Habang nakaupo si Hara sa kubo na nasa likod ng mansyon ay lumapit dito si Xandro. Alam ng binata na nalulungkot si Hara ng mga oras na iyon dahil kaaalis lang nina Klein at Carol.
"Galit ka pa ba sa akin?" tanong n'ya sa dalaga habang tinatantya ang nararamdaman nito .
"Hindi naman ako galit sayo," ngumiti ito. "Sobrang naging emotional lang talaga ako kahapon. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Sorry kung nasigawan kita."
"Ay sus, ayos lang iyon. Alam mo namang love kita. Huwag ka nang sumimangot diyan," nagpapa-cute na wika ng binata.
Matagal na hindi umimik ang dalaga wari'y iniisip ang sasabihin niya kung tama ba o mali. Maya-maya ay nagsalita na ito ngunit medyo pabulong lang.
"Xandro, wala ka bang naaalala tungkol sa sarili mo?"
"Meron naman, kaunti," pagsisinungaling ng binata.
"Tulad nang..." Umangat ang mukha ni Hara para matingn
Hindi makapaniwala si Hara sa mga sinabi ni James. Subalit gusto niyang paniwalaan na isa nga itong dating kaibigan. Gusto niyang alalahanin kung sino ba talaga ito sa buhay niya. Masakit man o hindi ang matuklasan niya ay handa na siya. "Hara, bakit ang tagal mo? Nag-alala ako sa iyo kaya sinundan na kita," tinig iyon ni Xandro. "May nakita kasi akong dating kaibigan. Hindi mo ba s'ya nakasalubong dito?" "Sino? Dalawa kasi ang labasan dito. Baka doon siya lumabas sa kabila kaya hindi ko siya napansin." "Iyong lalaking nakita ko sa mall, kaibigan ko pala s'ya dati. Hindi ko nga lang siya maalala," kwento ng dalaga. Napakunot ang noo ng binata. Alam niyang marami pa siyang dapat malaman sa dalaga pero nakapagtataka na ganoon ang epekto ng isang dating kailbigan sa kasintahan niya. Base sa ginawa niyang research ay palakaibigan talaga si Hara noong nag-aaral p
Unti-unting pinoproseso ng isip ni Hara ang mga nalaman niya mula kay James. Ayaw niyang maniwala na totoo ang mga sinabi nito ngunit may bahagi ng utak niyang nagsasabi na pakinggan ito."Wala na pala dito 'yong mga pulis na humawak ng kaso n'yo dati." Pagpasok ay iyon agad ang sinabi ni Xandro. Hindi na niya inurirat pa ang dalaga tungkol sa kausap nito. Gusto niyang irespeto ano man ang kagustuhan ng kasintahan niya. Kung ayaw ni Hara na sabihin iyon sa kaniya ay hndi niya ito pipilitin."Paano silang nawala?" nagtatakang tanong ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan niya kaya gusto niyang alamin ang buong detalye."Namatay na raw yung isa dahil sa atake sa puso. Iyong isa naman daw ay na-promote na at nailipat ng destino sa Maynila," palianag ni Xandro.
Dahil nakikita ni Xandro na stress si Hara noong mga nakaraang araw at Linggo naman kaya nag-isip ang binata ng pwedeng gawin upang mapasaya ang dalaga.Nagtungo s'ya sa talon at naghanap ng mga pwedeng gamitin. Dahil sa pagtira niya sa hacienda ay natuto na siya ng mga gawain ng mga magsasaka kaya determinado siyang matapos ang nasa isip niya. Alam niyang magugustuhan iyon ni Hara kaya insperado siya kahit napakainit at tagaktak ang pawis niya.Gumawa siya ng kubo sa kabilang bahagi ng talon. Alam niyang matutuwa ang dalaga kapag nakita iyon. Nilagyan pa niya iyon ng unan, kumot at banig para kung sakaling gusto ng dalaga na magpahinga roon ng hapon ay makakatulog ito ng maayos."Hara, tara sa talon!" yaya niya sa dalaga. Nakita niya itong nakaupo lang sa ilalim ng puno at nagbabasa. Mag-isa la
Bumili muna si Xandro ng mga pasalubong. Pihikan kasi ang nakababatang kapatid kaya pinili niya ang mga paborito lang talaga nito. Labis siyang nasasabik sa kapatid kaya gano'n na lang ang bilis ng mga hakbang n'ya.Pagkababa ng sasakyan ay nag-door-bell ang binata sa gate ng isang malaking bahay. Dalawang oras lang ang layo nito mula sa Hacienda Del Puedo ngunit kahit gano'n ay ngayon n'ya lang muling nabisita ang lugar na ito. Sobra s'yang naging abala kay Hara kaya alam niyang malaki ang magiging tampo ng kapatid niya kapag nalaman na nasa malapit lang pala siya ngunit hindi niya ito nabisita."S-Sir Jeric? Kayo nga! Kumusta na kayo?" tuwang-tuwang salubong kay Xandro ng katulong na nagbukas ng malaking gate ng bahay nila."Maayos naman po ang lagay ko. Ito gw
