เข้าสู่ระบบ“Alam n’yo po ba kung paano mamatay ang isang kaluluwa na buhay pa?”
Napatigil siya, nagulat sa tanong. “Paano?”“’Yung alam mong wala ka nang makikita… wala ka nang maririnig... pero kailangan mo pa ring huminga.”
Mabigat ang bawat salita ni Lorie, parang hinugot sa kailaliman ng sugatang puso. “Gano’n po ako ngayon.”Hindi nakapagsalita si Fernan.
Ngunit sa loob niya, may biglang namuong pangako hindi lang bilang isang prosecutor, kundi bilang isang lalaki. Hindi kita hahayaan, Lorie. Hindi habang ako si Fernan James. Araw-araw, dumadalaw si Pia Curry sa ospital. Lagi niyang kasama ang anak na si Jason, bitbit ang mga prutas, bulaklak, at matatamis na ngiti na kayang linlangin kahit ang pinakamasakit na kaluluwa.Sa bawat pagpasok nila sa silid ni Lorie, tila mas lalong nagiging bahagi sila ng kanyang mundo.
Isang mundong puro puti, malamig, at walang liwanag.“Lorie, anak,” mahinahong sabi ni Pia, ang tinig ay tila musika sa gitna ng dilim.
“Ang ganda mo pa rin kahit ganito. Alam kong kaya mong malagpasan lahat ng ito. Ang mahalaga, buhay ka.”Pilit na ngumiti si Lorie.
Sa kabila ng hapdi at pagkawala, ramdam niya ang init sa tinig ng ginang. “Tita Pia, salamat po sa lahat. Parang kayo na po ang pangalawang ina ko.”Sandaling nagtagpo ang tingin nina Pia at Jason isang tahimik na kasunduan, isang lihim na hindi kailanman mababasa ng babaeng hindi nakakakita.
Lumapit si Jason, dahan-dahan, parang ayaw makalikha ng ingay sa pagitan nilang dalawa.
“Lorie...” bulong niya, mababa at puno ng emosyon. “Every time I see you like this, gusto kong ako na lang sana ang nasaktan.”Hinaplos niya ang kamay ni Lorie.
Mainit. Malambot. Walang alam. At sa haplos na iyon, nagsimulang gumuhit ang panlilinlang.“Jason...” mahinang sabi ni Lorie, nanginginig ang tinig.
“Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman ginusto ang nangyari.”Ngumiti si Jason, ngunit malamig ang ngiting iyon
isang ngiting hindi abot ng kanyang boses. Sa ilalim ng kanyang malumanay na tinig ay ang kasinungalingang unti-unting lumalason sa puso ni Lorie.“Hindi lang ‘yon, Lorie...”
Huminga siya nang malalim, sinadya ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. “Matagal ko na sanang gustong sabihin...” Tumigil siya, tila nag-aalangan isang eksenang sadyang nilalaro para magmukhang totoo. “...na mahal kita.”Parang tumigil ang oras.
Ang bawat pintig ng puso ni Lorie ay kumalabog sa kanyang tenga, parang paalala ng mga damdaming pilit niyang iniiwasan.
Hindi niya nakikita ang mukha ni Jason, pero dama niya ang panginginig ng boses nito ang init ng palad, ang bigat ng mga salitang hindi niya inaasahan.“Jason... wag ngayon, please.”
Pakiusap iyon ng pusong pagod, sugatan, at naliligaw. “Hindi ko pa kaya...”Ngunit hindi tumigil si Jason.
Lumapit pa siya, halos idikit ang labi sa tenga ng dalaga. “Hindi ko hinihingi na mahalin mo ako ngayon, Lorie. Pero gusto kong malaman mong hindi kita iiwan. Kahit kailan.”At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Lorie na may kumapit sa kanya sa gitna ng kadiliman.
Isang kamay na akala niya’y magdadala ng liwanag ngunit sa katotohanan, iyon ang kamay na magtutulak sa kanya sa bangin.Sa labas ng pinto, nakamasid si Pia.
Tahimik, nakatayo, nakikinig sa bawat salitang binibitawan ng anak. At sa dulo ng kanyang mga labi, sumilay ang ngiti ng tagumpay.“Good job, my son,” bulong niya sa sarili.
“Unti-unti na nating nabubulag hindi lang ang kanyang mga matakundi pati ang kanyang puso.” Sa isang tahimik na hallway ng St. James Hospital, naroon si Pia Curry, hawak ang cellphone, nanginginig ang kamay habang tinatawagan si Amor.“Amor… may problema tayo,” bulong niya, halatang kinakabahan.
“Yung pulis na si Franco — ‘yung batang prosecutor na madalas bumisita kay Lorie na nagtanong na naman tungkol sa aksidente. Duda siya. Sinabi niyang may nakita raw na kakaibang marka sa gulong ng sasakyan ng mga Philip!”Sa kabilang linya, mabilis na sumagot si Amor, halatang nabalisa.
“Damn it, Pia! Hindi ba’t sinabi ko na ayusin niyo ‘yan? Ayokong may umaamoy sa ginawa natin!”“Ginagawa ko na ang lahat, Amor,” mariin ni Pia. “Pero kung patuloy na mag-iimbestiga ‘yung Franco na ‘yan, baka malaman ni Lorie ang totoo!”
