แชร์

Chapter 5 Offer

ผู้เขียน: AKHIRAH MIAMOR
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-11-15 02:39:10

MONICA:

PANAY ANG pahid ko ng luha habang palakad-lakad dito sa labas ng operating room ng hospital na pinagdalhan kay Aldrich ng mga taong nakakita sa kanyang nakahandusay sa isang parking lot ng bar na pinuntahan nito. Mabuti na lang at hindi pa naibababa ang linya kaya naka-usap ko pa ang mga ito at sila ang nagsabi ng kalagayan ni Aldrich!

Nanginginig ang buong katawan ko at hindi mapakali sa mga nangyayari. Hindi ko pa batid kung bakit ito sinaksak ng kung sino man. Hindi ko rin maitawag kina Ma'am Diane ang nangyari sa anak nila dahil tiyak na nag-aalala ang mga iyon! Hindi ko pa ala ang buong nangyari. Baka mamaya niyan ay napagulo lang si Aldrich. Ayaw na ayaw pa naman niyang nagsusumbong ako sa mga magulang niya kaya hindi ako nagre-report ng mga kalokohan nito.

Natigilan ako nang bumukas ang pinto at niluwal non ang isang nurse. Kaagad akong lumapit na nagpahid ng luha.

"Ma'am, kumusta si Aldrich? Humihinga pa naman siya 'di ba? Jusko! Hwag naman sanang nategi na ang playboy na 'yon! Hindi ko pa nga nahahalikan ang mokong na 'yon, e!" natatarantang bulalas ko.

Napahagikhik naman ang nurse na kaharap kong ikinatigil ko sa pago-overthink!

Nahiya ako bigla. Gumapang ang init sa mukha ko na naiiling na napakamot sa ulo.

"Sorry, Ma'am--"

"Ha?! Hindi! Hindi! Hwag mong sabihing nategi na ang alaga ko! Hindi pwede, hindi! Aldrich!" pagwawala kong ikinatawa nito.

Parang umurong pabalik ang mga luha ko sa pagtawa nito na tila tuwang-tuwa pa sa naging reaction ko!

"Pinagtatawanan mo ba ako?" pagalit ko ditong natigil sa pagtawa at napaayos ng tayo.

Nagpahid ako ng luha na inayos ang buhok ko.

"Sorry, Ma'am. Ang oa niyo po kasi. Patapusin niyo kasi muna ang sasabihin ko," nakangiting saad nito.

Napahinga ako ng maluwag na napalapat ng kamay sa dibdib. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinaad nito. Ngumiti itong napatikhim.

"Ligtas na po si Sir, Ma'am. Maya-maya lang o bukas ay magigising na siya. Mabuti na lang hindi malalim ang mga saksak. Niya at wala ding natamaan sa mga organs niya," malinaw nitong pagpapaliwanag.

Napatango-tango ako.

"Ah, masamang damo nga. Hindi sinundo ni San Pedro. Baka nga naman patusin niya lahat ng angels sa langit," bulalas kong ikinahagikhik nito.

"Hehe," napapangiwing tawa ko na napapakamot sa ulo.

Naiiling naman itong tawang-tawa pa rin sa akin.

Mukha ba akong clown sa paningin niya? Kung makatawa naman ang ate na 'to. hmft!

NANGINGITI AKONG marahang hinahaplos ang makinis na pisngi nito habang payapang nahihimbing sa kama. Kahit paano ay makahinga na ako ng maluwag at napanatag ang loob na okay na ito. Ligtas na siya sa muntikang pag-akyat sa totoong langit.

"Ano bang nangyari? Bakit ka sinaksak? Walang hiya ang nanaksak sayo, ha? Hindi yata nila kilala kung sino ka. Isumbong ko kaya ang mga iyon kay Ma'am Diane? Tignan ko lang kung hindi pasabugin ni Ma'am maging buong angkan nila," bulalas ko habang hinahaplos sa ulo si Aldrich.

"Yan ang hwag na hwag mong gagawin,"

"Sabi ko nga. Hindi. Ayt!!" napatili ako na malingunan itong nagsalita!

"Aldrich! Buhay ka! Buhay ka pa! Tangina mo, pinag-aalala mo ako!" tili ko na nayakap ito.

