Share

Chapter 6 Wedding

last update Last Updated: 2023-11-15 02:40:09

ALDRICH:

NANGINGITI AKONG marahang hinahaplos sa ulo si Monica. Nahihimbing na ito sa tabi ko na parang batang nakasiksik sa tagiliran ko. Napapailing na lamang ako sa kakulitan nito. Ilang beses ba naman sinundot ang mga tahi ko sa tyan. Fvck! Ang brutal niya talaga sa akin e!

Wala manlang kalambing-lambing sa akin ang babaeng ito. Kahit nga yata ang magwapuhan ito sa akin ay hindi magawa damn!

"Salamat, Nics. Sa pagtulong sa akin. Pangako, malusutan ko lang ang kinakaharap kong problema? Pakakawalan din kita. Malaya mong makakasama kung sino man ang iibigin mong mapangasawa," pagkausap ko dito.

May bahagi sa puso ko ang nalulungkot na maisip ang bagay na 'yon. Alam kong hindi mga tipo ko ang gusto ni Monica. At naiintindihan ko kung hindi ako pumasa sa standard niya. Siya kasi' 'yong tipo ng babae na hindi sa panlabas na anyo bumabase. Kaya balewala sa kanya kahit na kabilang ako sa mga pinagpapantasyahan ng bansa.

Napahinga ako ng malalim na niyakap ito. Mahina itong napaungol na mas nagsumiksik sa tagiliran ko. Bahagya pang nakaawang ang kanyang mga labi. Napakasarap sigurong hagkan ng mga iyon. Manipis lang ang mga labi nito pero mapula sila at makintab. Parang nagpapaanyaya lagi ng isang masarap na halik ang mga iyon sa paningin ko!

Nakayuko ako na dahan-dahang inilapit ang mukha ko dito. Pigil-pigil ang paghinga ko na tumatama na sa mukha ko ang mainit at mabangong hininga nito. Dama kong sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa pagtatangka kong nakawan ng halik ito. Shīt!

Hindi na tama ito! Ano bang nangyayari sa akin!?

Akmang sasayad na ang mga labi ko dito nang bumukas ang pinto na ikinaayos ko ng higa.

"Urghh, fvck," malutong mura ko na kumirot ang tahi ko sa biglaang pagkilos ko.

"Cielo!?" gimbal na bulalas ko at napakunotnoo na malingunan ang bagong dating!

Nagpantig ang panga ko na makita ito dito. May dala pang basket ng prutas at bulaklak.

"Good morning, babe. How are you, huh?" malambing bati nito na matamis ngumiti.

Akmang hahaplusin ako nito sa pisngi na kaagad kong iniiwas ang mukha

"What brings you here, ha? Gusto mo na ba akong patayin ng asawa mo!?" pagalit ko dito.

Napahinga ito ng malalim na naupo sa gilid ng kama. Malungkot ang mga matang nakatitig sa akin.

"I'm sorry. Hihiwalayan ko na siya," saad nito sa mahabang tono.

Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ko na nakamata dito.

"Wala na akong pakialam, Cielo. Ayoko ng gulo. Isa pa, please lang, umalis ka na. Can't you see who's lying beside me? Mahiya ka naman sa fiance kong nahihimbing sa tabi ko," may kadiinang asik ko dito.

Saka lang nito nasulyapan si Monica na nahihimbing at nakayakap sa akin.

Napalunok itong kita ang sakit na dumaan sa mga mata nito.

"Please, leave us alone, Cielo. Ikakasal na kami ng mahal ko. Umalis ka na, please. Tama na ang minsan na nagkamali tayo. Bumalik ka na lang sa asawa mo at ayusin niyo ang pagsasama niyo," pagtataboy ko na mahinahon ang tono.

Mahirap ng baka magising si Monica. Tiyak magwawala ito at gugulpihin ang tinatawag nitong parot.

Nakahinga ito ng malalim na pilit ngumiti. Maya pa'y bumukas ang pinto na ikinalingon namin doon.

Napatayo ito na bakas ang kagulatan habang ako nama'y nanigas sa kinahihigaan na malingunan doon

ang asawa nito!

"Ralph!?" bulalas nito.

Napangisi itong lumapit na napapailing. Napapalunok akong napayakap kay Monica. Dahilan para magising ito na pupungas-pungas at napakusot-kusot ng mga mata.

Napasulyap dito si Ralph na bahagyang natigilan.

"Nagugutom na ako, Aldrich. Ikaw ba?" inaantok nitong saad. Napapahikab pa.

"Um, sweetie, may bisita," mahinang saad ko.

"Huh?" napalingon ito na nagsalubong ang mga kilay.

Napa-akbay ako dito na ikinasulyap ni Ralph sa kamay kong nakahawak sa punong-braso ni Monica.

"Parot!? Anong ginagawa mo dito, ha!? Ginugulo mo na naman ba ang fiance ko!? Ang kapal naman ng mukha mo! Natikman mo lang ang Aldrich ko, uulit-ulitin mo naman na! Lumayas ka dito, o bubudburan kita ng asin ng mabawas-bawasan ang kakatihan mo sa katawan, lintik kang parot ka!" singhal nitong napabangon ng kama.