Tahimik.
Ilang segundo bago muling nagsalita si Amor. “Okay, I’ll handle this.”Agad niyang dinial ang number ng isang dating kaklase ngayon ay hepe ng pulisya.
“Pre,” wika ni Amor sa mababang tinig, “may favor ako. Alam kong busy ka, pero kailangan ko ‘to. Yung batang si Franco, ‘yung naka-assign sa kaso ng mga Philip gusto kong ipalipat. Ngayon din.”“Ha? Bakit?” tanong ng hepe. “Magaling ‘yon ah.”
“Hindi mo na kailangang malaman ang dahilan. Basta isipin mo na lang may isang inaanak akong babae, si Lorie. Blind, traumatized, at ayokong mastress. Lagi siyang iniistorbo ni Franco. Naiiyak na raw tuwing nakakausap siya.”
“Ahh…” ngumiti ang hepe sa kabilang linya. “Gusto mong ilayo sa kaso?”
“Exactly.”
“Consider it done, Amor. Sa susunod na linggo, idedestino siya sa Cebu.”Lumawak ang ngiti ni Amor. “Good. Malaking utang na loob ‘to, pre.”
At bago pa niya ibaba ang tawag, pumasok sa opisina si Pia kasama si Jason, dala ang mamahaling alak.
“Problem solved,” sabi ni Amor habang tinitingnan ang mag-ina. “Franco’s out. By next week, Cebu na siya madedestino.”Natawa si Jason, may halong kayabangan. “So wala nang istorbo sa plano natin?”
“Wala na,” tugon ni Amor, sabay sabong ng alak sa baso.
“Ngayon, focus tayo sa susunod na hakbang kay Lorie.” Ilang araw makalipas.Ang araw ng discharge ni Lorie.
Nasa wheelchair siya, nakasuot ng itim na shades, at marahang tinutulak ni Jason palabas ng silid. Kasunod si Pia, abala sa pag-aayos ng mga papeles, abot hanggang tenga ang ngiti.Pagdating nila sa lobby, naroon na si Amor Curry, matikas, naka-dark suit, at may bitbit na bouquet ng lilies.
“Lorie,” bungad niya, habang kunwaring may lambing sa tinig, “how are you feeling now, iha?”Nakangiti si Lorie, kahit halatang pagod.
“Uncle Amor… okay na po ako. Salamat po sa pagpunta.”Umupo si Amor sa tabi niya, kunwaring may kalungkutan sa mukha.
“Lorie, gusto ko lang linawin ang lahat. Yung mga issue tungkol sa kumpanya ng papa mo puro allegations lang ‘yon. Mga taong naiinggit lang sa akin. Ni hindi tuloy nalaman ng daddy mo ang tunay na nangyari.”Nagsalubong ang kilay ni Lorie.
“Pero… Uncle, may mga dokumento raw na nagsasabing..”Ngumiti si Necy, isang ngiting mapanganib.Dahan-dahan nitong hinaplos ang dibdib ni Jason, marahang pinaikot ang daliri sa balat nito na parang nanunukso.“Sigurado ka ba diyan, Jason?” aniya, mahinang tinig pero may lason. “Baka pag dumating ang oras na ‘yon… hindi mo na siya kayang iwan. Baka matutunan mong mahalin ang babae na dapat mo lang gamitin.”Mariin ang tingin ni Jason, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may piraso ng pag-aalinlangan.Ngumisi siya, pilit. “Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, Necy.”Hinawakan niya ang baba nito, at sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi—mapusok, marahas, puno ng lihim na kasinungalingan.Sa kabilang silid, si Lorie ay nakahiga pa rin sa dilim.Ang mga luha ay patuloy na dumadaloy sa mga mata niyang hindi na nakakakita.Ang bawat hikbi niya ay parang kaluskos na ayaw pakinggan ng sinuman.Ni hindi niya alam, sa kabila
Huminga nang malalim si Jason. Sa sandaling iyon, parang gusto niyang tumakbo palayo, ngunit imbes ay hinaplos niya ang pisngi ni Necy.“Hindi ako nagsisisi,” aniya. “Pero kung sakaling mabuko tayo… alam mong lahat tayo, luluhod.”Ngumiti si Necy isang ngising demonyo sa balat ng isang anghel.“Hindi tayo mabubuko,” bulong niya. “Si Lorie? Masyadong mabait. Masyadong bulag sa literal at sa emosyon. Kaya mo siyang paikutin kahit kailan mo gusto.”Bago pa makasagot si Jason, biglang hinalikan siya ni Necy mariin, mapusok, parang lason.Ang bawat halik ay sumpa, bawat haplos ay paalala ng kasalanan.Ang kamay ni Necy ay gumapang sa kanyang dibdib, habang ang sigarilyo ay nahulog sa sahig nagliyab ng munting apoy, tulad ng apoy ng kanilang pagkasala.“Necy…” bulong ni Jason, halos mawalan ng boses.“Hmm?” sagot ni Necy, habol-hininga.“Kung malaman ni Lorie ‘to…”“Then let her,” sabi ni Necy, malamig. “Let her break. Let her feel what it’s like to be blind not just by eyes but by lov