"Salamat buhay ka?! Salamat talaga! Lumaban ka ba para sa akin, hmm!?"

"Urghh! Shit, Monica. Ang s-sugat ko, pinadugo mo na," napapadaing nitong ungol.

Namilog ang mga mata ko na maalalang may mga tahi nga pala ito sa tyan shutah! Nawala sa isip ko dala ng labis-labis na tuwang nagising na ang poging mokong!

"Ops, sorry. Masakit ba?" aniko na napadantay ng palad sa tyan nito.

"Urghh! Ano ba, natural masakit. Wala ng bisa ang gamot niyan. Pambihira ka naman. Ooh," reklamong ungol nito na ikinahagikhik ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Gusto mo yata akong matuluyan e," ingos nito na napapanguso.

"Hindi ah. Bakit ko naman gugustuhin na matigok ka? 'Di mawawalan na ako ng alagang mokong. Paano na ang pag-aaral ko, pag nagkataon?" walang prenong sagot ko.

Mahina itong natawa na impit na napadaing at napahaplos sa tyan.

"Damn, Nics,"

"Hwag mo naman akong murahin. Mahalin mo na lang," nguso ko na bahagyang hininaan ang huling sinabi.

"Anong sabi mo?"

"Wala,"

"Meron. May sinabi ka e," pangungulit pa nito.

Napatitig ako dito. Unti-unting napangisi na hinawakan ang tyan nitong impit nitong ikinadaing.

"Urghh! Masakit! Ano ba!?" napapaungol na asik nito. Napahagikhik ako.

"Mababaw lang naman sabi nung nurse e," ingos ko.

"Kahit na tahi pa rin 'yan. Ang sama mo naman sa akin," reklamo nito.

Natigilan ako na maalala kung bakit nga ba ito nasaksak!

"Aldrich,"

"Ano?" pagsusungit nito.

"Bakit ka sinaksak? May nakaaway ka ba?" tanong ko.

Natigilan ito na naipilig ang ulo. Nasasabik naman ako sa sasabihin nito. Hwag naman sanang napaaway ito dahil sa babae!

"Mokang,"

"Hwag mo nga akong tawagin niyan! Ang bantot eh!" asik ko na tinawag niya ako sa alyas ko noong bata pa lang ako.

Napahagikhik ito na ikinabusangot ko.

"Ahem! Sorry," napapatikhim nitong paumanhin.

Napairap ako dito na humalukipkip.

"Tanda mo si Cielo?" seryosong tanong nito.

Umasim ang mukha at sikmura ko na sinambit nito ang babaeng parot noong nakaraan.

"Oh, bakit? Anong meron kay parot?" ingos ko dito.

"May asawa na pala 'yon,"

"Good for her, teka---" natigilan akong namilog ang mga mata na napatitig dito na makuha ang sinaad nito.

"May asawa na!?" bulalas kong ikinatango-tango nito.

"Wow, ang galing! Napakalandi naman talaga. May asawa na pala ang parot na 'yon pero nagpatuka pa rin sayo. at ikaw naman na mokong ka, tinuka mo!" bulalas kong nakurot ito sa braso ng pinong-pino. Nanggigigil ako na maalala na pinaligaya na nito ang parot na 'yon!

"Hindi ko naman alam. Saka, nagbabanta 'yong asawa niya," saad nito.

Natigil ang pag-aalboroto ng dugo ko sa sinaad nito. Nakaramdam naman ako ng awa para dito na makita ang pagdaan ng takot sa kanyang mga mata.

"Anong plano mo niyan?" kalmadong tanong ko.

Napahinga ito ng malalim. Napailing na pilit ngumiti sa akin.

"Magpapalamig muna ako. Siguro kukuha na muna ako ng magpapanggap na asawa ko para tantanan na nila ako," sagot nito. Napakurap-kurap ako sa narinig.

"Mag-aasawa ka na!? Paano naman ako!?" gimbal na bulalas kong napatayo.

Nagkatinginan kami na ikinalunok ko at nag-init ang mukha sa naisatinig shutah! Nakakahiya!

"You're right, Nics. Maniniwala si Cielo na mag-asawa tayo kung ikaw ang pakakasalan ko. Total nasabi mo naman sa kanya noong nakaraan na future wife kita, 'di ba?" saad nitong tila nakakita ng pag-asa sa akin!