"Fiance?" ani Ralph na nangunotnoo.

"Oo! Sino ka naman? Driver niya? Bodyguard? Pwes kung ano ka man ng parot na 'to, pwede ba? Kaladkarin mo na 'yan palabas at baka mag-transform ako into Bruce Lee at ma-wachah, wachah ko ang parot na 'yan!" pagmamaldita pa nito na mahinang ikinatawa ko.

Napapangiti na rin si Ralph na tila natutuwa pa sa pagsusungit ni Monica habang hindi na maipinta ang mukha ni Cielo at masamang nakatitig kay Monica. Parang naniniris na ito sa kanyang isipan!

"A'right. We're go ahead. Hihintayin ko ang official niyong pagpapakasal. Best wishes in advance," nakangiting saad nito.

Makahulugan itong ngumisi sa akin bago hinawakan sa braso si Cielo na kinaladkad na palabas ng silid. Saka lang ako makahinga ng maluwag na nakalabas na ang mga ito.

"Anong ginagawa ng parot na 'yon dito? Nagpapakamot na naman ba sayo, ha?" panenermon nito.

"Dumalaw lang. Kumalma ka nga. Ang war freak mo, alam mo ba 'yon?"

"Hmft! Maganda naman," ismid nito.

Napahagikhik akong naiiling na lamang dito. Wala talaga akong panama kapag ito ang kausap e.

ILANG ARAW din ako namalagi sa hospital bago tuluyang pinalabas na ako ng mga doctor. Pinaayos ko na rin sa abogado ko ang papeles namin ni Monica.

Lihim akong napapangiti habang pino-proseso ni attorney ang papeles namin nito. Kahit naka-simpleng white long dress ito na lagpas hanggang tuhod ang manggas at light makeup ay 'di maipagkakailang napakaganda niya.

Mas maganda pa siya sa mga local actress at model dito sa bansa.

Napapalapat ako ng labi habang nakikinig kay attorney sa pangaral nito sa amin at sa pagpapalitan namin ni Monica ng vow sa isa't-isa.

"Aldrich, ha? Hwag mo akong hahalikan, ha?" bulong nito na nagbabanta ang mga mata.

"Aldrich, Monica, I now pronounce you, husband and wife. You may now, kiss the bride,"

Napangisi ako na sabihin na ni attorney ang parte na hahalikan ko na ang bride ko sa pagtatapos ng seremonya ng kasal namin at ganap na kaming mag-asawa.

Hinapit ko ito sa baywang na may ngisi sa mga labi. Namimilog ang mga mata nito na pinamumulaan na ng mukha!

"Aldrich," mahinang asik nito.

Yumuko ako na tuluyang inabot ang kanyang mga labi na ikinanigas nitong napakapit sa baywang ko!

Fvck! Ang tamis ng mga labi nitong malambot at mainit! Ni hindi manlang ito makatugon na halatang hindi pa siya marunong humalik!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 28 My Dolce Amore FINALE

    ALDEN:MAPAIT AKONG NAPANGITI habang inaayos ang sarili ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Lara. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.Naging stable na ang lagay nila ni Andrea. At hinihintay na lang namin ang paggising nila. Sana nga. Sana nga magising na sila.Namumuo ang luha ko habang nakaharap sa salamin na inaayos ang sarili ko. Napag-usapan namin ng pamilya ko at nila Mommy Lira na ituloy ang kasal namin. Kahit wala pa ring malay si Lara. Panay ang buga ko ng hangin habang hinihintay dumating ang pari na siyang magkakasal sa amin ni Lara. Dito lang din sa kanyang recovery room kami magpapakasal. Walang media. Walang ibang bisita. Kami-kami lang na pamilya at mga malalapit na kaibigan ang siyang saksi sa aming pag-iisang dibdib sa pangalawang pagkakataon.Naipagtapat ko na rin sa pamilya namin ni Lara na mag-asawa na talaga kami nito. Bago ako umalis papuntang Canada ay kumuha na kami ng papel namin bilang mag-asawa. Hindi naman tumutol ang pamilya namin sa nagin

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 27 First Love

    LARA:PUNO NG GALAK ANG puso ko sa gabing ito na nasa tabi ko lang si Alden. Hawak ang kamay ko na marahang pinipisil-pisil iyon. Hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi at ang kakaibang kislap sa mga mata ko.At 'yon ay dahil sa isang tao. Si Alden.Matapos akong kantahan ng birthday song ay sumunod ang 18th roses kung saan isasayaw ako sa gitna ng bulwagan. Unang-una talagang lumapit si Aldrich na ikinaniningkit ng mga mata ni Alden dito at halos hindi bitawan ang kamay ko."Chill, dude. Sasayaw lang kami," tudyo nito na may ngisi sa mga labi.Marahan kong napisil ang kamay ni Alden na ikinabaling ng paningin nito sa akin. Matamis akong ngumiti na marahang tumango. Nagpapaalam na sasayaw na muna kami ni Aldrich. Malalim naman itong napabuntong-hininga bago dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Habang sumasayaw kami ng sweetdance ni Aldrich ay panaka-naka kaming napapasulyap kay Alden na matamang kaming pinapanood. Sinasadya tuloy ni Aldrich na asarin itong ikinalulukot ng gwapo