Nakasimangot si Hara sa may bintana habang tinatanaw ang dumating na si Xandro. "Ang lokong ito, nagpakipot lang ako sandali iniwan na ako kaagad. Oh, Lord patawarin mo ako. In-love na yata talaga ako."Nagsuklay sandali ang dalaga, naglagay siya ng kaunting pulbos at tiningnan niya sa salamin ang sarili kung maayos ba ang itsura niya bago harapin ang binata. Gusto niyang salubungin ito. Aaminin nya, na-miss niya ang kasintahan sa maghapong hindi ito nakita.Excited na lumabas ng kwarto niya si Hara ngunit bago pa siya makababa ng hagdanan ay nakita niyang nakayakap na si Mia kay Xandro. Kumulo ang dugo ng dalaga sa nakikita niya. Tingi ng dalaga ay nananadya ang mga ito kaya lalong umusok ang ilong niya."Ehem…" sinadya niyang iparamdam sa dalawa ang presensya niya. Nagagalit siya, teka nagseselos nga ba siya? Hindi mabatid ni Hara. Ang alam lang niya ay hindi niya gusto ang kaniyang nakita.
Maagang gumising si Hara. Madilim pa kaya tiyak na walang makakapansin sa kaniya. Mga katulong pa lang ang gising at naghahanda ng pagkain ang nakakita sa kaniya. Nagbalot ng sarili niyang makakain ang dalaga. Hindi niya ipinakita iyon sa mga takot pa rin sa kaniyang kasambahay.Lihim niyang kinuha ang kaniyang paboritong kabayo. Walang kaingay-ingay sa paligid dahil na rin sa tulog pa ang karamihan sa mansyon. Kung may mga gising man ay nananatili pa sa kanilang mga silid.Walang paalam na umalis ng mansyon si Hara. Ayaw muna niyang magtrabaho kasama si Mia. Hindi niya rin alam kung paano haharapin ngayon si Xandro dahil kagabi pagkatapos niyang umiyak habang yakap nito ay biglang iniwan niya ang lalaki.Galit rin ang lolo niya at tiyak baka pati ang papa niya ay gano'n din. Gusto niyang takasan pansamantala ang kaniyang paligid. At sa talon lamang siya makakahanap ng kapayapaan sa ngayon."Hays, ang gulo n
Masayang ninanamnam ni Hara ang lamig ng sariwang tubig. Kahit katanghaliang tapat ay presko ang dulot nito sa kanyang katawan. Maging ang isip niya ay nakakalma rin ng bawat agos nito.“Whooh! Lola, mama, bumalik na lang kaya ako ng kumbento? Pakiramdam ko ay lalo akong nagkakasala habang narito ako sa hacienda,” sigaw ng dalaga. “Nakakapagod na! Gustong-gusto ko kayong bigyan ng katarungan pero wala pa nga akong nasisimulan, gumagawa na sila ng actions. Alam kong sinadya ang aksidenteng iyon ni papa. Ah, hindi ako susuko!” parang baliw na kinakausap ng dalaga ang sarili niya.Paulit-ulit na nilangoy ni Hara ang tubig mula sa pampang na kinaroroonan niya patawid sa kabilang bahagi. Gusto niyang mapagod hanggang sa humina ang katawan niya para makatulog siyang muli. Marami siyang dalang pagkain kaya hind
Walang imik si Hara pagkatapos niyang isuot ulit ang mga nagkalat na niyang mga damit. Umiiwas siya kay Xandro dahil nahihiya siya sa binata. Ang init ng katawan na kanina ay dumarang sa buo niyang pagkatao ay nawala na. Tiningnan niya ang sahig kung saan naganap ang malupit na digmaan at nakita n'ya roon ang kulay pulang mantsa."Galit ka ba?" tanong ng binata."Hindi. Ginusto ko naman iyon eh." Mahinang sagot niya. Hindi matapunan ng tingin ni Hara ang binata dahil sa hiyang nadarama. Mukha kasi siyang nakawala sa hawla kanina. Kahit iyon ang unang beses niya ay hindi iisipin ng sino man na nagsasabi siya ng totoo dahil dinaig pa niya ang toro sa tindi niyang maglaro ng batuta."Mahal kita," malambing na sabi ng lalaki habang nakayakap sa nakatalikod na dalaga."I love you too. Magbihis ka na kasi naasiwa ako." Hindi napigilang sabihin ni Hara. Nararamdaman niya kasi ang pagkalalaki nit