Lumingon si Amor, hindi makapaniwala sa narinig.“So you’re both gambling the company’s future for a woman?”Matigas ang kanyang tinig, punô ng pagkadismaya.“Fine, Jason. Pero tandaan mo ‘to — once this plan fails, mawawala sa’yo lahat. Hindi lang ang mana mo, pati ang respeto ko.”Napayuko si Jason, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay may bahid ng pagmamataas.“Yes, Dad. Pero hindi ako papalpak. Trust me — I know how to play her.”Samantala, sa sala, patuloy ang mabait na usapan nina Lorie at Necy.“Ang bait mo naman, Necy,” ngiti ni Lorie, habang maingat na humihigop ng gatas na inihanda ng bagong caregiver.“Para kitang kapatid. Salamat ha, kasi kahit di mo ako kilala, inaalagaan mo ako.”Ngumiti si Necy, sabay haplos sa balikat ng dalaga.“Don’t mention it, Miss Lorie. You’re too kind. Minsan nga, naiisip ko… sayang, ang dami pa sanang matututunan sa’yo.”“Sayang?” tanong ni Lorie, inosenteng nakangiti.“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”Umiling si Necy, ngiting mapait. “Wala, naisip
Ngunit umiling si Lorie, kahit bulag ito. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at pagkalito.“Jason… bakit lahat sila bigla na lang nawala?”Napasinghap ito, hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Minsan, hindi natin alam kung bakit nangyayari ang mga ganito. Pero gusto kong malaman mo, nandito ako. Hindi ka nag-iisa.”“Salamat andiyan kayo lagi di ko ito makakayan mag-isa pinagsukluban ako ng langit at ngayon bulag na ako kahit sa huling sandali hindi ko pa makita mga magulang ko..Salamat hindi kayo umaalis sa paligid ko.”Ngunit bago pa siya makasagot, dumating si Amor.“Jason,” malamig na tawag ng ama, “oras na para umalis.”Tumayo si Lorie, bahagyang yumuko. “Salamat sa pagpunta ninyo, Ninong.”Ngumiti si Amor, ngunit malamig. “Huwag mo na kaming pasalamatan, anak. Simula ngayon, ako na ang tutulong sa’yo. Kami na ang pamilya mo.”At sa kanyang mga mata, kumislap ang isang lihim na hindi pa alam ni Lorie lihim na mag-uugnay sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, sa yaman ng Philip, at
Tinitigan siya ng abogado, may alinlangan.“Sigurado ka ba, Miss Philip? Once you sign, the document becomes legally binding.”Tumango siya, kahit hindi makita ang mga matang nanlilimahid sa luha.“Yes. Gusto kong maging matatag… gaya ng itinuro nila sa akin.”At sa mismong sandaling iyon, inilapit ng abogado ang dokumento sa kanya.Hinawakan ni Lorie ang pluma, pinirmahan ang papel hindi alam na iyon ang pirma ng kanyang kapahamakan.Sa gilid ng chapel, nanatiling nakamasid si Pia, nakangiti.“Good girl,” bulong niya sa sarili.Habang si Jason, nakapamaywang, halos hindi maitago ang tagumpay sa mukha.“Soon,” sabi ni Pia, may malamig na ngiti, “magiging Curry ang lahat ng mga ari-arian ng mga Philip.”“At ako,” sagot ni Jason, “ang magiging tagapagmana ng lahat.”Ngunit hindi nila alam may mga matang nagmamasid sa dilim.Sa malayong bahagi ng kapilya, nakatayo si Franco, dating tauhan ng ama ni Lorie.Ang kanyang mga kamao’y nakasuntok, ang panga’y nakatensyon.Tahimik niyang pinan
Ilang oras ang lumipas.Tahimik na nakaupo si Jason sa gilid ng kama ni Lorie, marahang pinupunasan ang gilid ng labi nito matapos kumain.“Mom,” mahinang sabi niya, hindi tumitingin. “About the papers... kailan natin ipapakita sa kanya?”Nakasandal si Pia sa pader, mga braso’y nakatawid, malamig ang tinig.“Soon. Kapag medyo nakabawi na siya. Sa ngayon, we make her feel safe. Gusto kong umasa siya na kami ang pamilya niya.”Tumango si Jason, seryoso ang mukha.“Gagawin ko. Hindi ako titigil hangga’t hawak ko na siya sa palad ko.”Ngumisi si Pia, marahang lumapit at hinawakan ang pisngi ng anak.“Good. Remember, anak pag napaibig at nakuha mo si Lorie,makukuha natin ang lahat ng naiwan ng Philip. She’s the key.”Ngumiti si Jason, puno ng kumpiyansa.“The key... and soon, she’ll open every door I need.”Kinagabihan.Tahimik ang bar sa downtown. Sa madilim na sulok, naroon si Jason kasama ang isang babaeng may mapusok na ganda — si Necy, ang babaeng tunay niyang minamahal.“Jason,” mar