"T-tayo?!Magpapakasal tayo? As in? Ikaw at ako?" paniniguro kong namimilog ang mga mata.

Natawa itong napailing.

"Oo nga. Pero kapag lumamig na ang issue? Ipapawalang bisa din natin ang kasal. Madali lang naman siguro natin silang mapapaniwala dahil magkasama tayo sa iisang buong," saad pa nito na nangungumbinsi ang tono.

"Pumayag ka na, Nics," pang-uuto pa nito.

Napahinga ako ng malalim. Nakabusangot kahit deep inside ay nagdidiwang. Gusto ko ang ideya ng mokong! Kahit magpapanggap lang kami ay g ako. Maging asawa ba naman niya ako?! Ang saya!

"Anong kapalit ng pagpayag ko?" ngumiti ito na hinawakan ang kamay ko.

"Ililibot kita sa buong mundo," namilog ang mga mata kong parang tumigil sa pagtibok ang puso ko sa sinaad nito!

"Pumayag ka na. Sige kung ayaw mo, sa iba ko--"

"Game! Pakasalan mo na ako para magtigil ka na sa kalalandi sa iba!"

"Fvck!"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 28 My Dolce Amore FINALE

    ALDEN:MAPAIT AKONG NAPANGITI habang inaayos ang sarili ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Lara. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.Naging stable na ang lagay nila ni Andrea. At hinihintay na lang namin ang paggising nila. Sana nga. Sana nga magising na sila.Namumuo ang luha ko habang nakaharap sa salamin na inaayos ang sarili ko. Napag-usapan namin ng pamilya ko at nila Mommy Lira na ituloy ang kasal namin. Kahit wala pa ring malay si Lara. Panay ang buga ko ng hangin habang hinihintay dumating ang pari na siyang magkakasal sa amin ni Lara. Dito lang din sa kanyang recovery room kami magpapakasal. Walang media. Walang ibang bisita. Kami-kami lang na pamilya at mga malalapit na kaibigan ang siyang saksi sa aming pag-iisang dibdib sa pangalawang pagkakataon.Naipagtapat ko na rin sa pamilya namin ni Lara na mag-asawa na talaga kami nito. Bago ako umalis papuntang Canada ay kumuha na kami ng papel namin bilang mag-asawa. Hindi naman tumutol ang pamilya namin sa nagin

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 27 First Love

    LARA:PUNO NG GALAK ANG puso ko sa gabing ito na nasa tabi ko lang si Alden. Hawak ang kamay ko na marahang pinipisil-pisil iyon. Hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi at ang kakaibang kislap sa mga mata ko.At 'yon ay dahil sa isang tao. Si Alden.Matapos akong kantahan ng birthday song ay sumunod ang 18th roses kung saan isasayaw ako sa gitna ng bulwagan. Unang-una talagang lumapit si Aldrich na ikinaniningkit ng mga mata ni Alden dito at halos hindi bitawan ang kamay ko."Chill, dude. Sasayaw lang kami," tudyo nito na may ngisi sa mga labi.Marahan kong napisil ang kamay ni Alden na ikinabaling ng paningin nito sa akin. Matamis akong ngumiti na marahang tumango. Nagpapaalam na sasayaw na muna kami ni Aldrich. Malalim naman itong napabuntong-hininga bago dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Habang sumasayaw kami ng sweetdance ni Aldrich ay panaka-naka kaming napapasulyap kay Alden na matamang kaming pinapanood. Sinasadya tuloy ni Aldrich na asarin itong ikinalulukot ng gwapo

