LOGINPinakasalan ni Monica Aguilar ang young master nito para maisalba sa kahihiyan na nakaniig ang isang babaeng may asawa na pala! Mapapatino nga kaya ng inosenteng dalaga ang womanizer nitong asawa? Para tigilan na siya ng babae at ang asawa nito ay pinakasalan ni Aldrich Di Caprio ang kanyang Yaya na si Monica Aguilar na para na niyang nakababatang kapatid. Paano kung matapos na ang kontrata nila? Magagawa nga kayang pakawalan pa ni Aldrich ang asawa kung sa ilang buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa ay natutunan na niya itong, mahalin bilang kanyang ......asawa.
View MoreALDEN:MAPAIT AKONG NAPANGITI habang inaayos ang sarili ko. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Lara. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.Naging stable na ang lagay nila ni Andrea. At hinihintay na lang namin ang paggising nila. Sana nga. Sana nga magising na sila.Namumuo ang luha ko habang nakaharap sa salamin na inaayos ang sarili ko. Napag-usapan namin ng pamilya ko at nila Mommy Lira na ituloy ang kasal namin. Kahit wala pa ring malay si Lara. Panay ang buga ko ng hangin habang hinihintay dumating ang pari na siyang magkakasal sa amin ni Lara. Dito lang din sa kanyang recovery room kami magpapakasal. Walang media. Walang ibang bisita. Kami-kami lang na pamilya at mga malalapit na kaibigan ang siyang saksi sa aming pag-iisang dibdib sa pangalawang pagkakataon.Naipagtapat ko na rin sa pamilya namin ni Lara na mag-asawa na talaga kami nito. Bago ako umalis papuntang Canada ay kumuha na kami ng papel namin bilang mag-asawa. Hindi naman tumutol ang pamilya namin sa nagin
LARA:PUNO NG GALAK ANG puso ko sa gabing ito na nasa tabi ko lang si Alden. Hawak ang kamay ko na marahang pinipisil-pisil iyon. Hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi at ang kakaibang kislap sa mga mata ko.At 'yon ay dahil sa isang tao. Si Alden.Matapos akong kantahan ng birthday song ay sumunod ang 18th roses kung saan isasayaw ako sa gitna ng bulwagan. Unang-una talagang lumapit si Aldrich na ikinaniningkit ng mga mata ni Alden dito at halos hindi bitawan ang kamay ko."Chill, dude. Sasayaw lang kami," tudyo nito na may ngisi sa mga labi.Marahan kong napisil ang kamay ni Alden na ikinabaling ng paningin nito sa akin. Matamis akong ngumiti na marahang tumango. Nagpapaalam na sasayaw na muna kami ni Aldrich. Malalim naman itong napabuntong-hininga bago dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Habang sumasayaw kami ng sweetdance ni Aldrich ay panaka-naka kaming napapasulyap kay Alden na matamang kaming pinapanood. Sinasadya tuloy ni Aldrich na asarin itong ikinalulukot ng gwapo
LARA:HINDI KO ALAM kung gaano na kami katagal ni Andrea na nasa malawak na disyertong kinaroroonan namin. May mga pagkakataon na nakakarinig pa rin kami ng boses ng pamilya naming kinakausap kami. Maging si Alden.Pero katulad ng dati ay hindi naman namin mahanap-hanap ang daan pabalik. Dahil kahit anong paglalakad ang gawin namin ay para namang hindi kami nakakausad.MAPAIT AKONG napangiti na nakatitig sa wedding ring ko. Tumabi naman si Andrea sa akin na napatitig din sa kamay ko."A promise ring?" tanong nito.Umiling ako na may pilit na ngiti sa mga labi. Bahagya namang nangunot ang noo nito sa akin."Wedding ring.""Wedding ring?" ulit nito na mas lalong nangunot ang noo."Yeah," tumatango-tangong sagot ko."Wait, I thought, you two--""We're already married, Andrea. Bago siya nagtungo noon sa Canada ay nagpakasal kami ni Alden sa civil. Kaya naman pala ganun na lamang ang kagustuhan naming magpakasal muna bago magkakalayo. Dahil ganito ang mangyayari," sagot ko na ikinatigil ni
ALDEN:PARA KAMING pinagsakluban ng langit at lupa habang hindi nilulubayan ng mga doctor na nire-revive si Lara at Andrea! Nakasalampak ako sa sahig habang yakap-yakap ni Mommy Lira na humahagulhol na ring nakamata sa magkapatid. Napayuko ako na patuloy ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko siya kayang panoorin na lang. Hindi ko kayang makita kung paano nahihirapan na si Lara para lumaban! Hindi ko kaya.PERO MULI kaming nabuhayan ng loob ng biglang tumunog ang machine!"Doc, bumalik ang pulso nila!" Sigaw ng nurse na ikinatayo namin ni Mommy Lira habang magkayakap. Hilam ang mga mata na napatitig sa dalawa at kita ngang tumutunog ng muli ang monitor. Napapahid kami ng luha nila Mommy na nagkayakapan. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na makitang pataas na ng pataas ang rate nito. Maging sina Mommy at Daddy ay kitang nabuhayan ang loob na nakamata sa dalawa.Bakas ang pagod sa dalawang doctor na umaasikaso kina Lara at Andrea pero may ngiti sa mga labi


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.