mapag-isa.” Binawi ko sa kaniya ang braso ko.“Dito lang ako,” tumayo siya sa tabi ko. “Hindi ka pa ba nakakaligo sa ulan nang bata ka?”Inalis ko sa kaniya ang tingin ko at sinalo ang bawat patak ng ulan gamit ang palad ko. Paano ko naman magagawa iyon? Bata pa lang ako ay nakatuon na agad ako sa pag-aaral ng good manners at iba’t ibang manners. Inakala ko pa ngang isa akong prinsesa dahil roon.“I was too busy way back then. Hindi ko nagagawa ang mga bagay na ginagawa ng ibang batang tulad ko dahil may pangalan akong inaalagaan. Walang kwenta ang kabataan ko, Cosmo.”“No wonder why you’re always acting like a child.”“Nakakatawa, kaya mo kayang gawin ang lahat ng gusto mo, mayaman ka, eh.”“That is not a license.”I turned off the radio inside my car before I went out. Pinagpagan ko ang suot kong uniform. Katatapos lang ng klase ko at dito ako dumiretso sa bahay nila Andrea. Siya ang gusto kong makita bago ako umuwi. Babalik din naman ako bukas nang maaga. Kahit pa isipin pa niyang napapadalas na ang pagbisita ko ay wala na akong pakialam. Gusto ko siyang nakikita.Tinuro lang sa akin ni uncle kung saan ko makikita si Andrea. Pumasok ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako hanggang sa makarating ako sa dining area. May daanan dito papunta sa movie room. Naroon daw siya at nagpapalipas ng oras. Nakita ko nga siya. Nakaupo siya sa isang upuan at gumuguhit sa sketchpad.She looks so perfect with those thin fabric of clothes she's wearing. Her legs are so fine.Tahimik akong naglakad at nilapitan siya. Hindi niya ako nilingon pero alam kong alam niyang nandito ako. Nagpatuloy lang siya sa pagguguhit niya."Sir… home visit pa ba ang ginagawa niyo o nanliligaw na kayo?"She didn't even looked at me.Hind
Ang daming nangyari. Hindi ko kinaya ang mga nangyari. Parang sasabog ang utak ko.Pinatawad ni papa si uncle kahit alam niyang ito ang dahilan ng paghihirap niya na umabot ng twelve years. Ako, kahit kailan ay hindi ko siya mapapatawad.Masakit pa rin sa akin ang nalaman ko. He tried to kill my father. That's worse than learning the truth that he's also the one who killed his son! I can't take this anymore. Pinatawad ni papa ang tao na iyon dahil iyon daw ang mabuti niyang gagawin kaysa ang galitin ang isang John Laevii. Bakit? Natatakot ba siya sa tao na iyon? He must not be scared.Ilang buwan na ang nakararaan pero hindi ko pa rin matanggap iyon. Sa tuwing nakikita ko siya ay umiiwas na lang ako. I don't want to talk to him baka masuntok ko siya sa mukha niya.Araw-araw ay bumibisita ako kay Andrea, kaya araw-araw ay nakikita ko ang pagmumukha niya. Oo, mabait siyang lolo para kay Andrea. Maganda ang naging buhay niya dahil sa kaniya kahit alam niyang hindi naman niya kadugo si
Tumakbo ako nang mabilis papunta sa kuwarto ni papa. Tumawag sa akin ang doktor niya. He's awake. Gising na siya! After twelve years nang paghihintay ay makikita ko na ulit ang papa ko.Halos maubusan ako nang hininga nang marating ko ang kwarto niya. Malayo din kasi ang ospital na ito sa ospital kung nasaan ngayon si Andrea.I saw him. Kinakausap siya ng doktor. Dahan-dahan akong pumasok. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang isang panaginip. He's awake."Papa," I mumbled. He looked at me. Ngumiti siya kaya agad ko siyang nilapitan para yakapin! I missed him so much. Nagpaalam ang doktor na iiwanan muna kaming dalawa bago ito lumabas sa kuwarto. Kumalas ako sa yakap ko kay papa. Hindi ako makapagsalita dahil napapahikbi ako. Humawak siya sa balikat ko. "Okay na ang lahat. Maayos na ako. Kailangan ko pang bumalik sa trabaho."Napangiti ako sa sinabi niya. Nang maaksidente siya ay nasa trabaho siya. Akala niya ba ay gano'n lang ang nangyari sa kaniya? Hindi niya pa yata alam ang nang
Severe head injury. That's what the doctor have said she suffered. She's still unconscious and it can take months for her recovery. They couldn't say whether when she will be able to gain consciousness. It feels like years waiting.No one can say what and how this happened to her. Slowly, walking back and forth infront of her room. Maybe, she'll wake up soon. I'll just wait here.I can't bear to see her with the ventilator on her and a bandage wrapped around her head. It's been two weeks. She's in comatose.I flinched, bumukas ang pinto. It's uncle. His face is sad and seems like he's just finished his cries. "It's done""What did they say?"Uncle sat down and gave me the fiercest look he could ever give. "I warned her already about this. Now, look what happened. The Duncan tried to kill her! That bullshit kid."Parang umakyat ang dugo ko sa ulo ko. I can feel something inside me that urge me to get Chelsea's ass in here. Hindi siya nagdalawang-isip na gawin ito kay Andrea. Ano bang
He didn't eat. Ayaw niya raw tanggalin ang maskara niya para makasama niya ako. Kapag inalis niya iyon at nakita nila na siya si sir Perez, baka magtaka lang sila. Hindi ganoon karami ang kinain ko. Gabi na ngayon at hindi ako pwedeng kumain nang marami. Habang kumakain ay umiikot ang tingin ko sa mga dumalo ng ball. I immediately saw Chelsea. Siya pala ang nakasuot ng pink na gown kanina. I can see her gown is so expensive. It's made from silk and it suits her very well.Nagtagal ng halos kalahating oras ang dinner bago kami naglinis ng mga mukha at kamay. Sinamahan pa ako ni Andrew papunta sa washroom. Napansin niya yatang nabibigatan ako sa suot ko.Naiwan lang sa table si Edzell dahil kumakain pa rin siya. Mukhang wala yata siyang balak na matapos. Napakatakaw niya pero hindi naman tumataba.Hindi rin nagtagal ay nagsimula na namang may magsalita sa stage. Dalawang lalaki at isang babae ang nakatayo roon. Nakasuot rin sila ng mga masks. Ito na yata ang tinutukoy kanina ni presiden
Malamig na simoy ng hangin ang bumalot sa balat ko nang makalabas ako sa kotse. As usual, ipinarada ko iyon sa malayo-layong lugar. Iilan sa mga estudyante ang nakikita kong pumapasok sa main gate ng school, nakasuot ng mga magagarang gown.A Medieval retro blue gown made out of Vicuña Wool with hood. It has a bell sleeve that is made from silk so it doesn't itch my skin, it's a long sleeve that is fitted around the shoulder and upper arm and flares out to the wrist, like a bell.This gown has so many layers inside. Such as the petticoat that helps to hold the skirt of my gown. Layers also help the gown to have a bold volume and to compliment my body shape. A ruffle at the bottom of my gown and a plain blue corset as a stomacher.There's also a seperate ruffles that parted in two and seems like an upside down letter v on my waist down to the bottom of my gown. It's shining. I think it has crystals or something that would make it shine.My make up is light. I don't need a heavy duty mak