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 26 Past

    LARA:HINDI KO ALAM kung gaano na kami katagal ni Andrea na nasa malawak na disyertong kinaroroonan namin. May mga pagkakataon na nakakarinig pa rin kami ng boses ng pamilya naming kinakausap kami. Maging si Alden.Pero katulad ng dati ay hindi naman namin mahanap-hanap ang daan pabalik. Dahil kahit anong paglalakad ang gawin namin ay para namang hindi kami nakakausad.MAPAIT AKONG napangiti na nakatitig sa wedding ring ko. Tumabi naman si Andrea sa akin na napatitig din sa kamay ko."A promise ring?" tanong nito.Umiling ako na may pilit na ngiti sa mga labi. Bahagya namang nangunot ang noo nito sa akin."Wedding ring.""Wedding ring?" ulit nito na mas lalong nangunot ang noo."Yeah," tumatango-tangong sagot ko."Wait, I thought, you two--""We're already married, Andrea. Bago siya nagtungo noon sa Canada ay nagpakasal kami ni Alden sa civil. Kaya naman pala ganun na lamang ang kagustuhan naming magpakasal muna bago magkakalayo. Dahil ganito ang mangyayari," sagot ko na ikinatigil ni

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 25 Coma

    ALDEN:PARA KAMING pinagsakluban ng langit at lupa habang hindi nilulubayan ng mga doctor na nire-revive si Lara at Andrea! Nakasalampak ako sa sahig habang yakap-yakap ni Mommy Lira na humahagulhol na ring nakamata sa magkapatid. Napayuko ako na patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko siya kayang panoorin na lang. Hindi ko kayang makita kung paano nahihirapan na si Lara para lumaban! Hindi ko kaya.PERO MULI kaming nabuhayan ng loob ng biglang tumunog ang machine!"Doc, bumalik ang pulso nila!" Sigaw ng nurse na ikinatayo namin ni Mommy Lira habang magkayakap. Hilam ang mga mata na napatitig sa dalawa at kita ngang tumutunog ng muli ang monitor. Napapahid kami ng luha nila Mommy na nagkayakapan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makitang pataas na ng pataas ang rate nito. Maging sina Mommy at Daddy ay kitang nabuhayan ang loob na nakamata sa dalawa.Bakas ang pagod sa dalawang doctor na umaasikaso kina Lara at Andrea pero may ngiti sa mga labi

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 24 Flat line

    ALDEN:PARA AKONG matatakasan ng bait na paulit-ulit nagfa-flat line ang heart beat ni Lara sa monitor. Kahit paulit-ulit siyang nare-revive ng mga doctor ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko! Maging si Andrea ay paulit-ulit din nagfa-flat line ang heart beat na tila kung anong nararamdaman ng isa? Mararamdaman din ng isa. Kaya naman paulit-ulit ding nahihimatay si Mommy Lira na nakikita ang kambal nitong nag-aagaw buhay!LUMIPAS ANG mga araw na nanatili sa ICU si Lara at Andrea. Pareho pa ring alanganin ang lagay. Critical pa rin ang mga ito at walang kasiguraduhan na makakaligtas sila. Kaya naman pinayuhan na kami ng mga doctor na ihanda ang sarili sa maaaring sapitin ng dalawa. Ang mga aparatus at machine na lang kasing nakakonekta sa kanilang katawan ang nagdudugtong ng kanilang buhay. Na kung hindi na nila kayanin ay tuluyan na silang mawawala sa amin.Bagay na kinakatakot ko.Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala sa akin sa gantong paraan. Mas kakayanin ko pang mapunta s

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 23 Twin sister

    LARA:NAPANGITI AKO na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Dahan-dahan akong napadilat mula sa tila kay haba-habang pagkakaidlip ko.Napakunotnoo ako na maigala ang paningin sa piligid! Mag-isa lang kasi ako dito sa tila disyerto na wala manlang akong matanaw maski ano!Puro buhangin lang na pino at kulay puti ang nakikita ng mga mata ko. Mataas ang sikat ng araw pero nakakapagtakang wala akong madamang gutom, uhaw, pagod o kahit ang mainit na sikat sana nitong tumatama sa akin!Kinilabutan ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahan-dahang tumayo na iginala ang paningin sa paligid. "Nasaan na ba kasi ako? Paano ako nakarating sa lugar na ito?" magkasunod kong tanong sa sarili.PALAKAD-LAKAD ako sa walang hanggang disyerto. Hindi ko na nga alam kung saang direksiyon ang tatahakin ko. Natigilan ako na sa 'di kalayuan ay may natanawan akong babae. Nakatalikod ito sa gawi ko. Mahaba ang buhok nito na nakalugay. Abot hanggang kanyang baywang na unat na unat. Katulad ko ay nakaputing b

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status