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 26 Past

    LARA:HINDI KO ALAM kung gaano na kami katagal ni Andrea na nasa malawak na disyertong kinaroroonan namin. May mga pagkakataon na nakakarinig pa rin kami ng boses ng pamilya naming kinakausap kami. Maging si Alden.Pero katulad ng dati ay hindi naman namin mahanap-hanap ang daan pabalik. Dahil kahit anong paglalakad ang gawin namin ay para namang hindi kami nakakausad.MAPAIT AKONG napangiti na nakatitig sa wedding ring ko. Tumabi naman si Andrea sa akin na napatitig din sa kamay ko."A promise ring?" tanong nito.Umiling ako na may pilit na ngiti sa mga labi. Bahagya namang nangunot ang noo nito sa akin."Wedding ring.""Wedding ring?" ulit nito na mas lalong nangunot ang noo."Yeah," tumatango-tangong sagot ko."Wait, I thought, you two--""We're already married, Andrea. Bago siya nagtungo noon sa Canada ay nagpakasal kami ni Alden sa civil. Kaya naman pala ganun na lamang ang kagustuhan naming magpakasal muna bago magkakalayo. Dahil ganito ang mangyayari," sagot ko na ikinatigil ni

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 25 Coma

    ALDEN:PARA KAMING pinagsakluban ng langit at lupa habang hindi nilulubayan ng mga doctor na nire-revive si Lara at Andrea! Nakasalampak ako sa sahig habang yakap-yakap ni Mommy Lira na humahagulhol na ring nakamata sa magkapatid. Napayuko ako na patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko siya kayang panoorin na lang. Hindi ko kayang makita kung paano nahihirapan na si Lara para lumaban! Hindi ko kaya.PERO MULI kaming nabuhayan ng loob ng biglang tumunog ang machine!"Doc, bumalik ang pulso nila!" Sigaw ng nurse na ikinatayo namin ni Mommy Lira habang magkayakap. Hilam ang mga mata na napatitig sa dalawa at kita ngang tumutunog ng muli ang monitor. Napapahid kami ng luha nila Mommy na nagkayakapan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makitang pataas na ng pataas ang rate nito. Maging sina Mommy at Daddy ay kitang nabuhayan ang loob na nakamata sa dalawa.Bakas ang pagod sa dalawang doctor na umaasikaso kina Lara at Andrea pero may ngiti sa mga labi

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 24 Flat line

    ALDEN:PARA AKONG matatakasan ng bait na paulit-ulit nagfa-flat line ang heart beat ni Lara sa monitor. Kahit paulit-ulit siyang nare-revive ng mga doctor ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko! Maging si Andrea ay paulit-ulit din nagfa-flat line ang heart beat na tila kung anong nararamdaman ng isa? Mararamdaman din ng isa. Kaya naman paulit-ulit ding nahihimatay si Mommy Lira na nakikita ang kambal nitong nag-aagaw buhay!LUMIPAS ANG mga araw na nanatili sa ICU si Lara at Andrea. Pareho pa ring alanganin ang lagay. Critical pa rin ang mga ito at walang kasiguraduhan na makakaligtas sila. Kaya naman pinayuhan na kami ng mga doctor na ihanda ang sarili sa maaaring sapitin ng dalawa. Ang mga aparatus at machine na lang kasing nakakonekta sa kanilang katawan ang nagdudugtong ng kanilang buhay. Na kung hindi na nila kayanin ay tuluyan na silang mawawala sa amin.Bagay na kinakatakot ko.Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala sa akin sa gantong paraan. Mas kakayanin ko pang mapunta s

  • HUSBAND IN LAW [ALDRICH DI CAPRIO SERIES1]   Chapter 23 Twin sister

    LARA:NAPANGITI AKO na maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Dahan-dahan akong napadilat mula sa tila kay haba-habang pagkakaidlip ko.Napakunotnoo ako na maigala ang paningin sa piligid! Mag-isa lang kasi ako dito sa tila disyerto na wala manlang akong matanaw maski ano!Puro buhangin lang na pino at kulay puti ang nakikita ng mga mata ko. Mataas ang sikat ng araw pero nakakapagtakang wala akong madamang gutom, uhaw, pagod o kahit ang mainit na sikat sana nitong tumatama sa akin!Kinilabutan ako sa hindi ko malamang dahilan. Dahan-dahang tumayo na iginala ang paningin sa paligid. "Nasaan na ba kasi ako? Paano ako nakarating sa lugar na ito?" magkasunod kong tanong sa sarili.PALAKAD-LAKAD ako sa walang hanggang disyerto. Hindi ko na nga alam kung saang direksiyon ang tatahakin ko. Natigilan ako na sa 'di kalayuan ay may natanawan akong babae. Nakatalikod ito sa gawi ko. Mahaba ang buhok nito na nakalugay. Abot hanggang kanyang baywang na unat na unat. Katulad ko ay nakaputing b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status